Chapter 02

1178
CHAPTER 02   Welcoming the start of morning ang isa sa gawain ni Bliss, sinisuguro nya na magiging good vibes ang maghapon nya pero dahil hindi na naman sya nakatulog ng ayos kagabi dahil sa panaginip na gusto nyang kalimutan ay nasisira ang pahinga nga. Ayaw nya ng isipin ang pangyayaring ‘yun dahil matagal na panahon na nyang tinanggap ang masakit na katotohanan na mag-isa nalang sya sa buhay. Pero ang pangyayari na ‘yun sa buhay nya ang nagpatatag sa kanya, natuto syang tumayo sa sarili nyang mga paa at nakakaya nyang mamuhay ng simple at masaya.   Nasa kusina si Bliss at nagluluto ng umagahan nya at panay ang hikab nya dahil sa kulang ang naging tulog nya. Gusto man nyang mahiga ulit sa kama nya ay pinigilan nya ang kanyang sarili dahil pag na-late sya kahit isang Segundo ay masesermunan na naman sya ng amo nya na sumobra ang kasungitan. Mag-isa nalang sa buhay si Bliss at mag-isa lang syang nakatira sa apartment nya na buwan-buwan nyang binabayaran, nagpapasalamat nalang sya dahil mabait ang land lady na may ari ng apartment dahil napagbibigyan sya nito pag wala syang sapat na panghulog sa renta. Hindi naman kasi kalakihan ang nakukuha nyang sahod sa trabaho nya, pag madalang ang nabili sa kanila maliit din ang sahod nya kaya kahit anong matinong sideline ay pinapasok ni Bliss. Sa isang flowershop sya nagtatrabaho at pinagti-tiisan nya lang ang ugali ng mag-ina na may ari nun dahil kailangan nya ng trabaho, hindi rin naman kasi sya nakatapos ng kolehiyo dahil nadesisyon na syang umalis sa bahay ampunan na kinalakihan nya. May makain lang tatlong beses sa isang araw si Bliss ay masaya na sya, hindi naman sya mahalig sa mga material na bagay kuntento na sya sa kung anong meron sya.   Abala sa paghahain ng pagkain nya si Bliss ng maagaw ang atensyon nya dahil sa may kumakatok sa may pintuan nya na dalawang tao lang ang nasa isip nya na pwedeng kumatok sa kanya ng ganitong kaaga. It’s either ang bestfriend nya ito na bakla na si Pietro o ang masugid nyang manliligaw na si Klarence na binasted nya na eh hindi parin tumitigil na suyuin sya. “Sino kaya sa dalawang choices ang kumakatok sa pintuan ko.” Sambit ni Bliss sa kanyang sarli bago iniwan ang ginagawa nya at pintuhan ang pintuan at agad itong binuksan.   “Good morning world, goodmorning gorgeous! Anong breakfast natin?” masayang tanong nito na ikinapoker face lang ni Bliss bago malawak na binuksan ang pintuan na masayang ikinapasok ng kaibigan nya na si Pietro.   Naiiling nalang na sinara ni Bliss ang pintuan nya at sinundan si Pietro na nagderetso sa kusina at nakapwesto na sa lamesa at kumukuha na ng pag-kain at nilalagay sa plato nito na ikinaupo ni Bliss sa tabi nito.   “Naghihirap ka na ba Pietro kaya lagging dito sa bahay ko ang puta mo para makikain ng umagahan?” kumento ni Bliss habang naglalagay narin ng kanyang kakainin sa plato nya   “Bakit Bliss, kalian ba ko yumaman? Tsaka nasa morning routine ko na ang pagkain ng umagahan kasama ka.” Sagot ni Pietro na nag umpisa ng kumain na ngiting ikinailing ni Bliss   “Morning routine o naghihirap talaga?”   “Ang judgmental mo Bliss ha, masama bang samahan kang kumain sa umaga.” Reklamo ni Pietro habang dere-deretso sa pagkain na ikinailing nalang ni Bliss   “Sige na enjoy your food.” Sambit ni Bliss na nilagyan pa ng isang hotdog ang pinggan ni Pietro na ngiting ikinalingon nito sa kanya.   Si Pietro lang ang nag-iisang kaibigan na meron sya sa lugar na tinitirhan nya, ayaw nya ng makipag kaibigna sa iba dahil hindi naman totoo ang iba at nakikipag plastikan lang ang ilang mga babae. Dumami din ang umaaway sa kanya dahil sya ang binibigyan ng pansin ni Klarence.   “Oo nga pala Bliss, balita ko pinahirapan ka na naman ni Margareth sa flowershop noh?” pahayag ni Pietro na kunot noong ikinalingon ni Bliss sa kanya.   “Saan mo naman nabalitaan ‘yan?”   “May pakpak ang tsismis noh, syempre malalaman ko ‘yan lalo na at bestfriend ko ang inaargrabyado. Ano namang ka ekek-an ang ganap ng babaeng ‘yun?”   “Sanay na ako sa kanya Pietro, kahit pahirapan nya ako hindi naman ako mahina para sumuko sa mga pinag-gagagawa nya. Kahit ilang fake delivery pa ang pinagawa nya sa akin hindi ako basta bibigay sa pagiging spoil brat nya.” Sagot ni Bliss na nagsalin ng tubig sa baso nya   “Grabe talaga ang bruha na ‘yun, ganda lang panlaban nya pero ang swanget naman ng ugali nya. Hindi tulad mo, maganda na may mabuti pang puso. Imbyerna na talaga ang bruha na ‘yun. Pasalamat sya at nanay nyang witch ang may ari ng flower shop, naku! Susugurin ko talaga ang bruha na ‘yun.” Inis na pahayag ni Pietro na ikinangiti lang ni Bliss   “Huwag mo nalang silang pansinin, basta nagtatrabaho ako ng maayos at maayos nila akong paswelduhin wala kaming magiging problema. Alam mo naman na ang kinikita ko sa kanila ang pambayad ko sa renta ng tinitirhan ko.”   Dahil hindi nakapag tapos ng Kolehiyo si Bliss ay nahihirapan syang maghanap ng maayos na trabaho na may maayos na sahod. Pinag titiisan nya lang ang trabaho nya ngayon kahit nahihirapan sya at pinakikitaan ng masamang pakikitungo ng mag-ina na may ari ng flowershop na pinagta-trabahuan nya. Hindi sapat ang kinikita nya kaya kung may matinong sideline syang mapapsukan ay kinukuha nya lang pandagdag sa renta at upang makakain sya ng tatlong beses sa isang araw.   “Naku, kung maihahanap lang kita ng trabahong matino ako pa ang magpapasa ng resignation letter mo sa mag-inang ‘yun at dahil papasok ka na naman sa panget nilang floweshop malamang na hindi makakatulog ang bruhang Margareth na ‘yun hangga’t hindi ka napahihirapan, inggeterang palaka sya!” inis reklamo ni Pietro na mauubos na ang laman ng pingggan nya kaya sinalinan sya ulit ni Bliss na ikinakinang ng mga mata nito.   “Bakit sa ating dalawa ikaw ang nai-stress sa mga ginagawa ni Margareth sa akin?” kumento ni Bliss na ikinanguso ni Pietro   “Naiistress ako kasi bestfriend kita, ang bigat kaya sa puso na makita kang uuwing haggard dahil sa bruha na ‘yun. Wala sanang magkagustong lalaki sa bruha na ‘yun!”   “Bad ‘yan Pietro, baka magkatotoo ‘yun.” Sita ni Bliss na ikinangisi ni Pietro sa kanya   “Sinusumpa ko forever syang magiging single.” Sambit ni Pietro na ikinatawa nalang ni Bliss dahil sa kaibigan.   Hindi man naging maganda ang buhay ni Bliss lalo na ang nakaraan nya ay ginagawa nya lahat upang makapamuhay sya ng normal. Ginagawa nya ang lahat upang hindi nya maalala lahat ng paghihirap nya dahil sa nakaraan nya. Masaya syang hinaharap ang bukas na may ngiti at tapang dahil alam nyang ‘yun din ang gusto ng mga magulang nya na alam nyang ginagabayan sya mula sa itaas.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작