Kapitulo Dos

4437
Kapitulo Dos **FLASHBACK** "S-sir Hale saan po tayo pupunta?" Bahagyang tinapunan ng tingin ni Hale si Samara na nakatingin sa kanya na may pagtatanong sa mga mata nito. It's saturday at dapat whole day practice ito ng basketball team na kinabibilangan ni Hale pero nagpaalam sya sa coach nila na hindi muna sya makakarating. Dahil ito ang unang pagkakataon na magkagusto si Hale sa isang babae ay gusto nyang mapalapit dito kahit hindi maganda ang unang pakikitungo nya dito. Dalawang araw matapos ang kaarawan ni Hale ay mas napatunayan ni Hale na nagkakagusto sya sa Personal servant nya at kahit hindi nya iyon sabihin sa kapatid nya ay alam nyang nahahalata nito ang mga kilos at reaksyon nya sa tuwing malapit ang dalaga sa kanya. Maaga palang ay sinabihan nya itong mag bihis ng pang alis at aalis sila pero hindi nya sinabi kung saan sila pupunta. Wala ang mga magulang nila at pag week end ayaw ni Nile na lumalabas ng bahay nila. Naisip ni Hale na magandang opportunity 'yun para makilala pa ang nagugustuhang personal servant nito. Magkatabi silang nakaupo sa backseat pero may sapat silang layo sa isa't-isa, lihim na pinagmasdan ni Hale ang ayos ng dalaga na kahit simpleng tshirt at maong pants ang suot nito ay hindi maitatangging maganda parin ito. Tumikhim si Hale ng mapansin nyang tumatagal na ang pagkakatitig nya kay Samara kaya muli nyang ibinalik ang atensyon sa unahan bago sinagot ang tanong ni Samara. "Were going to Zagreb may bibilhin ako." "Z-zagreb?Malaking mall ba 'yun dito sir?" tanong ni Samara na ikinapigil ni Hale na mangiti. Ang rason ni Hale kaya nya isanama sa paglabas si Samara ay para maipasyal ito sa buong Croatia kahit ilang lugar lang dito. Hindi kasi lumalabas ng mansyon ang dalaga kahit day off nito dahil sa takot na maligaw dahil wala syang alam na lugar sa Croatia. Gusto nyang ipakita sa dalaga ang ganda ng Croatia lalo na at hindi mapigilang humanga ni Hale sa tuwing may cute na reaksyon na pinapakita ang dalaga. "Nah, Zagreb is the capital of Croatia and cultural hub, it's a bustling cultural center known for churches, art museums, & National Theater." sagot ni Hale na ikinasalubong ng kilay ni Samara "Eh anong bibilhin nyo din Sir? Bakit sinama nyo pa po ako?" "Because your mine, i mean your my personal servant kaya pag aalis ako dapat kasama ka." kinakabahang sagot ni Hale dahil pakiramdam nya mapapaamin nya ang sarili ng wala sa oras "Kung ganun kahit sa pagpasok nyo sa school dapat kasama ako?" inosenteng tanong ni Samara na ikinabalik ng tingin ni Hale sa dalaga na bahagya nyang ikinangiti. "Ang ibig kong sabihin pag pupunta lang ako sa lugar na kailangan ko ng tulong mo, Sa Mesnica Neno ng Zagreb tayo pupunta may bibilhin ako dun at kailangan ko ng tulong mo." "May bubuhatin po ba?" "Ofcourse not hindi kita pagbubuhatin Samara, your a girl at hindi mo gawain 'yun." mabilis na sagot ni Hale na bahagyang ikinatawa ng dalaga "Sanay naman po akong magbuhat Sir Hale, nakakapagbuhat nga ako ng mga kahoy na ginagamit sa mga fireplace sa mansyon." pahayag ni Samara na ikinakunot ng noo ni Hale "Pinagbubuhat ka ba ni Gustavo ng mga kahoy?" tanong ni Hale na hindi nya maiwasan mainis sa isiping pinagbubuhat ng kahoy si Samara. Nang marealize ni Hale na gusto nya ang dalaga may part sa kanya na ayaw itong mahirapan sa mga bagay na ginagawa nito, bahagya nyang nililigpit ang kwarto nya para hindi na ito masyadong linisin ng dalaga at binibigyan nya lang ito ng mga gawaing kaya lang nito. "Naku Sir hindi!" mabilis na iling ni Samara na may pagwagayway pa ng mga kamay nito. "Ako po mismo ang tumutulong kay Gustavo." sagot nito na mas ikinakunot ng noo ni Hale Si Gustavo ay isang tapat na tagasunod ng pamilya nila Hale, mag kasing edad lang sila nito, may itsura din at isa sa pinagkakatiwalaan ng baron. Hindi inasahan ni Hale na mukhang malapit ang dalawa at nag uusap na hindi nagugustuhan ni Hale. Knowing na napapalit ang dalaga sa ibang lalaki ay kinaiinisan nya, hindi nya alam kung anong ibig sabihin nun pero ayaw nyang may ibang lalaking lumalapit sa dalaga maliban sa kanya kahit alam nya na sya ang gusto ng dalaga. "Are you close with Gustavo?" seryosong tanong ni Hale kay Samara na parang nag isip pa ng isasagot nito. "Hindi naman po ganun ka close pero gusto ko kasi syang maging kaibigan, ako lang po kasi ang nag iisang pilipina na tauhan sa mansyon kaya hindi ko po magawang makipag usap sa kanila pero si Gustavo po kahit Croatian sya ang galing nya magtagalog. Isa pa, ang dami nya kayang gawin at ang gal---" "Anong tingin mo sa akin hindi kayang magtagalog? Nakakausap mo nga ako ng tagalog bakit hindi ako ang kausapin mo?" may himig na inis na pahayag ni Hale na ikinatitig ni Samara sa binata. Nang marealize ni Hale ang sinabi nya ay agad nyang iniwas ang tingin nya sa dalaga. Itinuon nya nalang ang atensyon nya sa bintana. "Para po kasing hindi maganda kung kakausapin ko kayo sir kasi boss ko po kayo. Ayoko pong may isipin na iba ang mga kasama ko." rinig nyang pahayag ni Samara "Edi kausapin mo ko pag hindi ka nila nakikita, tsaka ano bang pakiealam nila kung makikipag usap ka sa akin eh personal servant kita!" "Nagagalit po ba kayo kasi hindi po kayo ang kinakausap ko?" tanong ni Samara na ikinatigil ni Hale sa kinauupuan nya Hindi nya napigilang lumabas ang inis nya dahil may ibang lalaking kinakausap ang dalaga, Hindi nakontrol ni Hale ang kanyang sarili. "H-hindi naman, ang sinasabi ko lang hindi naman masamang makipag kaibigan ang amo sa tauhan nya." depensa ni Hale na hindi magawang lingunin ang dalaga "Ganun po ba?" "Pag kailangan mo ng kausap ako nalang ang puntahan mo at wag si Gustavo, nagkakaintindihan ba tayo?" pahayag ni Hale na sineryoso ang mukha bago nilingon si Samara na agad syang tinanguan "Sige po, pag gusto ko po kayong kausap pupuntahan ko po kayo kaagad." ngiting pahayag ni Samara bago itinuon ang atensyon sa unahan na lihim na ikinasilay ng ngiti ni Hale *END OF FLASHBACK* Dahan-dahang iminulat ni Hale ang mga mata nya paupong tumayo sa higaan nya at sinapo ang kanyang ulo. Sa tuwing tutulog sya naalala nya ang lahat tungkol kay Samara, kung paano ito dumating sa buhay nya at kung paano nya ito minahal. Anim na taon na ang lumipas pero hindi parin nya magawang kalimutan ang nararamdaman sa dalaga. Madaming babae ang dumaan sa kanya pero lahat ng iyon ay hindi magawang alisin si Samara sa puso at isipan nya. Maraming babae na ang nakasama nya pero kahit isa wala syang nagustuhan, tamang fling lang o make out pero at the end of the day bumabagsak sa alaala ni Samara ang isip nya. Kaya kahit papaano naitindihan nya si Paxton noong panahon na hirap na hirap itong kalimutan ang dating namayapang nobya. Malalim na bumuntong hininga si Hale at akmang tatayo sa kama nya ng makita nya si Nile na nakasandal sa hamba ng pintuan nya at matamang nakatingin sa kanya. Tulad ng dati pag alam nitong naiisip nya si Samara ay gumagawa ito ng pangtitrip o prank na akala nya ay masasanayan na nya pero pag si Samara ang usapan nawawala sa isip nya na pinaprank lang sya ng kapatid nya. Hindi naman sya naiinis sa ginagawa ni Nile mas naiinis sya sarili nya dahil sobrang laki parin ng epekto ng dalaga sa buhay nya. "Kanina ka pa ba nakasandal dyan?" punang tanong nya sa kapatid nya na seryoso nitong ikinatango "Almost an hour, enough to see and hear how you call the name of that woman." pahayag ni Nile na ikinatitig ni Hale sa kapatid pero bigla nyang tinawanan "Nice one bro, natrip mo ko kahapon pero hindi na yan uubra ngayon. We both know na hindi naman ako nagsasalita pag tulog." sambit ni Hale na tumayo na sa kama nya at tinalikuran si Nile para pumunta sa CR nya. Napawi ang ngiti ni Hale dahil napaisip sya kung totoong tinatawag nya nga ang pangalan ni Samara habang natutulog sya. Kung nangyari nga 'yun at narinig ni Nile mukhang lagi sya nitong natiyetyempuhan na inaalala ang dalaga. Naghilamos lang si Hale at nagsipilyo bago lumabas ng kama nya at madatnan si Nile na nakaupo na doon. "Don Juaquin called me, he told me that we should go back to the philippines before the wedding of his son. Besides, after the wedding will go straight to Czech Republic because there's an unknown person who sent an email to Don Juaquin about the cargo shipment details and he wants us to know whose the unknown sender." pahayag ni Nile na ikinasandal ni Hale sa pader ng kwarto nya "Akala ko makakapagpahinga tayo ng matagal dito sa bahay, kailan tayo babalik sa pilipinas?" "Papa wants me to go in Mali Lošinj to meet Mihovil Vojmil this weekend that's why i told to Don Juaquin that we will fly back in the Philippines next week. Besides, it's helpful to you to leave here because every part of this house reminds you of her. I just want my Kuya to have peace of mind." sagot na pahayag ni Nile bago tumayo sa pagkakaupo nya at walang paalam na lumabas ng kwarto ni Hale Hindi naman nakaimik si Hale sa sinabi ng kapatid dahil tama ito, lahat ng parte ng bahay nila ay nagpapaalala sa dalaga lalo na ang silid nya dahil dito nya naangkin ang dalaga. Saksi ang kwarto nya sa pag iisa nila na kahit anim na taon na ang lumipas ay hindi parin mawala sa isipan nya. Pinangakuan nya itong pakakasalan ang dalaga, pinangakuan nya ito ng walang hanggang pagmamahal pero nawala nalang ito bago pa sya makapag propose sa dalaga. Nawala ito ng parang bula at iniwan sya ng hindi nya alam ang rason. Ang pagkawala ng dalaga at pinakamasakit na nangyari sa buhay nya dahil alam ni Nile at ng mga magulang nya kung gaani nya kamahal si Samara na kahit buhay nya nya ay handa nyang ibigay sa dalaga. Wala syang clue kung anong dahilan ng pag iwan ng dalaga sa kanya pero buong puso nya itong tatanggapin sa buhay sakaling bumalik ito dahil ito lang ang bubuo sa pagkatao nya. Hindi na sya hihingi ng paliwanag basta bumalik lang ito dahil hanggang ngayon bukas parin ang offer nya na kasal. Malalim ang paghingang naglakad si Hale sa closet nya at kumuha ng itim na tshirt at pantalon. Nagsuot sya ng salamin at nagsuot sya ng itim na hikaw. Mukhang kailangan ni Hale ng alak para makalimutan pansamantala ang pag iisip kay Samara, she needs a woman who will entertain him. Matapos mag ayos ng sarili ni Hale ay kinuha nya ang susi ng kotse nya bago lumabas ng kwarto nya. His plan is to waste his whole day in Hvar, drinking alcohol until his wasted. Pagkalabas nya ng mansyon nila ay agad nyang sinakyan ang kotse nya at agad itong pinaharurot paalis. Hindi na sya nagpaalam sa ina nya at kay Nile dahil malalaman ng mga ito na maglalasing sya para panandaliang makalimot. Abala sa pagmamaneho si Hale ng tumunog ang cellphone nya kaya agad nyang kinuha ang earpiece nya na nasa dashboard at inilagay yun sa tenga nya bago walang tinging sinagot ang tumatawag sa kanya. "Hale Santileces at your service, whose this?" (Kapal ng mga mukha nyong umalis sa pilipinas ng hindi man lang nagsasabi sa akin Santileces, hindi porket nasa tatay ko loyalty eh babaliwalin nyo ko ni Granzore. Para ipaalala ko sayong tangna ka, anak ako ng boss nyo.) "Anong reklamo 'yan Ignacio? Sasabihin mo lang na namimiss mo kami ng kapatid ko kahit ilang araw palang kaming wala sa tabi mo. You seem attached to us that fast eh." sagot nya dito na bahagya nyang ikinatawa ng makatanggap sya ng malutong na mura kay Paxton. (Wala man akong choice pero imbitado kayong magkapatid sa kasal ko, malaki ang naitulong nyo sa akin kaya 'yun nalang ang ma-ibabayad ko ang maisali kayo sa importanteng araw ng buhay ko.) "Mag aasume ba ako na ako ang bestman sa kasal mo Ignacio?" (Huwag kang umasa Santileces, puno na ang slot ng bestman ko. Maging audience ka nalang at makisali sa mga papalakpak.) "Naitawag na 'yan ni Don Juaquin kay Nile pero na touched ako dahil itinawag mo 'yan sa akin. Gusto kong kiligin Ignacio." ngising biro ni Hale na kahit di nya kita alam nyang nakasimangot na ang kausap nya (F*ck you ka Santileces!) "Your welcome Ignacio." Iniliko ni Hale ang sasakyan nya at dumaan sa daang magpapadali ang pagpunta nya sa Hvar. Hindi na makapag hintay si Hale na masayaran ng alak ang lalamunan nya. (May tanong ako Santileces.) "Sige lang magtanong ka lang mura lang naman ang sisingilin ko." biro ni Hale na ikinamura lang ulit ni Paxton sa kanya (Gago! Huwag kang umasa! Itatanong ko lang kung may balita kayo kay Valdemor?) "Hindi sya nagpapakita sa amin Ignacio, mukhang magiging abala 'yun sa pag-aayos ng Underground. Hindi ko lang alam kay Nile dahil sa aming dalawa, kapatid ko ang may kontak sa kanya. Founder to former founder ang koneksyon ng dalawang 'yun. Si Nile dapat ang tinatanong mo tungkol dyan." sagot ni Hale ng itigil nya ang sasakyan nya ng mag red ang traffic light. (Bakit wala ka bang koneksyon sa cartier nya? Cartier to former cartier?) "Huwag kang umasa dahil kahit cartier ako noon never akong nakipag usap kina Killdren. Teka nga lang Ignacio, why are you searching for Valdemor?" takang tanong ni Hale na rinig nyang ikinabuntong hininga ni Paxton (Wala, forget what i asked you. Ulitin ko nalang, katapusan ng buwan ang kasal ko kaya magpakita kayong magkapatid.) Natatawang ibinaba ni Hale ang cellphone nya sa dashboard ng mawala na sa linya si Paxton. Muli nyang iniandar ang kotse nya ng mag go na ang signal, ilang oras pa ang naging byahe nya ng makarating sya sa Hvar. Agad nyang ipinarada ang kotse nya sa parking lot ng isang kilalang night club sa Hvar, bumaba na sya sa kotse nya at deretsong pumasok sa loob ng salubungin agad sya ng isang waiter at sundan sya sa pupwestuhan nya. Umupo si Hale malapit sa stage at agad ibinigay sa waiter ang order nya. Prente syang sumandal sa kinauupuan nya at pinanuod ang mga sumasayaw na magagandang Croatian ng bahagya syang mapangiti ng biglang pumasok sa isipan nya ang ala-ala na pinapagalitan sya ni Samara ng umuwi syang lasing dahilan para masabi nya dito ang natatago nyang pagkagusto sa dalaga. *FLASHBACK* Nahihirapang inalalayan ni Samara si Hale paakyat sa kwarto nito, lasing itong umuwi galing sa isang bar dahil nagcelebrate sina Hale sa pagkapanalo ng game nila. Gabing-gabi nang umuwi si Hale at mabuti nalang at napagpasyahan ni Samara na hinatayin ang pag uwi ng binata. Hindi lang inahasan ni Samara na sobrang bigat ng amo nya kaya pinilit nyang madala at maihiga sa kama nito si Hale. "Ang bigat mo Sir Hale!" angal ni Samara ng maihiga nya si Hale sa kama nito na agad tumagili ng higa Hinihingal na umupo si Samara sa tabi ni Hale at pinagmasdan ang lasing na amo. "Bakit kasi nagpakalasing ka masyado Sir, dapat kaunti lang ang ininom mo. Mabuti at nakauwi ng maayos dito sa mansyon." pahayag ni Samara na bahagyang sinilip ang lasing na amo "Kahit lasing ka gwapo ka pa din Sir, Hayy! bakit ba habang tumatagal lalo ata akong nahuhulog sayo. Tulog ka lang dyan Sir ha, bukas na kita pagagalitan dahil napuyat ako sa pag aantay sa inyo." usap ni Samara na akmang tatayo na sa kama ng matulos sya sa pagkakaupo nya ng yumakap sa bewang nya si Hale at ramdam nyang ibinaon nito ang mukha nito sa may gilid ng bewang nya. "H-hala, S-sir hindi ako unan." namumulang sita ni Samara na pilit inaalis ang pagkakayapos ni Hale sa kanya na ramdam nyang mas humigpit ng pagkakapulupot nito sa bewang nya. Abot abot na kaba ang nararamdaman ni Samara dahil sa ayos nila ni Hale ng mapatili sya ng bigla syang ihiga ni Hale at sa isang iglap ay nasa ibabaw nya na ito at seryosong nakatingin sa kanya. "S-sir ano p---" nahigit ni Samara ang paghinga nya ng lumapit ang mukha ni Hale sa mukha nya at maramdaman nya ang paglapat ng noo nito sa noo nya na ramdam nyang ikinainit ng mukha nya at mas dumoble ang kabang nararamdaman nya. "Can you love me back if i tell you that i love you Samara? Hirap na hirap na akong magtago ng nararamdaman ko sayo, ano bang ginawa mo sa akin at nahulog ako sayo ng ganito." mahinang sambit ni Hale na ikinagulat ni Samara sa sinabi nito "S-sir lasing lang po ka-kayo kaya nasasab---" "Damn that! Kahit lasing ako alam ko ang sinasabi ko. Diba gusto mo ako? I heard you talking to our cat and saying that you liked me." pahayag ni Hale na ikinalaki ng mata ni Samara at buong lakas na itinulak si Hale kaya ng mawala ito sa ibabaw nya ay mabilis syang patayong umupo sa kama at agad inilagay ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib nya. Hindi nya inakala na narinig nito ang mga sinasabi nya noon sa pusa nila. Sobrang hiya ang nararamdaman nya pero may part sa kanya na gusto nyang tanungin kung totoo ang sinabi nito pero wala syang lakas na magtanong ng maramdaman nya ang pagyakap ni Hale mula sa likuran nya at ipinatong ang baba nito sa balikat nya. "Pwede bang 'yung pagkagusto mo sa akin ay maging love? Sayo lang tumibok ng ganito ang puso ko kaya sana, sana pag---" Hindi natuloy ni Hale ang sasabihin nya ng mawalan na sya ng malay at pabagsak na napahiga sa gilid ni Samara na ikinatulala lang nito Hindi nya alam kung anong irereak nya pero labis ang bilis ng t***k ng puso nya. Kinaumagahan ay bumangon si Hale na sumasakit ang ulo, paupong bumangon sya at sinapo ang ulunan nya dahil pakiramdam nya ay sasabog ang ulo nya pagsakit nito. Hindi napigilan ni Hale na mapainom ng marami. Pilit inaalala ni Hale kung paano sya nakauwi ng ang maalala nya ay ang pag amin kay Samara sa nararamdaman nya na ikinalaki ng mga mata nya at parang bulang ikinawala ng sakit ng ulo nya. Malasing man ng sobra si Hale ay natatandaan parin nya ang mga pinag gagagawa nya at hindi nya akalain na masasabi nya sa dalaga ang nararamdaman nya. Maririing mura ang iginawad ni Hale sa kanyang sarili at mukhang wala syang maihaharap na mukha sa dalaga dahil sa nangyari kagabi. May balak namang umamin si Hale pero hindi sa ganung paraan gusto nyang sabihin sa dalaga ang nararamdaman nya. Natigil sa pagmumura si Hale ng magbukas ang pintuan ng kwarto nya at pumasok si Samara na may dalang tray na ikinabilis ng t***k ng puso nya. "Goodmorning Sir!" nakangiting bati sa kanya ni Samara na ikinaiwas nya ng tingin dito ng mailapag nito ang tray na may soup sa kanyang table "Go-goodmorning. . ." "Dinalhan ko po kayo ng souo at painreliver dah for sure masakit po ang ulo nyo dahil sa sobranf kalasingan nyo kagabi. Dapat Sir hindi kayo umiinom ng marami, masama 'yun sa katawan at kalusugan nyo." pahayag na sermon ni Samara kay Hale na ikinalingon ng binata sa kanya. Kung magsalita kasi ito sa kanya parang wala syang inamin dito na parang wala lang sa kanya ang inamin nya na bahagya nyang ikinainis. "Kung sesermunan mo lang pwede ba lumabas ka na lang muna sa kwarto ko." inis na sita nya bago humiga ulit sa kama at nagtalukbong ng kumot "Hala sir bakit humiga pa kayo! Bumangon na kayo sa higaan nyo at inumin ang soup at gamot na dala ko!" pangungulit ni Samara na ramdam ni Hale na umupo sa kama nya at hinihila ang kumot na nakatalukbong sa kanya na agad nyang inalis at mabilis na hinawakan ang wrist ni Samara para hilahin ito pahiga na agad nyang ikinayakap dito. Ramdam nya ang pagkabigla ng dalaga sa ginawa nya pero hindi nya nalang pinansin "Bakit kung kausapin mo ko parang hindi ko nasabi sayo na mahal kita. Bakit parang balewala sayo ang nararamdaman ko? Naiinis ako Samara." seryosong pag amin nya sa dalaga Napaamin narin naman sya mas ok nang sabihin nya ulit ang nararamdaman nya ngayong hindi na sya lasing "S-sir baka may pumasok po sa loob ng kwart----" "I don't f*cking care Samara! Pumasok sila kung papasok sila pero gusto kitang yakapin." hinigpitan ni Hale ang pagkakayakap nya kay Samara ng maramdaman nyang gusto nitonf makawala sa kanya na hindi nya pinayagan "Kasalanan mo 'to Samara, nainlove ako sayo ng hindi ko namamalayan. Hindi ko matatanggap na gusto mo lang ako, ayoko ng ganun kung mahal kita dapat mahal mo rin ako." pahayag ni Hale na ramdam nyang ikinatigil ni Samara sa pagpiglas sa pagkakayakap nya "A-amo kita at tauhan mo lang ako, hindi tayo bagay sir kaya please bitawan nyo na po ako." mahinang sambit ni Samara "Sa tingin mo may pakiealam ako kung tauhan ka lang sa masyon na 'to? Wala akong pakiealam Samara at huwag mong gamitin sa akin ang salitang hindi tayo bagay." sambit ni Hale kay Samara na nawalan ng imik "Hindi ako ang klase ng babaeng bagay sayo sir, wala akong maipagmamalaki sayo kahit mahal kita. Tinatago ko nalang ang nararamdaman ko dahil hindi naman kita pwedeng mahalin." malungkot na pahayag ni Samara na ikinaalis ni Hale sa pagkakayakap dito at idinako nya angga mata sa malungkot na mukha ng dalaga. "Bakit hindi pwede? Because of my family status? Sino ba ang babaeng bagay sa akin?Yung mga sopistikada at katulad kong mayaman? Yes they are so many woman that i should like pero ikaw ang minahal ko Samara. Ikaw ang alam kong babaeng bagay sa akin. Please, let me court you Samara." sumamo ni Hale na ikinatitig lang ni Samara sa kanya Hinaplos nya ang mukha ng dalaga at inalalayan itong makaupo. Bumuntong hininga si Hale at nginitian si Samara. "Hindi kita mamadaliin, hahayaan kitang mag isip pero parang awa mo na payagan mo kong manligaw sayo hmmm?" "Hahayaan mo kong mag isip pero nagrerequest ka na payagan kitang manligaw? May option ba ako dun?" pahayag ni Samara na mas lalong ikinangiti ni Hale "Wala kang option." "K-kung papayagan kitang manligaw dapat ako lang ang liligawan mo tsaka bawasan mo pag inom mo ng marami kasi baka may babaeng lumapit sayo tapos bigla mong yakapin at sabihan na mahal mo. Baka kasi----" "Kahit lasing ako ikaw lang ang yayakapin ko at sasabihan ko ng paulit ulit na mahal kita. Pero sige hindi na ako mag iinom kung ayaw ng future girlfriend ko." ngiting pahayag ni Hale na nahihiyang ikinaiwas ng tingin ni Samara sa kanya. *END OF FLASHBACK* Natigil ang pagbabalik tanaw ni Hale ng may umupong babaeng may malagkit ang titig sa kanyang hinawakan pa ang braso nya. "Hej zgodan, Želiš se zabaviti ove noći?" malanding tanong nito sa kanya na tumayo sa pagkaka upo nito at walang paalam na umupo sa kandungan ni Hale na ikinangisi niya Akmang makikipagsabayan sya sa pakikipaglandian ng babaeng nasa kandungan nya mapalingon sa may pagka dim ang ilaw sa parte ng club na parang namamalikmata sya na makitang nakatayo doon ang babaeng matagal nya ng hinihintay na bumalik sa kanya na may seryosong mga titig na binibigay sa kanya na mabilis nyang ikinatayo dahilan para mahulog ang babae sa kandungan nya sa sahig na ikinalingon nya dito. "Koji je tvoj problem?" angal ng babae na hindi nya na pinansin at ng balikan nya ng tingin ang kinatatayuan ng babaeng kinasasabikan nya ay napakunot ang noo nya ng wala na ito doon na mabilis nyang pinuntahan ang parte na nakita nya ito pero parang bulang nawala na ikinalingon nya sa buong paligid ng club. Bumilis ang t***k ng puso ni Hale at isang babae lang ang kayang gumawa nun. "Samara. . ." Hindi alam ni Hale kung nagha-hallucinate lang sya o dahil umaasa syang makita ito kaya pinaglaruan sya ng imahinasyon nya. Wala pa syang naiinom pero nakikita nya agad ang imahe ng dalaga na bahagya nyang ikinatawa. Biglang nawala ang mood ni Hale na magpakalasing kaya nagpasya nalang syang umuwi, naglakad na sya palabas ng club at hindi pinansin ang babaeng nakakandong sa kanya kanina. Dere-deretso syang sumakay sa kotse nya at pinaandar na ito palayo doon, hindi pa sya masyadong nakakalayo ng may makita syang babaeng nasagi ng isang SUV na ikinatalsik nito sa kalsada pero hindi man lang tinigilan ng nakabangga dito kaya wala sa sariling tinigil nya ang sasakyan at lumabas doon para puntahan ang babaeng sa tingin nya ay nawalan ng malay sa impact ng pagkakabangga nito. May iilang tao na tinitingnan ang lagay ng babae at ng makalapit sya dito ay natatakluban ng mahaba nitong buhok ang mukha nya. Dahil may alam sya ng kaunti sa kung paano ang first aid ay maingat nyang inayos ang patihaya ng higa ang babae dahilan para unti-unting mawala ang pagkakatabing buhok nito sa mukha nito na ikinatigil ng mundo ni Hale ng makilala nya kung sino ang babaeng walang malay na nakahiga ngayon sa kalsada at may dugo ang ulunan nito. "N-no, t-this c-can't b-be?" Pinagmasdan nyang maigi ang mukha ng babae at ng hindi sya namamalikta sa nakikita at tulad kanina bumilis ang t***k ng puso nya dahil nakilala nito ang babaeng nasa harapan nya ngayon na walang malay at duguan "Sh*t! F*ck it!" Agad na binuhat ni Hale ang babae at mabilis na dinala nito sa sasakyan nya. Binuksan nya ang pintuan ng back seat nya at maingat na inihiga doon ang babae at walang inaksayang oras ay sumakay na rin sya at pinaharurot nya ang kotse nya papunta sa malapit na Ospital. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ni Hale at pabalik balik ang tingin nya sa rear mirror nya para silipin ang babaeng matagal nya ng hinihintay na bumalik sa kanya "F*ck! Hang on ljubav, malapit na tayo sa Ospital. Don't f*cking leave me again Damn it!" natatarantang pahayag ni Hale habang mas binibilisan ang pagmamaneho para makarating sa Ospital. *TRANSLATION* *hey handsome- Hej zgodan *You want to have fun this night?- Želiš se zabaviti ove noći *What's your problem?-.Koji je tvoj problem? *ljubav- love
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작