bc

Tracing Heartbeats

book_age16+
480
FOLLOW
2.4K
READ
billionaire
brave
dare to love and hate
CEO
drama
tragedy
bxg
office/work place
disappearance
lonely
like
intro-logo
Blurb

I hate seeing you, hearing your name, and listening to your voice with never-ending explanations. You know why? Because I'm tired of being fooled, hurt, and being left alone, crying, asking myself which part of loving you did I went wrong.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Bilis! Ilagay mo na agad sa locker niya,” bulong ni Aila sa tabi ko habang nagtatago kami sa locker room. “Wait lang, kinakabahan ako,” bulong ko pabalik habang nakasilip pa rin sa locker ni Kaii.  Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kaba. Matagal ko na siyang gusto pero hindi niya naman ako napapansin. Ewan ko ba, bakit ba kasi ang lakas ng charisma niya.  “Bilis na!”  Napapikit na lang ako dahil tinulak ako ni Aila. Humanda talaga sa akin mamaya ‘yong babaeng ‘yon. Dahan dahan akong naglakad papunta sa locker ni Kaii. At akmang bubuksan ko na nang bigla na lang may nagsalita. “What are you doing?” aniya. Seryoso at malamig ang boses nito. Napakagat na lang ako sa ibabang parte ng aking labi dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko pero tinitigan ko sa si Aila at agad naman sumenyas na si Kaii ang nasa likod ko.  Shit! Paano na? “Ah, kasi…”  Hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga sandaling ito.   Ano ba naman yan! Napakaingay kong tao pero wala akong masabi!  I pressed my lips and heavily sighed before finally facing him.  Shit ang lapit niya! Ano ba yan, hihimatayin yata ako sa sobrang kaba tapos ang bango niya pa! “Uhm…” Hindi pa rin ako mapakali.   Hindi rin ako makagalaw sa sobrang lapit niya pero yung mata ko panay ikot kung saan.  Tinitigan niya ako ng masama at binaba ang tingin sa mga dala kong box na ibibigay ko dapat sa kaniya. “Leave,” he seriously demanded. “May ibibigay lang sana ako sayo,” nahihiyang saad ko sa kanya. “I said leave!” he yelled. Halos mapatalon ako sa lakas ng boses niya. Nabitawan ko yung love letter at binake namin ni Aila na cake. Mangiyak ngiyak akong tumakbo papunta kay Aila.  I wasn’t expecting him to be like that.  “Huwag ka na umiyak, nagpipigil lang talaga ako e. Kung hindi ka lang tumakbo papunta sa akin? Sasapakin ko talaga ‘yun.” She was trying to console me.  “Gusto ko lang naman ibigay sa kanya ‘yun. Puwede naman niyang tanggihan, bakit kailangan pa niya akong sigawan?” Humahagulgol ako sa balikat ni Aila habang nakaupo sa gym.  Tinatapik niya ang balikat ko kaya mas lalo akong umiyak. Mabuti na lang at wala namang tao dito kaya dito niya ako dinala.  “Sinabihan na kasi kita eh. Pero wala pa ring epekto sa iyo. Ang kulit kulit mo,” paninermon ni Aila. “Tumahan ka na nga riyan. Total, Lunes ngayon at binigyan na ako ni mama ng allowance, ako naman ang manlilibre sa’yo,” anyaya niya at pinunasan ang luha ko. Agad naman akong umupo ng maayos at pinunasan ang luha ko. Mabuti na lang talaga, nandito si Aila. Kung hindi, baka hindi ko na alam ang gagawin ko.  Matapos ko magdrama ay pumunta kami sa Cr para maghilamos dahil namumugto pa rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kanina.  “Aila, out of order ‘yung dalawang toilet. Samahan mo ako sa huling cubicle, sira kasi yung lock.” “Sige sandali lang, ilalagay ko lang sa bag ang libro ko,” sagot niya.  Agad naman siyang sumunod at pumasok sa huling cubicle at nakabantay sa pinto. Maya maya pa ay may pumasok na grupo ng babae habang nag-uusap. “What happened between you and Kaii? Wala na ba kayo?” Isang maarteng boses ng babae ang nag-e-echo sa buong cr.  “Well, I broke up with him. I already have Oliver now,” she was proud saying that. So, she broke up with Kaii?  Hindi ko napigilan ang mapangiti. May chance na ako para mapalapit kay Kaii. “That fast?” hindi makapaniwalang tanong noong kasama niya.  “I don’t want to spend time playing his games. I’m over it.”  Nagtitigan lang kami ni Aila sa loob habang nakikinig sa usapan nila. “I don’t think it’s a game. He actually loves you,” her friend defended Kaii. “We’re almost two years stock in this secret relationship. Kung ikaw sa posisyon ko Nica, papayag ka?” she huskily asked. “Irine, akala ko ba napag-usapan niyo na? Na after graduation ngayong high school, eh magiging legal na kayo?" ”paliwanag ni Nica. Dalawang taon na palang taken si Kaii. Akala ko, single siya kasi hindi naman siya lumalapit sa ibang babae.  “I’m tired of waiting Nica, look at Oliver, he’s even proud of me. Hindi kagaya ni Kaii, hindi man lang nag-e-effort para sa akin. Is that how you define love?” she almost yelled. Napakagat nalang ako sa ibabang parte ng aking labi habang nakikinig kami ni Aila sa pinto ng cubicle. “Achu!”  Agad napa hawak si Aila sa bibig niya nang bigla nalang siyang bumahing.  Bigla ko naman tinakpan ang bibig niya. Pambihira naman ‘tong si Aila oh! Mahuhuli pa kami sa ginagawa niya eh.  Nagkatitigan ni kami Aila bago niya binuksan ang pinto at naglakad na parang walang narinig. Nang makalagpas kami sa puwesto nila ay agad naman akong napatingin sa salamin para makita ang mukha ni Irine.  Siya ‘yung leader ng ACE high dance troupe, nakikita ko siya sa mga program palagi. Maganda naman siya ah? Bakit palihim ang relasyon nila ni Kaii?  Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip. Kahit wala na sila ni Kaii, hindi pa rin naman ako tuluyang masaya dahil nasaktan din naman si Kaii.  “Bilisan mo nga riyan nagugutom na ako!” paninermon ni Aila habang naglalakad kami papunta sa canteen.  Habang naglalakad kami papunta sa mesa na palagi naming inuupuan ay nakita namin sina Kaii at ang mga kaibigan niyang sina Miko at Clyde. Na nakaupo sa katabing table. Bigla na lang kumabog ng husto ang puso ko sa sobrang kaba habang naglalakad dahil naalala ko na naman ‘yung pagsigaw niya sa akin kanina. Napahinto ako at napabuntong hininga.  Sige na nga! Pinapatawad na kita! Pasalamat ka break na kayo ni Irine, magkakachance na ako sa ‘yo.  Pero hindi pa rin ako titigil at aalamin ko pa rin bakit ganoon na lang kadali para kay Irine na gawin iyon kay Kaii.  “Bakit hindi ka pa kumakain?” nagtatakang tanong ni Aila habang kumakain siya. Agad naman siyang napalingon sa likod niya kung saan ako nakatingin.  Muntik na ako mapatalon dahil sa gulat nang bigla niyang hinampas ang mesa.  Hinipan niya ang hibla ng buhok niyang nakaharang sa mata niya. “Kelly Ylysabeth Vega ha! Tigilan mo ako d’yan sa mga tinginan mo kay Kaii. Baka iiyak ka naman pag-uwi.” Tinitigan niya ako ng masama habang sinisermonan ako. Maya maya ay bigla nalang ako napatingin sa likod ni Aila kung saan naka puwesto sina Kaii. Tinititigan niya si Irine habang naglalakad papunta sa kabilang table dala ang tray na may laman na pagkain. “Tulungan na kita,” rinig kong sabi ni Kaii kay Irine.  Nagkatitigan muna si Nica at Irine bago nagsalita. “No need.” Maarteng tanggi ni Irine kay Kaii. Maya maya pa ay may lumapit na lalaki sa kinaroroonan nila. Nginitian niya si Irine bago kinuha ang Tray habang matalim na tinititigan si Kaii.  “He must be Oliver,” I mumbled. Naiwang nakatayo si Kaii habang bahagyang napahinto naman si Irine at pinasadahan ako ng tingin sa kinaroroonan ko. Yumuko lang ako at nang makalagpas na sila ay agad kong ibinalik ang paningin kay Kaii. “Kelly, kung ano man ‘yang iniisip mo, itigil mo na ‘yan ha. Masasaktan ka na naman d’yan sa ginagawa mo eh.”  Tinititigan ako ng masama ni Aila.  “Alam ko naman ‘yun,” mahinang sagot ko at yumuko.  “Kumain ka nalang d’yan, para hindi naman masayang ‘tong libre ko sa’yo,” biro niya. Nag-angat ako ng tingin at akmang kakain na nang bigla nalang lumapit si Kaii sa table nina Irine at Oliver. “Layuan mo nga akong girlfriend ko, ayokong umaaligid ka sa kanya.” Rinig kong banta ni Oliver. Hinawakan ni Kaii sa braso si Irine kaya napatingin naman ‘to sa kanya.  “Irine, mag-usap naman tayo oh,” seryosong pakiusap ni Kaii. Biglang tumayo si Oliver at pumunta sa katapat na upuan at tinanggal niya ang pagkakahawak ni Kaii sa braso ni Irine.  Nagtitigan lang kami ni Aila at umiling siya sa ‘kin. “Kelly, ‘wag ka na manghimasok sa away nila,” banta ni Aila. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagsimulang tumayo at dinala ako ng mga paa ko papunta sa kinaroroonan nina Kaii. Hindi ko alam kung sumunod ba si Aila pero nasa likod na ako ni Oliver. Akmang susuntukin niya si Kaii nang hinawakan ko siya sa braso at napalakas ang pagtakwil niya dahilan para matumba ako. Nagtinginan lang sila habang ako nakahandusay sa sahig.  Yumuko lang ako, at rinig ko ang pagtawag ni Aila sa akin at nararamdaman ko din na papalapit na siya. Pero bago pa man siya makarating ay tinulungan na ako nina Clyde at Miko.  Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakaramdam ng hiya.  “Okay ka lang?” tanong ni Miko. Tumango lang ako at matipid na ngumiti kahit hindi naman talaga ako okay. “At sino ka naman?!” Oliver yelled at me. Hindi ako makasagot.  Yumuko lang ako at bigla naman dumating si Aila. “Tara na. Sabi ko naman sa iyo ‘wag ka na sumali sa away na ‘yan,” bulong ni Aila pero alam ko na galit na siya sa mga nangyayari.  Hinawakan niya ang kamay ko at tumalikod na. Akmang hahakbang na ako nang bigla nalang may humawak sa braso ko at hinatak ako palayo. Nabitawan ni Aila ang kamay ko at napatingin ako sa kung sino man ang humatak sa akin papalayo sa kinaroroonan nila.  It was him…  Kaii Isaac Kashton. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook