bc

Senses of Love -Trilogy

book_age16+
905
FOLLOW
2.8K
READ
fated
second chance
playboy
kickass heroine
dare to love and hate
twisted
sweet
bxg
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

If you love Miss Cupid's Match series, you will surely fall in love in Senses of Love Trilogy.

Only the best for you Nerinians! Three stories that will surely touched all your senses. Desires and love will ignite!

Don't forget to follow me on my social media accounts para makilala ko po kayo. Paki- subscribe na rin po ang ating Youtube channel na Neri's Collections! Maraming salamat po! I love you all!

chap-preview
Free preview
Chapter 1 of Book 1
Book 1: Look at the Pair of Our Hearts Chapter One “And the winner for our Ms. Teen Luakan is…” Talaga namang kinakabahan na si Kathleen habang nasa itaas ng entablado. Iaanunsyo na kasi kung sino ang nagwagi sa pambarangay nilang patimpalak dito sa Barangay Luakan sa Dinalupihan, Bataan.  First time niyang sumali sa ganitong beauty contest. Napakarami kasi nilang mga kabarangay na pumupuri sa kanyang kagandahan. At the age of sixteen ay talaga namang nangingibabaw na ang kanyang gandang natural. No need for Belo products dahil kahit probinsyana ay maputi siya. Matangkad. Matangos ang ilong. Napakaamo ng mukha. Idagdag pa na nakatapos siya ng high school as class valedictorian. Bakasyon ngayon at natapat naman ang fiesta ng barangay. Magkokolehiyo na siya sa darating na pasukan kaya kung sakaling palarin ay maaaring ipandagdag sa panggastos ang mapapanalunan niya sa patimpalak. Kahit na scholar na rin naman siya ng unibersidad na papasukan.  “Kathleen!” sigaw ni JJ. Anak ng kapitan ng kanilang barangay na si Kap Roland Long si JJ. May lahing Amerikano kasi ang mga ninuno nito kaya Long ang apelyido nila.  Napatigil tuloy sa pag-announce ang emcee dahil nakuha ng binatilyo ang atensyon ng lahat.  “What?” kibit-balikat nitong tugon sa lahat ng mga matang nakatingin dito.  Hindi magkasundo ang dalawa. Tinalo lang naman ni Kathleen sa valedictorian position si JJ. Kaya salutatorian lamang ito. Madalas silang magtalo hindi lang sa mga debate maging sa lahat ng pwedeng pagtalunan sa ilalim ng sikat ng araw. Magkapit-bahay pa naman din ang dalawa.  “I really hate him.” bulong ni Kathleen sa sarili. Halos mamula naman siya sa hindi niya malamang kahihiyang binibigay sa kanya ng mortal na katunggali. “Mukhang napagkatuwaan ka na naman ng kinakapatid ko ah?  At least naman he was still wishing na ikaw ang mananalo kahit alam naman nating ako ang magwawagi rito.” Bulong sa kanya ni Margarette. Kinakapatid ito ni JJ na sa Maynila lumaki at nagbabakasyon tuwing summer break sa probinsya. Rich kid ito kaya sobrang arte at may pagkamatapobre at inggitera. Hindi rin sila magkasundo.  “Nakakairita siya talaga.” Nawala na tuloy ang ngiti sa mga labi n Kathleen. Napalitan na ng inis ang kaba sa dibdib niya. “And the winner for me is Kathleen! Siya po ang gusto kong manalo. Masama po ba’ng ibigay ang bet ko sa kanya?” pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik ay dinugtungan pa ni JJ ang pahayag nito. Nagpalakpakan naman ang mga tao. Tinutukso na silang dalawa. “Kap alam na! Mukhang after ng school competition ay ang puso naman ni Kath ang kukumpetensyahin ng unico hijo mo ah?!” tukso ng isang kagawad. Sikat kasi ang dalawa sa kanilang barangay dahil nga sa tunggalian nila sa eskwelahan noong high school.  Hindi na alam nya ngayon alam kung ano’ng klaseng laro ang gustong laruin ni JJ. Hindi siya sa ganitong klase ng atensyon sa pagitan nila. Nasanay na siyang pinagsasabong sila sa mga academic quiz bee at sa iba pang co-curricular activities.  “Bakit naman siya ang gusto mong manalo Mr. JJ?” bigla namang tanong ng emcee.  Napatingin siya rito. Gusto na niyang sabihan ang emcee na emcee ang trabaho nito at hindi talk show host.  “Eh siya po ang pinakamaganda sa kanilang lahat eh!” maangas nitong tugon na walang pagbabakasakali na nakabakas sa mukha.  Lalo namang lumakas ang hiyawan ng mga tao. Ramdam ni Kathleen ang pang-iinit ng kanyang pisngi. May something na rin sa kanyang tiyan. Abnormal na rin ang kanyang heart beat. It was taught during their science class before. This emotion na pina-function ng utak ng tao kapag may opposite s*x na uma-attract sayo. Attraction? For the very first time ay maluwag na tinanggap ng kanyang isipan na gwapo naman talaga si JJ. Kahit na alam niyang nag-aaral lang din naman ito at walang oras na mag-exercise ay maganda pa rin ang pangangatawan nito for a sixteen year old teenager guy. Maayos itong magdala ng uniporme. That towering nose of him from his American ancestor made him not just the campus geek but also the campus heartthrob. Hindi ako attracted sa kanya. Not now and never! “Well, the winner for our Ms. Teen Luakan is…” muling sambit ng emcee. Itinaas pa nito ang hawak na papel kung saan nakasulat ang pangalan ng nagwagi. Hinarap iyon sa mga tao. Lalo namang nagpalakpakan at nagtilian ang lahat. Nababasa na nila kung sino ang nagwagi. Bakit kaya? Sino ang nagwagi? “Ms. Kathleen Pangilinan!” halos mabingi na siya sa sobrang ingay at saya ng lahat. Crowd favorite siya. Mas naging paborito pa siya dahil sa eksena ni JJ. Napatakip siya ng bibig. Hindi siya makapaniwalang mananalo rin siya sa isang beauty contest. This was her first time. Mas alam niya pa ang probability ng pagkapanalo kung Mathematics quiz ang kompetisyon. Ginbayan siya ng isa sa mga organizer ng event upang pumunta sa gitna ng entablado. On shocked pa kasi siya at hindi alam ang gagawin. May nagputong na sa kanya ng korona. May naglagay ng sash.  “Yung bulaklak nasan na?” tanong ng organizer na katabi niya. “Ayan na po!” Hinahanap niya ang kanyang mga magulang at nakababatang kapatid sa kumpulan ng mga taong napakalalawak ng ngiti ngunit hindi niya matagpuan ang mga ito. Hanggang sa mapako ang kanyang mga mata sa lalaking nasa harap niya na may dalang bouquet ng bulaklak. That was red roses in particular.  “J-J” bulong niya. “Congratulations.” Sambit nito in his sweetest tone. That was first time in forever. Binati siya nito. Binigyan ng bulaklak. Sa nakaraang apat na taon sa high school ay hindi man lang iyon ginawa ng lalaki sa tuwing magwawagi siya sa mga patimpalak. Mas tumindi tuloy ang pag-pump ng dugo ng kanyang puso.  “T-thank you…” nauutal niyang tugon dito habang nasa ulap ag pakiramdam.  Bago ito umalis ay nag-iwan pa ito ng isang mabilis na halik sa kanyang pisngi. That kiss left her heart to totally malfunction. She didn’t know how to call her current heart situation. Must be adoration, attraction, crush, puppy love or love? Not love! Not that fast! “Uy ate!” biglang yakap naman ang kapatid niyang si Joebert mula sa kanyang likod.  “Congrats anak!” bati ng kanyang mga magulang. “Ate big winner ka talaga. May korona ka na may hari ka pa! ikaw na ang reyna! Ikaw na!” pangangantsaw pa ng nakababatang kapatid.  Lihim naman siyang natuwa. Kakaiba ang pagkapanalo niyang ito. Naisip niyang finally ay napansin na sya ng kanyang long time secret crush. Yes. Humahanga na siya noon pa man kay JJ. Ngunit naging hadlang na maiparating o maipadama niya sa lalaki ang paghangang iyon dahil sa kompetisyon sa pagitan nila. Ayoko pa ring mag-assume. Pero sana simula na ito ng mas okay na relationship namin. Graduates na rin naman kasi kami. Lihim siyang kinikilig sa mga pumapasok sa kanyang isipan na tagos sa kanyang puso. “Anak! Ayan nakabili na tayo ng mga gamit mo sa school. Ikaw naman kasi nag-major in Physics ka pa sa Secondary Education na kurso mo. Napakarami naman palang dapat bilin ng mga apparatus para dyan sa mga experiment nyo. Mabuti nalang talaga at ikaw ang nanalo dun sa contest!” litanya ng ina ni Kathleen pagdating sa bahay galing sa pamimili.  Tatlong linggo na lamang at pasukan na niya sa kolehiyo. Sa State University sa Bataan siya mag-aaral para hindi na madagdagan ang gastos nila kung sa Maynila pa siya. Kahit saan naman na unibersidad ay pwede ang kanyang nakuhang private scholarship na nilakad ng kanilang barangay.  “Ma, big winner nga si ate nung isang gabi hindi ba?” hindi pa rin nakaka-move on si Joebert sa panunukso sa kanya. Binato niya ito ng tinitingnang resibo na kanyang nirolyo. Masayang pamilya silang Pangilinan. Simpleng buhay at nakakaraos. Hindi naman sila naghahangad pa ng mas marami. Kontento na sila. Matalino at masipag naman silang magkapatid pagdating sa pag-aaral kaya wala ng inaalala ang kanilang mga magulang pagdating sa usapin ng kanilang kinabukasan. “Hindi mo talaga ako titigilan dyan ah.” Pagsaway niya sa kapatid. “Bakit ate tumigil ka ba sa pag-iisip sa mga ginawa ni  kuya J dun noong isang gabi?”  Napalunok siya sa tanong nito. Hindi nawala sa isipan ko ang kiss niya. Ang pagsigaw niya. Ang bulaklak. “Ou naman no!” pagde-deny niya. “Lokohin mo ako ate! Marami na akong babaeng pinaiyak dahil ganyan sila, masyadong umasa sa mga pa-sweet ko!” tumayo ito upang tingnan ang dala nilang supot ng mga napamiling pagkain. “Ano’ng ibig mong sabihin? Pinapaasa lang ako ni JJ?” hindi niya maiwasang itanong dito. She was curious. Hindi naman kasi niya alam ang iniisip ng mga lalaki. “Huli ka ate! Umaasa ka na sana gusto ka na niya! Alam naman natin na secret crush mo siya!” sabay taas nito sa nakuhang chichirya mula sa supot.  “Hindi ko siya secret crush! Secret nga tapos malalaman mo!  That’s so irrelevant!” hindi siya papayag na mabara ng kapatid sa patibong nito. “Yun lang ate masyadong obvious ka kaya! Kapag may contest kayo siya lagi ang bukang bibig mo. Napapansin mo ang lahat sa kanya. Naiirita na nga kami eh pero sige ka pa rin!” saad nito habang may laman pa ang bibig ng kinakaing chichirya. Napaisip tuloy siya. Obvious ba talaga ako noon? Oh no! Mabuti nalang pala talaga graduate na kami. Pero sayang naman hanggang noong gabi nalang ba ng contest ang sweet gesture niya sa akin? “Tigilan mo ako! bumalik tayo sayo. Sabi mo marami ka ng babaeng pinaiyak at pinaasa? Fourteen years old ka palang ah?!” pag-iiba niya sa usapan. “Magkapikunan kayong magkapatid ah” singit ng kanilang ina. “Excuse me!” inagaw naman ng haligi ng tahanan ang kanilang atensyon. Galing ito sa likod bahay sa mga alaga nitong manok. “Kathleen may naghahanap sayo rito sa labas. Sabi ko pumasok nalang pero sabi niya maglakad-lakad nalang daw kayo dun sa malapit na bukid eh.” dugtong ng ama. Napatingin nalang siya sa kanyang kapatid at ina bago muling ibalik ang mga mata sa ama. “Si-sino po Pa?” nagtatakang tanong niya. Hindi siya nasanay na may naghahanap sa kanya tuwing bakasyon. Kung may pasok ay meron pa at kadalasan ay mga kagrupo niya iyon sa mga project. May maghana man sa kanya na kaibigan ay malamang sa mas maagang oras iyon. Hapon na kasi. Pasado alas-singko na. Wala namang naghahanap sa kanya ng ganitong oras na. “Lumabas ka nalang. Mapagkakatiwalaan naman to. Sige na.” utos ng kanyang ama. Nag-aalilangan tuloy siyang tumayo. Nang nasa kalagitnaan na siya palapit sa pinto ay huminto siya para lingunin ang kanyang ina at kapatid. Nasa likuran na niya ang mga ito. Nag-peace sign pa si Joebert.  “Ma ah. Nahawa ka na kay Joebert sa pagiging tsismoso. Hindi po maganda yan.” Biro niya. Tinalikuran na niya ang mga ito at nagpatuloy sa paglakad. Nang nasa tapat na siya ng ama ay muli siyang huminto para tingnan. Tumango-tango lang ito.  Paglabas nya ng pinto ay wala namang tao sa labas. “Pa wala namang tao eh.” dismayado niyang sambit. “Doon siya naghihintay sa poste sa pagitan ng bahay natin at ng bahay nila Kap.” Narinig niyang sambit ng ama.  Wala namang bagod ang bahay nila rito. Bungalow type ang bahay nila Kathleen. May tatlong kwarto. Malinis at maaliwalas. Sila JJ naman ay dalawang palapag. Magara at talagang nakakaangat naman ang mga ito sa pamumuhay. Mabait ang ama nitong si Kap at talagang nasa public service ang puso.  Nagdalawang isip siya sa paghakbang. Wala siyang ideya kung sino ang naghahanap sa kanya. Kinabahan tuloy siya. Baka kasi pinagtitripan na naman siya ng kapatid at nakuntsaba pa ang kanilang mga magulang. Nakasilip na sa pinto ang buong pamilya niya. “Ate hindi masamang maglakad.” Pamimilosopo na naman ni Joebert. “Alam ko! Walang ganung batas.” Sarkastiko niyang tugon dito.  Nagsimula na siyang lumakad palapit sa poste. May kalakihan iyon kaya ng malapit na siya ay saka niya lang napansin ang braso ng taong nakasandal doon.  “Don’t worry hindi naman kita kakainin eh. According to our folklore lessons hindi naman talaga totoo ang mga aswang or vampires. Bakit antagal mo’ng lumapit? You know that time is gold.” Sambit ng tao sa likod ng poste. That soothing voice was familiar. Madalas niyang nabalitaktakan ang boses na iyon sa nakaraang apat na taon. Boses na lihim niyang hinangaan. Straight to the point. Precise. Justice. Brave. Bold. Iyon ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon. Boses palang parang aatakihin na naman siya sa puso. She needed to see a cardiologist.  Ilang saglit pa dahil hindi siya makaimik ay lumantad na ang lalaki sa likod ng poste. Si JJ. Si JJ nga. Nakapasok sa dalawang bulsa ng shorts na suot nito ang mga kamay nito. He’s wearing that eyeglasses na sinusuot nito kapag nasa eskwelahan sila. Lalo nae-emphasize ang matangos nitong ilong. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. Ano to? “Ate! Alam na!” narinig nyang sigaw pa ni Joebert.  Hindi ko alam. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.6K
bc

The Professor's Wife

read
449.0K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook