bc

Miss Cupid's Match

book_age16+
647
FOLLOW
2.2K
READ
dark
forced
self-improved
drama
twisted
sweet
bxg
city
love at the first sight
actor
like
intro-logo
Blurb

Forever and perfect match are real. Alam yan ni Maggie. Gayunpaman, at the age of fifteen ay wala pa siyang lalaking napupusuan. Hindi pa siya nagkakanobyo sa dami ng kanyang mga manliligaw.

Sa huling bakasyon nila isang summee sa kanilang lupain sa Bicol ay makikilala niya si Dennis. Ang unang lalaking nagpakilig sa kanya. Ang kanyang summer love. Pero lahat ng saya ay maiiwan na lamang sa lugar at panahong iyon.

Makalipas ang maraming taon ay unti-unting makakamit ni Maggie ang personal na pangarap na maging isang tv director. Siya na ang bagong Kupida. Ang taguri sa director ng programa kung saan may isang segment na pinagpapares ang mga tao para sa isang date.

Bago ang kanyang mabigat na tungkulin ay pinagbakasyon na muna siya. Sa parehong lugar na kanyang iniwan noon ay doon niya muling natagpuan si Dennis. He's hotter and even more irresistible. Dudugtungan nila ang kanilang nasimulan noon. Magiging isa pa ito sa mga artistang maglalaro sa kanyang programa.

Hudyat na ba ito ng tuluyang pagpana ni Kupido sa kanilang mga puso? Handa na nga ba sila? Paano kung usigin sila ng mga lihim at pagkukulang ng isa't-isa? Kakayanin ba nilang sa huli'y maging perfect match pa rin?

Get to know the real Maggie and Dennis in my social media accounts! :)

Please subscribe to my Youtube channel - Neri's Collections

Get a chance to win dreame coins! Thank you! I love you all Nerinians!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Miss  Cupid's Match Season 1: Arrow of Successful Match Maker Chapter One   "I'm the queen of Camarines Norte! The queen of Bicol region! The queen of the world!" Sigaw ni Maggie habang nasa pinakamataas na bahagi ng puno ng sampaloc. Kinse anyos na siya pero hindi pa rin siya mapigilan ng mga magulang at nakatatandang kapatid na si Brill sa walang pakundangang pag-akyat ng mga puno.   "Hoy Maggie May! Bumaba ka nga dyan! Dalaga ka na! Wag kang mag-aakyat sa puno! Hindi mo na dapat ginagawa yan! Pano kung may ibang lalaki rito masilip pa yang kengkeng mo!" Sigaw ni Brill na nanunungkit ng niyog na katabi lang ng puno ng sampaloc.   "Ayaw kuya! Andaming taramindo oh! Antatamis! At ang bastos mo po! Naka-panty kaya ako!" Masiya niyang tugon habang nilalantakan na ang bawat makuhang bunga.   "Hayaan mo na nga ang kapatid mo Brill. Wala namang ibang tao. Na-miss niya lang dito sa probinsya. Ngayon nalang ulit tayo nakabalik. Sulitan time na rin dahil baka hindi na masundan." Kinampihan na naman siya ng kanyang inang si Maricel.   "Bleeeeh kuya!" Anas niya sa kapatid.   Lumaki sina Maggie May Flores sa isang malawak na lupain sa Daet, Camarines Norte kung saan ipinanganak ang kanyang amang si Eddie Flores. Minana ng ama niya ang lupain sa mga magulang nito. Dalawa lang silang magkapatid ni Brill. Maunlad noon ang negosyong koprahan at prutasan ng kanilang mga magulang. Sa katunayan ay nakabili sila ng ari-arian sa Maynila kung saan naman tubo ang kanyang ina. Nang minsang mapadpad ang kanyang ama sa Maynila para personal na mag-deliver ng prutas noon ay napanuod nito ang kanyang ina habang nagshu-shooting ng pelikula sa may Luneta. Dating akres ang kanyang inang si Maricel na ang screen name ay Mari Lagdameo. Dahil natural na gwapo at artistahin ang kanyang ama ay nabighani naman dito ang kanyang ina. Nagsimula lang daw 'yon sa tuksuhan ng staff na ang tawag pa sa ama niya ay 'Gwapitong Boy Prutas'. Dahil na-love at first sight ang isa't-isa at pareho namang single they became a perfect match at hindi na pinakawalan ang isa't-isa. Nagkataon lang naman na maysakit noon ang tauhan nila Eddie kaya ito mismo ang nagbyahe ng mga prutas pero kung tutuusin ay may kaya talaga ito sa buhay -isang pang dahilan kung bakit hindi naging big deal sa showbiz na ang kanyang ama ang napangasawa ng isang Mari Lagdameo. His father got the looks and money. Higit sa lahat ay mabuting tao rin ito tulad din ng kanyang ina.   Malakas naman ang pinagpalang dugo ng kanyang mga magulang. Pareho silang nahawaang magkapatid. Kinse palang siya at katatapos ng high school pero five feet, seven inches na siya. Morena at maraming nagsasabing maganda raw siya. Authentic pinay beauty. Pinapasali nga siya sa mga school beauty pageant pero ayaw niya. Mas gusto niyang magdirek at mag-organize ng mga event kaysa maging mismong kalahok sa mga 'yon. May mga nanliligaw na rin kay Maggie pero lahat binasted niya. Study muna.   Nang tumuntong siya ng elementarya at sekondarya naman ang kanyang kuya ay tuluyan na silang lumipat sa Maynila. Gusto kasi ng kanilang mga magulang na masanay na sila hanggang mga bata palang sa sistema ng edukasyon sa Kamaynilaan. Napakalayo kasi ng mga paaralan sa lupa nila sa Bicol. Isa pa'y nag-aartista pa rin noon ang kanyang ina. Ang ama naman niya ay pabalik-balik sa Bicol para asikasuhin ang lupain. May mga tauhan na sila noon na naiiwan. Tuwing summer break ay excited siya dahil nakakabalik siya sa tinubuang bayan.   Ngayong magkokolehiyo na siya at nakatapos naman ng kolehiyo ang kanyang kuya Brill sa kursong mass communication at additional two years para sa special class sa movie direction na programa ng eskwelahang napasukan nito sa Maynila ay napagdesisyunan ng kanilang mga magulang na ibenta na ang lupa. Isang taon na rin kasi ang nakakaraan mula ng magkasakit ang kanyang ama ng bato sa apdo at acute stage na. Sa parehong panahon ay isa pang dagok ang dumating sa kanilang pamilya. Na-diagnose ng breast cancer ang kanyang ina. Stage one palang kaya inagapan na kaagad. Kaya sa praktikal na usapan at dahil mahina na rin ang koprahan samantalang ang prutasan ay marami ng kompetisyon, napagdesisyunan ng ibenta ang lupa. Matanda na rin ang kanyang mga magulang. Ayaw na nilang mas may lumala pa sa naging sakit ng mga 'to. Magtatayo nalang daw ang mga ito ng maliit na grocery sa Maynila upang may mapaglibangan. Ang kuya Brill naman niya ay magsisimula ng magtrabaho bilang assitant director ng isang film outfit sa Maynila, ang Diamond Films.   Ito na ang huling summer ni Maggie sa lugar kung saan siya ang queen. She just love the peaceful ambiance of the province. Alam niyang maramimg oportunidad sa syudad pero ang simpleng kasiyahan na dulot ng probinsya ay priceless. Ngayo'y sinusulit na niya ang bawat sandali sa minahal na lugar.   "Halika ngang bata ka. Pawisan ka na." Puna ng ina pagbaba niya ng puno.   "Ayos lang po ako ma. Heto po oh isang supot na taramindo at may baklasin din." Inabot niya ang isang supot na nakuha sa itaas ng puno.   "Alam mo Maggie tama naman kasi ang kuya mo. Dalaga ka na. May mga nanliligaw na nga sayo eh."   "At wala po akong nagustuhan sa kanila." Dugtong niya sa ina at hindi na pinatapos pa.   "Pero malay mo biglang dumating yumg perfect match mo. Parang kami ng papa mo. Hindi namin yon inaasahan. Malay niya bang sa pagdaan niya sa Luneta makakakita siya ng sobrang gandang babae tapos ako makakakita ng sobrang kisig na lalaki."   "Tama!" Agad naman singit ng kanyang ama na naghahanda naman ng hapag. Magtatanghalian na kasi sila sa ilalim ng puno ng mangga.   "Ma kung dadating siya edi po dumating siya. Magiging busy na ako sa college life ko soon. Good luck sa kanya." Saka siya umupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.   Kunyari ay wala lang kay Maggie ang tinuran ng ina pero sa totoo lang ay nangangarap din siya ng isang perfect match love story para sa kanya. Yung dalawang magkaibang tao na nag-swak talaga. Galing sa dalawang magkaibang mundo tulad ng Maynila at Bicol pero nagtugma. Isang artista at isang simpleng nagsasaka ng lupain. Pagtatagpuin ni Kupido para bigyan ng pares ang mga puso tulad ng nangyari sa kanyang mga magulang. Sa ngayon ay wala pa talaga siyang natitipuhan. Marahil hindi pa sila pinagtatagpo ng kanyang perfect match.   "Siya nga pala. Nabayaran na ng buo itong lupa. Pinayagan nalang tayo ng bagong may-ari na magbakasyon dito sa huling pagkakataon sa loob ng dalawang buwan. Mabait kasi yung mag-asawang nakabili. Autralian yung lalaki tapos Pinay naman yung babae. Isang lalaki lang yung anak nila. Alam mo anak gwapo yun at parang kaedad mo lang. Kaya pagkakain talaga maligo ka na ah. Baka maamoy ka non." Dugtong pa ng kanyang ina.   "Oo nga Magz ah. Maligo ka baka bumalik pa Australia yung mga yun kapag naamoy ka." Panunukso na naman ni Brill.   "Ewan ko sayo kuya! Ako na naman nakita mo!"   Pagkakain ng tanghalian ay sumunod na rin naman si Maggie sa utos ng mga nakatatanda. Maliligo na siyam Nasa gitnang bahagi ng lupain ang kanilang bahay dito. Lumang desenyo iyon na gawa sa kahoy. Sa kabilang dulo kung saan naroon ang koprahan ay may poso na naglalabas ng malinis na tubig. May banyo naman sa bahay pero mas gusto ni Maggie sa poso.   "Kung kaya ikaw ang aking inibig... yan ay kusang nadama at hindi ko pinilit... mmmm... mmmm..." Nagsimula na niyang bombahin ang poso para lumabas ang tubig. Kumakanta pa siya habang ginagawa iyon. Paborito niya ang pag-awit at pakikinig ng OPM songs. Ayos lang din naman ang banyagang pop music sa kanya ngunit sadyang may kakaibang dating sa kanya ang sariling atin.   Nang mapuno niya ang timba ay nagsimula siyang magbuhos. "Hooh!" Dama niya ang sariwa at malamig na tubig. Nakasuot lamang siya ng mahaba at malaking puting t-shirt na pag-aari pa ng kanyang ama. Sa loob ay bra at panty lang. Wala namang ibang tao sa lugar. Nakahanda rin ang tuwalya na nilapag nalang niya sa damuhan.   "Kung kaya..." patuloy lang siya sa pagbubuhos at pagkanta hanggang sa may naaninag siya sa kanyang gilid. Nang lingunin niya iyon ay halos mapalunok siya sa nakita. Isang lalaking tila kaedaran niya lang ang palapit sa kanyang direksyon. Iba ito sa mga kamag-aral niyang lalaki at mga nanligaw sa kanya. He was hot. Kind of her type. Matangkad din tulad niya pero mas mataas sa kanya. Naka-skinny jeans ito at slip on shoes. Nakaputing sando lang. Hinahawi nito ang mahabang bangs na umaabot na sa mga mata nito. Napansin niya agad ang walang buhok nitong kili-kili at ang firm ngunit hindi kalakihang mga braso nito. Ang puti ng kili-kili ni koya!   Nang mapunta siya sa mukha nito ay saka niya napagtantong banyaga ito. He has this pinkish lips and clear blue eyes. Gwapo ni koya oh!   "Ito na yata ang sinasabi nila mama. Dumating na ang perfect match ko. Yung lalaking magugustuhan ko." Patuloy lang siya sa pagtitig dito. Palapit na ito ng palapit sa kanya ng mapansin niya kung saan ito nakatingin. Kitang-kita na ang hubog ng kanyang katawan. Dahil basa na ang suot niya ay maaaninag na ang suot niyang panloob. "m******s!" Sigaw siya sabay hablot sa tuwalya at binalot iyon sa katawan.   Nagtatakbo siya pabalik sa kanilang bahay. Sigaw pa rin siya ng sigaw hanggang sa mabundol siya sa kanyang kuya Brill.   "Pupuntahan na sana kita Magz eh Ano bang nangyari ha?" Tanong ng kanyang kuya.   "Kuya may m******s na papalapit sa akin habang naliligo ako! Grabe kuya kung alam mo lang!" Bulalas niya rito.   "May ibang nakapasok sa lupa natin? Nakabakod na ang kabuuan nito ah? Ano bang itsura nung m******s na namboboso sayo?"   "Huh?" Bigla siyang kumalma at napaisip. "Ah ah ah... gwapo naman... parang foreigner? Maputi ang kili-kili. Gwapo. Gwapo!" Magsasalarawan niya sa m******s.   Napahalukipkip ang kanyang kuya. "Gwapo? Aba parang gusto mo ng bumalik ulit don ah Maggie? Nagsisisi ka bang nagtatakbo ka?" Pinagtaasan nalang tuloy siya ng kilay ng kapatid. Kitang-kita niya ang mapagduda nitong mga titig.   Mahina niya itong hinampas sa braso. "Hoy kuya ah! m******s pa rin yon! Tinanong mo ako kung anong itsura pero kung makatingin ka sa akin dyan akala mo may ginawa akong masama! D-in-escribe ko lang naman yung tao!" Sanay na silang magkapatid na magkulitan, magsagutan at magsigawan. Bahagi na iyon ng kanilang lambingan. May pinagdadaanan ang isa sa kanila kapag tahimik silang nagsama.   "Bakit napaka-defensive mo dyan?" Tanong nito.   "Nagpapaliwanag lang." Inismiran niya ito. "Ayoko na tuloy maligo. Kailangang mahanap niyo na muna yong manyakis."   "Baka hindi naman yon m******s. Baka ang nakita mo ay ang anak ng nakabili ng lupa natin. Dumating na kasi sila. Pagkapakilala sa amin nung anak nilang lalaki naglibot agad dito eh. Base sa description mo ay yun nga yun. Si Dennis nga yon."   "Dennis?" Paniniguro niya.   "Oo. Gwapo ng pangalan no? Crush mo na?" Muling panunukso nito.   "Crush agad? Hindi mo alam kung paano niya ako tinitigan kuya!" Saka niya hinigpitan ang pagkakabalot ng tuwalya sa sarili.   "Kahit na. Kahit sino yatang lalaki di ka nagwapuhan eh. Until Dennis came. May ibang lahi pala ang matitipuhan ng kapatid ko oh! Mas gaganda ang lahi natin neto!" Napapakpak pa ang kuya niya. Napailing nalang siya. Patay malisya kahit ang totoo ay binabalikan niya sa kanyang gunita ang itsura ng lalaki. Yes. For the very first time ay naka-appreciate siya ng gwapo. Hindi lang basta gwapo, malakas pa ang dating.   "Kuya naman eh!"   "Oh teka." Tumingin ito sa gawing likod niya. "Siya ba ang tinutukoy mong m******s na namboboso sayo?" Tumuro ito at saka naman siya tumalikod.   There she goes again. Her heart pound faster than the usual. Parang adonis ang lalaki na niluwa ng kalikasan. Back view pa naman din nito ang mga puno.   "S-siya nga ang m******s kuya." Sambit niya. Sa saglit na pagkawala niya sa kanyang sarili ay hindi na niya namalayang nasa harap na niya ang lalaki.   "What is m******s?" Tanong nito. His voice was soothing to her ear. Authentic foreigner. Hindi pinilit.   "Y-you." Tugon niya sa lalaki.   "Me?"   "Yes you! m******s ka! You are a maniac!" Bulalas niya rito. Halos isang ruler nalang ang layo nila sa isa't-isa.   Bigla siyang hinigit nito sa baywang palapit dito. Nagdikit ang kanilang mga katawan at halos masubsob na ang mukha niya rito. Nag-panic ang kanyang puso. Masyadong naging mabilis ang pag-pump ng dugo sa kanyang sistema. Diyos na mahabagin. Ang bilis naman yata ni koya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook