Prologue

1325
"There's nothing more enjoyable than doing what's your interest with passion. But, always remember that your interest may change in a very unexpected way." MS. R.A Prologue Malalakas na hiyawan ang maririnig sa isang malawak na car racing field na ang isinisigaw ay ang gusto nilang manalo sa palaro. Malaki-laki din ang premyo na makukuha, pursigido ang mga kalahok na manalo pero ang kapursigihan na iyon ay handa ng tapusin ng isang manlalarong may malawak na ngisi sa labi nito na pinabilis na ang kanyang pagpamamaneho sa dala nyang Red ferrari sport car na mas lalong ikinalakas ng hiyawan sa buong racing field. "HIS SLOWER FROM THE START BUT DEMON MONDRAGON MAKE HIS WAY NOW EVERYONE!!?!THE KING OF THE ROAD IS SPEEDING FAST ON HIS WHEEL LIKE A LIGHTNING AND PASSING ALL HIS COMPETITO-----DAMN! AND DEMON MONDRAGON GETS THE CHAMPION AGAIN!" Malakas na ipinereno ni Demon ang kanyang sasakyan ng sya ang unang makatapos sa karera, ngiting tagumpay na sumandal si Demon sa kanyang kinauupuan. "Damn yes!" tuwang sambit ni Demon sa sarili Another victory was done by Demon in car racing class na maipagyayabang na naman nya sa kanyang kambal na hindi sumama sa kanya para makikarera dahil mukhang sinusulit nito na makasama ng kambal nya ang kanilang kapatid na si Irish bago tuluyang ipagkatiwala kay Paxton. Matapos ang malaking laban na naganap sa Underground Society, marami ang nasira, maraming buhay din ang nawala pero muli itong itinatayo ni Valdemor upang ipagpatuloy ang Underground Society. Hindi nga lang muna sila makakabalik pansamantala sa Underground dahil ginagawa pa ito na pabor sa kanila dahil makakapagpahinga sila. Malapit ng ikasal ang kapatid nyang si Irish sa kanyang kaibigan na si Paxton at masaya sya para sa dalawa pero hindi nya kayang tanggihan ang tawag ng kanyang hilig sa pangangarera kaya hinayaan nya muna kay Devil ang pakikipag bonding kay Irish na pag nanalo sya ay maipagmamalaki nya sa bunsong kapatid pag umuwi na sya sa kanila dala ang balitang nanalo sya sa karera. Malawak ang ngising lumabas si Demon sa kanyang kotse na agad sinalubong ng malakas na hiyawan at palakpakan mula sa mga manunuod na sya talaga ang inaabangan na mapanuod sa bawat karerang nagaganap. Napalingon si Demon sa mga nakalaban nya na nagsisilabasan na sa mga kotse nila at nakangiting naglalakad palapit sa kaniya. "What do we expect from the best racer of all time, nilampaso mo na naman kami Demon." naiiling na ngiting pahayag ng isa sa nakalaban nya na tinapik sya sa balikat ng makalapit ito sa kanya. "I gave you the oppurtunity so you can have the way kaya lang hindi ko mapigilan na hindi ipanalo ang laban na'to, sayang ang premyo." pahayag ni Demon na ikinatawa ng kausap "Seriously? Barya lang sayo ang premyong makukuha mo sa karera na'to, common people's so called 'the king of the road' you have so f*cking plenty of money in your bank." pahayag nito na malakas lang na ikinatawa ni Demon. "May mayaman paring kailangang magpayaman maraming pinag-gagamitan." ngising sagot Demon na kita nyang hindi naintindihan ng kausap nya ang gusto nyang sabihin na ikinatapij nya sa balikat nito. "Maiintindihan mo ang sinasabi ko pag nagkaroon ka ng mga kaibigang ubos yaman kung maningil. I experience that once dude, half a million." Iniwan na ni Demon ang kausap nya at pumunta na sa lamesa nya para ayusin ang gamit nya para makauwi na. Kailangan nya pang humabol sa bonding session nilang magkakapatid lalo na at isang buwan na lang Mrs. Ignacio na ang prinsesa nila. Natatawa parin nga sya pag naalala nya kung paano namanhikan ang pamilya ni Demon sa kanila. Noon nya lang nakita na napagtutulungang asarin ang ama nila ng tatay ni Paxton at tatay ni Trace. Nakakabuti 'yun para kina Devil dahil kahit papaano na di-divert ang atensyon ng tatay nila upang hindi masyadong maisip ang kanilang ina. Patapos na sa pag aayos si Demon ng may malakas na hampas syang natanggap mula sa likuran nya na bahagyang nyang ikinangiwi dahil sa lakas ng pagkakahampas nito. Isa lang ang kilala nyang kulang nalang ay pagtambayan ng pasa ang likuran nya. "Babe naman baka pwede mo namang baguhin ang favorite mong parte ng katawan ko na hahampasin mo. May balikat pa ako oh?May hita, may dibdib may--ARAY NAMAN!" napahawak si Demon sa ulo nyang nakatanggap ng batok mula sa kaibigan na ikinaharap nya dito. "Oh ayan!Binago ko na masaya ka na?!Pwede ba Den baka naman pwede mo na akong maihatid sa Ospital dahil may duty pa ako! Bakit ba ako kinakaladkad mo pag hindi ka sinasamahan ng kambal mo sa mga karera mo!! Naiinaman ka na ha!" Hinahaplos ang kanyang ulong nilingon ni Demon si Rinka na kitang-kita ang pagka-inis sa kanya na malawak niyang ngitian bago kinuha ang dalawang kamay nito at hinaplos-haplos. Si Rinka ay ang doktor na minsang tumingin kay Irish ng maoperahan ito, naging malapit lang sila sa isa't-isa dahil sa dalawang araw na nagbantay si Demon sa Ospital na pinagtatrabahuan nito kung saan naka confine sina Irish at Paxton. Naging mag kaibigan sila dahil palagi silang nagkakasagutan kaya nakita nalang nila ang mga sarili nilang nagiging malapit sa isa't-isa. Nang makalabas sina Irish sa Ospital ay ito lagi ang hinihila nya pag may araw na hindi sumasama ang kambal nya sa pagkakakarera, hindi naman nya maasahan ang mga kaibigan nya dahil abala ito sa mga negosyo nila. "Kailan kaya gagaan ang kamay mo babe, sa sobrang bigat isang hampas mo pa masisira na spinalcord ko sayo eh." Inis na hinila ni Rinka ang mga kamay nya kay Demon at inambahang susuntukin ang kaibigan na ikinasandal lang nito sa lamesa at ngising tinapik ni Demon ang kanyang dibdib. "Matigas 'to." Pigil ang inis na napabuntong hininga si Rinka na binaba ang kamay nya at seryosong tinitigan si Demon. "Pwede ba Den kahit isang beses lang seryosohin mo naman ako. May duty ako ngayon at i'm sure na masasabon ako ng director namin pag hindi pa ako bumalik. Tsaka pwede ba tigil tigilan mo ang kakatawag mo sa akin ng babe, napagkakamalan ako ni Devil na chicks mo eh." reklamo at sita ni Rinka kay Demon na ikinatawa ni Demon na pinaningkitan ni Rinka at namewang sa harap nya. "May nakakatawa ba?" "Seriously Rin? Putulin mo na pantasya mo sa kambal ko kasi hindi ka papansin nun. Iba ang pinapantasya nun kaya pumili ka nalang sa ibang mga kaibigan kong single. Pwede rin naman ako, hindi masamang pagpantasyahan ako aba! kamukha ko si kambal hindi ka na lugi." "Ganun?Hindi ako lugi, ganun ha!" Ngiting nilapitan ni Rinka si Demon at bago ma sya malandi ni Demon ay malakas nya itong sinikmuran na ngiwing napayukong ikinahawak ni Demon sa sikmura nya bago nya ito ngitian ng malawak "Oh ayan babe, di ka na lugi. Halika na, ihatid mo na ako baka bangasan pa kita eh!" sumimangot na iniwan ni Rinka si Demon na pilit na tumayo ng ayos at natatawang hinabol ng tingin ang kaibigang naglalakad na palayo "Oy Rin!I'm just making you biro lang naman, huwag kang pikon." habol na pang aasar ni Demon na ikinataas lang ng kamao ni Rinka dahil alam nyang naasar ito dahil may pagkakataon na nagko-conyo languange ang dalaga na ginagamit nya minsan sa pang aasar. Natigil lang sa pagtawa si Demon ng maramdaman nya ang pag vibrate ng cellphone nya na kinuha nya sa bulsa nya at makitang tinatawagan sya ng kambal nya na agad nyang sinagot. "Wazzup Twinnie! Sakto tawag mo kakatapos lang ng laban ko and guess what?" (Yeah!Guess what? Lucifer wants you to go home now, he will discuss something to you.) Nawala ang ngiti ni Demon sa sinabi ng kambal nya dahil alam na alam nya ang linyahan na 'yan. "Kambal 'yang discuss something na 'yan huwag mong sabihin na Japan tour na naman 'yan?" (Oh! You gotten smarter everyday eh Denver, i'm impressed. Now, go home.) Bagsak ang balikat na ibinaba ni Demon ang cellphone nya at malalim na napabuntong hininga bago bahagyang napangisi. "Talagang trip na trip ni Lucifer na ako ang itapon sa Japan ah. *はまたやってくる(I will come again)nihon (Japan). Damn it!" inis na pahayag ni Demon bago umalis na sa racing field.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작