KABANATA 1

1065
Kabanata 1 Jarry Lee's POV      Inaayos ko ang pagkalagay ng aking reading glass matapos kong basahin itong article sa isang libro tungkol sa history cased nitong paaralan ko ngayon. Labing-dalawang taon na pala ang nakakaraan simula nang nangyari ang nakakalungkot na sinapit ng isang estudyante rito.     Kasing edad ko lang pala siya sa mga panahong iyon. So kung ganoon, labing-anim na taon na siya noong namatay siya at labing-dalawang taon na ang nakalipas ibig sabihin kung buhay pa sana siya ngayon ay na sa humigit-kumulang ay mga na sa dalawangpu't-walong taong gulang na pala sana siya ngayon.     Pero bakit kaya nangyari iyon sa kanya. Ang nakapagtataka pa ay wala man lang records na nakalagay kung ano ang naging autopsy ng kanyang katawan.     Napalingon naman kaagad ako sa may likuran ko nang may tumapik sa aking kaliwang balikat.     "Lee, nandito ka lang pala." Itiniklop ko kaagad ang binabasa kong kaso kanina.      "Ano iyan?" Tsismosong tanong ng kaibigan ko.     Tumayo na lang ako at 'di nag-abalang sagutin ang mga katanungan niya at dali-daling niligpit ko ang mga gamit at ipinasok ko sa bag.     "Pipi ka na pala ngayon, Lee? Sagot-sagot din 'pag may time. Nakakapanis pa naman ng laway ang pagiging tahimik. Sige ka." Pananakot pa niya sa akin.     Nauna na lang akong naglakad sa kanya at dinaanan ko lang siya.     "Lee. Hoy. Hintay," Malakas na tawag niya sa akin kaya nakagawa siya ng ingay sa loob ng library kaya nasita tuloy siya ng guro. At pinatawag siya roon.  Buti nga. Natatawa na lang ako sa sinapit ng kaibigan kong iyon.     Siya si Tristan Nuevo, anak ng isang pinakakilalang mayor ng syudad. Matagal na kaming magkaibigan dahil sa kanila nagtatrabaho ang aking ina bilang isang assistant kusinera sa isa sa negosyong kainan nila Tristan. Samantalang ang aking ama naman ay 'di ko na nakilala simula nang ako'y magkaisip. Ang sabi ni mama, h'wag ko na raw hanapin ang ama ko dahil literal daw iyong masamang tao.     Nagkakilala kami ni Tristan at naging ganap na magkaibigan dahil palagi akong dinadala ni mama sa kainang pinagtatrabahoan niya. At kapag uuwi nama'y laging inihahatid kami ng kanilang sasakyan at saka roon na muna maglalagi nang ilang oras sa bahay nila. Habang nagluluto si mama ng hapunan sa kanilang bahay.     Sinasalubong naman ako palagi noon ni Tristan habang dala-dala niya palagi ang mga laruang de baterya. Kagaya na lang ng mga sasakyang pang pulisya.     Umiilaw pa ito't umaandar gamit lamang ang remote control. Sa lahat ng de bateryang laruan na ipinapalaro ni Tristan sa akin noon ay 'di ako naglalagi. Kung 'di mas naaaliw akong laruin ang laruang  nakasanayan ko ng kalikutin.     "Ano ka ba, Lee. Ito ang laruin mo oh, maganda ito. Boring naman niyang nilalaro mo e," Pagmamaktol ni Tristan habang inilalahad niya sa akin ng sapilitan ang isang laruang de baterya.     "Mas naaaliw kasi ako sa laruang ito, Tristan. Kaya ikaw na lang niyan. Dito lang ako." Sabay upo ko sa sahig na malinis dahil ito'y nababalotan ng marmol na tiles.     Tumango na lang si Tristan at 'di na ako pinilit pa. Kahit mga bata pa lang kami ay kilala na ako ni Tristan. At kilala ko na rin naman siya. Nasasabi kong kilala na niya ako dahil 'di na niya ako pinipilit sa isang bagay.  At kilala ko na siya dahil 'di ko rin siya dinideadma 'pag nakikipag-usap siya sa akin.     Habang si Tristan ay naaaliw sa paglalaro ng kanyang mga laruan ay ganoon na rin ako. Malapit ko ng mabuo ang mga kulay.     "Wow. Ang galing mo talaga sa bagay na 'yan, Lee." 'Di ko namalayang nakalapit na pala si Tristan sa akin at kasalukuyang tinititigan ang bawat pagpapalit-palit ko sa bawat kulay nitong nilalaro kong rubix cube.     "H'wag ka munang magulo, Tristan. Baka mawala ako sa focus." Sabay bitaw ko naman ng ngisi.     "Ulol. Hambog. Eh kahit magtatakbo at magsisigaw ako rito e magagawa mo pa rin naman iyang buuin at makompleto. Echos ka rin e." Nawala na nga ng tuluyan ang mga mata ko sa rubix cube dahil sa isang salitang binitawan niya.     "Bakla ka, pre?" Pasiunang tanong ko sa kanya. Binatukan naman niya ako.     "Loko ka ah, 'di 'no."     "Makasabi ka kasi ng 'echos' parang bakla ang datingan sa akin."     "Baka ikaw ang bakla pre."     "Anong ako? E naglalaro nga lang ako rito e. Tumabi ka nga. Tignan mo 'di ko na naituloy ang pagkompleto ng mga kulay."     'Di naman umabot ng isang oras ay nabuo ko na nga ang buong rubix cube. At 'di lang isang ordinaryong rubix cube iyon. Kung 'di iyong rubix cube na maliliit ang squares at marami. Kaya natagalan ako.     Napawi ang pagbabalik-tanaw ko nang na sa labas na nga ako nitong gate. Wala akong motor o sasakyan. Tanging mga pampublikong sasakyan lamang ang aking sinasakyan papauwi at papunta rito.     Minsan naman e nakatitipid ako dahil pinapa-free ride ako ng kaibigan kong mokong. At dahil nga nasita siya kanina ay 'di na ako makakasabay sa kanya. Dahil marami pa akong gagawing paperworks sa bahay.     Papara na sana ako nang biglang may humablot sa aking kamay at marahas akong kinaladkad sa may tahimik na bahagi nitong lugar. Walang katao-tao, tanging malakas na kalabog ng puso ang aking naririnig sa ngayon.     "Anong k-kailangan n-niyo p-po?" 'Di na ako pumalag pa at baka kung ano pa ang mangyari sa akin.     "Tulungan mo ako," malamig na hangin ang dumaan sa gitna naming dalawa nang siya ay magsalita. 'Di ko man maamin pero kinakilabutan na ako.     "A-Anong k-kailangan ni-niyo?"     Lumapit siya sa akin at pinikit ko ang aking mga mata at saka matamang pinakiramdaman ang kilabot na humahagip sa bawat pagtayo ng aking mga buhok sa braso at kamay.     Huminga siya bahagya nang na sa may tenga ko na ang kanyang bibig.     "Patayin mo sila," Bulong niya sa akin kaya napamulat ako ng mata.     "Patayin? 'Di ako mamamatay tao." Pagsigaw ko sa kanya. Kasabay noon ang malakas kong pagtulak sa kanya.     "Please. Tulungan mo 'ko," Nakaupo siya sa sahig ngayon dahil sa lakas ng pagkatulak ko sa kanya.     "Hindi! Umalis ka! Hindi!"     "Lee. Hoy pre, Lee. Anong nangyayari sa iyo. Ackk... nasasaktan ako pre." Napatingin ako sa aking mga kamay na na sa leegan ni Tristan kaya dali-dali ko itong inilayo sa kanya. Nakikita ko ang hirap sa paghinga ni Tristan at ramdam ko ang sakit noon dahil sa pamumula niya.     "Ano bang nangyayari sa iyo?" Nakayuko at hawak pa rin niya ang leeg niya habang tinatanong ako.     "Wala,"     "Anong wala, e kaunting higpit pa ay mapapatay mo na ako roon pre."     Nagbalik sa aking isipan ang mga salitang binulong ng misteryosong kumaladkad sa akin. Pero na saan na iyon?     At paanong si Tristan ang nasakal ko?
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작