bc

HEARTBEAT

book_age12+
8
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
heir/heiress
sweet
loser
detective
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Julie Marie Navares, isang tipikal na dalaga. Pinalipat siya ng paaralan dahil iyon ang huling kahilingan ng kanyang ama, ang magkasama sila sa iisang paaralan ng kanyang kapatid na si Christian Navares. Akala niya ang kanyang pag- aaral ay magiging tahimik, at hindi malalaman ang kanyang itinatagong sekreto na tanging ang pamilya lang niya ang nakakaalam na may itinatago siyang talento sa pagkanta, ang kanyang ikalawang katauhan kapag nasa entablado siya na kilala sa tawag na POP PRINCESS. Ano ang mangyayari kapag nalaman iyon ng kanyang kinaiinisan na tao na siyang kababata niya noon na ngayon lang sila ulit nagkita na si Mark Cielo Villanueva. Magiging tahimik pa kaya ang buhay niya, maitatago ba niya ito sa kanyang kababata noon?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
Disclaimer: Here it is! Isa sa mga kathang itinago ko sa w*****d, iniba ko lang po ito ng title. It’s a Romance Genre, but --- Teenage Romance, iniiwasan ko pong magsulat ng pangyayari na hindi akma ng edad ng mga tauhan rito. So, ayown, walang HOT SCENCES at BAD SCENES sa kwentong ito. It’s – just a story about them. Kaunting kissing scene but – not that bad. Enjoy Reading. Matagal akong nanahimik sa Dreame because of course, inaayos ko muna ang buhay ko. HAHAHA. Hindi ko rin alam bakit pinamagatan ko itong HEARTBEAT, wala na akong maisip. HAHAHA. I will update also sa isa kung kwento na nagpending at di natapos. Let’s go. ^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^ Takbo – lakad ang ginawa ni Julie na tinungo ang kwarto ng kanyang ama noon. Tinawagan siya ng kanyang kapatid na magmadali siya dahil ilang oras ay mawawala na ito sa kanila. “Daddy, Daddy, antayin mo po ako.” Mahina niyang dasal habang tinutungo ang kwarto noon. Nang nakarating na siya’y agad niyang pinihit ang doorknob at bumukas ang pinto. Hingal na hingal siya, naririnig niya lamang ang nag – uunahang pagtibok ng kanyang puso. Napapalunok – laway na lamang si Julie. “Julie, anak.” Naulinagan niyang boses, kaya naman, napatitig siya sa isang taong nakahiga sa kama noon. Nakita niya ang pagngiti na namutawi sa labi nito. “Dad.” Kaagad siyang lumapit at yumakap na lamang. Mahinang tawa lang ang narinig niya rito nang napayakap siya sa katawan nito. Tiningnan na lamang niya ito. Nakita niya ang pagbabago ng mukha nito, dahil sa sakit nitong iniinda na siyang hindi nila inaasahang mangyari sa kanilang pamilya. Hindi niya mapigilan ang luha na tumangis. “Anak, huwag kang umiyak, dapat sa paglisan ko rito’y makita ko ang masasaya mong ngiti.” Pinahid nito ang kanyang luha sa pisngi naramdaman niya ang magaspang nitong palad. “Paano ako magiging masaya kung makita kitang ganyan, Dad?” Tanong niya na humihikbi. Ginulo pa nito ang kanyang buhok. Kahit mahina ito’y yinakap siya nito at tinapik – tapik siya. “Don’t cry, wala ng papahid sa luha mo kapag nag – iiyak ka ng ganyan.” Napasabi pa nito. Umiling – iling na lamang si Julie, ayaw niyang tanggapin na mawawala ang kanyang ama. Tila ayaw niya iyon tanggapin ng isipan niya, kahit, palagi niyang naririnig na may taning na ang buhay ng kanyang ama. “Look at me, Julie.” Luhaan naman niya itong tiningnan. Hinipo ang kanyang mukha na basa ng luha. “Maging masaya ka palagi, okay?” tanong pa nito sa kanya. “Huwag kang palaging nakabusangot, huwag kang mag – t – tantrums na mag – away kayo ng kuya Chris mo.” “Humanap ka ng isang lalaking magmamahal siya nang buong – buo, I know, you don’t want to happened again na masaktan ka, but alam ko, makakahanap ka nang lalaking mamahalin ka.” Napangiti pa nito. “Isa pa anak, kapag nasa Grade Nine ka na, lumipat ka sa school ng kuya mo, para magkasama na kayong dalawa.” napasabi pa nito sa kanya. “Alam kong ayaw mo sa private school, because of that experience na naranasan mo noong bata ka pa, but I know, you’re strong about dealing bullies. Okay, anak? Iyon lang ang tanging wish ko na magsama kayo ng kapatid mo.” “Dad naman, tutuparin ko iyon, pero – pero, huwag mo naman kaming iiwan dito, gagawin ko ang sinabi mo na mag – aaral ako sa private pero—pero dapat nandoon ka.” Umiling – iling pa ito. Napansin nito na hinahabol nito ang paghinga. “D – Dad are you okay?” nilibot niya ang paningin niya. Nakita niya ang kanyang ina na umiiyak sa sulok at ang kanyang kapatid na lalaki. “M – Mommy, nahihirapan huminga si Dad, t – tatawag ako ng nars.” Dali – dali niyang pinahid ang luha niya. “Chris, k – kapag wala na ako, please, take c—care of your mom and your sister, okay?” Binalingan pa nito ang kanyang kapatid. Tahimik lang ito, at tanging tango lamang ang isinagot nito. Naramdaman niyang may mga nurse na nagtungo kaagad sa kanilang ward. “Daddy.” Tawag niya rito. Hinawakan lang siya sa braso ng kanyang kapatid na tahimik na nakatingin. Ang Mommy din niya na nandoon lang sa tabi ng kanyang ama. “Dear, please take care of them, okay? I know it will be hard in your part, b – but I know you can handle it.” “Dad! Huwag ka namang magsalita nang ganyan! Lalaban ka! Alam kong lalaban ka.” Napasabi pa niya. Ngumiti lang ito sa kanya. Nakita niya kung paano pilit ni – revive ang kanyang ama noon. Hanggang unti – unting sumuko ang katawan nito. “H – Hindi--- hindi.” Tanging napasabi na lamang niya. “Kausap pa kita e, ang daya – daya, Dad.” Tanging nasabi niya, lumapit siya sa katawan nito. Naririnig din niya ang iyak ng kanyang Ina noon, halos walang paglagyan ang kalungkutan niya ngayon. Napansin na lang niyang may pumulupot sa kanya ng isang yakap. Tahimik lang ito na niyayakap siya nang mahigpit. “Time of death 4:45 pm.” Tanging narinig niya sa doctor. “D – Dad.” “D – Dad!” Sigaw niya na halos gusto niyang ilabas ang lahat nang nararamdaman niya ngayon. Inilayo siya ng kanyang kapatid sa katawan nito, nakita niyang tinabunan ng puting tela ang walang – buhay na katawan nito. Alam niyang dadalhin na ito sa morgue. Napailing – iling na lamang siya. Niyakap lang siya ng kanyang kapatid noon. Niyakap din siya ng kanilang in ana humihikbi. XXX “It’s the last wake of tito, right?” Tanging narinig na lamang niya sa kanyang kapatid noon. Tanging tango na lamang ang nakita niya sa kanyang magulang. “We need to go there, this night.” Narinig na lamang niya sa kanyang ama. Tahimik lang siyang nagbabasa ng kanyang libro noon. “Ciel, bihis ka na.” Tanging narinig na lamang niya sa kanyang kapatid. Tumango na lamang siya noon. Kaagad naman niyang sinunod ang utos ng kanyang kapatid na si Dave. Ilang minuto’y hand ana rin silang pumunta sa burol ng mga Navares, ang kanilang pamilyang Villanueva ay malapit sa pamilya ng mga Navares, kaya, nalulungkot din ang magulang niya ngayon. Tahimik lang siyang nakaupo noon sa kanilang sasakyan. He’s using his phone now, and he’s a grade eight student, kung saan din nag – aaral ang kanyang kapatid. “Hope Jesca is fine now, sobrang iyak niya noong dumalaw tayo, hindi ko rin nakita ang bunso niya noon. I bet, her youngest also is sad.” Narinig naman niyang sabi ng kanyang ina noon. “Yeah.” Matipid lang na sagot ng ama niya at nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga. “I know Jesca will be okay, she’s a strong woman, after all, right?” binalingan pa nito ang kanyang ina. Tumango lang ito at tipid na ngumiti at napabuntong – hininga na lamang. “Yeah, she’s a strong – willed woman I know.” Napasabi pa nito. Minasdan na lamang ni Cielo ang kanilang nadaraanan, hanggang nakita na nila ang tahanan ng mga Navares. It’s been a while. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Minsanan lang silang nakapupunta, kapag may mga masasayang pagtitipon lang siya nakakapunta. Napansin din ni Cielo na malungkot din ang ambiance ng tahanan na kaharap nila ngayon. May parking lot naman doon, kaya kaagad nilang pinarada ang kanilang sasakyan. “Let’s go?” Yaya naman ng kanilang magulang. Nagpatiuna na nanaog ang kanyang kapatid at sumunod naman siya rito. Nilagay na rin niya ang phone sa kanyang bulsa. May sumalubong sa kanilang isang babae. “Tita.” sabi naman ng kanyang kapatid. Pilit itong ngumiti kahit nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Kasunod nito si Chris na nakapanluksa, binati rin ito ng kanyang kapatid na si Dave. “Condolence.” Napasabi na lamang niya kay Chris, tumango lang ito. “Maupo na muna kayo.” Sabi pa nito sa kanila. Nilibot niya ang kanyang paningin, nandoon din pala ang mga kaklase nito, kumaway lang si Jonathan sa kanila at tahimik ding nakaupo ang isang lalaking katabi ni Jonathan na si Kevin. Umupo na lamang siya, nandoon din ang kaklase niyang si Jason, pinsan niyang si Kenneth, at si Joel. “Nasaan ang kapatid mo?” Tanong pa ng kanyang kapatid. Napabuntong – hininga na lamang ito. “Nagkukulong siya ngayon sa kwarto, ilang araw na rin.” Napasabi pa nito. Napatango na lamang si Dave noon. “Malapit siya kay tito, I hope she’s doing fine.” Napasabi pa nito. Kababata niya ang kapatid ni Chris, matagal na rin niya itong hindi nakikita, nakalimutan na rin niya ang mukha nito. Hindi niya close ito, dahil hindi naman ito nag – aaral sa paaralan kung saan siya nag – aaral, isa pa’y balita niya’y public school ito nag – aaral. Spoiled ito sa ama. Hindi ko na maalala, do they have a shared memories to that girl before? Napapatanong na lamang sa kanyang isipan noon. Tumayo siya, gusto na muna niyang magpahangin. “Kuya, I will go outside na muna.” Paalam naman niya sa kanyang kapatid. “Okay, bumalik ka kapag nagsimula na ang service.” Napasabi pa nito. Tumango na lamang siya noon. Sa paglalakad niya napadpad siya sa mini – harden ng kanyang tita, may nakita siyang isang babaeng nakaupo sa swing, nakasuot ito ng panluksang kasootan, hindi niya maaninag ang mukha, dahil madilim ang paligid na nandoon. Naririnig niyang nag – h – hum ito, na ang tinig nito’y puno ng kalungkutan. Hindi naman siya naniniwalang isa itong multo, dahil kailanman hindi siya naniniwala rito. “Julie, hinanap ka na ni Mom, you need to go there, tito and tita are there.” Kaagad niyang nakilala ang boses nito na si Chris. “Mamaya na kuya.” Tanging sagot naman nito sa kapatid. Napabuntong – hininga na lamang ito. “Sunod ka.” Ginulo pa nito ang buhok. Tumango na lamang ito. Mag – isa pa rin itong nakaupo sa swing. “Dad, nasaan ka sa mga stars ngayon?” Tumingala ito sa langit. Napansin ni Cielo na maraming mga bituin ngayon sa kalangitan. Narinig niya ang buntong – hininga nito. Tumayo na rin ito at tantiya niya’y papasok na ito sa loob. Siguro’y magsisimula na rin ang service kaya naman, pumasok na rin siya sa loob. Nakita niya nga itong nakabangga si Kevin. “Sorry.” Paghihingi nitong pasensya noon. “It’s okay, I bet your Julie.” Ngumiti pa si Kevin rito. Mahina itong tumango. “Pasensya na po talaga.” Paghihingi nito ulit ng pasensya. Ginulo na lamang ang buhok nito. Diretso na rin ito sa loob at sinalubong ng yakap sa ina. Ngumiti lang sa kanya si Kevin at siya naman bumalik rin siya, nakita at nasulyapan niya ito, malungkot ang mga mata nito, nasalubong niya tingin nito. Napakunot naman siya nang noo. Napatingin na lamang siya ng kanyang kapatid. “Huwag ka ng mag – comment.” Pabulong na sabi ng kanyang kapatid. “I know what you’re thinking right now.” Napasabi pa nito na ginulo ang buhok niya. Hindi na rin siya nagsalita. She really looks alike to that girl. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
475.3K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
522.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
614.4K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook