bc

My Possessive Professor (Owning Series 8)

book_age18+
26.7K
FOLLOW
234.2K
READ
billionaire
possessive
family
teacherxstudent
bxg
lighthearted
campus
slice of life
affair
teacher
like
intro-logo
Blurb

The obedient daughter of a senator will be owned by the possessive professor, Francoise Shawn Dedales.

Iniiwasan at takot ang lahat na lumapit kay Cierra dahil isa siyang anak ng senador na kinatatakutan ng nakararami, mapastudyante man o professor ay takot sa presenya n'ya. Araw-araw na walang pumapansin sa kanya maliban kay Minton na kaibigan niya. Nagmistulang invisible siya sa mga kaklase niya pero nang dumating ang isang professor lahat na lang magbabago.

Ang pagiging invisible niya ay mawawala ng pansinin ni Mr. Dedales ang studyante na kinatatakutan ng lahat.

chap-preview
Free preview
Prologue
Cierra Maureen's POV "Hi Francoise! Hi sir! Alam ko ang pangit ko ngayon dahil kalbo na ako." Humawak ang babae sa video sa kanyang buhok. "Pero kailangan kong magpakalbo para sa operasyon ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon pero gusto ko ng sabihin sa'yo ngayon pa lang na mahal na mahal kita. Gusto kong sabihin sa'yo na ikaw lang ang papakasalan ko kapag gumaling na ako. I miss you, sir! Sana pagbalik ko Doctor ka na—" Mabilis kong sinara ang laptop na nasa harapan ko. Hangang ngayon hindi ko pa rin matapos ang sarili kong video. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan na 'yon nagsisimulang sumakit ang ulo ko at sa tuwing pumipikit ako nakikita ko ang isang pares ng mga mata. Gusto kong maanigan ang buong mukha niya pero hindi ko talaga makita. Napahawak ako sa ulo ko at napadukdok sa ibabaw ng laptop ko. Halos isang tao ko ng pinapanood ako video na 'to simula ng magising ako sa malaking kwarto na puro aparato ng ospital ang nakapaligid sa akin. "Cierra naman! Pinipilit mo na naman ang sarili mo!' napalingon ako sa pinto at nakita ko ang isang magandang babae. Ang mama ko na may bitbit na isang baso ng gatas. "Uminom ka muna ng gatas." Inibot niya sa akin ang baso ng gatas at agad ko itong ininom at nilapag sa ibabaw ng study table ko. Wala na akong magawa sa loob ng bahay namin na tago sa lahat ng tao. Ang secret house ng papa ko kung saan kami nakatira ni mama kasama ang maraming body guard at mga katulong. Kailangan namin tumira sa ganitong bahay na malayo sa mga tao para sa kaligtasan namin. Maraming tao ang gusto kasing sirain ang pamilya ng presidente ng Pilipinas at ang papa ko ang presidente ng bansa. "Bakit ba kasi pinipilit mo na naman ang sarili mo na makaalala? Sinabi na nga sa'yo ng doctor mo na bawal mong pilitin ang sarili mo," pagpapaalala sa akin ni mama. "Mama, bakit po kasi hindi niyo na lang sa akin sabihin kung sino ba si Francoise? Kung sino ang lalaking tinutukoy ko sa video bago ako operahan?" tanong ko kay mama. Ilang beses ko ng itinatanong kay mama ang bagay na 'to dahil hindi ko talaga kayang tandaan kung sino ba talaga si Francoise. Kung sino ba siya sa buhay ko at bakit siya ang gusto kong pakasalan. "Bakit kasi hindi mo na lang siya puntaha," saad ni mama sa akin na palagi naman niyang sinasagot sa akin. Napasandal ako sa study chair ko at hinawakan ni mama ang buhok ko. Hinimas-himas niya ang buhok kong hanggang balikat lamang at kulot na kulot ito. "Gusto ko nga rin sana..." mahinang saad ko kay mama. Gusto kong alamin kung nasaan si Francoise na 'yan at makita siya. Gusto ko siyang makausap pero tuwing mananaginip ako sa gabi palagi na lang siya. Palagi na lang akong umiiyak sa panaginip ko habang sinisigaw ko ang pangalan niya sa dilim. Gabi-gabing bangungot sa buhat ko. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa aming dalawa at palagi na lang pinipiga ang puso ko sa bawat bangungot ko na sigaw ko ang pangalan niya. "Pero kasi mama nahihiya akong lumabas ng bahay," saad ko. Isang beses pa lang ako lumalabas simula ng magising ako na walang maalala kahit isa. Walang makilala at gulong-gulo sa lahat. Nadala na rin ako ng lumabas ako dahil pinagtitinginan ako ng mga tao sa sobrang daming body guard na nakasunod sa akin. "Paano mo masasagot ang tanong mo? Malay mo makatulong pa si Francoise sa pagbalik ng ala-ala mo." Napabuga na lamang ako ng hangin at napapikit. Ano ba kasing itsura niya? Bakit kasi wala siyang picture sa akin? "Mama, Ano ko po ba talaga siya?" tanong ko kay mama. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ko ba siya. Pero sa tingin ko professor ko siya dahil tinatawag ko siyang sir. Baka hinahangaan ko siya na professor kaya gusto ko siyang pakasalan. "Ayokong sabihin sa'yo. Gusto ko ikaw mismo ang umalam, anak. H'wag mong ikulong ang sarili mo sa kwarto na 'to. Kung gusto mo tumawag ka sa kanya at mag pa-appointment. Doctor na siya." Kumuha si mama ng papel at ballpen sa ibabaw ng desk at may nilagay na number doon. "Ayan ang numero ng hospital nila. Tumawag ka lang diyan at hanapin si Mr. Dedales. Walang mawawala kung makikipagkita ka sa kanya." Ngumiti sa akin si mama at bigla na lang siyang umalis. Napatingin ako sa papel na nasa ibabaw ng desk ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan ang numer na 'to pero sa huli kinuha ko pa rin ang cellphone ko. Nag-dial ako at agad kong inilagay sa tapat ng tenga ko ang cellphone. Huminga ako ng malalim sa sobrang kaba ko. "Good Morning, ma'am. Ano pong maipaglilingkod ng Rodriguez Hospital?' boses agad ng babae ang bumungad sa akin. "Ahm gusto ko sanang makausap si Mr. Dedales. Importante lang kasi kailangan kong magpa-schedule sa kanya mismo," sagot ko agad. "Pahintay na lang po, ma'am," magalang na saad nito sa akin. Hindi na lang ako kumibo pero ang puso ko parang sasabog naman sa sobrang bilis ng pagkabog nito. Muhang sobrang importante talaga ni Francoise dahil napabibilis niya ang kabog ng dibdib ko. "Hello, who's this?" Akala ko mawawalan na ako ng hangin ng marinig ko ang isang baritong boses na dahilan para mas lalo pa bumilis ang pagkabog ng dibdib ko. "Doctor Francoise Dedales?" tanong ko para makasigurado. Pero wala akong nakuhang sagot at tanging mabibigat na paghinga lang ang narinig ko. Napakagat labi ako at napatingin sa cellphone ko pero naroon pa rin naman ang kausap ko. "Doc?" tanong ko muli sa kabilang linya. Nawala ba siya ng signal? Choppy ba ako? "Ms. Celestino..." Huminga ako ng malalim at napahawak sa tapat ng dibdib ko ng banggitin niya ang madalas na itawag sa akin ng lahat. "You know me, Doc?" gulat na gulat na tanong ko. Hindi ko pa nasasabi kung sino ako pera nakikilala niya na agad. Ngayon alam ko na talagang malaki ang koneksyon ko sa kanya noon pa lang dahil mukhang na bosesan niya ako. "Pwede bang makalimutan ko ang boses ng babaeng bigla na lang nawala ng parang bula sa buhay ko?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook