bc

What Lies Beneath

book_age16+
40
FOLLOW
1K
READ
scandal
powerful
tragedy
bxg
mystery
scary
demon
apocalypse
lies
like
intro-logo
Blurb

Siya si Nathalie Estremos isang karaniwang babae na matatawag. Bata pa siya ay pinangarap na niya na maging isang sikat na modelo. Kahit endorser ng kahit na anong produkto ay napakasaya na niya siguro. Kaya lang ay hindi siya biniyayaan ng katangkaran. Sa height niyang 4'11 ay wala na talaga siyang pag asa na makuha ang kanyang pangarap. Although maganda at maliit naman ang kanyang mukha at marami ang nakukyutan sa kanya dahil maamo ang kanyang mga mata, still hindi pa rin siya pansinin kung itatabi siya sa karamihan.

Pero dumating ang pagkakataon na mapapalapit siya sa kanyang pangarap kaya she grab it agad ng walang pagdadalawang isip. May kumuha sa kanya na maging isang PA o Personal Assistant. Nirekomenda kasi siya ng kanyang bestfriend sa isang sikat na modelo nasi Ms.Francesca Visconde o mas kilala sa nickname na Cheska dahil nangangailangan ito ng makakatulong.

Binigyan siya nito ng mga rules ang procedure at kabilin bilinan nito na maingat niyang susundin ang lahat ng mga bilin nito.

Naging masaya siya at well enjoy sa kanyang bagong mga karanasan, bukod doon ay marami din siyang mga natutuhan pa, dama din niya ang pagiging mabuting tao ng kanyang Lady Boss.

Pero kalaunan ay nagtataka siya dahil may mga bagay na kakaiba dito. Ika nga ay weird talaga, lalo na kapag nasa bahay siya nito. May pagkakataon pa na talagang naninindig ang kanyang mga balahibo sa hindi niya malaman na dahilan.

Hindi siya nakatiis kaya nasabi niya iyon sa bago niyang kasintahan na si Dom.

Magugulantang siya sa isang napakatinding sikreto na malalaman niya tungkol kay Ms. Cheska na magiging dahilan para manganib ang kanyang buhay.

Kung paano siya maiiligtas ng nobyo ay wala siyang ideya. Pero umaasa pa rin siya na makakagawa ito ng paraan.

Sana lang ay hindi mahuli ang lahat para sa kanya..

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hawak niya ang kanyang dibdib nang maendcall na ang tawag na iyon ng kanyang kaibigan na si Sheena. Malakas ang pintig ng kanyang puso dahil sa hatid nitong isang napakagandang balita sa kanya, gusto niya tuloy mag iindak sa tuwa at saya kahit na may konting kaba. Actually ay two days ago ay alam na niya iyon kaya nga agad agad ay nagpasa siya ng soft copy ng kanyang recent resume sa kaibigan niya para maibigay naman nito kay Ms. Chesca na isang sikat na modelo dito sa Pinas at maging sa buong Asia. Miski noon pa ay marami na siyang nababasa na mga article at mga pictures nito sa mga magazine. Kakaunti lamang ang mga hinahangaan niyang sikat ng artist at isa ito sa mga iyon. Kakaiba kasi ito sa lahat ng mga kilala niyang modelo, may something dito na hindi maipaliwanag at may taglay itong kakaibang karisma para sa kanya. Almost perfect iyon ang description niya sa napakagandang dilag na iyon. Kaya naman kilala ni Ms. Chesca ang kaibigan niya ay dahil matagal na sa industriyang iyon ang kanyang kaibigan, isa itong magaling na make up artist. Matagal na rin siyang sinabihan nito na gagawan nito ng paraan na maipasok din siya basta hintay hintay lang talaga siya. Kaya nga nagtrabaho muna siya sa casino bilang kahera pero hindi siya naregular doon. Kakaend of contract niya lang actually last week kaya blessing in disguise na magkakaroon na agad siya ng trabaho at iyon pang pinakahahangad niyang mapasok ang modelling career bilang Personal Assistant o PA nga lang pero okay na rin iyon para sa kanya atleast isang napakasikat na modelo  ang kanyang magiging boss. Bata pa lang siya ay pangarap na niya na maging isang sikat na modelo, at habang lumalaki at nagkakaisip siya ay nasabi niya sa sarili na kahit siguro hindi na lang siya maging sikat, kahit makapagmodel na lang siya ng mga mumurahing brand ng damit ay okay na iyon, unti unti kasi siyang nawawalan ng pag asa na matupad pa ang kanyang pangarap dahil sa isang dahilan. Hindi siya matangkad. Kung pagbabatayan kasi sa pisikal na anyo ay wala talaga siyang pag asa dahil sa height pa lang niya na 4'11 ay bagsak na bagsak na siya. Kahit pa siguro pagkaganda ganda pa niya at pagkaflowless pa nang kanyang balat, pero kulang naman sa height ay talagang mabibigo siya. Pinipilit na lang niya na maging optimistic at naghahanap siya ng way para kahit papaano ay maging malapit siya sa kanyang pangarap. At ngayon na nga ang magandang pagkakataon. Umuwe daw kasi ng probinsya ang PA ni Ms. Chesca at parang wala ng balak bumalik kaya nagpapahanap na ito nang ipapalit doon na agad naman siyang nirekomenda ng kaibigan niya. Siguro ay nabasa na nito ang kanyang resume, kaya nga after two days ay nagkaroon naman ng magandang resulta. Nalaman niya ang schedule ng kanyang interview same with orientation if ever na tanggapin na siya nito. At kinabukasan na agad iyon dahil may urgent modelling schedule ito sa Cebu City by next week at kailangan nito na makakatulong agad. They will meet daw sa Ortigas Megamall sa second floor malapit sa jewelry outlet dahil sakto na may kameeting ito doon at isasabay na rin ang pagkausap sa kanya. One o'clock sharp ay kailangan nandoon na siya dahil wala itong oras na maghintay if mahuhuli siya ng dating. Napatayo siya sa kanyang single bed, pumunta siya sa kanyang closet at maghahanap na siya ng presentable suit para bukas, syempre kailangan na magmukha siyang propesyonal, kailangan yung magiging smart look siya at ayaw din niya mapahiya sa kaibigan niya at backer pa naman niya iyon. Inilabas niya muna ang kanyang pormal bag, saka niya binuksan ang kanyang cabinet, pinili niya ang white pink niyang blouse, at pencil cut na palda, teternuhan niya iyon ng high heels na black para kahit papaano naman ay magmukha siyang matangkad. Matagal naman na niyang natanggap na wala na talaga siyang pag asa pa na tumangkad. That's life., learn how to accept imperfection and must know how to improve in other ways. Nagbasa basa din siya ng mga possible question sa google between employer and applicant, para lang may mga idea na siya at hindi siya gaanong mahirapan na sumagot. Hindi man siya ganong katalino pero hindi rin naman siya gaanong bobo kahit papaano ay gumagana din ang utak niya. Determinado siya na makapasa sa mga pagsubok ni Ms. Chesca, hinding hindi niya sasayangin ang magandang oportunidad na nakahain ngayon sa kanyang harapan. Mistula tuloy siyang nangangarap ng gising habang nakatulala sa kawalan, nakahiga siya sa kanyang kama. Minsan ay napapatawa siya, minsan naman ay napapakunot ang kanyang noo. Iniisip niya ang mga mangyayarinsa hinaharap kapag naging isang ganap na siyang PA ni Ms. Chesca, marami pa siyang makikilala na mga sikat na modelo at makakapanuod ng mga modelling show ng libre. Alam din niya na makakarating din siya sa iba't ibang lugar hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba pang mga bansa at ngayon pa lang ay super excited na talaga siya. Napakaswerte niya talaga. Nang bigla siyang magulantang sa tunog ng kanyang phone. "Istorbo! Sinu kaya ito?" Dinampot niya ang phone na nasa tabi lang niya. Nakaregister ang pangalan ni Dom. "Why ka ba tumatawag?" Kausap niya sa phone pero hindi niya sinasagot. Inilapag niya muli ang phone at tumayo, wala siya sa moodna makipag usap. Balak niyang bumaba ng bahay, masyadong mainit ang panahon at iinom siya ng malamig na tubig. Manliligaw niya si Dom, matagal na. Wala pa talaga sa isip niya na sagutin ang binata actually ay kababata niya ito at kilalang kilala na niya, alam niya na mabuting tao ito at may mga prinsipyo sa buhay, kaya kung sasagutin man niya ito ay wala na siyang dapat na ipag alala. Ang kaso ay hindi pa kasi niya priority ang pagkakaroon ng nobyo kahit na twenty three na siya. Kasi naman pinag iisipan pa niya ang mga magiging pakinabang niya sa pagkakaroon ng nobyo at wala pa siyang naiisip na reasonable reason para magkaboyfriend na siya. Nadala siya sa dalawa niyang ate na noong makipagrelasyon ay nagbago ang mga ugali. Naging masungit at malulungkutin pa, kaya tumatak sa isip niya na hindi makakatulong sa kanya kung papasok na siya sa isang relasyon, baka maistress lang siya. Ang payo ng kanyang ina ay marami pang panahon sa pag ibig at hindi kailangang pilitin. Darating at darating talaga ang nakatadhana sa isang tao sa tamang panahon kaya naging prinsipyo na niya iyon. Hindi naman niya sinusungitan si Dom, sa totoo nga ay itinuturi niya itong kaibigan. Nang pumayag siya na ligawan nito ay nagkaroon sila ng kasunduan na huwag na huwag itong mag aasume na sasagutin niya ito, una pa lang ay sinabi na niya na wala pa talaga sa isip niya ang makipagrelasyon, kaya sinabi sa kanya ng binata na willing itong maghintay. Na agad naman niyang sinegundahan na pwede itong magpatuloy sa panliligaw sa kanya at pwede rin itong huminto na kung pagod na ito at nakahanap na rin ng iba. Kinalaro niya dito na magsasabi na lang siya kapag naramdaman na niya sa sarili na gusto na niyang makipagrelasyon. Tuloy tuloy ang lagok niyang ginawa sa isang baso ng malamig na tubig, masarap sa pakiramdam ang lamig na dulot niyon sa kanyang lalamunan. "Oh anak nandito ka pala." Napalingon siya sa kanyang nanay, parang galing ito sa labas. "Oo nay, uminom ako at nakakauhaw." Sagot niya dito. "Ano yang bitbit mo nay?" Nakatingin siya sa plato na may takip. "Kila Esther anak at may handa sila, birthday ni Paul." Ang tinutukoy nito ay ang kalapit na kapitbahay nila. "Oh halika kumain ka nitong pansit habang mainit pa." Sabay lapag sa kanilang lamesa. "Ah sige nay kakain ako niyan at mukhang masarap. Ikaw din nay kain tayo." "Oo eh kaya nga kumuha ako niyan, alangan ikaw lang." Nakatawang sagot ng nanay niya sa kanya kaya tumawa din siya, kumuha siya ng dalawang platito para sa kanila. Kahit na mahigit singkwenta'y anyos na ang kanyang ina ay maloko pa rin ito, minsan nga ay ito pa ang nang aasar sa kanilang magkakapatid. Ang kwento nito, kaya daw nainlove ang kanilang tatay dito noong kabataan nito ay dahil sa saksakan ito ng kulit talaga. Masayang masaya daw ang kanilang tatay kapag magkasama silang dalawa kaya hindi na ito nagpatumpik tumpik at agad na pinakasalan nito ang kanilang ina. Pero ang malungkot na parte ay noong namatay na ang kanilang tatay last two years ago dahil sa pag atake sa puso, kasalukuyan lang silang nagtatawanan nuon, kumpleto kasi silang magkakapatid at nandoon din ang pinakapanganay nilang kuya na may asawa na, si kuya Nelson, may isa na itong anak at asawa. Nanonood sila ng comedy movie kaya puro tawanan, idagdag pa ang palakasan nilang halakhakan na magkakapatid dahil sa todo pang aasar ang ginagawa ng kanyang nanay sa tatay nila, ginagaya nito ang pinapanuod nila sa tv, nang bigla na lang itong tumumba dahil sa hindi na ito makahinga at masakit ang bahaging dibdib. Hindi na ito umabot sa ospital. "Hhmm.. Masarap itong luto ni Ester ah." Puri nito sa pansit. "Oo nga nay." Segunda naman niya. "Hingi ka pa nga duon." Sabay utos nito, kaya napakamot siya sa ulo. "Si nanay talaga oh." Wala pang alas otso ng umaga ay bihis na bihis na siya. Nagbigay kasi siya ng tatlong oras na palugit sa kanyang biyahe dahil magmumula pa siya dito sa Bagbag Novaliches at alam na alam na niya ang sasagupain na matinding trapik, kaya nakahanda siya. Hindi siya pwedeng mahuli talaga pero nasa kanya ang lahat ng choice para maging mas maaga pa sa usapan. "Wow! Ang ganda ganda naman ng anak ko., maryosep!" Napangiti siya sa puri ng kanyang nanay pagbaba niya ng hagdanan. "Kahit na maliit.!" Sabaw tawa nito. "Nanay!" Nakalabing tawag niya dito. Kung bakit kasi sa magkakapatid ay siya ang pinakamaliit samantalang matangkad naman ang kanyang tatay at mga kapatid at ang kanyang ina naman ay nasa 5'1 ang height kaya walang kasalanan ang mga ito sa pagiging ganoon niya. Ang laging sinasabi ng kanyang nanay ay hindi daw kasi siya natutulog sa hapon nung bata pa siya kaya siya ang may kasalanan kung bakit hindi na siya tumangkad pa. "Oh bakit anak? Totoo naman." Pang aasar muli nito. "Nako Nay kahit na maliit ako ay beautiful naman. Dami ko kayang manliligaw." Nakairap na sabi niya dito. "Syempre naman at mana ka sa akin, kaya dapat kang magpasalamat sa akin." Hindi talaga nawawalan ng isasagot ang kanyang ina. "Sige na Nay alis na ako." Nagpaalam na siya after niyang maisuot ang kanyang heels. "Salamat talaga at naimbento ang mga ganyang pangyapak." Komento nito dahil pagtayo niya ay nagmistula siyang mas matangkad pa sa kanyang ina. "Mag iingat ka anak at umuwe ka agad." Bilin nito. "Opo Nay." Kumaway pa siya ng nasa labas na siya ng bahay, nandoon ito sa pinto at inihahatid siya ng tanaw habang papalayo. Maglalakad na siya para makasakay ng trycicle. Naiisip niya na kapag nagkatrabaho na siya kay Ms. Chesca, sigurado siya na magiging de kotse na rin siya. Syempre, lagi na siyang nakasakay sa sasakyan nito. Napag usapan na nilang mag ina ang gagawing pag aapply niya ngayon at nasabi na rin niya ang mga possibility if ever na matanggap man siya sa inaapplyan. Pumayag naman ito kung darating ang mga pagkakataon na hindi siya makakauwe ng kanilang bahay dahil kailangan na lagi silang magkasama ni Ms. Chesca sa kung saan man ito magpunta at baka nga doon pa siya nito patuluyan nasa bahay nito para walang hassle. Alam niya na may tiwala sa kanya ang kanyang ina at kaya niya ang kanyang sarili. Isa rin sa rason niya kaya hindi pa siya nakikipagnobyo ay dahil sa mga ganoong mangyayari sa buhay niya. Ayaw na ayaw niya na may hahadlang sa mga gusto niyang mangyari, syempre kapag nakipagboyfriend na siya at hindi ito pumayag sa ganoong setup na mawawala siya, na hindi siya uuwe sa bahay nila ay magiging dahilan iyon ng pag aaway nila tapos ay maiistress pa siya ng todo gaya ng mga kapatid niya kapag kaaway ng mga ito ang kani kanilang mga nobyo. Kaya tama lang ang desisyon niya na stay single always, success is her first priority.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
479.5K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.5K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.5K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.4K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

That Night

read
1.1M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook