Wild in your Arms

Wild in your Arms

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
family
badboy
sweet
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Rizalea Mc'Bianto has been a strong independent woman ever since. Mula pagkabata alam na niya kung paano mag set ng goal para sa sarili. Pero tila naiba ang ihip ng hangin simula ng makilala niya ang isang Quin Hisoler. Tuluyan kaya niyang makalimutan ang sarili sa ngalan ng pag-ibig at sumabay sa kakaibang init na dumadaloy sa katawan niya sa tuwing makikita niya ang binata.

chap-preview
Free preview
Connect with You
Rizlea is a strong independent woman. Simula pagkabata ay never siya naging pabigat sa kanyang mga magulang. Bilang isang panganay sa tatlong magkakapatid ay naging responsable siya at hindi umaasa sa mga yaya at hands on siya bilang ate. Isa siyang goal-driven na tao. Mahinhin pero palaban. Rizalea POV. Hindi na napigilan ni Rizalea na maiyak ng makita ang parents niya sa kanyang graduation day. Sa sobrang busy ng magulang ni Riz ay akala niya hindi na makakadalo ang mga magulang sa araw na iyon. Nasanay na sya na walang kasama. Natuto siyang maging independent dahil ang Mama niya ay isang Accountant at nagmamay-ari ng isa sa pinaka-kilalang accounting firm sa bansa. Ang papa naman niya ay isang CEO sa chains of hotel na pagmamay-ari ng pamilya ng papa niya. "Buti naman at nakapunta kayo" wika ni Riz sa mga magulang "Oo naman anak, kahit busy kami ng daddy mo hindi pwede wala kami sa isa sa mga important event sa buhay mo" sagot ng mama ni Riz. "Paano ba yan baby, graduate kana baka naman ikaw na mag manage ng business natin bilang ikaw ang panganay'', sambit namang ng daddy niya. " Naku daddy una sa lahat hindi na po ako baby, nakakahiya baka may makarinig, pangalawa gusto ko pa po mag proceed ng law" "Aba nahihiya na ang anak kong tawagin na baby, eh ikaw lang nman talaga ang una namin naging baby namin ng mommy mo." "Oo na dad, pero pag nasa bahay lang tayo mo ako tawagin baby, okay?" "Kahit kailan talaga mas takot ako sayo anak, pilyong biro ng papa ni Riz sa gusto nitong mangyari na wag siyang tawagin baby sa public" Sabay nagkatawanan ang mag-pamilya. Nagsalita na ang emcee ng program nila kaya naupo na ang magulang ni Riz sa assigned post para sa mga parents. Nang matapos ang program nila ay nagtungo na sila sa isang sikat na restaurant at ang dalawa niyang kapatid ay pinapa-sundo ng mama at papa niya sa driver nila sa schools ng mga ito para sabay silang kumain. After ng dinner nila ay nakauwi na rin sila sa bahay. Pumasok na sa kwarto si Riz at bago sya maligo ay nag post muna sya sa social media ng family pic nila kuha sa graduation ceremony niya kanina. Maraming nag comment at nag-congratulate sa kanya pero may nakaagaw ng pansin sa kanya ang comment ng hindi niya friend sa social media pero napaisip siya eh kaya siguro napa comment kasi naka-public naman ang post niya kay nag heart react nalang siya sa comment. Inilapag na niya ang cellpone niya sa bed niya at pumasok na sya sa shower room para maligo .Pagkatapos niya mag shower ay tumunog ang phone niya at may notification na friend request, familiar ang name kaya napa click siya sa profile nito at nag-scroll siya at nakita niya na isang lawyer pala ito at may-ari ng sikat na law firm sa bansa ang, Hisoler Law Firm. Matapos niya mag-scroll ay inaccept na niya ang friend request. Inilapag niya muna ang cellphone niya sa kama at magbibihis muna siya ng damit pantulog. Nag-blower muna siya ng buhok at pagkatapos niya nahega na sa kama. Kinuha niya ang phone niya at nakita niya na may message mula sa lawyer na nag friend request sa kanya. Nagsend ito ng wave hand na emoji at nag reply naman siya ng wave hand. Nang ma seen nito ang reply niya ay nag reply din ito at nag thank you sa pag accept sa friend request niya. Quin : Thank you for accepting my friend request Miss Riz. Riz: You're welcome. Quin: Tipid mo naman mag reply. Riz: What should I reply then aside from you're welcome? Quin: Sungit mo naman miss. Riz: First, I don't know you personally and I don't like to sound too friendly. Quin: I see. Let me introduce myself, I am Quin Hisoler. Riz: I'm Riz Mc'Bianto. Quin: How are you related to Rick Mc'Bianto Ceo of MB Hotel? Riz: She's my dad. Quin: Oh I see. While chatting with Quin, Riz started to yawn. Nag-decide na siya na magpaalam kasi antok na siya. Riz:By the way Quin I have to go to sleep. Goodnight. Quin: Goodnight, 'til nextime. First day ni Riz bilang official tambay sa bahay. Bilang fresh graduate medyo nanibago siya na walang ginagawa. Maaga siya nagising at naghilamos muna siya ng mukha at bumaba sa kusina upang magluto ng breakfast. Wala naman pasok ang mga kapatid niya kasi weekend kaya nag decide siya na magluto. Nadatnan niya ang kanilang yaya na si Aling Mely. "Good Morning yaya Meme", bati niya sa katulong. Matamis na ngiti naman ang ginanti ng katulong sa kanya. "Good Morning Ma'am Riz, Maaga po yata kayo nagising. Naku po aagawan mo nanaman ako ng trabaho bata ka kaya ka bumaba." "Yaya una po sa lahat hindi na po ako bata, pangalawa ayaw ko naman po pinagsisilbihan ako palagi eh lalo na wala naman akong ginagawa kaya hayaan niyo na po ako", tugon niya sa katulong May magagawa ba ako eh matigas naman ulo mo, wika ni yaya Mely niya. Sabay na nagkatawanan ang dalawa. Pagkatapos magluto ay sakto naman na bumaba na ang parents ni Riz at ang dalawa niyang kapatid. Masayang nag-kwentuhan sila habang kumakain. Nang matapos kumain ay tumulong na rin siya sa pagligpit ng mga pinagkainan. Umakyat na sya sa kanayang kwarto at nag-decide na mag-scroll sa social media na at may notification na naman mula kay Quin. "Good morning sungit", message sa kanya ni Quin sabay na may heart emoticon. Bilang tumaas ang kilay niya at nagreply naman siya "Good morning Mr. Pakealamero" sabay may fist bump sa dulo ng message niya. Nag-reply naman ito ng "HAHAHA" sa kanya. "Free kaba ngayon, Riz? I just wanna ask you out if it is okay with you?" tanong ni Quin sa kanya. Biglang napa-isip si Riz pwede naman siya umu-oo kasi wala naman masama. Mabuting tao naman ang tingin niya kay Quin kasi isang lawyer din naman siya kaya nag-reply siya kay Quin. "Pwede naman, wala naman akong ginagawa." "Are you sure, you're not afraid of me?" tanong ni Quin "Wala ka namang gagawing masama na ikasisira ng pangalan mo?, hahaha" "Tama ka naman, I will fetch you up at 10:00 AM and let's have lunch together" "No, Let's just meet up to the place, My parents are here in the house" "Ano naman masama no'n, it's good for me to meet them" "No, baka tuksuhin lang ako ng mga no'n" "Okay, you're the boss, let's meet-up on Hudson Diner" "Got it, I'll get ready" "By the way, don't bring car, I'll escort you home later" "Noted, Mr. Hisoler" "Just call me Quin" "Okay, Quin" Pagtingin ni Riz sa oras ay maaga pa naman para maligo its' still 7:30 in the morning kaya nag decide siya na pumunta muna sa closet to check for outfit to wear. Napili niya na magdamit na color white as tops and denim skirt paired with 2 inches heels. Inilapag na niya sa kama ang susuotin na damit. Natungo na sya sa banyo to take shower pagkatapos maligo ay nag blower muna siya ng buhok at sinuklay niya ang kanyang straight hair na lagpas balikat ang haba. Naglagay na rin siya ng light make up na ala fresh look lang ang dating tsaka nagpalit na rin ng damit. It's already 9 o'clock and she's ready to go. Pagkababa niya ng hagdan, sakto nasa sala naman ang parents niya. "Oh, baby may lakad ka?", tanong ng daddy niya. "Ganda naman ng baby namin", sambat naman ng mommy niya. "Kakain lang po sa restaurant with a friend mom, dad, tsaka please di na po ako baby", pakiusap niya sa parents niya. Tinawanan lang siya ng mga magulang. Are you going to bring car? or would you like me to drive you to your location, tanong ng daddy niya. "No dad, magpapahatid lang ako kay Mang Steve". "Hmmmm, nag-iinarte na baby namin baka hindi friend niyang kasama mo ha", tukso ng daddy niya. "Daddy!" "Uy namumula ang mukha mo" Agad naman napahawak si Riz sa kanyang pisngi. "Hindi kaya, by the way, I have to go. Bye, mom and dad. I'll text you up later for update''. Nag beso si Riz sa mga parents niya at lumabas na patungo sa garahe and nakita na niya si Mang Steve. "Mang Steve, papahatid ako sa Hudson Diner" "Okay Ma'am, ihahanda ko lang po sasakyan" Habang nasa byahe ay nag chat sa kanya si Quin and inform her na nasa restaurant na siya at nasa VIP room. Malapit na din siya sa restaurant. Nag-reply din siya kay Quin na malapit na sila sa Hudson Diner. Ilang minuto lang ay nasa restaurant na sila. Sinabihan niya si Mang Steve na wag na siya sunduin mamaya at nagpasalamat sa driver. "Mang Steve salamat sa paghatid" "You're welcome, ma'am" "Keep safe pauwi at wag mo na ako sunduin mamaya" "Okay ma'am, kayo din po ingat". Tuluyan na umalis si Mang Steve at ng papasok pa lang siya sa restaurant ay biglang kinabahan siya. First time niya maki friendly lunch sa stranger. Pero sabi niya sa sarili bahala na. May lumapit na staff sa kanya at tinanong siya name ng reservation at agad naman siya inescort nito papasok sa VIP room.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Push It Harder (SSPG)

read
136.4K
bc

Apoy sa Magdamag spin-off: MR. IBRAHIM AND HIS LADYBOY (SSPG)

read
10.2K
bc

ANG LIHIM NAMIN NI NINONG (SSPG)

read
13.5K
bc

Isang Gabing Pagkakamali (SSPG)

read
60.9K
bc

Landscaper's Lust (SSPG)

read
26.7K
bc

Manong Rex (SSPG) Virgin men series 1

read
78.4K
bc

MAHAL PA RIN KITA

read
2.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook