Chapter 01- The Starts of Intentions

2432
Chapter 01 – The Starts of Intentions   Isang buwan ang lumipas matapos ang lahat ng nangyari ay magaganap na muli  ang kasal nina Trace at Bliss nang isang bagong kaganapan ang dumating kina Maki, nasa ospital sila ngayon ng kaibigan ni Paxton dahil isinugod na nila si Irish dahil sa manganganak na ito. Nakikita ni Maki ang pagkataranta ni Paxton habang nasa delivery room na si Irish na hindi pinayagan si Paxton na sumama sa loob. Gusto man tawanan ni Maki ang itsura nito ay pinigilan niya nalang dahil ayaw niyang mabatukan nito, pinanuod niya nalang si Paxton na kinakabahan sa kinatatayuan nito habang hinihintay ang paglabas ng mag-ina niya. Katabi nito ang kaibigang may ari ng ospital na binibiro si Paxton, narinig niya pa na on the way na din ang iba pa nitong kaibigan na alam ni Maki na suportado ang isa’t-isa na minsan niya ng kina-iinggitan.   Naka upo lang siya sa bench katabi ang tahimik na si Ruhk, matagal din niyang hindi nakita si Ruhk after ng mga nangyari, isang linggo pa lang ng makabalik ito sa kanila pero pansin niya ang pagiging tahimik nito na hindi kinasanayan ni Maki. Hinayaan niya nalang ito dahil naisip niya na baka apektado pa ito sa pagkamatay ni Vincenzo pero unti-unti ng naiirita si Maki dahil isang buwan na ang lumipas ay ganun parin ang pagiging tahimik nito.   “Alam mo Verchez, kaunti nalang sasapakin na kita.”sambit na puna ni Maki kay Ruhk na walang imik na naka-upo sa tabi niya na bumaling ng tingin sa kaniya.   “What?”   “Sabi ko pag hindi ka pa tumigil diyan sa pagiging silent type mong hindi naman bagay sayo, sasapakin na kita. Langya naman, isang buwan na ang lumipas pero para kang si Maria Clara na hindi matinag sa katahimikan. Ano ba talagang nangyari sayong palaboy ka? I’m sure hindi na ‘yan pagluluksa kay Bianco. Malapit na kasal ni Trace at Bliss ganiyan ka pa, sinabi mo pa na hindi ka aattend sa kasal nila”pahayag na reklamo ni Maki na ikinabuntong hiningang ikinasandal ni Ruhk sa kinauupuan niya at itinuon ang tingin sa tiles na inaapakan niya.   “It’s not about Bianco, I already accept that he’s gone. Vidalgo and the others are currently okay without him now.”seryosong pahayag ni Ruhk na ikinakunot ng noo ni Maki.   “Kung okay na pala sa inyo, bakit ang tahimik mo the past weeks na gago ka? Hindi sa namimiss ko ang pang aasar mo akin Verchez, pero nakakapanibago lang kasi.”pahayag ni Maki na poker face na binalingan ng tingin ni Ruhk.   “Tsismoso ka lang talaga Laochecko, ‘yun ang sabihin mo.”   “Tss! Pasalamat ka nga concern ako sayong palaboy ka eh.”ungos na sambit ni Maki na bahagyang ikinangisi ni Ruhk.   “Don’t worry about me Laochecko, I’ll be back in my usual self, one of these days.”seryosong pahayag ni Ruhk na ikinatitig ni Maki sa kaniya bago buntong hiningang sumandal sa kinauupuan niya.   “Huwag mo lang tagal--”   Hindi natapos ni Maki ang isasagot nya sa sinabi ni Ruhk ng mapalingon silang dalawa sa pwesto nina Paxton dahil sa malakas na tawa nang kaibigan ni Paxton na doctor na si Tad na pumuno sa tapat ng delivery room na kita nila Maki na  ikinasama ng tingin ni Paxton sa kaibigan nito.   “Letse ka Han, pinagtatawanan mo ba ang pagkataranta ko ditong gago ka ha?!”asar na singhal ni Paxton kay Tad na pinipigilan ang pagtawag pero hindi magawa.   “Tangn—pfft—hahahahaha, so-sorry Ignacio pero kasi pfftt…”mas lalong natawa si Tad dahil sa nakikita nitong itsura ni Paxton na hindi mapakali habang nasa delivery room si Irish.   “Gusto mo ng mamatay Han? Gusto mong maging pasyente ka ng sarili mong morgue na tangna ka?”inis na banta ni Paxton na ikinahinga ng malalim ni Tad bago tumikhim at inayos ang tayo sa harapan ni Paxton.   “Sorry dude, hindi ko lang na-kontrol ang tawa ko. Nakakatawa kasi ekpresyon ng mukha mo, namumutla ka Ignacio. Hinihintay ko nalang na mahimatay ka sa kinatatayuan mo.”ngiting kumento ni Tad na ikinaungos ni Paxton.   “Excited na makita ang anak ko ang tawag sa pamumutla ko Han, letse ka! Subukan mo lang na bigyan ako ng bill na ikakapulubi ko Han, susunugin ko ang ospital mo.”banta ni Paxton na kita nina Maki na bahagyang ikinangisi ni Tad.   “Don’t worry, dahil ninong ako ng anak mo, bibigyan kita ng discount Ignacio. Basta ba ‘yung pangalan na sinasabi ko sayo ay idadagdag mo sa pangalan ng Unico Hijo mo.”ngising sambit ni Tad na ikinairap ni Paxton dito.   “Tangna ka Han, pag tinakwil ako ng asawa ko dahil sa katarantaduhan na naisip mo papatayin kita at ako pa maglilibing sayo.”pahayag ni Paxton na ikinatakip ni Tad sa balikat niya.   “Tanya will like the name that I’ll contribute with your son, isa pa hindi ka na namumutlang gago ka.”pahayag ni Tad na ikinaungos lang ni Paxton sa kaibigan.   Tahimik lang na nakatitig si Maki sa dalawa, matagal niya ng alam ang magandang samahan ng Phantoms pero hanggang ngayong, hindi siya makapaniwala sa pagka-kaibigan na nakikita niya. Isa ‘yun sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay naiinggit siya sa samahan ng mga ito kahit sinabihan siya ni Irish na huwag siyang maiinggit sa kung anong samahan meron ang Phantoms dahil meron din silang samahan nina Ruhk na nabuo.   Naalis ang tingin ni Maki kina Paxton ng magsi-datingan na ang iba pang Phantoms na binibiro na si Paxton habang lumalapit ito sa dalawa. Kumpleto ang mga ito, ilan sa mga kaibigan ni Paxton ay may bitbit na mga anak habang binabati si Paxton sa pagiging ama nito.   “Langya Mondragon II, himala at present ang katawang gago mo sa araw na ‘to?”rinig ni Maki na kumento ng kaibigan ni Paxton na sa pagkakakilala niya ay si Travis na nagmamalaking ikinapamewang ni Demon na bayaw ni Paxton.   “Si Tanya namin ang usapan dito malamang pupunta ako para batiin siya ng personal. Pinayagan naman na ang asawa ko ng doctor niya na makabyahe, though sa bahay lang muna siya nina Mom.”pahayag na paliwanag ni Demon na ikinamura nito ng sipain ito ng kambal niya mula sa likuran nito na ikinalingon ng lahat dito.   “Twinnie naman, bakit may pagsipa ka?”angal ni Demon na poker face lang na ikinatingin ng kambal nito sa kaniya.   "Namiss ka lang ng kambal mo dahil after ng kasal nila ni Heaven eh umalis ka na agad, sweet naman maka miss ni baby Dev--pfhssbibf"pahayag ni Blue na hindi niya natapos ang sasabin niya dahil mabilis itong pinasakan ni Demon ng papel sa bibig nito na bahagya nitong ikinaubo. "Twinnie, hindi ko akalain na mami-miss mo agad ak---" “F*ck you.”murang sagot ni Devil na ikinaputol ng sasabihin ng kambal niya na ikinatawa ng lahat maliban kina Taz at YoRi at kay Blue na napapamura sa ginawa ni Demon sa kaniya.    “I can’t see friendship on them, they are more likely a big family to me.”seryosong kumento ni Maki na bahagya niyang ikinadaing at masamang tingin ang ibinigay kay Ruhk dahil sa pagbatok na ginawa nito sa ulunan niya.   “Magbigay ka sa akin ng isang magandang rason Ruhk palaboy para hindi kita masapak na gago ka, gandahan mong torpe ka.”asar na banta ni Maki kay Ruhk na bahagyang ikina-ungos ni Ruhk sa kaniya.   “I just did that on behalf of Tanya, I smell envy in you Laochecko. Can’t get over in the friendship of Ignacio that he has?”seryosong tanong ni Ruhk na bahagyang hindi ikinakilos ni Maki sa kinauupuan niya.   “Ignacio’s connection with them is different in the relationship he had with us, but you must remind yourself what Tanya told to us before. We’re part of Ignacio’s family even were not Phantoms, so cut the f*cking envy Laochecko.”pahayag ni Ruhk na naiiling na ikinatapik nito sa balikat ni Maki.   “You have a family with us Laochecko, so stop envying in one.”dagdag pa ni Ruhk na bahagyang ikinangiti ni Maki kay Ruhk na parang sa mga sinabi nito ay bumalik ang sigla ni Maki.   “Akala ko ba Verchez, one of these days pa ang pagbabalik loob mo eh bakit parang bumabalik ka na sa dati mong sarili ha? Di ka makatiis nuh?”ngising asar ni Maki kay Ruhk na ikinaungos lang nito sa kaniya.   Aaminin ni Maki na hinahanap niya ang isang pakiramdam ng may pamilya kina Paxton, Irish, Ruhk at Trace dahil wala siyang pamilya na matatawag. Hindi niya maiwasang maiingit sa pamilyang turingan na nakikita niya sa Phantoms dahil ‘yun ang wala sa kaniya. Pero sa sinabi ni Ruhk sa kaniya mukhang dapat niya na talagang tigilan ang inggit niya dahil tulad ng sinabi ni Ruhk, may pamilya siya sa at sina Ruhk ‘yun.   “Did you find a clue where you will find your sister?”pag-iibang tanong ni Ruhk na ikina-iling ni Maki.   “Wala pa hanggang ngayon, gusto ko ng paniwalaan ang sinabi sa akin ng matandang nakausap ko kama-kailan lang na patay na ang ate ko. Nakakapagod na ding umasa na makikita ko siya.”   “Hanggat walang katawan o puntod na patunay na patay na ang kapatid mo, hindi ka dapat sumuko Laochecko. Isa pa, katulong mo kami sa paghahanap sa kaniya kung hindi mo nakakalimutan na gago ka.”pahayag na paalala ni Ruhk na ikinalingon ni Maki sa kaniya.   “Welcome back Verchez, sa tanang buhay ko na nagkasama tayo ngayon ko lang sasabihin na kamiss-miss ka din palang palaboy ka.”sambit ni Maki na ikinaungos lang ni Ruhk na bahagyang ikinatawa ni Maki.   Sabay na natigilan sina Maki ng tumunog ang cellphone ni Ruhk na agad nitong kinuha at nang makita nito na isang tauhan nila ang tumatawag ay agad itong sinagot ni Ruhk na ikinabalik naman ng tingin ni Maki sa buong Phantoms na inaasar na ang lider nila na rinig niyang ikinamumura nito kina Paxton nang mapalingon siya ng dumaan sa harapan nila ni Ruhk ang ama at ina ni Irish na may masayang ekspresyon sa mga mukha nito na ikinatitig ni Maki sa ina nina Irish.   Hindi maalala ni Maki ang huling beses na nakasama niya ang kaniyang ina, wala siyang matandaan na may inang nag-alaga sa kaniya noong bata siya. Kahiit mukha ng kaniyang ina ay hindi niya maalala, o kung may masayang alaala na meron siya sa ina niya na agad niyang ikinailing at mabilis na inalis sa isipan niya ang tungkol sa pagkabata niya dahil alam niyang maiisip niya ang nakaraang kinamumuhian niya. Ayaw niya maalala ang mga ‘yun at ang isang taong nagparanas sa kaniya ng dusa at hirap simula ng bata siya dahilan upang lumaki siyang hindi normal. Huminga ng malalim si Maki at inalis na sa isipan niya ang bahid ng nakaraan dahil alam niyang hindi niya dapat ‘yun isipin dahil sa isang rason na ayaw niya ng mangyari ulit.   Tuluyan nang naputol ang malalim na pag-iisip ni Maki ng mapalingon siya kay Ruhk na tumapik sa balikat niya na nakatayo na at seryosong nakatingin sa kaniya.   “May trabaho tayo Laochecko, may ilang malalakas ang loob na pinasok ang isang bodega natin ng mga baril at bomba sa Bulacan. Hindi sila nahuli ng mga tauhan natin, so we must hunt them before Ignacio knows this. Hindi dapat nila sirain ang magandang araw ni Ignacio ngayon.”pahayag na balita ni Ruhk na ngising ikinatayo ni Maki sa kinauupuan niya.   “Pinaghuhukay nila ang mga sarili nila ng libingan na tutulugan nila ng panghabang buhay, minsan naiisip ko na walang utak ang mga gustong kalabanin tayo. RIP for them, they’re a little bit lucky dahil wala si Trace ngayong.”pahayag ni Maki na nagpamulsa at bahagyang tinuro si Paxton.   “Hindi ba tayo magpapa-alam kay Kuya Paxton?”   “Kung hindi ka bobo Laochecko, dapat alam mong hindi ito dapat malaman ni Ignacio. What’s the point of taking care of this small problem if we’re going to tell him about this, stupid.”poker face na sambit ni Ruhk na tinalikuran na si Maki at nag-simula ng maglakad na ikinasimangot ni Maki.   “Gagong palaboy na ‘to, sinong stupid ang sinasabi mo ha?!”asar na angal ni Maki na ikinalakad na rin nito upang sundan si Ruhk na ilang metro lang ang layo sa kaniya.   “Isipin mo Laochecko.”sagot ni Ruhk na ikina-isip nga ni Maki ng mapagtanto niya ang ibig sabihin ni Ruhk na mas ikinasimangot niya.   “Eh gago ka pala Ruhk palaboy, anong karapatan mong tawagi----“   I’ll be out soon and replace you, and you can’t stop me.   Natigilan sa paglalakad niya si Maki at ngiwing sinapo ang ulunan niyang bahagyang sumakit at parang may naririnig siyang tunog sa tenga niya na ikinapikit ng isang mata niya dahil nabibingi siya sa tunog na ‘yun.   “Damn!”mahinang mura ni Maki sa kaniyang sarili nang dahan-dahang kusang nawala ang pagpanting ng tenga niya at p*******t ng ulunan niya na ikinasimulan niyang ikahingal.   “What the f*ck is that?”naguguluhang tanong ni Maki sa sarili na ikinakunot na ng noo niya.   “Did I heard his voic----“   “Oi Laochecko na kinulang sa height, sabihin mo lang kung hindi ka sasama sa Bulacan dahil matutuwa pa ako kung maiiwan ka at magpapaka tsismoso dito.”pahayag na agaw atensyon ni Ruhk sa kaniya na ikinalingon niya dito at binalewa ang naramdaman at bahagyang nangyari sa kaniya at sinimangutan si Ruhk.   “F*ck you Verchez, hindi kinulang ang height ko gago! Sadyang matangkad ka lang ng isang dangkal sa akin na palaboy ka kaya huwag kang magyabang diyan.”angal ni Maki na naglakad na muli palapit kay Ruhk.   “Don’t gago me Laochecko, matanda ako sayo ng isang taon.”pahayag ni Ruhk habang sabay na silang naglalakad ni Maki sa hallway ng ospital palabas doon.   “Pakielam ko, hindi ka naman kagalang-galang na gago ka. Kailangan munang pumuti ng kalabaw bago ko galangin ang isang taong agwat na pinagyayabang mo.”   “What an insolent kid you are.”naiiling na pahayag ni Ruhk na parang disspointed sa sinabi ni Maki na ikinaasar lang nito dahilan upang ang paglabas nila sa ospital ay naging maingay at napuno ng asaran at bangayan.        
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작