bc

THE CULT BRIDE

book_age16+
259
FOLLOW
1K
READ
dark
love-triangle
possessive
student
doctor
bxg
mystery
campus
school
professor
like
intro-logo
Blurb

Isang istorya na produkto lamang ng aking imahinasyon, ano nga ba ang nakatagong sekreto ng Holy Angel University?

Sa isang magandang eskuwelahan na ang namamahala ay ang iisang pamilya lang. Malawak, matatayog na mga puno at mababangong bulaklak ang nagpaganda sa eskuwelahang ito. Ngunit sa likod ng magandang unibersidad ay may sekreto pa lang nakatago. May bigla na lang mawawalang estudiyante, may mababaliw, at may namamatay sa hindi alam na kadahilanan. Paano kung ikaw at ang mga kaibigan mo ang susunod na mabiktima?

Ano ang gagawin mo kung malalaman mong mga KULTO pala ang nagmamay-ari ng eskuwelahang ito?

Ano ang kaya mong gawin upang mailigtas ang mga kaibigan mo at ibang estudiyante sa eskuwelahang ito?

Kaya mo bang magpakasal sa isang KULTO?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 : WELCOME TO HOLY ANGEL UNIVERSITY
KYRHEIN POV "Ky anak, napa enroll ka na namin sa University na papasukan mo." Bungad sa akin ni mama. Nasa kusina kami at naghahanda ng hapunan. "Talaga ma! Saan po.? " Natutuwang tanong ko. "Sa Holy Angel University anak. Mababa lang kasi ang tuition fee at libre ang pagtira sa dorm nila pati na rin ang pagkain. Nakakatuwa nga ang eskuwelahan na iyon, bihira lang ang ganiyan." Sabi ni mama. Napa isip naman ako sa mga sinabi niya. Napakabihira nga talaga lalo na sa panahon ngayon. "E ma nakita niyo ba ang buong school?" Tanong ko. "Oo naman anak, ang laki at ang lawak pati 'yung dorm pinasilip nila. Magkahiwalay ang dorm ng babae at lalaki, 'yun nga lang bawal ang gadgets doon, only those computers na ipapagamit nila ang magagamit niyo kapag class hours." Sabi ni mama. "Ang boring naman kung gano'n ma. Wala bang ibang school? Parang ayaw ko po doon." "Anak, wag ka nang maarte masyadong mahal ang tuition sa ibang University. Tatlo kayong nag-aaral, si kuya mo graduating at si ate mo. 'Wag kang mag-alala kapag grumaduate na sila, ililipat kita doon sa school na pinapasukan nila kuya mo okay," sabi ni mama. "Haysss, ano pa nga bang magagawa ko na enroll niyo na ako. Pero di naman ako mag do-dorm 'di ba?" tanong ko. "Ayy, 'di puwede anak, doon ka mag i-stay ng isang taon. 'Yun ang rules ng school," sabi niya. "Ibig sabihin isang taon ako doon? Hindi puwedeng umuwi kahit linggo?" "Anak puwede ka naman sumulat. Sabi no'ng may ari ng school, sila din ang nagtuturo sa mga estudyante doon. Isang pamilya lang sila," sabi ni mama. Hindi na ako umimik at nagtanong, wala pa rin naman akong magawa. "Maa, andito na kami," bungad ni ate mula sa sala. Kakauwi lang nila galing school. "Oh, tamang-tama luto na ang hapunan, halina kayo at kakain na tayo. Ky anak, ihanda na natin ang pagkain," sabi ni mama, agad naman akong tumalima. "Mano po ma," sabi ni ate at kuya. "Hi bunso, nakapag-enroll ka na ba?" Tanong ni kuya. "Opo, na enroll na ako ni mama." "Talaga, saan ma? Hindi ka namin nakita sa school kanina doon din ba mag aaral si bunso?" tanong ni ate. "Ayy, hindi anak 'yong kaibigan ko kasi isinabay ako nagpa-enroll din siya sa anak niya si Apple. May alam daw kasi siya na unibersidad na mababa lang ang tuition fee kaya sumabay ako at in-enroll ko na rin si Kyrhein," sagot ni mama. "Ha? Eh saan naman po ma?" tanong ni kuya. "Sa Holy Angel University. Naku ang ganda ng school na 'yon at ang lawak pa. Libre ang dorm at pagkain kaya 'di na ako nagdalawang isip na ipa-enroll si Ky doon. May kaibigan na rin naman siya," sabi ni mama. "Wow seryoso? So ibig sabihin mag do-dorm si Ky doon. Kaya mo ba bunso?" tanong ni ate. "Okay lang naman ate. Na enroll na po ako ni mama. Okay na rin 'yon para 'di na sila mabigatan ni papa. Tatlo na po tayong nasa kolehiyo eh," sabi ko. "Sabagay, mag-iingat ka lang doon bunso, tawag ka palagi sa amin okay?" sabi ni ate. "Bawal ang gadgets doon nak, isang taon sila na walang phone's or kahit ano. Maliban sa mga computer na gagamitain nila sa klase," sabi ni mama. "Paano natin ma monitor si bunso," tanong ni kuya. "Puwede naman daw sumulat at secured naman ang school na 'yon. May cctv camera's bawat classroom kaya safe siya doon," sabi ni mama. "Sana ma doon mo nalang in-enroll si bunso sa pinapasukan namin," sabi ni ate. "Okay na 'yon ate, lilipat naman daw ako next year pagka graduate niyo ni kuya kaya okay lang, isang taon lang 'yan," sabi ko. "Hays okay, mamimiss ka namin bunso. Mag-iingat ka doon okay? At 'wag kang dumikit sa mga lalaki," paalala ni ate. "Grabe ate ha," sabi ko na natatawa. "Tama ang ate mo Ky, 'wag kang mag bo-boyfriend doon. Naintindihan mo ba?" Sabi ni kuya. "Opo, hindi po promise," sagot ko at nakataas pa ang isang kamay. "Oh siya anak, ihanda mo na ang mga gamit na dadalhin mo doon. Bukas ihahatid namin kayo," sabi ni mama. Tapos na rin kami kumain at nililigpit na ang pinagkainan namin. "Opo ma, akyat po muna ako sa taas," paalam ko. "Sige-sige," sagot nila. Kinuha ko ang dalawang maleta at ipinatong sa kama. Nilagay ko ang mga damit ko at sapatos na magagamit sa school. Dinala ko din ang family picture namin, syempre 'yong rosary ko at maliit na libro. Habang nag-aayos ako, tumunog ang phone ko. Si Apple ang tumatawag sa messenger, agad kong sinagot 'yon at inayos sa paglagay. "Nasabi na ba ni Tita sa'yo kung saan ka mag-aaral?" agad na tanong niya. "Oo, sa Holy Angel University daw, sabay daw sila ni Tita Malou nag-enroll sa atin. Buti naman at may makakasama pala ako. Hays honestly di ako masaya e, ang bigat ng feelings ko," sabi ko. "Bakit naman? College na kaya tayo... Cheer up bff maganda naman doon kahit walang gadgets may mapaglilibangan naman tayo," sabi niya. "Sure ka? Dadalhin ko nga 'tong guitara ko para pag naboring ako mag gi-guitara na lang ako," sabi ko na hawak ang gitara ko. "Tama 'yan, may musical hall din doon may court at swimming pool. Masaya doon bff and maraming guwapo aackkkk," sabi niya at may pagulong-gulong pa sa kaniyang kama. Hayss, siya ang kaisa-isa kong bff, si Apple Alcantara, since high school magkaibigan na kami, 'di kami mapaghiwalay kapag magkaiba ang section namin gagawa 'yan ng way para magkaklase kami, hilig niyang humarot pero 'di naman niya jinojowa. Ewan ko ba sa babaeng 'to, darating talaga ang araw na makatagpo siya ng katapat niya. "Oo na, basta ba magkasama tayo sa kuwarto ha," sabi ko. "Oo naman bff, actually sa isang room tatlo ang kasya kaya magkakasama talaga tayo, hanap na lang tayo ng isa pang makasama," nakangiting sabi niya. "Okay, oh sige na matutulog na ako. Maaga daw tayo bukas sabi ni mama," paalam ko sa kaniya. "Ayy oo nga pala, sige babusshh bff night," paalam niya at pinatay na ang tawag. Nahiga na rin ako sa kama ko at napaisip. Bakit 'di ako excited na makita ang school na 'yon? Ang bigat ng feelings ko? At para bang may something na hindi ko maintindihan. Baka nanibago lang ako kasi college na ako at bagong experience na naman. Ipinikit ko na ang mata ko hanggang sa makatulog. Nagising ako sa katok sa pinto rinig ko din ang boses ni mama sa labas. "Kyrhein anak, gising na baka mahuli tayo," tawag ni mama. "Opo ma, maliligo na po ako," sabi ko. Nagmadali akong pumasok sa banyo at naligo. Nagbihis ako suot ang black pants ko at black T-shirt, sinapawan ko ng black hoodie jacket, binitbit ko na ang mga maleta ko at bumaba na. "Mag almusal muna tayo anak. Oh, Trina, Tyler, halina kayo sabay-sabay na tayong kumain," tawag ni mama kay kuya at ate. "Ma, baka po malate ako mamayang gabi ha, may tatapusin kaming project sa school," sabi ni kuya. Civil Engineering ang course ni kuya si ate Trina naman Flight Attendant. At ako, Medicine ang kinuha ko, balak kong mag doctor kapag 'di palarin pasyente na lang. "Una na kami ma, ay baon nga pala ma," sabi ni ate. "Oh ito sa'yo at sa'yo Tyler, mang-go-grocery pa ako mamaya, tapos bukas ko pa makukuha ang pera na hinulog ng papa niyo," sabi ni mama. "Ikaw Ky may gusto ka bang ipabili?" Tanong ni mama. "Wala po ma, kumpleto na ho 'yong gamit ko," sagot ko. "Oh sige tara na, naghihintay na si Tita Malou mo sa kanto," sabi niya "Ma mauuna na kami. Bunso mag-ingat ka doon at 'yong mga paalala namin ni kuya tandaan mo okay," sabi ni ate sabay yakap sa akin. "Opo ate, kuya mamimiss ko kayo. Kayo din mag-iingat kayo si mama 'wag niyong pabayaan ha," naiiyak na sabi ko. "Oo naman, kami na bahala kay mama. Mamiss ka din namin, we love you," sabi ni ate. Nag-family hug kami bago umalis sila ate at kuya, kami naman ni mama palabas na ng kanto. "Mareng Malou," tawag ni mama. "Ay nandiyan na sila," sabi ni tita. "Bff, excited na ako," masayang sabi ni Apple. "Hoy kayong dalawa, mag-iingat kayo doon at alagaan niyo ang mga sarili niyo. 'Wag kayong magtiwala kaagad sa mga tao doon. Lalo na at 'di pa naman kayo puwedeng makalabas," paalala ni mama. "Opo Tita, tara na baka ma late tayo," sabi ni Apple. Sumakay na kami sa van nila at nagba-byahe patungo doon. After 2 hours nakarating na rin kami. Grabe, namahangha ako sa laki ng school ang taas ng gate at mukhang matibay. "Apple, Kyhrein, dito lang kami sa labas 'di na kami puwedeng pumasok. Mag-iingat kayo okay? 'Wag niyong pabayaan ang isa't isa," paalala ulit ni Tita. "Ma, 'wag ka ngang OA mag-aaral lang po kami dito, kaya 'wag kayong mag-alala, Part of our journey to kaya, kaya namin to," sabi ni Apple. "Oh siya-siya pumasok na kayo sa loob. Ang mga gamit niyo ha," sabi ni Tita. "Ky anak, mag-iingat ka, sumulat ka okay? Puwede naman daw sumulat basta magpaalam lang. Wag mong pabayaan ang sarili mo, mag-aral ka ng mabuti okay," paalala ni mama. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya. "Yess ma, kapag tumawag si papa sabihin mo kolehiyo na ako ah, tapos mag-iingat kayo. Mamimiss kita ma, kayo nila kuya. I love you," naluluhang sabi ko. "I love you too anak, sige na pumasok na kayo," sabi niya. "Opo, bye Tita Malou, bye ma," sabi ko. "Bye po Tita, bye ma mag-ingat kayo pauwi," sabi naman ni Apple. Bumukas ang gate at pumasok kami ni Apple. May lumapit sa aming babae at inabutan kami ng susi. "Maligayang pagdating, welcome to Holy Angel University, ito ang susi ng inyong magiging kuwarto. Nakalagay na diyan ang numero ng inyong pinto," sabi niya. "Maraming salamat po," sabi namin ni Apple. "Walang ano man, ako nga pala si Sister Marie," pakilala niya. "Hi po sister Marie. Ako po si Apple, at bff ko si Kyhrein." pakilala naman ni Apple. "Welcome ulit, sige na magtungo na kayo sa inyong dormitoryo," sabi niya sa amin . Naglakad na kami at 'di ko maiwasan ang tumingin sa paligid, may nakatingin sa amin at parang sinusuri kami mula ulo hanggang paa . "Bff, ang creepy ng looks nila sa atin." Bulong ni Apple. "Ano ka ba, baka nanibago lang. hayaan mo sila." Sabi ko sa kaniya. Tuloy lang kami sa paglalakad, hanggang sa makarating na kami sa dorm ng mga babae. "Anong number ng room natin?" Tanong ko. "Room number, #066.." sagot niya. Hinanap na namin ang pinto na 'yun. "#060... ayon, pang anim na pinto. Tara bilisan na natin kanina pa ako napapagod dito sa maleta ko." Reklamo niya. May bumukas na pinto sa katabi ng room namin. "Hi, newbie kayo?" Tanong no'ng isa. Maganda siya maputi at mahaba ang buhok, mukha naman siyang mabait. "Hello, ahm oo bago lang kami. Ako nga pala si Apple Alcantara at siya naman bff ko si Kyrhein Fuentabella." Sabi ni Apple. "Ako naman si Vanessa Santos." "Ako naman si Ellise Cordova." "Ako naman si Rose Miller." Pakilala nila sa amin. "Nice to meet you guy's," sabi namin. "Nice to meet you too, buti nalang may tao na dito sa katabi ng kuwarto namin. Ang creepy kasi tuwing gabi." sabi Rose. "Truth," sang ayon ng dalawa. "Mamaya na lang tayo magchikahan guy's ha, mag aayos pa kasi kami," paalam namin. "Ayy, sige sige pasok na lang kami diyan sa room niyo. Puwede naman daw kasi puro naman tayo mga babae." sabi ni Vanessa. Sumunod sila sa amin at pumasok sa kuwarto. Malaki at maaliwalas sa loob, may tatlong single size na kama at may sariling closet. May sariling cr at paliguan, malinis din halatang laging nililinisan. "So kailan pa kayo dito dumating?" Tanong ni Apple. "Last week lang sabay kaming tatlo." sagot nila. "May rules ba dito? Hindi kasi namin alam e, ang alam lang namin bawal ang gadgets." sabi ko. "May dalawang rules dito. Una 'wag magpapagabi, 6pm kailangan nasa mga kaniya kaniyang kuwarto na ang lahat. Pangalawa, bawal mag quit or umalis sa school na'to kapag 'di pa natapos ang isang taong kontrata." sagot ni Vanessa. "Kontrata?" Kunot noo kong tanong. "Oo kontrata, contract... 'yon 'yung penirmahan natin o ng magulang natin para makapasok dito. Nandoon lahat ng benefits natin sa loob ng isang taon. Makakalabas lang tayo pagtapos na ang unang taon natin dito." Paliwanag ni Ellise. "Gano'n ba, eh anong taon na kayo sa kolehiyo?" Tanong ko. "Same lang Freshmen, kayo ba? " tanong ni Vanessa. "Same sa inyo, buti na lang dinala ko ang guitara ko. Ang boring kung wala to walang gadgets." sabi ko. "Oo nga eh, pero puwede naman tayong tumambay sa labas, basta 'wag lang papaabot ng 6pm." sabi ni Rose. "Bakit nga pala bawal na lumabas ng gabi at magpaabot ng 6pm sa labas.?" Tanong ko. "Hmm, ganito kasi 'yun. Sabi nila kapag daw nasa labas ka pa ng 6pm, may mangyayari sayo. Ewan, pero sa tingin namin totoo 'yun kasi nangyari eh, no'ng nakaraang araw lang." sabi ni Vanessa. "Ano namang mangyayari?" Tanong ko. "Hmm, mamamatay, mababaliw o matutulala at mawawala na lang na parang bula." Sagot ni Vanessa. "Seryoso kayo? Nakakatakot naman." Usal ni Apple. Kinilabutan ako sa mga sinabi nila, bakit mamatay? Mababaliw at mawawala? Anong klaseng unibersidad ba 'to? Tanong sa aking isipan. "Actually, no'ng nakaraang araw kawawa talaga yung namatay. Nagmamatigas daw kasi at lumabas ng gabi. Ayon 'di na daw nakabalik sa kuwarto nila. Kinabukasan nakita namin na nakasabit sa flagpole na wala ng buhay." kuwento ni Vanessa. "Oo nga eh, lalaki 'yun at sabi no'ng mga kasamahan niya sa kwarto, gusto daw niyang umuwi. Kaya lumabas talaga siya para umuwi." sabi ni Rose. "Kawawa naman, ang brutal naman nang may gawa no'n. Kakit kailangang patayin?" sabi ni Apple. "Gano'n talaga, you have to face the consequences. Nakasulat kasi 'yun sa contract, once naka signed ka na ibig sabihin agree ka sa lahat ng nakasulat sa kontrata at 'di puwedeng bawiin 'yun." sabi ni Vanessa. "Anong nangyari do'n sa bangkay? Kinuha ba ng magulang niya?" tanong ko. "Hindi alam ng magulang, once nandito ka na sa loob hindi puwedeng malaman ng magulang ang mga nangyayari dito." sagot ni Ellise. "So hindi alam ng magulang niya na patay na anak nila?" tanong ni Apple. "Yup, kaya nga no choice na tayo. Pumasok tayo dito ibig sabihin agree tayo at bukal sa loob natin. Kasi tayo 'yung kusang pumasok dito hindi nila tayo ininvite. Sumunod na lang tayo sa rules nila para makauwi tayong buhay sa pamilya natin." sabi ni Rose. Tama siya, pero bakit kailangang patayin ang isang estudiyante? Ito na ba 'yung kinababahala ko? Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko pagpasok pa lang sa gate ng school na'to. "Sumabay na kayo sa amin para mag lunch, ituturo namin ang cafeteria. Naku pag nakita niyo ang cafeteria dito iisipin niyong restaurant 'yun. Bukod sa malaki at dalawang palapag, masasarap ang mga foods nila libre na busog ka pa." sabi ni Vanessa. "Naku, parang na gutom naman ako Vanessa tara na gusto ko nang makita 'yang ala restaurant na cafeteria dito." sabi ni Apple. Hinubad ko ang jacket ko at tinali ang buhok ko. "Tara na, gutom na rin ako eh." sabi ko. Lumabas na kami ng kuwarto at bumaba na papuntang cafeteria. Maraming estudiyante ang naglalakad papunta doon. Inilibot ko ang paningin ko sa campus, di ko matingnan ng maayos dahil naglalakad kami. 'Yung flagpole na sinabi nila nasa pinakagitna ng oval. May apat na Angel statue na nagsilbing bakod nito. Malapit na kami sa cafeteria, tama nga ang sinabi nila parang restaurant ang hitsura nito at dalawang palapag. Glass ang wall nito at kita mo ang mga tao sa loob. Masasabi mong mayaman ang nagmamay ari dahil sa hitsura nito. Pagpasok namin automatic na nagbukas sara ang pinto. Ang ganda sa loob ang mga chandelier mukhang mamahalin. At ang mga nasa kusina at nag seserve ng pagkain ay naka uniporme, 'yung nagluluto aynakasuot ng chef uniform. Tingin ko mga propesyonal ang mga ito. Naghanap na kami ng table, nakakita naman kami kaagad at na upo. May book menu sa lamesa kung saan puwede kang mamili ng gusto mong kainin. Hindi basta basta ang mga pagkain nila dito, may pork, chicken, beef at vegetables. May main course, dessert, appetizer, soup and sandwiches. Ang maganda pa dito ay libre lahat, pero kailangan ang oorderin mo ay 'yung kaya mo lang ubusin. Puwede kang mag take out para sa hapunan dahil bawal na lumabas pag ala sais ng gabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.5K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook