KABANATA 3

1350
Kabanata 3 Tristan's POV     Dahil sa inis ay naihagis ko ang mga bagay na malapit sa akin, isa na roon ang alarm clock ko, pati ang mamahaling plorera na na sa aking bedside table ay naihagis ko rin. Kaya nakagawa ito ng malalakas na ingay.     "Palagi na lang bang busy sila? Ano ang silbi ng pagiging isa sa mga top students ko, kung mismong pagkaproud ng mga magulang ko ay 'di ko man lang magawang marinig at maramdaman."     Nagtataingang-kawali ako sa katok ng panauhin na na sa labas.     "Sir?"     Patuloy pa rin ito sa pagkatok. Sinabayan na ng malakas na pagsigaw sa pagtawag sa akin.     "Sir?"     Patuloy pa rin sa pagkatok ang isa sa mga kasambahay namin. Kinalma ko muna ang sarili ko bago tumayo at nag-ayos ng buhok.     Nang na sa pintuan na ako'y kaagad kong pinihit ang siradora at pinagbuksan ang Ginang.     "Manang? Bakit po?" magalang kong tanong sa pinakamatagal na katulong namin dito sa bahay.      "Rinig na rinig namin sa ibaba ang pagwawala mo, ano ba ang nangyari sa 'yo hijo?" walang prenong tanong ni Manang Peling.     "Wala po, may naibagsak lang na gamit." pagsisinungaling ko naman. At dahil nakayuko ako ay hinawakan naman ni Manang ang aking baba para magkatinginan kami.     "Hijo, Trist. Ilang taon ka na ba ngayon?" nagtaka naman ako sa naging tanong ni Manang.     "Ah, labing anim na po,"     Bahagyang ngumiti si Manang at dahan-dahang binitawan ang aking baba sa kanyang paghawak.     "Sa labing anim na taon mong nabubuhay rito sa mansyon ninyo, ang tanong ko. 'Di ka pa ba nasasanay sa pagiging busy ng mga magulang mo? Hijo, busy sila dahil ang lahat ng ginagawa nila ay para sa 'yo rin naman. Para sa hinaharap na pangangailangan. Kaya h'wag ka ng magtanim ng kahit na anong poot sa mga magulang mo." mahabang pagbibigay payo ni Manang sa akin.     May punto si Manang kaya naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng aking mga mata.     Pero nang, 'di naman po tama na kada may sasabihin ako sa kanila ay kahit na kaunting oras man lang ay pakikinggan nila ang mga sasabihin kong mga magagandang balita. Siguro nga po kahit na mag-top one pa ako sa buong eskwelahan. Wala pa rin silang pakialam sa akin. Dahil puro trabaho o galaan na lang ang inaatupag nila."     "Hijo," nababakas sa boses ni Manang ang pagkalungkot.     "Nang, pasensya na po kayo. Sige po, ako na lang ang magliligpit nitong mga kalat-"     "H'wag na. Ipapaalam ko na lang kay Ester na siya ang maglilinis ng mga babasagin, at baka kung masugatan ka pa." ani Manang Peling.     Para 'di na humaba pa ang usapan ay tinanguan ko na lang ang Ginang.     Sinarado ko na ang pintuan at kaagad na ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.     "I should, chill," may naisip na naman akong gawin sa gabing ito. Dating gawi.     I called Lee for the nth times but it seemed like he already full asleep. That's why I decided to come into that place on my own.     Naligo na muna ako para ma-refresh ang ulo kong mainit kanina. Matapos maligo ay nagtapis lang ako ng tuwalya sa may ibabang parte ko. Kaya ramdam ko ang sobrang lamig na nanggagaling sa aircon.     I walked through my closet and choose some clothes to wear, to look more matured. After that, I am now on my wide mirror and ready to put some light make up for men and an eyeliner to look more fiercer.     I'm done on my face and the next thing I did is putting a clay gel on my hair to create a style.     Matapos ko magbihis ay kinuha ko sa drawer ko ang susi ng aking sasakyan. Lumabas ako ng kwarto at binibitbit ko pa muna ang aking black leather jacket. Ang isinuot ko ay isang puting t-shirt na may nakasulat sa gitnang bahagi ng damit. At ang pang ibaba naman ay isang gray jogger pants na may linings sa gilid na kulay puti. On my feet, I only wear a pair of black and gray sneakers.     "Saan ka pupunta hijo?" salubong na tanong ni Manang sa akin.     "Manang, if ever magtanong po sina Mommy at Daddy if where am I, just tell them that I went to a friend's house." habilin ko sa Ginang.     At tuloy-tuloy lang ako sa pagmartsa palabas ng bahay. Pumunta ako sa may garahe at pinuntahan ang   aking Everest Ford. At pumasok na rito at saka nagsimula nang magmaneobra sa loob. Isinaksak ko na ang key at inistart na ang sasakyan.     "Sir, lalabas ka po?" Tanong sa akin ng guard.     "Yes Kuya, baka bukas na po siguro ako uuwi. You can lock the gate na lang po if I am not here at 9PM." paalala ko.     "Ah, okay po Sir."     Tinanguan ko lang sila at pinaharurot na ang sasakyan palabas ng entrance gate ng bahay. Ganoon din ang sinabi ko sa main entrance gate.     Nang tuluyan na ngang nakalayo sa mansiyon ay pinaandar ko na ang music box sa sasakyan at nagpasound lang ng mga melodic songs.     Plano ko talagang magpakalasing today. At dahil minor age ako, I need to disguised as a man. And I did    also create a fake identification card to look more real na 'di na ako minor age.     'Di na bago sa akin ang mga gawaing ito. Kasi nagagawa ko na ito noon when I celebrate my own birthday. I did not really have a grand birthday party in my house. I only celebrated my birthday with my best buddy, Lee. Binibigyan lang ako ng budget nila mommy at daddy to spend and have my birthday. It's fine with me. 'Di naman rin ako into social gatherings. I hate socializing to those politics or any other business men. They all gather para lang magsipaghambogan sa kanilang mga kayamanan.     "Pity people, they're all into faking smiles, and talkshits." napa-ismid na lang ako sa aking nasabi. Imbes na sa isipan ko lang iyon sana sasabihin pero naibulalas ko ito ng wala sa pag-iisip.     Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho at sa isang oras na byahe ay nakaabot rin sa mismong open hours nitong bar.     'Dynamic Bar'     Tinawag itong dynamic bar dahil sa malabomba nitong mga pasabog sa mga sekretong mga palabas nila rito. Open sila for one hour. Pero kinoclose naman nila after an hour pero 'di alam ng lahat na sa labas lang pala ito sarado dahil sa loob nito'y maiingay na musika at mga usok ng mga sigarilyo at vapes ang sasalubong sa mga papasok.     "Sir, ID po." Ibinigay ko naman kaagad ang ID ko at yumuko ang sekyu dahil nakita niya ang tatak na VIP sa ID ko.     "Pasensya na po, Sir, 'di ko po alam. Bago lang po kasi ako rito."     "Okay lang, I understand kaya pala bago ang mukha mo rito." pagboboses mature ko para 'di mahalata ang edad ko.     "Puwede na po kayo pumasok, Sir."     "Okay, by the way...is Lorwan already here?" I asked.     "Ah si Sir Lorwan po, opo, na sa itaas po. Puntahan na lang po ninyo."     Dirideretso akong pumasok sa loob at kagaya nga ng nasabi ko kanina iyon din ang mga sumalubong sa akin.     May waiter na dumaan sa harap ko kaya kumuha ako ng brandy. At saka nagpatuloy na sa pag-akyat sa mismong office ni Lorwan.     Na sa labas pa nga lang ako ng opisina ay nakita ko na rito ang ginawang paglalampungan ng babae ni Lorwan na si Mitsy. Kumatok ako ng tatlong beses at saka napansin siguro nila na may kumatok kaya natigil sila sa kanilang ginagawa.     Si Lorwan Kitler ang may ari nitong Dynamic Bar. Ito ang kaunaunahang naging business niya matapos makapagtapos sa pag-aaral. He's already twenty-eight and legal na kaya ganito ang negosyong naisip niya na papatok. May permit at lisensya ang bar na ito kaya 'di ito na-closed ng kahit na sino. At mahigpit sila sa mga minor.     Maliban na lang sa akin. Very important person kumbaga.     "Oh! Trist. Why are you here?" salubong na tanong ni Lorwan sa akin.     "Hello, Tristan " malanding pagkasabi ni Misty no'n sa 'kin. Ayaw ko talaga sa babaeng ito eh. Kung makapulupot parang linta.     "Chilling," I said in rejoiced.     "Ow? Okay," ngumisi siya. "Want some chick?" Pabirong alok ni Lorwan sa akin. Pero dahil andito ako para mag-chill ay 'di ako pumayag at baka huthotan lang ako.     "Bago ah. Ayaw mo na sa mga chick?" pang-aasar niya.     "'Di naman sa ganoon, Lor. Gusto ko lang talaga mag-chill. Uminom nang uminom."     "Cheers!"     "Yeah, cheers." kalmante niyang tugon.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작