Chapter 02

4864
"Once you lose, it will haunt you because of the main reason why you experience such unbelievable events in your entire life. You want to regain your pride but you never notice that not the pride is your reason why ypu want to get even but to know the person who give you such unexplainable feelings." MS. RHEN A. Chapter 2 Naniningkit na tinututok ni Mikael ang kanyang mga mata sa kanilang unforeseen visitor na prenteng nakaupo sa may sala nila habang may malawak na ngiting ibinibigay sa kanyang ina habang nilalagay sa table ang meryendang inihanda nito. Nakahalukipkip lang syang nakatayo sa may gilid ni Demon na hindi man lang sya inabisuhan na darating sa bahay nila. "Huwag kang mahiya Denvy ha, ako mismo gumawa ng cake na 'yan kaya dapat ubusin mo 'yan." malawak na ngiting pahayag ng ina ni Mikael na lalong ikinasingkit ng mata ni Mikael "Don't worry tita Yvana kahit masira ang ngipin ko uubusin ko lahat 'yan." sagot ni Demon na mas lalong ikinatuwa ng ina ni Mikael na pinuna nya na "Ma, hindi mo naman kailangang asikasuhin ang bwisita natin. Tsaka Demon ang pangalan nyan hindi Denvy, pag nakita kayo ni Papa na ganyan magseselos na naman 'yun." sitang reklamo ni Mikael sa ina na nakasimangot na ikinalingon nito sa anak "Aish! Nagsusungit ka na naman ang anak ko, minsan ko lang makita ang kaibigan mo kaya natutuwa lang ako." "Hindi ko 'yan kaibigan, si Achilles ang kaibigan nyan." sagot ni Mikael na ikina akto ni Demon na parang nasasaktan sa sinabi ni Mikael "Ang sakit naman ng sinabi mo Mikael, akala ko magkaibigan tayo hindi pala 'yun ang tingin mo." madramang pahayag ni Demon na mahinang ikinahampas nito sa braso ng anak "Umayos ka Mikael! Sobra naman ang sinabi mo kay Denvy, dinalaw ka na nga dito ibig sabihin magkaibigan kayo. Kanino ka bang nagmanang bata ka eh hindi naman ganyan ang tatay mo." sita ng ina ni Mikael sa kanya na kita nyang ikinangisi ni Demon "Ikaw na muna ang bahala kay Denvy, tatawag ang tita Aza mo kaya maiwan ko na kayo." pahayag ng ina ni Mikael na ngiting nagpaalam kay Demon bago iwan silang dalawa. "Ano bang masamang hangin ang nagdala sayo dito sa pamamahay namin Mondragon?" "Hindi ka ba masayang makita ako Mikael? Tagal na din simula ng bulabugin kita dito. Buti nalang naniwala ako sa pakiramdam kong narito ka sa Japan. Kilalang-kilala na ako ng mga tauhan nyo kaya smooth lang pagpasok ko." pahayag ni Demon na kinuha ang cake na dala ng ina ni Mikael at tinikman iyon. "Masarap 'tong gawa ni Tita Yvana ha." "Anong ginagawa mo rito sa Japan?" tanong ni Mikael na umupo sa sa sofa na kaharap ni Demon. Sa tuwing si Demon ang pinapupunta ng kanyang ama sa Japan ay hindi pwedeng hindi ito dumadaan sa bahay ng pinsan ni LAY na si Mikael para guluhin ito. Nakilala nilang magkakaibigan si Mikael tuwing nadalaw sila sa bahay ng mga magulang ni LAY at nasasaktong naroon si Mikael para magbakasyon. Minsan naabutan din nila ito sa Royal Palace sa Greece pero hindi ito masyadong napalapit sa kanila. "Same parin ng reason ko last time na dumaan ako dito, pinatapon na naman ako ni Lucifer dito dahil sa business." pahayag na sagot ni Demon habang kumakain ng cake na ikinasandal ni Mikael sa kinauupuan nya. "Maraming itinambak na trabaho si Lucifer sa akin kaya ngayon na ako dumaan dito. Na surprise ka ba?" "Surprise my ass." poker face na sagot ni Mikael na ikinatawa lang ni Demon "Ang sungit mo tol baka maturn off sayo ang pinsan ni Sari, bawas-bawasan mo." ngising pahayag ni Demon kay Devil na ikinabaling ng tingin nito sa ibang direksyon "Talaga bang hahayaan mong maikasal sa iba ang babaeng mahal mo? Baka magsisi ka sa huli, ikaw din." "Tsk! Alam mong mas ok na hindi sya sa akin mapunta, alam mo kung gaano kagalit ang ama nya sa pamilya namin." seryosong sagot ni Mikael na ikinabuntong hininga ni Demon "So ganun lang 'yun?Dahil malaki ang away sa pagitan nyo hahayaan mong mapunta sya sa iba?" Hindi sinagot ni Mikael ang tanong ni Demon na ikinailing nalang nito. Kita naman ni Demon sa mga mata nito na nasasaktan ito pero pilit lang nitong binabalewala. Walang experience si Demon sa love na sinasaboy ni Kupido pero dahil may mga kaibigan syang iba din ang dinanas dahil sa pag-ibig, naiintindihan nya ang lihim na sakit na nararamdaman ni Mikael. Alam nya na kahit anong sabihan nya dito ay wala itong gagawin dahil alam nyang iniisip nito ang side ng pinsan ni Sari sakaling suwayin nito ang ama ng dalaga ng dahil kay Mikael. Umaasa nalang syang magakaroon ng lakas ng loob si Mikael ang dapat nyang ipaglaban hanggang may oras pa ito. Pinagpatuloy nalang ni Demon ang pagkain nya ng cake ng maalala nya ang naganap na pagkatalo nya kanina sa Fuji International Speedway. Hindi inasahan ni Demon na nakaka frustrate pag natalo ka sa isang bagay na alam mong walang makakatapat sayo. Buong buhay ni Demon pangangarera ang kinalakihan nya, bawat laban nya sya ang panalo, walang sinoman ang nakakatalo sa kanya kaya hindi nya matanggap na bigla nalang syang matatalo ng isang iglap at ang hindi nya matanggap ay isang babae na tanging labi lang nito at mga mata nito ang nakikita nya ang makakatalo sa kanya. Hindi lang ang pagkatalo nya ang bumabalik sa isipan nya, hindi rin maalis sa utak nya ang mga mata nito lalo na ang mga labi nito. Hindi maintindihan ni Demon kung bakit kailangan din syang guluhin ng labi ng dalagang nakatalo sa kanya, gusto nyang bumawi dito para maibangon ang pride na nasira nito. Gusto nyang hanapin ang babaeng tinatawag na Black na nakatalo sa kanya at labanan ulit ito pero hindi nya alam kung paano ito hahanapin, hindi sigurado si Demong kung makikita nya ulit ito sa Fuji Speedway at hindi rin nya pwedeng aksayahin ang oras nya sa paghahanap dito dahil kailangan nyang bumalik agad sa pilipinas pagkatapos nyang gawin ang mga nakatambak na trabaho sa kanya sa loob ng tatlong araw. Pakiramdam ni Demon ay hindi sya patatahimikin ng pagkatalo nya and worst baka maakapekto iyon sa pagtatrabaho nya "Mukhang badmood ka?" tanong ni Mikael na nakapukaw sa atensyon ni Demon na napalingon sa kanya "Huh?" "Mukhang bago ka magpunta dito ay may nangyari sayo na sumira sa araw mo. Kulang nalang baliin mo ang hawak mong kutsara, ingatan mo 'yan paboritong gamit pa naman 'yan ni Mama." ngising puna ni Mikael na agad ikinabaling ni Demon sa hawak nyang kutsara na bahagya ng nabaluktot kaya ibinaba nya na ito sa lamesa at tumikhim ng ilang beses. "Hulaan ko, siguro dumating na ang araw na may nakatalo sayo sa car racing tama ba? Nabali na ba ang kasabihan mo na 'the only one who can beat me is me?" hulang pahayag ni Mikael na kita nyang ikinatulos ni Demon sa pagkakaupo nya dahilan para makumpirma nyang tama ang hula nya "I told you Mondragon, bilog ang mundo. Sino ang nakatalo sayo ng makapagpa-autograph naman." pang aasar pa ni Mikael na poker face na ikinatingin lang ni Demon sa kanya "Tsamba lang 'yun, hindi kasi ako seryoso sa naging laban namin." pilit na ngiting pakita ni Demon na mas lalong ikinangisi ni Mikael "Huwag ako Mondragon, kahit hindi ka seryoso alam kong hindi ka nagpapatalo sa mga laban mo. Huwag kang mag alala, hindi ko itsi-tsimiss kay LAY ang firt time lose mo." pahayag ni Mikael na ikinasimangot na ni Demon "Gago! Nakatsamba lang ang babaeng 'yun. Oag nakita ko ulit sya sisiguraduhin ko na ibabalik ko ang dangal ko." seryosong pahayag ni Demon na ikinaalis ni Mikael sa pagkakasandal nya at nagpangalumbaba na may ngisi paring tinitigan si Demon na ikinakunot ng noo nito dahil sa binibigay nyang ngisi "What?" "A woman defeat a Mondragon, what a shame." "Sh*t up! Tulad ng sabi ko nakatsamba lang 'yun psh!" naiinis na sagot ni Demon ng mapalingon sya sa bagong dating na ama ni Mikael na may magandang awra na bumabalot dito na pakanta-kanta pa na naiiling na ikinalingon narin ni Mikael sa ama "I'm home Yvy ko!" pahayag nito na natigil sa masayang entrance na pagdating nito ng bumagsak ang tingin nito kay Demon. "Oh? Andito ka pala Demon, narito ka ulit sa Japan?" "Business po tito Tomi pero three days lang po dahil need ko ding umuwi, my sister will getting married to Ignacio. Nauna ko lang pong bisitahin si Mikael baka po magtampo eh." ngiting pahayag ni Demon na naging bahagyang tawa ng masalo nya ang maliit na unan na ibinato ni Mikael sa kanya. "That's good for him despites of what happened in the past. Well, that kid deserved to be happy." ngiting kumento ng ama ni Mikael bago ibinaling ang tingin sa kanyang anak "And you Angelo? Stop playing around and telling us that you want to marry your childhood friend and both of you had an agreement. If you love the Vitalis only daugther get her, don't sulk around." pahayag ng ama ni Mikael na lihim na ikinagulat ni Demon. Hindi inakala ni Demon na magdedesisyon si Mikael ng fix marriage gayong iba naman ang mahal nito. "Not that topic again Dad, she's going to marry anyway." sagot ni Mikael pero hindi nakatakas sa pandinig ni Demon ang pait sa mga sinabi nito. "Pag isipan mong mabuti 'yang sinasabi mong bata ka, may ilang buwan ka pa para itanan ang unica hija ng mga Vitalis. Don't worry your Uncle Raizen will back up you." malawak na ngiting pahayag ng ama ni Mikael na ikinairap lang ng anak nito sa kanya. Hindi na nadagdagan pa ang sermon ng tatay ni Mikael sa kanya dahil nagpaalam na ito para puntahan ang asawa nito. Ilang minuto palang na umalis ang tatay ni Mikael ng simulang buksan ng topic ni Demon ang kanyang narinig. "So, ikakasal ka na din pala." "It's just a f*cking agreement of the two of us, parehas na kilala ang clan namin dito sa Japan kaya nagkasundo kami na kapag wala kaming nagustuhan o minahal we will end up with each other." bored na paliwanag ni Mikael na ikinatango ni Demon "Pero may minahal ka, still itutuloy mo ang agreement nyo?" "Why is this f*cking topic again Mondragon? I told you it's better this way." angil ni Mikael sa kanya na ikinabuntong hininga Demon Lingid sa kaalaman ni Mikael ay unti-unti ng naiinis si Demon sa mga rason nya, ramdam nya na mahal nya ang pinsan ni Aliyah pero pinipigilan nito dahil sa nakaraan ng dalawang pamilya. He knew that, Balance fight Sari to have her but the man in his front was doing nothing even he can sense that he doesn't want it. "Your a f*cking coward Hideki, giving up the woman you love just because you don't want the past of your families takes much more messed up. I pity you " "Don't f*cking said that to me, Ano bang alam mo?" inis na tanong ni Mikael na ikinatayo ni Demon at seryosong nagpamulsa sa harapan ni Mikael. "I told you earlier wala akong alam sa pag-ibig na 'yan but i witnessed some of that with my friends. Remember Kiosk when she fell inlove with Sari?" "Magkaiba kami ni Kio---" "You think magkaiba kayo? Sari's uncle hates Kiosk not because his a filipino but he has a connection with Uncle Titus, unlike you, Kiosk fight his love for Sari, he even set his foot on Vitalis property just to have his queen. Your kinda friend to me Mikael so think twice before you give her to another man." Mikael take silent after Demon's preach to him "Pakisabi kay Tita Yvana nasarapan ako sa cake nya, hindi narin ako makakapagpaalam sa kanila. Aalis na ako, baka maabal pa kita sa pagrereflect mo dahil sa sinabi ko." "Damn you!" "Your welcome, minsan lang ako sapian ng ganyang pagsasabi ng words of wisdom kaya pag isipan mo. Sabi pa naman ni Sari mukhang nagugustuhan na talaga ni Aliyah ang future husband nya. Kawawa ka pag nagkataon." ngising pahayag ni Demon na ikinasama ng tingin ni Mikael sa kanya "Your f*cking free to leave Mondragon, just f*cking leave!" Ngising iniwan ni Demon si Mikael at nagsimula ng maglakad palabas ng mansyon ng mga Hideki, nagkalat sa iba't-ibang parte ng bakuran nina Mikael ang mga tauhan nila. Ano bang aasahan ni Demon sa isang maimpluwensya at malaking mafia sa Japan. Hideki clan was so filthy rich and powerful at nakakapaglakad sya ng matiwasay palabas habang niyuyukuan ng mga nakakasalubong nyang mga hapon na tauhan ng pamilya ni Mikael. "Mabuti nalang negosyante ang tatay namin at hindi Yakuza, kung nagkataon baka matakot ang babaeng magugustuhan ko." pahayag ni Demon na bahagya nyang ikinatigil sa paglalakad ng mapagtanto nya ang huli nyang sinabi Natawa nalang si Demon sa kanyang sarili dahil sa naisip nya, it's fuzzy for him to like a woman and his not interested in that subject. Liking a woman is not on his list and all he wants is to race and fight with his friends. At mas lalo nyang tinatawanan ang kanyang sarili ng biglang rumehistro sa isipan nya ang babaeng nakamaskara na nakatalo sa kanya. "What the f*ck i am saying and thinking right now? Wala pa sa utak ko ang mainvolve sa mga babae pero takte naman bakit pumasok sa isipan ko ang Black na 'yun? Tangna lang, baka hindi ako patulugin ng pagkatalo ko. In all people that would f*cking defeat me why is has to be a woman? Damn! my pride was f*cking ripped off." pahayag ni Demon sa kanyang sarili bago iiling-iling na nagtuloy na sa paglalakad at sumakay na sa kotse nya at agad pinaharurot palayo ang sasakyan nya. He tried to wipe off every thoughts of his defeat and the thoughts of the woman who had red luscious red lips with a pair of brown eyes who defeated him. It's new to him and Demon don't want to conclude that he was attracted to the woman who he wanted to deprived to take back his so called pride. Magdidilim na ng makauwi sa bahay nila si Demon, they have a big house here in tokyo pero hindi nila ito madalas inuuwian. Mostly, mga caretaker nila ang tumutuloy sa bahay nila para bantayan ito. Their main business headquarter is here in Japan but they doesn't want to stay long here. Agad sinalubong ng mga katulong si Demon at agad tinanong kung anong gusto nito para sa hapunan but he does not have an appetite to eat dinner. Hindi sya nakakaramdam ng gutom at alam nya kung ano ang dahilan. Dere-deretso lang syang umakyat sa kwarto nya nagpalit ng komportableng damit bago pabagsak na humiga sa kama nya reminiscing again the woman na ayaw nya ng isipin pero tumatambay parin sa utak nya "Shet lang!I'm not f*cking attracted to that woman! Tumatambay lang sya sa utak ko dahil natalo nya ako! Nothing more, nothing less!" pagalit na sambit ni Demon sa kanyang sarili ng rumehistro na naman sa isipan nya ang mapupulang labi ni Black na ikinabalikwas nya sa paghiga "Damn that lips! Tangna kay Fritz lang nangyari 'to pero bakit nangyayari sa akin? Aish! Mukhang hindi ako patutulugin ng labi na 'yun bwisit!" nabubuwisit na tumayo si Demon sa kama nya at agad na lumabas sa kwarto nya at deretsong bumaba hanggang mini bar ng bahay nila at agad kumuha ng alak para mapakalma ang sarili nya Madilim na sa buong bahay at ilaw lang ng mini bar ang pumupukaw sa dilim para makainom ng maayos si Demon. Alam nyang hindi sya patutulugin ng gumugulo sa isipan nya kaya he wants to get drunk. Hindi inakala ni Demon na ganito ang pakiramdam na matalo sa bagay na gustong-gusto nya, ang malala pa babae ang tumalo sa kanya at ginugulo ng babaeng 'yun ang utak nya. Parang tubig na nilalagok ni Demon ang alak na iniinum nya ng makita nya ang pag ilaw ng cellphone nyang ipinatong nya sa tabi nya na agad nyang dinampot at tiningnan ang tunatawag sa kanya. "Ano na naman ang kailangan ng isang 'to?" Nagsalin pa muna ng alak si Demon sa baso nya bago sinagot ang tumatawag sa kanya "Mamatay ka na Ynarez, gabi na nang iistorbo ka pa!" bungad na singhal ni Demon sa kausap na ikinatawa lang nito sa kanya. (Alam mo gusto ko ng isipin na nahahawa ka na sa kasungitan ng kambal mo, kaunting lambing naman dyan Demon, nag effort akong tawagan ka tapos susungitan mo lang ako.) "Kailangan mong kupal ka?" tanong ni Demon na hindi pinansin ang drama ng kaibigan (Sa tingin mo makakauwi ka ng maaga dito sa atin?) "Susubukan ko, ayoko talagang mag stay dito baka mabaliw ako pag nagtagal pa ako dito." sambit ni Demon (Oyy bakit anong meron?) "Tss! Bakit mo tinatanong kung makakauwi ako ng maaga?" pag iwas na tanong ni Demon sa tanong ni Blue sa kanya (Naalala mo 'yung nabanggit na maliit na itim na notebook na binigay ni Killdren kay Paxton?) "Anong tungkol dun?" kunot noong tanong ni Demon dito (Paxton curiosity leads him to open that f*cking notebook and dude we saw the name o----) Salubong ang kilay na ibinaba ni Demon ng mawala sa kabilang linya si Blue, he tried to contact him again pero unattended na. Naguguluhan si Demon sa kaibigan, napaisip tuloy sya kung anong laman ng maliit na notebook na 'yun at kung kinalaman ng sasabihin ni Blue doon. Naiiling na ibaba na sana nya ang cellphone nya ng tumunog muli ang cellphone nya at lumitaw ang name ng caller na ikinangisi nya kaya sinagot nya na ito "Hirap ng long distance friendship no babe? Miss me that fast?" (Baliw! Puro ka kalokohan Den. Kahit isang taon kang maburo dyan sa Japan never kitang mamimiss. Masaya na ako kung may iuuwi kang pasalubong sa akin.) "Ayon, lumabas ang tunay na pakay ni Doktora Rinka Keiko, pasalubong ang gusto. I'm getting used to it, ano bang gusto mo?" (Ofcourse yun lang naman talaga, basta gawang Japan masaya na ako. Pwede rin namang mag uwi ka sakura tree dito para maitanim sa bakuran ko.) "You know that i can get a sakura tree here but sad to say, hindi 'yun kakasya sa eroplano. Pamitas nalang kita ng mga dahon, ipa-frame mo. Gusto mo?" sambit ni Demon na inisang inom ang hawak nyang baso ng alak (Baliin ko kaya Spinal cord mo!? Syempre biro lang 'yun. Teka, kailan ba balik mo?) "After three days Rin but i'll try to finish all my works here para mas maaga akong makabalik. Ikaw babe ha, dinadaan mo ko sa pagsusungit mo pero miss mo lang ako. Siguro gusto mo ko noh?" pang aasar ni Demon na hindi ikinasagot ng kausap nya sa kanya kaya akala nya nawala na ito sa linya pero ng silipin nya ang cellphone nya ay naka in call parin ito kaya binalik nya sa tenga ang cellphone nya "Oi Rin humihinga ka pa ba?" (S-sorry nagcheck lang ako ng e-mail, dun sinabi mo hindi kita type Mondragon nuh!) "Hahaha binibiro lang kita, but i warn you babe don't fall for me ayokong paasahin ka." natatawang pahayag ni Demon na gusto lang asarin ang kaibigan na mukhang epektibo naman (You wished gago! Dyan ka na nga basta yung pasalubong ko ha!) Natatawang ibinaba ni Demon ang cellphone nya sa tabi nya habang naiiling na natatawa dahil napikon na naman nya si Rinka. She's special to him dahil ito ang unang babaeng naging kaibigan nya, tinuturing nari nyang kapatid na babae si Rinka dahil naging mabuti ito kay Irish ng nasa Ospital pa ang prinsesa nila. Ilang oras pang uminom si Demon bago magpasyang natulog. Marami-rami syang nainom kaya kinaumagahan ay muntik na syang malate sa unang appointment nya. Naging busy sya simula umaga hanggang hapon, sumakit ang leeg nya sa mga byahe na ginawa nya dahil pinag kasya nya ang oras sa pagpunta sa site B ng planta nila bago muling bumalik sa headquarters para icheck ang mga finish good nila bago pupunta sa meeting place nila ng mga board of directors. Masyado syang napagod sa pasimulang araw nya, nananakit man ang kanyang leeg ay dumaretso narin sya sa Ginza Kojyu kung saan naka set ang dinner meeting niya sa mga stock holders. Nang makarating sya doon ay agad syang pinagbuksan ng pintuan ng kotse ni Hayate, maaga sya sa oras ng dinner nila kaya baka parating palang ang mga stock holders nila. Papasok na sya sa loob ng mapalingon sya sa mag nagsisigawan dahil may isang babaeng hinalbutan ng bag nito na kita nyang ikinasunod lang ng tingin ng babae sa nagnakaw ng bag nya. Ayaw nya sanang makielam pero ng makita nyang wala man lang reaksyon ang babae na mukhang na trauma sa pagkakakuha ng bag nya ay naiiling na hinubad ni Demon ang coat nya at ibinigay ito kay Hayate na ikinataka nito. "Master Demon bakit po tinanggal nyo ang ang coat nyo?" "Stay here Hayate babalik din ako." sagot lang ni Demon na sa isang kisap mata ni Hayate ay mabilis na tumatakbo palayo ang boss nya na ikinataranta nya dahil hindi nya alam ang dahilan ng pagtakbo ng amo nya. Walang lingon nalagpasan ni Demon ang babaeng nanakawan na lingid sa kaalaman nya ay nakasunod ng tingin sa kanya na bahagya nitong ikinangiti. Agad namang namataan ni Demon ang magnanakaw na malayo din ang itinakbo kaya mukhang kampante na ito na wala humabol sa kanya na dahan-dahan na ding ikinabagal ng takbo ni Demon pero mabilis ang hakbang nya para makalapit sa magnanakaw. Nakita nyang sinisimulan na nitong tingnan ang laman ng bag ng ninakawan nya. Hinihingal lang na nakasunod si Demon dito ng lumapit pa si Demon sa magnanakaw "Sumimasen. . ." agaw pansing tawag nya dito na tinapik nya pa sa balikat nito na ikinalingon naman nito sa kanya na bago pa makapagreak sa kanya ay malakas na nya itong sinuntok sa mukha na walang malay na ikinabagsak nito at ikinabitaw sa bag na ninakaw nito na mabilis na dinampot ni Demon. "Akala ko sa pilipinas lang may magnanakaw, nauso narin pala dito." naiiling na kumento ni Demon na naglakad na pabalik sa pinanggalingan nya. Ilang oras ang nilakad nya pabalik sa Ginza Kojyu at sa tanang buhay ni Demon ngayon lang sya nakapaglakad ng ganun kalayo. Naiiling si Demon sa sarili dahil tumakbo sya ng malayo para mahuli ang magnanakaw dahil hindi man lang nya nakitang naghysterical ang ninakawan nito. Wala naman syang balak na magoa good citizen basta nalang nyang napagdesisyunan na habulin ang magnanakaw. Nakabalik na sya sa pinanggilangan nya ng agad syang salubingin ni Hayate na hindi maipinta ang mukha sa kaba "Master Demon saan ka nagpunta? Bakit po kayo tumakbo? Ilang oras din kayong nawala at naghintay ang mga stock holders natin." "Nasaan na sila?" hinihingal pero kampanteng tanong ni Demon baliktad naman kay Hayate na halatang natataranta "Nagagalit na sila pero naghihintay parin sila sa loob Master Demon kaya pumasok na po tayo sa loob." "Go on first, i'll just fix myself." utos ni Demon na agad sinunod ni Hayate at mabilis na pumasok sa malaking resto. Bumuntong hininga si Demon nang dumako ang tingin sa babaeng may ari ng bag na nakatayo lang sa dati nitong pwesto. Nakatagilid ito sa kanya kaya hindi nya masyado makita ang mukha nito, naka dress ito at nakalugay ang itim nitong buhok na sumasayaw sa hangin. Sinimulan itong lapitan ni Demon at ng makalapit na sya ay agad nyang inabot ang bag nito na kinuha nya sa magnanakaw. "anata no baggu , zikai ha tyuui si te kudasai." sambit na paalala ni Demon sa babae na nakatingin sa bag nitong inaabot ni Demon na bahagyang ikinaatras nya ng lingunin sya nito. Hindi malaman ni Demon kung bakit biglang nagkaroon ng epekto sa kanya ang babaeng nasa harapan nya ng lumingon ito. Hindi rin napigilan ni Demon ang mapalingon sa mga labi ng babae dahil parang nakita nya ang mga labi na 'yun. Hindi malaman ni Demon ang nararamdaman lalo na ng ngumiti sa kanya ang magandang babae at kinuha ang bag na kinuha nya. "Hindi ka na sana nag abala na kunin 'to i bet napagod ka sa paghabol mo sa magnanakaw." ngiting pahayag nito na lihim na ikinagulat ni Demon ng magsalita ito ng tagalog at ang hindu nya pa maintidihan ay pamilyar sa kanya ang boses na naririnig nya. Kita ni Demon sa mukha ng dalaga na haponesa ito pero hindi nya inasahan na nagtatagalog ito. "Nagulat ka?Half japanse-Half filipina ako that's why i'm talking tagalog. Mabuti nagkita ulit tayo, hindi naman maliit ang Japan pero narito ka ngayon." ngiti nito na ikinakunot ng noo ni Demon dahil hindi nya maunawan ang sinasabi ng dalaga na parang nakita na sya nito. "W-what do you mean?" "Oh? You don't recognize me? Sabagay, nagbago na kasi ako ng kulay ng buhok ko at wala akong suot na maskara. It's not that i want to be mysterious type but i just feel to wear a mask whenever im in a race. Your not sulking when you lose right?" may ngisi ng pahayag nito na unti-unti ng ikinalaki ng mata ni Demon ng maintindihan nya ang gusto nitong sabihin. Pinagmasdan nya ang dalaga mula ulo hanggang paa dahil ibang-iba ito sa unang pagkakataon na makita nya 'to. That's the reason why her lips and even her voice is familiar to Demon. She can't saw the face of the woman who defeat him yesterday but right now, hindi man lang makagalaw si Demon sa kinatatayuan nya ngayong kaharap nya ulit 'to, itim ang buhok at walang maskara. "Anyway, thank you for getting back my bag though i don't mind if it's snatched to me. Anyway, nice to see you again handsome, hope to race again with you. Sayounara!" paalam nito bago walang paalam na hinalikan si Demon sa pisngi nito na mas ikinatulos niya sa kinatatayuan nya. Iniwan na sya nito pero hindi parin makakilos si Demon sa pagkakatayo nya, Demon didn't expect that he will met sooner again the woman who give him his first lose. Hindi pa nga sya makaget over pero nakita nya ulit ito but in her real self without a black mask at hindi maiwasan ni Demon na mapahanga sa ganda ng dalaga. Mas bagay dito ang kulay itim na buhok at mas lalomg tumatak kay Demon ang mga labi nito ng makita nya na ang kabuuan ng mukha nito. Demon blink for how many times hanggang sa makabawi na sya sa pagkagulat nya sa muling pagkikita nila ng babaeng nakatalo sa kanya "I-is that f*cking Black?" Agad nilingon ni Demon ang babaeng mas lalong nagpapawala ng isipan nya na agad na nawala kaya kung saan-saan hinanap ng mga mata ni Demon ang dalaga. Wala sa sariling napahawak si Demon sa tapat ng kanyang dibdib dahil sa biglang pagbilis ng t***k ng puso nya na ngayon nya lang naramdaman sa isang babae. "The f*ck with this?" "Master Demon bakit hindi pa kayo pumapasok?!" Agad na napabaling si Demon kay Hayate na patakbong lumapit sa kanya na sinasabihan syang pumasok na sa loob dahil hinahanap na sya ng mga ka meeting nya. Dahil sa dalaga ay wala man lang pumasok sa utak ni Demon sa kung anong pinag uusapan nila kasama ang kanilang stock holders, tumatango lang sya sa mga ito pero ang utak nya ay lumilipad sa dalagang na stuck na ata sa utak nya. The Black he saw earlier is different in what he saw in the Fuji Speedway, sa ayos ng pananamit nito na babaeng babae na hindi nya masasabi kung ang dalagang 'yun talaga ang nakatalo sa kanya, but he remembered the lips and her voice dahil hindi 'yun nawala-wala sa isipan nya. He can't believe that Black is a gorgeous woman who can speak his languange fluently. Ito ang kauna-unahang natulala si Demon sa isang babae. This is the second of Demon's first na nangyayari sa kanya, una his first lose and now his first mesmerized by a woman. Demon tell to himself that his not attracted to that woman pero ano ang nararamdaman nya ngayon? He always ask himself na hindi nya tatanggapin na attracted sya sa nakatalo sa kanya. The whole meeting he was distracted, he can't focus on their topic hanggang sa makauwi sya ay ang dalaga parin ang nasa isip nya at ginugulo sya. Hanggang kinabukasan 'yun parin ang nasa utak nya. Sinesermonan nya na ang kanyang sarili dahil hindi na sya makapag focus sa trabaho nya. Kaya ginawa nya lahat para maging abala sa maghapon, he finished all his task pati narin ang gagawin nya bukas, he called Mr. Watanabe na ngayon na din sila magkikita. Talagang tinapos ni Demon ang gagawin nya sa loob lang ng dalawang araw dahil nakita nya nalang ang sarili nya sa ikatlong araw nya sa Japan na bumalik sya sa Fuji Speedway hindi para makipagkarera, bumalik sya sa Ginza Kujyo hindi para kumain kundi umaasa syang makikita nya si Black na ikinamura nya lang kagabi dahil ngayon gusto nyang malaman ang totoong pangalan ng dalaga. The whole day syang nag gala sa buong tokyo at nagbabaka sakaling makita nya ulit ito pero bigo si Demon na mahanap ito. Naiinis si Demon sa ginagawa nya, now he f*cking wants to admit na baka attracted nga sya sa dalaga dahil ito lang ang nakatalo sa kanya but Demon make sure that his so called attraction will never be developed romantically dahil mukhang hindi nya na makikita ito dah pabalik na sya bukas sa pilipinas. For Demon, going back to the philippines will help him to go back from himself. He will just act the she never met a woman na muntik ng magpabaliw sa kanya sa Japan mg halos tatlong araw. *TRANSLATION* *Excuse me- Sumimasen *Please be careful about your bag, next time- anata no baggu , zikai ha tyuui si te kudasai
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작