Kapitulo Cuatro

3629
*FLASHBACK* Masayang nagdidilig ng mga halaman sa garden si Samara, she can't explain her happiness dahil after a month ng panliligaw ni Hale sa kanya at nakita nyang totoo ito sa nararamdaman nya at sinagot nya na ito. Though, he requested to Hale na ilihim muna ang relasyon nila ayaw nyang biglain ang mga magulang ni Hale na isang personal servant ang minahal ng anak nila. Malayo-malayo ang agwat nila ni Hale at insecurities yun ni Samara, she was just a normal woman, nothing to be proud of kaya hindi nya magawang ipagsigawan na mahal na mahal nya ito. Hindi parin naman sya makapaniwala hanggang ngayon na sya ang nagustuhan nito dahil maraming babae ang nahuhumaling dito. All she can be proud of is her genuine love to Hale. Natigilan sa pagdidilig ng mga halaman si Samara ng may matitipunong braso ang yumakap sa bewang nya na ikinatulos nya ng maramdaman ang bahagyang paghalik nito sa bandang leeg nya. "Hey Ijubav, wala naman sa description ng trabaho mo na magdilig ng halaman ah. You job is to take care of me and love me Ijubav." malambing na pahayag ni Hale na ikinawala ng ngiti nya ng kumawala sa pagkakayakap nya si Samara "Huwag mo ko basta-basta niyayakap Hale, baka may makakita sa atin at makarating sa mga magulang mo." nag aalalang sambit ni Samara na ikinakunot ng noo ni Hale at tinitigan ang nobya "Your my girlfriend Sam so im entitled to hug you and kiss you. I don't care who can sees us but it will never stop me to show how much i loved you." "Pero Hale. . ." "Besides my parents wasn't irrational people, they will support us whatever we want or who we should love. Hindi ko makita ang punto mo kung bakit gusto mong itago ang relasyon natin Samara. Is it about your insecurities again?" seryosong pahayag ni Hale na ikinayuko ni Samara Ayaw nya lang na may sabihin ang mga tao kay Hale dahil sa isang tulad nya lang ito nagkagusto. "H-hindi naman kasi sa akin mawawala na ma insecure, kilala ang pamilya mo dito sa Croatia, mayaman kayo at isa lang akong normal na babae na walang maipagmamalaki sa buhay. Ayoko lang na may masab---" "Do you think i would care in what should they think? Ang gago naman oh! Why don't you just focus on me, love me like the way i loved you? Paano tayo tatagal kung insecurities mo lagi ang iniisip mo? Common Ijuvab, will you just cooperate with me?" naiinis na pahayag ni Hale na naiiling na iwan sya sa garden na ikinabagsak ng balikat nya Ramdam nyang mahal sya ng binata pero hindi nya magawang mag isip, dahil dun nauuwi lagi sa hindi pagkakaunawaan ang araw nila pero sa huli si Hale ang lumalapit sa kanya pag mag sorry at lambingin sya. Dahil doon naiisip nya na hindi sya deserving kay Hale. Hale will be good in other woman pero masakit sa kanya na ipaubaya sa iba si Hale. Itinigil ni Samara ang pagdidilig nya para hanapin si Hale, gusto nyang sya naman ang maglambing dito ng magkaayos na sila. Papasok na sya sa sala ng matigilan sya ng may isang magandang babae ang kausap ngayon ni Hale na mukhang nagkakatuwaan. She jealous, ngayong nakikita nya na nakangiti si Hale sa ibang babae ay sumasakit ang puso nya. Ayaw nyang nakikita itong may kausap na iba, ayaw nyang may hahawak sa lalaking mahal nya but she had no courage to fight his right to the man she loved. Nasasaktan sya sa nakikita kaya akmang iiwan nya nalang ang mga ito ng makasalubong nya ang ina ni Hale na malawak syang binigyan ng maamong ngiti. "Oh Samara, bakit nakatayo ka lang dyan? Hindi mo ba lalapitan si Hale?" tanong nito na agad ikinailing ni Samara "H-hindi po Ma'am, wala naman pong inuutos Si Sir Hale sa akin. Nahihiya lang po ako dumaan kasi baka maka istorbo ako sa pag uusap po nila ng bisita nya." pahayag ni Samara na pilit tinatago ang lungkot at sakit sa nakikita "Oh?That's Emilia Dobrovit college mate ni Miguel. Actually i don't like her. I just think na hindi sya bagay sa anak ko." Nilingon ni Samara sina Hale na nasisiyahan sa pinag uusapan nila. "Nasabi sa akin ni Hale ang tungkol sa inyo." sambit ng ina ni Hale na nalalaking matang ikinalingon nito sa ginang na may ngiti parin sa mga labi nito. "A-ah tu-tungkol po d-dyan. . ." "There no wrong in falling inlove with each other, ngayon ko lang nakitang inspired si Miguel sa lahat ng bagay. He told me na mahal ka nya at ayaw mong ipaalam sa amin ang relasyon nyo. He respect your decision pero umaangal sa akin ang anak ko dahil sinesikreto sya ng babaeng mahal nya. Kung iniisip mo na hindi ka bagay sa anak ko, erased it. Sa pag ibig walang mayaman, walang mahirap so please huwag mo ng pasakitan ang Miguel ko. I like you for him and my husband think that too." paliwanag nito hindi mapigilang ikingangilid ng mga luha ni Samara Hindi nya akalain na sya lang ang gunagawa ng pader at insecurities nya sa relasyon nila ni Hale. "Natural lang ang magselos pero hindi na yata ok if hahayaan mong kausapin ng ibang babae ang boyfriend mo." "Pero ma'am ayoko naman pong pigilan ang pag uusap nila dahil lang po sa nagseselos ako." nahihiyang sagot nya na bahagyang ikinatawa ng ginang sa kanya "How good girl you are, anyway akong bahala. . ." ngiting sambit nito bago sya kindatan at hawakan ang braso nya na agad nitong ikinahila sa kanya palapit sa dalawang nag uusap na ikinakabog ng dibdib nya "Hi Emilia, nice seeing you." magiliw na bati ng ina ni Hale na ikinalingon ng dalawa sa kanila. Bahagyang sinulyapan ni Samara si Hale na kung kanina ay nakangiti ngayon ay seryoso lang itong nakatingin sa kanila na ikinaiwas nya ng tingin sa nobyo. Alam nyang nagtampo ito sa kanya kaya hindi nya ito masisisi. "Hi Auntie, i just visited Miguel for some activities issues in one of our subject, i thought he might help me." pahayag ng magandang babae na sa tingin nya ay wala syang panama na lihim nyang ikinasuway sa sarili. Nagsisimula na naman ang issues nya at kailangan nya 'yung kontrolin. "Is that so, i think my son will really help you in that. Anyway, " sambit ng ina ni Hale na sa binata binaling ang tingin "Lalabas lang ako anak, isasama ko si Samara. May usapan kami ng Tita Amira mo na magkikita sa coffee shop sa may Stari Grad. Kasama nya ang anak nyang si Yvo remember him? Irereto ko lang si Samara kay Yvo, mukha namang nag eenjoy kang kausapin ang klasmeyt mo eh." ngiting pagpapaalam ng ginang na ikinaigting ng paanga ni Hale at ikinasalubong ng kilay nito at ikinagulat naman ni Samara "You don't dare Mamu, don't show to any man what's mine." seryosong pahayag ni Hale na ikinabilis mg t***k ng puso ni Samara Mapaglarong nginitian lang sya ng kanyang ina bago muling binaling ang tingin sa kaklase ni Hale "Emilia do you like my son, Miguel?" tanong nito na kita ni Samara na ikinapula ng mukha nito. "I think my son likes yo---" "Oh shut it Mamu! I don't like anyone else, i have a girlfriend and i love her. My faithfulness and loyalty is for her Damn it!" galit na singhal ni Hale na ikinalapit nito kay Samara na gulat sa kanya na hindi nya pinansin. Hinawakan nya ang kamay ng dalaga bago nilingon ang kaklaseng mukhang nagulat din sa sinabi ni Hale "She is my girlfriend, my future wife so stop liking me. I don't want her to get jealous!" pahayag ni Hale na hilahin sya paakyat sa hagdanan at iniwan ang inang natawa sa reaksyon ni Hale at sa kaklase nyang natulala sa sinabi niya. "T-teka Hale 'yung classm---" "I don't f*cking care so shut up!" galit na sita nito sa kanya na ikinatikom ng bibig ni Samara. Dere-deretso lang sila sa pasilyo ng ikawalang palapag hanggang sa pumasok sila sa kwarto ni Hale na ikinakaba ni Samara. "Hale bakit tayo pumasok sa kwar---" "Tangna! I'll make you mine para hindi ka na ireto sa iba ni Mamu! Hindi pwede dahil akin ka lang Samara, akin lang at hindi pwede sa iba!" *END OF FLASHBACK* Napatuon ang atensyon ni Samara sa isang papel na inilapag ni Hale sa lamesa sa kanyang harapan. Silang dalawa lang ang nasa sala dahil pinaubaya na ng kanyang ina ang gagawin. Ang totoo, hindi inaasahan ni Hale na sa dami ng trabaho na pwedeng makuha sa Croatia sa kanila pa talaga napadpad ang dalaga. Iniisip pa lang nya ito kanina, ngayon ay nasa harapan nya na at muling magtatrabaho sa kanila. Lihim na napapangiti si Hale dahil para sa kanya ang pag apply ng dalaga sa kanila ay gawa ng tadhana. Magiging daan ito upang mapalapit syang muli sa dalaga at masiguro na hindi na ito mawawala sa tabi nya. Hindi na hahayaan ni Hale na iwan sya nito, kung may pagkukulang sya noon dahilan para iwan sya nito, aalamin nya 'yun at pupunan dahil para sa kanya si Samara ang nag iisang babae na gusto nyang makasama habang buhay. "Ano 'yan?" takang tanong ni Samara na dinampot ang papel at binasa ang nakalagay doon. "Yan ang magiging trabaho mo bilang Personal Assitant ko. Simple lang 'yan." "Simple?Paanong naging simple ang 24hrs na dapat nasa tabi mo ako?Ano 'to walang uwian?" bahagyang reklamo ni Samara na bahagyang ikinangiti ni Hale "Exactly, kung magtatrabaho ka bilang P.A ko dito ka titira. Kakailangan ko ang serbisyo mo sa bawat oras." "Magpapaalam ako sa mga kasama ko sa bahay, papayag lang ako kung papayag sila. Kung may angal ka dun hindi ko na itutuloy ang pagiging P.A." pahayag nito na ikinatitig ni Hale dito. Malaki ang pinagbago ng dalaga at nakikita 'yun ni Hale, tumapang ito hindi tulad dati na mahiyain. But then, matapang o mahiyain ito lang ang mahal nya, nagbago man ang pag uugali nito ito parin ang Samara na sobra nyang minamahal "Deal but make sure na papayag sila, sayang kung aatras ka. Malaki din ang sahod mo at makakatulong 'yun sa pagbayad sa bahay nyo." normal na pahayag ni Hale na ikinairap ni Samara sa kanya at tinuloy ang pag basa sa papel na hawak nya. "Kung saan ka magpunta dapat kasama ako? Paano kung may business trip ka sa ibang bansa, isasama mo ko?" taas kilay na tanong ni Samara "Syempre P.A kita, tulad ng sabi ko bawat oras kakailanganin kita." "Sa pagkakaalam ko, dalawa kayong magiging boss ko kaya bakit parang pabor lahat sayo ang mga nakasulat dito?" "Ako lang ang boss mo, ako lang ang may kailangan sayo. Mas kailangan kita sa kung kailangan ka ng kapatid ko. Kaya ako lang ang susundin mo." seryosong pahayag ni Hale na ikinaingos ni Samara at muling nagbasa "Gagawin ko lahat ng sasabihin mo? Walang reklamo, walang tanong? So kailangan kong gawin lahat ng sasabihin mo kahit ayaw ko?" "That's your job description, aatras ka?" pahayag na tanong ni Hale na ikinababa ni Samara ng papel sa lamesa at seryosong humalukipkip sa harapan ni Hale. "Kung hindi ko lang kailangan ng pera pambayad sa renta ng bahay namin, hinding-hindi ko tatanggapin ang ganyang trabaho. Sa apat na 'yan kailangan ko laging dumikit sayo, kulang nalang sabihin mo na pati sa pagtulog mo kailangan magkatabi tayo." Malawak na napangisi si Hale sa pahayag ni Samara "Bakit hindi? Hindi na ako mahihirapan na tawagin ka sa kaling kailanganin kita. Don't worry hindi naman ako malikot matulog." "Alam mo Mr. nagsisimula na akong mainis sayo, napaka malas ko naman kung ikaw ang magiging boss ko." reklamo ni Samara na ikinangiti lang ni Hale "Hale ang pangalan ko pero kung gusto mo naman pwede mo kong tawaging irog." pahayag ni Hale na nanunuyag ikinatawa ni Samara bago ito tinarayan ng tingin si Hale "Nilalandi mo ba ako Mr. Hale?" "Paano kung sabihin kong oo, will you entertain me?" deretsahang pahayag na tanong ni Hale kay Samara na mas lalong ikinasimangot ng mukha ni Samara "Kung nilalandi mo ko dahil may pagkakahawig ako sa asawa mo huwag mo ng ituloy Mr. Hale. Alam mo kung bakit? Dahil hindi kita type at trabaho lang ang kailangan ko. Kung wala ka ng sasabihin, babalik nalang ako bukas." pahayag nito bago mabilis na tumayo para umalis ng mansyon ng mabilis na tumayo si Hale at hinarangan si Samara na humalukipkip sa harapan ng binata "May idadag-dag ka ba sa job description ko?" "May gagawin ka ba ngayon?" tanong ni Hale na ikinasalubong ng kilay ni Samara "Wala sana pero dahil kailangan kong magpaalam sa mga kasama ko sa bahay para sa unang job description ko, kailangan kong mag ayos ng gamit. Tabi na sa daan Mr." pagsusungit ni Samara na ikinabuntong hininga ni Hale Sa anim na taon na lumipas ay naninibago si Hale sa Samara na nasa harapan nya ngayon. Her Samara is sweet to him at malambing pero nag iba na ito ngayon. Hindi nya alam kung paani nagiba ng ugali ang dalaga, hindi sya sanay pero kung ito na ang Samara nya ngayon kailangan nyang masanay "Hale ang itawag mo sa akin, ayokong may idinudugtong sa pangalan ko." utos ni Hale sa dalaga "Amo kita kaya malamang hindi kita tatawagin sa pangalan mo la---" "Job description number 3, Gagawin mo lahat ng sasabihin ko, walang reklamo at walang tanong." paalala ni Hale na kita nya ang pagka inis sa mukha ng dalaga "Fine! Utos mo kamahalan eh. Umalis ka na sa harapan ko Hale." Kumabog ang dibdib ni Hale ng muli nyang marinig na tawagin sya ng dalaga sa pangalan nito. Namiss nya ang boses nito at kahit gusto nya itong yakapin ay pinigilan nya ang kanyang sarili. Nasaktan din sya kahit papaano ng deretsahang sinabi nito na hindi sya nito type, hindi nya matatanggap yun kaya lihim syang gagawa ng way para magustuhan sya nito tulad ng dati. "Ihahatid na kita sa inyo, magpaalam ka na at kunin mo na lahat ng gamit mo. Gusto kong magsimula ka na ng trabaho ngayon." pahayag ni Hale na ikinairap ni Samara "Para namang makaka-angal ako." sambit nito bago bahagyang tinabig si Hale para mawala ito sa harapan nya at naglakad na palabas ng mansyon. "I love her when she's sweet to me like before but right now, mas lalo ko syang minamahal dahil nagsusungit na sya. Ahhh my Samara, bakit ba patay na patay ako sayo." naiiling na pahayag ni Hale bago naglakad na palabas ng mansyon. Nasa byahe na sila papunta sa bahay ni Samara at hindi man lang sya nito iniimikan o tinitingnan. Nangungulila nang sobra si Hale sa atensyon ng dalaga pero kailangan nyang pigilan ang emosyon nya. Kung kinakailangan na sya ang magpapansin ay gagawin nya makuha lang ang atensyon nito. Deretso lang ang tingin ni si Samara sa unahan nya ng magsalita si Hale "May boyfriend ka na ba?" tanong ni Hale na inignora nya nalang. Napansin naman ni Hale na wala itong balak na kausapin sya pero hindi sya tumigil hanggang sa kausapin sya nito. Isa pa, gusto nyang malaman kung may nakarelasyon ito sa loob ng anim na taon, ayaw man nyang marinig ang magiging sagot nito pero kailangan nyang malaman. Makakaramdam sya ng selos pero kokontrolin nya iyon maliban nalang kung hindi nya maririnig ang isasagot ng dalaga. "Marami bang umaaligid sayong lalaki?Ilan sila?Anong mga pangalan nila? Saan sila nakatira?" sunod sunod na tanong ni Hale na naiinis na tinapunan ng masamang tingin ang binata "Masyadong personal ang tanong mo, hindi tayo close para magkwento sayo." "Close naman tayo dati, sa sobrang close nga saulong-saulo ko na ang buong katawan mo." mahinang bulong ni Hale sa sarili na ikinakunot ng noo ni Samara "May binubulong ka?" asik na sita nito na bahagyang ikinalingon ni Hale sa kanya "Hindi naman masamang magtanong, i just wanted to know. Your pretty so imposibleng walang nagpapa kyut sayong mga lalaki." sagot ni Hale "Hindi ako interesado sa mga ganyan, may mas importante akong dapat gawin kaysa mag entertain ng mga ganyan." seryosong sagot naman ni Samara bago binalik ang tingin sa harapan nya Lihim naman napangiti si Hale at nakahinga ng maluwag sa nalaman. Mabuti ng wala itong nagugustuhan o naging nobyo habang malayo ito sa kanya dahil baka hanapin nya ang mga ito at pagbabaliin ang buto. "Kung ako ang magpapa kyut sayo, magiging interesado ka ba?" tanong ni Hale na ikinatawa ni Samara "We just met yesterday, you save me but we don't know each other tapos itatanong mo sa akin 'yan? Talagang nilalandi mo ko nuh?" akusa nito kay Hale na ikinangisi nito "Nagpaparamdam palang pero pag pinayagan mo kong landiin ka, magready ka." "Ang kapal ng mukha! Akala mo naman magpapalandi ako sayo. Never!" "Siguro naniniwala ka naman sa second chance."tanong ni Hale na ikinalingon ni Samara sa kanya "Second chance?Wala pa ngang first umaasa ka pa sa second chance?" "May first na naputol lang kaya kailangan ng second chance." seryosong sagot ni Hale na ikinakunot ng noo ni Samara. "Are you trying to say something Mr.?" "Nah! Don't mind what i said and it's Hale not Mr. Alam kong hindi mo inaasahan ang mga sinasabi ko, sabihin natin na nahulog agad ako sayo. Wala naman sa bilang ng araw para masabi mong gusto mo ang isang tao. Kaya asahan mo na isisingit ko ang kalandian ko at umaasa ako na ientertain mo ko." pahayag ni Hale na naiiling na hindi nalang sineryoso ni Samara "Bahala ka sa buhay mo, Boss kita at magiging hanggang doon lang 'yun at kung ayaw mong mapadali ang buhay mo iwasan mong landiin ako." banta ni Samara na balewala lang kay Hale "Can't promise that." sagot ni Hale na ikinairap nalang ni Samara. Ilang oras na byahe ay nakarating na sila sa bahay ni Samara, sinabihan sya nito na hintayin nalang sya sa kotse na ikinasang ayon nalang nya dahil mukhang ayaw sya nitong papasukin sa bahay nito. Isang oras ang lumipas sa paghihintay ni Hale ng makita nya ang paglabas ni Samara na may dalang malaking bag na mabilis nakalapit sa kotse nya at agad sumakay sa loob. "Tara na." pahayag ni Samara na ikinalingon ni Hale ng makita nyang may lumabas na lalaki sa bahay ni Samara na ikinasalubong ng kilay nya "Sino ang kasama mo sa bahay nyo?" kuryosidad na tanong ni Hale na poker face na nilingon ni Samara "Kuya ko at pamilya nya kaya kung ayaw mong mapabilis ang buhay mo umalis na tayo." pahayag ni Samara na naguguluhang ikinatitig niya sa dalaga "What do you mean?" "What i mean is, ayaw ni Kuya na tumira ako sa ibang bahay, pinilit ko lang kaya badtrip ang kuya ko sa amo ko kaya tayo na bago pa magbago ang isip ko." masungit na sita ni Samara kay Hale na pinaandar na ang kotse nya at umalis na. Si Hale naman ang natahimik sa byahe dahil masyadong gumulo sa isipan nya ang nalaman sa mga kasama ni Samara sa bahay nito. Sa pagkakatanda ni Hale, naikwento nito sa kanya na dalawa silang magkapatid na babae at hindi lalaki kaya naguguluhan sya kung sinong Kuya ang tinutukoy nito. Naisip ni Hale na baka iyon ang nag alaga kay Samara pero naguguluhan parin siya kung may amnesia ang dalaga o wala dahil kilalang-kilala naman nito ang sarili nya. sa tingin ni Hale kailangan nya ng kumilos para malaman ang nangyari simula ng iwan sya ni Samara six years ago. "Sa maids quarter ba ako matutulog?" Napabaling ng tingin si Hale kay Samara ng magsalita ito, busy sya sa iniisip nya at naputol yun ng marinig nya ang boses ng dalaga "Huh?" "Ang sabi ko saan ako tutulog?" ulit na tanong nito sa kanya "Ah! Sa isang kwarto katabi ng kwarto ko para mabilis kitang matawag, kung gusto mo naman sa kwarto ko welcome ka dun." ngiting sagot ni Hale na naiiling na inirapan ni Samara "Salamat nalang pero dun ako sa isang choices." "I forgot to tell you, ngayong magsisimula ka na as my Personal Assistant at nabasa mo na ang job description mo, i need you to get ready." pahayag ni Hale na kunot noong ikinalingon nito kay Hale "Bakit? Anong una kong gagawin?" "Pupunta kami ng kapatid ko sa Philippines next week to attend a wedding, i told you to get ready dahil kasama ka." ngiting pahayag ni Hale na ikinalaki ng mata ni Samara "What?! Isasama nyo ko sa pilipinas? No way, magpapaiwan ako. Enjoy nalang kayo sa pupuntahan nyo." mabilis na tanggi ni Samara na ikinangisi lang ni Hale "Bawal tumanggi Ijuvab, remember your job description number 2, kung nasaan ako dapat kasama kita." "Stop calling me Ijuvab, kahit amo kita sasaktan talaga kita." inis na banta ni Samara na ngiting may lungkot na ipinakita ni Hale dito "Nasaktan mo na nga eh sobrang sakit pa nga." "Ewan ko sayo basta huwag mo kong tawaging Ijuvab, amo kita at ayokong isipan ng masama ng iba naiintindihan mo, Hale?" "I'm your boss so i can do everything i want, sinasanay ko lang ulit ang sarili ko, namiss ko eh tsaka magagamit natin yan in the near future." malawak na ngising pahayag ni Hale na nagtitimping inis na inirapan nalang nito ang binata at pinilit na hindi ito pansinin. Gagawin ni Hale ang lahat para muling masanay ulit sa kanya ang dalaga kahit na araw-araw pa syang sungitan nito. Hale will do everything to bring back her feelings towards her kahit ibig sabihin nun ay araw-araw nya itong lalandiin.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작