bc

Mr. Childish

book_age18+
46.1K
FOLLOW
200.3K
READ
billionaire
spy/agent
murder
stalker
possessive
drama
city
first love
virgin
nanny
like
intro-logo
Blurb

Labing limang taon siya ng maulila sa kanyang pamilya. Wala makapagsabi kung sino ang pumaslang sa mga ito. Akala niya ay magiging maayos na ang buhay niya sa piling ng tiyahin.

Ngunit maling akala pala. Tinanggap niya ang masasakit na pananalita at pananakit nito. Pero may hangganan ang kanyang pagtitiis. Tumakas siya sa malupit na tiyahin.

Akala niya ay wala nang tutulong sa kanya. Hanggang sa makilala niya si Zach Fuentebella. Nag-alok ito na pag-aaralin siya kapalit ng pagiging Secret Agent niya, pagsapit niya ng dalawampu't tatlong taong gulang.

Walang pagdadalawang-isip na sumang-ayon siya sa gusto ng lalaki.

Sa panibagong mundong papasukin niya. Dito na ba niya mahahanap ang kapanatagan ng kanyang puso. Dito na rin ba niya makikita ang lalaking magpapatibok sa puso niyang pihikan.

Paano, kung iba ang matagpuan niya. At ito pala'y may pagkaisip-bata. Makakaya ba niyang alagaan ang lalaking ito?

chap-preview
Free preview
Mr Childish 1
Mahimik akong nagmamasid sa loob ng casino, maraming tao ngayon gabi. Sa ilang araw kong pabalik-balik dito at pagmamasid. Napagalaman kong may magaganap na palitan ng pera at drugs. Ang masaklap pa ay illegal din ang kasinong ito, pansin kong may mga dumating na mga armado kaya naghanda ako. Bigla akong napangisi nang makita ko agad ang magiging target ko. Siya si Mr Rico Abdon. Namataan ko agad na pumasok sila sa isang kwarto, kailangan ko nang maghanda sa aking gagawin, lumapit ako sa limang mga armadong lalaki na nakabantay sa labas ng silid. "Babae, bawal ka rito, lumabas ka na roon," pagpuna sa aking ng isa sa limang armadomg lalaki. Ngumiti ako sa mga ito, iyong tipong nang-aakit ng mga lalaki. Kaya lang ay hindi tumalab ang ngiti ko, nagmamadali akong hinawakan ng isang lalaki at sapilitang hinila papalayo ng silid. Agad ko mang kinuha ang maliit na bagay sa beywang ko at mabilis kong pinindot ang button noon sa gilid. Agad na namng lumabas ang isang mabahang patalim at walang babalang winasiwas nang mabilis sa mga kalaban. Kumalat ang dugo sa paligid dahil sa pagtama ng aking sandata sa mga katawan ng mga ito. Napangisi ako, mabuti na lamang may kagamitin ang grupo namin na ganitong bagay. Ang kinabibilangan kong organisasyon ang nag-imbeto nito. Tumingin ako sa silid na pinasukan ng aking target. At walang babalang pumasok ako sa loob, nagulat ang limang lalaki nang makita ako. Tumingin ako kay Rico Abdon, ganoon din sa mga kasama nito. Nabaling din ang tingin ko sa table at nakikita ko ang pera mga druga "Sino ka babae?" tanong ni Mr Abdon. Sabihin na lamang nating guess ako sa gagawin ninyong palitan, wala naman sigurong masama sa gagawin ko, 'di ba, Mr Abdon?" tanong ko. "Ang lakas ng loob mong pumasok sa silid na ito babae, baka gusto mong mamatay ng maaga. At nakasuot ka pa ng maskara ha," nakasingin wika nito. "Remember guess ako rito, kaya kailangan may ganito akong suot, kaya umpisahan na ninyo. Para naman matuwa ako sa," wika ko sa mga ito na may kasamang pang-uuyam Pansin kong kukuha ito ng baril, kaya mabilis kong kinuha ang rope na nakalagay sa bewang ko, mabilis kong pinaikot ito paitaas sabay hagis papalapit kay Mr. Rico Abdon. Pumulupot sa pulsuhan nito ang tali, kasabay nang pagsabid ng tali ay siya mang hila ko, kaya nabitawan nito ang baril na hawak, nagulat ito sa aking ginawa, kita ko rin lumaki ang mata nito sa akin. "Y-you?" nauutal na turo niya sa akin. "Yes, ako nga!" bulalas ko. Agad itong nagsininyas sa likuran ko, kaya mabilis ang aking paggalaw, walang babalang kinuha ko ang patalim ko at pinindot ito sa gilid at lumabas muli ang mahabang patalim," kasabay nang pagwasiwas. Bumagsak ang dalawang tao mula sa likod ko. Biglang natakot ang mga dayuhan, tingin ko'y lalabas ang mag ito, kaya mabilis kong sinapa ang isang upuan patungo sa mga ito. "Paumanhin pero hindi na kayo makakatakas," sabi kong nakangisi. Sabay spray ng pampatulog sa mga ito. "Si Mr. Abdon, na lang ang natitira kaya mabilis akong lumapit dito sabay suntok sa mukha nito. Ang daming nasisirang buhay ng tao at nagiging masama, dahil sa mga katatrantaduhan ninyo!" galit na sigaw ko. Bumakas muli ang pinto at pumasok ang isang babae, tingin ko'y naka hit-hit rin ito ng druga. "Boss, ako nng bahala sa kanya, tumakas na kayo," wika ng babae. Nakita kong patakas na nga si Rico Abdon, kaya mabilis kong kinuha ang maliit kong kutsilyo sabay target sa hita nito. Narinig kong dumaing ito sa sakit. Si boss Zach na ang bahala sa kanya. Alam ko manang dumating na ito kasama ang mga tauhan. "Damn!" sigaw ko at agad na umurong papalayo sa kalaban, dahil umataki na agad ang babae nang wala man lang babala. Masamang tingin ang pinagkaloob ko rito. Ngunit isang ngumisi lamang ang sinagot ng babae. "Kinagagalak kong makalaban ang isang secret agent weapon ng bansa. At ikaw pala ang gumagamit ng katana at rope," wika nitong nakangisi. Tumaas ang kilay ko nang mag naglabas ito ng kadena. Mukhang malakas ang isang ito. "Ngayon natin malalaman kung gaano kagaling ang isang secret agent weapon ng bansa," nakangising sambit nito. Mabilis na pinaikot nito ang hawak na kadena at tingin ko'y ihahampas iyon sa akin, kaya mabilis akong tumalon paitaas, wasak ang mga nadadaan ng kadena gawa sa lakas na paghampas nito. Pinaikot nitong muli ang kadena, sabay hampas sa akin, kaya tumalon ako nang mas mataas at agad na bulusok ng paa ko patungo sa mukha nito na kina bigla rin ng babaeng kalaban ko. "Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin!" sigaw nito. Kailangan kong makipag sabayan dito, lumayo ako nang bahagya. Upang malaman ko kung gaano kahaba ang kadenang hawak nito, kailangan mahawakan ko ang dulo ng kadena. Muli nitong pinaikot ang kadena. Alam kong sa hawak laamang niyang kadena ito kumukuha nang lakas, tingin ko'y mahina ito mapag wala na iyon. Naghanda ako dahil papalapit na sa akin ang kadenang ihahampas nito sa aking katawan.Saktong paglapit sa akin ng kadena ay siyang bilis nang hawak ko sa dulo noon. Tiniis ko ang sakit sa kamay ko, lalo at malakas ang impact nito sa kawawa kong palad, walang akong sinayang na oras, mabilis kong hinila ang kadena, lakas sa lakas ang laban namin. Naagulat ang babae sa aking ginawa ko. Hindi siguro nito akalain na magagawa kong hawakan ang kadena. At buong lakas kong hinila ang ito, ngunit hindi nito binitawan kaya kasama itong nadala papalapit sa akin. "Peste ka!" sigaw nito. Hindi ko na ito binigyan ng pagkakataong makaganti pa. Agad na umigkas ang paa ko patungo sa sikmura ng babae. At ubod lakas mo iyong sinipa. Kinuha ko ang posas na aking dala-dala at nilagyan ko sa pulsuhan nito.Hinila ko siya papalabas ng silid. Upang dahil kay Boss Zach. Namataan ko agad ang aking boss. At ako talaga ang hinihintay nito. "Good Job, Agent Key Dixon. Puwede ka nang magpahinga hanggang dalawang linggo," saad ni boss Zach. "Boss sure ba na dalawang linggo ang bakasyon ko? Baka naman wala pang two weeks ay tawagan muna agad ako," wika kong nagrereklamo. "Ganoon talaga," pangangasar na sagot sa akin ni boss Zach. Nagpaalam na rin ako sa boss ko. Lalo at nalutas ko na ang kasong hawak ko. Agad akong tumalikod dito. Napangisi ako dahil malaking pera na namang ang makukuha kong bayad sa akin. Nasahukay man ang isang paa namin kapag nasa misyon kami ay wala akong pakialam doon. Ang tanging hagad ko lang ay makatulong sa bansa. At alisin ang mga salot ng lipunan. Ginusto ko ang trabaho ito. Kaya walang takot ang nakapaloob sa aking dibdib kapag makikipaglaban na. MR Childish / The Agent Series 6 Key ❤ King

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.7K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.1K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook