Chapter 15- Glimpse of His Past.

4800
Chapter 15-Glimpse of his Painful Past Split Intentions to Love Conflicts Malakas na iyak ng isang batang lalaki ang pumuno sa isang masikip at madilim na underground basement sa isang malaking bahay, isang batang lalaking nakikiusap sa kaniyang ama na huwag siyang dalhin sa lugar na ‘yun at iwan, isang batang lalaking nagmamakaawa dahil alam niyang hindi agad ito makakalabas ng paglalagyan ng kaniyang ama sa kaniya. Isang pitong taong bata na hindi nakaranas ng pagmamahal sa kaniyang ama kundi pagmamalupit at p*******t. “D-don’t lo-locked me here, dad! P-promise, I will listen to everything you will said to me, j-just don’t put me here, na-natatakot po ako.” Iyak na pagmamakaawa ng batang lalaki habang nakaluhod sa harapan ng kaniyang ama at nakadaupang palad na nagmamakaawa dito. “Dito ka muna hanggang sa magtanda ka! Kahit kailan kahihiyan ka sa akin, wala kang silbi!” bulyaw na sigaw ng kaniyang ama na akmang aalis ng mabilis na yumakap ang batang lalaki sa bintin ng kaniyang ama habang umiiyak na nagmamakaawa. “A-ayoko dito, Dad! Don’t leave me her---uggghh!” Hindi natuloy ng batang lalaki ng sipain siya ng kaniyang ama upang makabitaw siya sa pagkakayakap sa binti nito at sinipa pa siya ng sarili niyang ama hanggang sa humandusay siya sa sahig ng basement habang inuubo at nahihilaman ng kaniyang mga luha. “Shut up and stay here idiot!”sigaw ng kaniyang ama bago ito naglakad palabas ng basement na nahihirapang ikinagapang ng batang lalaki pero nasarado na ng kaniyang ama ang pintuan. Narinig niya ang pagtawag ng kaniyang ina at kapatid na nakikiusap na pakawalan siya pero rinig niya ang galit ng kaniyang ama at miya-miya pa ay wala na siyang naririnig na kahit ano mula sa labas ng basement na ikinaiyak ng batang lalaki. May kaunting kasiyahan sa tahanan nila, isang governor ang kaniyang ama at dahil sa pagkakabasag niya ng alak na iinumin ng mga bisita ng kaniyang ama ay agad siyang pinarusahan nito. Simula ng nagka-isip siya ay wala na siyang naranasan sa kaniyang ama kundi p*******t mula dito, dahilan upang magdala ng sobrang takot ang presensya ng kaniyang ama sa kaniya na talagang gagawin niya para hindi siya magkamali at hindi masaktan ng kaniyang ama. Pero sa kaunting pagkakamali na nakikita sa kaniya, kung hindi siya sinasaktan nito ay binubugbog siya sa mura niyang edad. Walang magawa ang kaniyang ina at kapatid dahil kahit sila ay sinasaktan ng kaniyang ama, at ngayong gabi ay mararanasan na naman ng batang lalaki ang matulog sa malamig na basement na madilim at kinakatakutan niya. Pinilit nito na makapunta sa gilid ng basement at iyupyop ang sarili habang umiiyak, nananakit ang buo niyang katawan dahil sa paninipa ng kaniyang ama kanina sa kaniya. Iniyuko nalang ng batang lalaki ang kaniyang ulunan sa pagitan ng kaniyang tuhod, madilim sa basement na kinalalagyan niya kaya tangingin ilaw lang sa ilalim ng pintuan ang nakikita niya. Napapapitlag siya sa tuwing naririni niya ang ingay ng mga daga pero alam ng batang lalaki na hindi siya makakalabas ng basement maliban nalang kung balikan agad siya ng kaniyang ama. “Mo-mommy…Ate…n-natatakot ako…”iyak na mahinang sambit ng batang lalaki ng makarinig siya ng mahihinang katok sa pintuan na ikinatunghay niya sa pagkakasubsob sa kaniyang tuhod. “S-sino ‘yan?” “Sir Maki…”tawag ng boses ng isang bata na ikinagapang agad ng batang lalaki papunta sa pintuan kahit nananakit ang kaniyang katawan. “I-Ikaw ba ‘yan?”sambit na tanong ng batang lalaki sa nasa labas ng pintuan ng basement. “Sasamahan kita dito Sir Maki kaya huwag kang matakot, dito lang po ako.”pahayag nito na muling ikinaiyak ng batang lalaki. “Ayoko dito…natatakot ako…”sambit nito na rinig niyang ikinakatok nitong muli sa pintuan na bahagyang ikinatigil sa pag-iyak ng batang lalaki. “Huwag kang matakot, dito lang ako di kita iiwan.” Pangako nitong pahayag sa batang lalaki na humihikbing ikinasandal nito sa may pintuan. “Diyan ka lang ah, h-huwag mo kong iwan dito.”humihikbing sambit ng batang lalaki na ikinakatok ng nasa labas ng pintuan niya. “Binugbog ka ba ulit ng ‘yung ama?” “Nabasag ko kasi ‘yung iinumin nila kaya nagalit si Daddy, nag-sorry naman ako eh.”sagot ng batang lalaki. “Wala kang kasalanan, hindi mo naman sinasadya.” Sambit ng nasa labas ng pintuan ng basement. Kahit papaano ay nabawasan ang takot ng batang lalaki dahil sa pagdating at pagsama ng kaniyang kaibigan habang nakakulong siya sa ilalim ng basement. Madilim man sa kinalalagyan niya ay alam niyang sa labas ng pintuan ay may kasama siya at hindi siya iiwan. Humahangos at humihingal na napatayo si Maki sa kamang hinihigaan niya dahil sa isang panaginip na naglalaman ng alaala niya sa kamay ng kaniyang ama. PInagpapawisan na napahawak si Maki sa kaniyang dibdib at pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili, inaalis niya sa kaniyang isipan ang panaginip nang kaniyang nakaraan dahil ayaw niyang maagaw muli ni Ody ang oras at katawan niya. Huminga ng malalim si Maki at mabilis na tumayo sa kamang kinahihigaan niya at agad nagpunta sa lababo upang maghilamos, after nun ay kahit isang silip ay hindi niya ginawa sa salamin ng ipinalit niya sa nabasag niya. Deretsong lumabas si Maki sa c.r at pabagsak na umupo sa kama at bahagyang napatulala, sa tagal ng panahon na pinilit niyang alisin sa isipan niya ang mga nangyari sa kaniya, hindi niya alam kung bakit ngayon ay binabalikan siya ng mga ito sa panaginip niya. Hindi naiwasan ni Maki na matakot na baka sa mga panaginip na bumabalik sa kaniya tungkol sa nakaraan ay makahanap ng way si Ody na lumabas sa kaniya. “Forget everything about him, damn! You have a normal life now!” pahayag na sita ni Maki sa kaniyanag sarili ng makarinig siya ng katok sa pintuan na ikinalingon niya kung saan naroon si Ruhk at nakasandal sa hamba ng pintuan habang nakatingin sa kaniya. “You okay stupid Laochecko?”tanong ni Ruhk na ikinabuntong hininga ni Maki. “Mukha ba akong hindi okay? May kailangan ka, Verchez?”balik tanong ni Maki na seryosong ikinatitig ni Ruhk sa kaniya na ingos na ikinatayo ni Maki sa pagkaka-upo niya sa kama, kinuha niya muna ang cellphone niya sa may side table at naglakad palapit kay Ruhk. “Kung makatingin ka parang gusto mong matunaw ako ah, ako parin ‘to Verchez.”pahayag ni Maki na bahagyang ikinangisi ni Ruhk. “I know, masama bang titigan ka, Laochecko?” “Tss!” Deretsong naglakad si Maki palabas ng kwarto na ikinasunod ni Ruhk sa kaniya ng lingunin niya itong muli dahil napansin niya na bihis na bihis ito. “Mukhang may lakad ka ah, ngayon nalang ulit kita nakitang magbihis ng parang desente simula ng magpaka hirap ka para kay Liana. Anong meron?”punang tanong ni Maki kay Ruhk habang pababa sila ng hagdanan. “My grandfather called me this morning, he wants me to represent him in a petroleum company as new investors. You think I will disobey his orders? His words are law, I need to obey.”seryosong pahayag ni Ruhk na ikinatitig ng maayos ni Maki sa kaibigan ng makababa na sila sa hagdanan. “I thought you would no longer be submissive to your grandfather, you told us that?” kunot noong tanong ni Maki na ikinalis ng tingin ni Ruhk sa kaniya. “Not now, soon Laochecko.”seryosong sagot ni Ruhk na ikinatapik ni Maki sa balikat nito. “Galingan mo, baka nakalimutan mo na ang maging negosyante sa tagal mong nagpakapulubi.”sambit na paalala ni Maki na ikinaingos lang ni Ruhk ng lumabas ng kusina sina Paxton at Irish. “Lalo ka palang gumagwapo pag naka suit ka Ruhk.”ngiting puri ni Irish na agad ikinasimangot ni Paxton. “Bakit parang hindi mo ko sinasabihan ng ganiyan, wife. Hindi na ba ako gwapo sa mga mata mo?”baling na reklamo ni Paxton na mahinang ikinahampas ni Irish sa braso niya. “Ano ka ba, alam mong gwapo ka sa paningin ko kahit hindi ka naka suit. Bawasan mo nga ‘yang pagiging seloso mo.”suway ni Irish na bahagyang ikinatawa ni Paxton at ikinapamewang nito sa harapan ng asawa. “Ako? Seloso? Hindi ako ganiyan wife dahil alam kong akin ka lang.” “Kung ganun okay lang na pag nakakita ako mng gwapo ay pupur---“ “---pero possessive ako, akin lang ang atensyon mo at ako lang dapat ang gwapo sa paningin mo.”putol ni Paxton kay Irish na nakaingos ng nilingon si Ruhk. “Lumayas ka na nga Verchez baka masapak lang kita, next time sa mga lungga niyo kayo magbihis ng hindi kayo napupuri ng asawa ko!” singhal ni Paxton na ngising ikinailing ni Ruhk. “You should not get mad, Ignacio. Walang masama kung maka appreciate si Tanya ng kagwapuha---“ “Tangna layas!”sitang singhal na pagtataboy ni Paxton kay Ruhk na ngising ikinalakad na nito palabas ng bahay ni Paxton para sa lakad nito. “Umayos ka nga Paxton, nangangamba ako na baka manahin ng anak mo ang ugali mo.”pahayag ni Irish na ikinabaling ng tingin ni Paxton sa asawa. “Parang sinasabi mo na panget ang ugali ko, asawa ko ah.”angal ni Paxton na ngiting iiling-iling na ikinalingon ni Irish kay Maki. “Kamusta naman ang tulog mo, Maki?”’ “Ayos naman Ate Tanya, hanggat sa kama ako natutulog at sa sahig si Verchez, masaya ang gabi ko.”ngiting sagot ni Maki. Dahil malaman na ni Irish ang kondisyon ni Maki ay hindi nito naiwasang maawa dito, hindi niya alam na sa likod ng ngiti nito ay masamang nakaraan at malupit na alaala ang dinanas nito bago makilala sina Paxton. Nang umuwi ito galing sa pamimili sa grocery at ng salamin sa nabasag nito ay sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap, ipinaramdam niya kay Maki na hindi siya nag-iisa. May part sa kaniya na naku-curious sa kung ano ang ikalawang persona ni Maki pero dahil sinabi ni Paxton na hindi ito magandang kilalanin at nabanggit din ang balak nito kay Maki ay bahagya siyang natakot para sa kaibigan. Nang ikwento ni Maki sa kanila kahapon na lumabas muli ang pangalawa nitong persona ay kita ni Irish ang pag-aalala nina Ruhk pero mas gustong makilala ni Irish ang tinutukoy ni Maki na kahit papaano ay pumipigil sa paglabas ng alter ni Maki. “Mabuti naman kung ganun.”ngiting sambit ni Irish na ikinalingon ni Maki kay Paxton. “Hindi ko natanong kagabi Kuya Paxton pero kamusta ang lakad niyo kahapon ng mga kaibigan mo?”pag-iibang tanong ni Maki na ikinabuntong hininga ni Paxton. “Negative, wala dun ‘yung hanap namin. Sa ibang bidding nadala ang dapat naming mabawi. Tangna, badtrip si Westaria dahil dun.”sagot ni Paxton na akmang magtatanong pa si Maki ng tumunog ang cp na hawak niya na agad niyang tiningnan kung sino ang natawag. Nang makita niyang secretary niya ang tumatawag sa kaniya ay bahagya siyang lumayo kina Paxton an magkahawak kamay na umakyat sa hagdanan upang puntahan ang kanilang anak. “Diba bilin ko sayo na tatawag ka lang sa akin pag may urgent lang sa Ainsoft? Huwag mong sabihin na nagpatawag ng meeting ang mga board---“ (Kuya Pogi!!) Natigilan si Maki sa sasabihin niya ng isang boses ng batang babae ang narinig niya  sa kabilang linya na pamilyar sa pandinig niya. “Cathy? Are you in my company?” takang tanong ni Maki na rinig niyang bahagyang ikinatawa ng kapatid ni Nastia. (Yes Kuya Pogi, I told my body guard Kuya Jacob to make me dala here in your rooftop garden after my class. At first ayaw me papasukin nung masungit na guard pero nakapasok ako because of ate secretary.) “Alam ba ng Ate mo na nagpunta ka sa company ko?”tanong ni Maki na natagpuan nalang niya ang sarili niyang naglalakad palabas sa bahay ni Paxton at agad sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon para mapuntahan si Cathy. (Nope, she’s busy today so I don’t want to bother her. Isa pa, pumayag naman si Ate na pumunta ako dito if I want di’ba?) “Yeah, papunta na ako.”sambit ni Maki na rinig niyang ikinatuwa ni Cathy. Nang mawala na ito sa kabilang linya ay binilisan niya ang pagpapatakbo sa kotse niya, alam niyang may deal sila ni Nastia na tutulungan siya nito kapalit ng pagbabantay niya sa kapatid nito pag gusto nitong pumunta sa rooftop garden na nagustuhan nito. Isang oras at kalahati ang naging biyahe ni Maki ng makarating siya sa Ainsoft na hindi masyadong nakaayos pero hindi niya na pinansin. Pagkababa niya sa kotse ay agad siyang naglakad papasok na ikinatigil niya muna sa harapan ng guard na yumuko sa kaniya. “I won’t fire you but next time pag may batang babae na gustong umakyat sa rooftop Garden ko, huwag mong pagbawalan. Naiintindihan mo?”pahayag na sita at bilin ni Maki dito na agad nitong ikinatango. “O-opo sir!” sagot nito na tangong ikinatapik ni Maki sa balikat nito bago nagderetso na ng pasok sa loob ng kumpanya niya na ikinatatanggap niya ng bati mula sa mga empleyado niya na tinatanguan niya lang. Agad siyang sumakay sa elevator kung saan may isang employee siya na kasabay na hindi siya napansin dahil nanunuod ito ng isang drama sa cellphone nito na ikinalingon ni Maki dito dahil humihikbi ito kaya pasimple siyang sumilip sa pinapanuod nito. “Oh? Gusto ko din ang movie na ‘yan, galing ng bidang babae diyan nuh?”kumento ni Maki na ikinatango nito. “Oo, talagang kinaya niyang isuko ang lalaking mahal niya dahil alam niyang hindi siya ang maha---“ natigilan ito sa sasabihin ng mapagtanto niya kung sino ang kasama niya sa elevator na bahagya niyang ikinaatras sa gulat. “S-sir?”sambit nito na bahagyang ikinangiti ni Maki dito. “Favorite ko din ang movie na ‘yan, crush ko ang bidang artista diya, si Devon Dela Torre? Nag-iisang crush kong artista ‘yan.”sambit ni Maki na kita niyang ngiwing ikinangiti ng kasabay niyang employee. “G-ganun po b-ba…” Tumikhim si Maki at umayos sa pagkakatayo niya at inalis na ang tingin sa kasabay niyang employee ng bumukas ang elevator sa floor na pupuntahan ng employee niya ay yumuko ito sa kaniya at mabilis na lumabas. “Nakakatakot baa ng mukha ko? Ang gwapo ko kaya.”sambit ni Maki na napaingos nalang dahil na feel niya ang kaba ng employee niya dahil sa kaniya. Nang makarating na siya sa rooftop garden niya ay nadatnan niya si Cathy na masayang naglalaro sa may swing habang inaalalayan ng body guard nito na ng makita siya ay agad itong umalis sa swing at patakbong lumapit sa kaniya. “Kuya Pogi you’re here na!” masayang pahayag nito na ikinaluhod ng isang tuhod ni Maki para mapantayan si Cathy. “Nag-eenjoy ka ba?”tanong ni Maki na ngiting ikinatango nito. “Good but next time, ipaalam mo sa ate mo kung pupunta ka dito okay? Para hindi siya mag-aalala.”bilin ni Maki na ikinatango ulit ni Cathy. “Okay Kuya Pogi.” Sambit nito na akmang ikakatayo ni Maki ng biglang sumikip ang dibdib niya na tuluyan niyang ikinaluhod na bahagyang ikinagulat ni Cathy. Nakaramdam si Maki ng paninikip ng dibdib nito na unti-unti niyang ikinapawis, para siyang mauubusan ng hininga na ikinapikit niya dahil sa kirot ng dibdib niya na hindi niya alam kung bakit sumasakit. “K-kuya Pogi, what’s happening to you?” rinig niyang tanong ni Cathy sa kaniya na ikinabagsak ng noo niya sa sahig at ikinakuyom ng dalawang kamay niya. Dahan-dahang bumabalik sa dati ang paghinga nito na agad nitong ikinatunghay sa pagkakadukmo ng ulo nito sa sahig habang nakatitig lang si Cathy sa kaniya. Bahagya siyang napatawa bago dahan-dahang napamulat. “Who would have thought that I could go out again without hearing the name of that bastard man?”ngising sambit nito na ikinataas niya sa dalawang kamay niya at ngising pinagmasdan ito. “So I can stole now his time and body if I want even without triggering his trauma, damn this is good!”nagbubunying pahayag ni Ody na nakalabas ng muli sa katawan ni Maki. “K-Kuya P-Pogi?” tawag ni Cathy sa kaniya na ikinabaling ng tingin ni Ody sa kaniya na ikinangisi niya dito. “You’re name is Cathy, right?”ngising tanong niya dito na ikinatango nito. Tinitigan ni Ody ang kapatid ni Nastia dahilan para bumalik sa tanaw niya ang pagkakasampal na ginawa nito sa kaniya na hindi niya alam kung ‘yun ang dahilan para makabalik si Maki. Hindi niya nagustuhan ang pagkakasampal ni Nastia sa kaniya pero hindi niya itatanggi na napahanga siya nito dahil sa mapanganib na presensya niya ay nagawa siya nitong sampalin. Gusto ni Ody ang ugali at tapang ni Nastia na ipinakita sa kaniya pero pumasok sa isipan niya na banta ito dahil napapabalik siya nito sa madilim na lugar. Pero gusto niya ulit niya makaharap si Nastia, ang klase ng ugali ni Nastia ay biglang naging interesting sa kaniya, kaya naisip niya na kung mapapalapit ito sa kaniya ay magiging kaniya ang dalaga at mapapakiusapan na tulungan siyang manatili sa katawan ni Maki. “That woman, I liked that kind of woman who can against to me.”ngising sambit ni Ody na ikinatayo niya sa pagkakaluhod niya sa sahig na ikinahabol tingin ni Cathy sa kaniya. “Oi bata, saan ang bahay mo? I’ll take you home.”pahayag ni Ody kay Cathy “Pero naglalaro pa ako Kuya Pogi eh.” “Just play next time here, I’ll take you home.”sita ni Ody na bahagyang ikinalungkot ni Cathy sa harapan niya. “But y-you said I c-can play here as long as I want.”malungkot na sambit nito na pigil ang inis ni Ody. “Damn! Fine sige na maglaro ka pero isang oras nalang.”pahayag ni Ody na ikinataas ng kamay ni Cathy sa kaniya na ikinasalubong ng kilay niya. “Two hours.” “Aish! Ang lakas ng loob mong makipag bargain sa akin ah, sige na dalawang oras lang ha?”walang nagawang pagpayag ni Ody na ikinatuwang ikinatakbo pabalik ni Cathy sa swing na nilalaruan niya. “Bwisit oh!”inis na sambit ni Ody ng makita niya ang secretary ni Maki na papalapit sa kaniya. “Boss, tutal narito na kayo baka gusto niyong pirmahan ‘yung mga natirang docu---“ “Why would I? That’s not my f*cking job, I'm just waiting for that kid to finish playing.”singhal ni Ody na bahagyang ikinatitig ng secretary ni Maki sa kaniya dahil hindi nito inasahan ang sagot niya. “Stop staring at me will you?!”sitang singhal ni Ody na bahagyang ikinapitlag nito “S-sige boss, pag naalala mo ng C.E.O ka ng kumapanya mo tsaka mo pirmahan ang mga dapat mong pirmahan. M-may kailangan pa po ba kayo?”tanong nito na akmang itataboy ni Ody ang secretary ni Maki ng mapansin niya ang suot niya na hindi niya nagustuhan. “Bring me dress here, all black. Don’t forget the leather jacket.”utos niya dito na ikinatango nito bago ito umalis. Nakapamulsang umupo si Ody sa bench at bored na hinintay na magsawa ang kapatid ni Nastia sa paglalaro, ilang minute ang lumipas ng dumating ang damit na kailangan niya na agad niyang ikinapalit sa isang cr. Tinapon niya ang damit ni Maki at ng paalabas na siya ng cr ay may nakasalubong siyang isang lalaking empleyado ni Maki na may isang suot na hikaw na itim na kinuha niya dito na agad naman nitong binigay. Tinaas niya ang pagkakaayos ng buhok niya gamit anag gel na sapilitan niyang hinigi sa isa pang empleyado ni Maki, at dahil nagsara na ang butas sa tenga ni Maki sa tagal ng panaahon na hindi siya nakalabas ay siya na ang nagbutas nito na bahagyang dumugo pero baliwala sa kaniya. Nang satisfied na siya sa ayos niya ay binalikan niya ang kapatid ni Nastia at kahit wala pang dalawang oras ay hinila niya na ito palabas ng kumpanya ni Maki. Sa kotse niya sinakay si Cathy at dahil nakasunod ang guard ni Cathy ay naisip niyang iligaw ito, nang mawala na ito sa paningin niya ay pumasok sa isip niya na bisitahin ang negosyo niya na alam niyang hinihintay na siya ng mga tauhan niya pero naalala niyang may kasama siyang bata kaya dumeretso nalang siya sa paghatid dito sa bahay nila habang tinuturo nito ang daan. Masama man ang ugali ni Ody at may panganib na bumabalot sa presensya nito ay hindi nito magagawang manakit ng bata o ipahamak ito. Kaya pinili niyang hindi muna dalawin ang negosyo niya, at huwag siyang malasi na bumalik agad sa dilim na ayaw niya ng balikan. Dere-deretso lang siya sa pagpapatakbo ng kotse ni Maki ng may makita siyang lalaking may ducatti motorbike na ikinatigil niya sa pagmamaneho. Saglit siyang bumaba sa kotse at nilapitan ang lalaking may ducatti motorbike at nakipagpalitan sa dala niyang kotse ni Maki na nagustuhan naman nito na ikinangisi ni Ody. Ibinigay niya na ang susi sa lalaki ganun din ito bago niya binalikan si Cathy sa loob at pinasakay ito sa ducatti motorbike. “Pag hindi ka kumapit ng mabuti sa akin, mamamatay ka.”pahayag na sambit ni Ody kay Cathy bago niya pinatakbo ng mabilis ang ducatti motor na ikinahigpit ng yakap ni Cathy sa likuran niya. Ilang oras pa ay nakarating na sila sa bahay nina Nastia, naunang patakbong pumasok si Cathy para sa laruin ang ilang laruan na ipinabili niya kay Ody,, sumunod si Ody sa kaniya sa loob. Sa malaking bahay nila Nastia ay dalawa lang sila ni Cathy plus ang bodyguard nito. Pabagsak na umupo si Ody sa mahabang sofa at itinutok ang tingin sa kapatid ni Nastia na naglalaro na. “Tss! Why do I f*cking need wait?”mahinang singhal ni Ody sa sarili niya at kahit naboboring ay nanatili siyang nakaupo sa sofa at ilang oras pa ang lumipas sa panunuod niya kay Cathy ay nakita niyang tumakbo ito at narinig niya ang pagtawag nito sa pagdating ng ate nito na hindi naiwasang ikangisi ni Ody. “Mukhang nag-eenjoy ka sa paglalaro mo ah, binili ka ba ni Jacob ng bagong toy?”rinig ni Ody na sambit ni Nastia sa kapatid nito. “No, hindi siya ang nag buy ng toy for me, si Kuya Pogi.”sagot ni Cathy na ikinakunot ng noo ni Nastia ng tumayo si Ody sa pagkakaupo niya sa sofa at humarap kay Nastia. “Oh? Gie---“hindi nito natuloy ang sasabihin nito na napansin ni Ody na may narealize ito habang nakatingin sa kaniya. Naglakad siya palapit kay Nastia at iniwan naman sila ni Cathy. “O-Ody?” “That’s me, now you know the difference between me and Maki.”ngising sagot niya dito “H-how d-did y-you…anong ginagawa mo sa bahay namin?”sita ni Nastia sa kaniya na ikinaturo pa nito sa kaniya na mas ikinangisi niya dahil hindi talaga ito natatakot sa presensya niya kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay nitong nakaturo sa kaniya na kita niyang ikinaturo nito. Pilit na hinihila ni Nastia ang kamay nitong hawak niya pero hinihigpitan niya ang pagkakahawak niya dito na ikinatitig ni Nastia sa kaniya na biglang ikinatibok ng puso ni Ody dahil sa klase ng titig na binibigay ni Nastia sa kaniya. “You can see yourself as a lucky woman, Livy, right?”sambit niya dito ng hilahin niya ito at iyakap niya ang isa niyang braso sa bewang nito na ikinatuon naman ng isang kamay nito sa dibdib niya at bahagyang ikinalapit ng mukha nila isa’t-isa. “A-ano bang g-ginagawa mo, bitawan mo nga ako!” “I like a tough woman like you, and you’re the only one who slap me right on my freaking handsome face. So be my woman. Be mine, right now”deretsahan niyang alok kay Nastia na kita niyang unti-unting ikinalaki ng mga mata nito sa sinabi niya. “Eh?!!!” “You’re lucky dahil interesado ako sayo, ikaw lang ang papayagan kong maging babae ko. Kung titingnan mong mabuti mas gwapo at matapang ako kay Maki.”ngising pahayag niya kay Nastia na dahan-dahan nitong ikinabawi sa pagkagulat at miya-miya lang ay natagpuan niya nalang ang sarili niyang nakabagsak na sa sahig dahil sa ginawang paglagay ni Nastia sa isang niyang paa sa likuran ng binti ni Ody at paikot na binalibag ito na ngayon ay ngiwing nakahawak sa balakang nito habang nagmumura. “Cathy, umakyat ka muna sa kwarto.”sambit ni Nastia kay Cathy na walang tanong-tanong na kinuha ang mga laruan at umakyat na sa hagdanan. “How did you switch with Giel? Did he hear something to his father?”agad na tanong ni Nastia na hindi niya maiwasang mag-alala kay Maki dahil si Ody na ngayon ang nasa katawan nito. Mabilis na tumayo si Ody sa pagkakasalampak niya sa sahig na nakangisi pero nakikita sa mukha nito ang pagkainis. “Nah, I just found out na kaya ko ng agawin ang time niya. Maybe because Maki is a weak personality that should be gone. Wait, your worried to Maki pero hindi mo pinansin ang alok ko?”bahagyang angal ni Ody na ikinapamewang ni Nastia sa kaniya. “At bakit naman ako papayag sa gusto mo? Nababaliw ka na ba?”singhal niya dito na ikinasimangot nito sa kaniya. Naguguluhan at nag-aalala si Nastia sa kalagayan ni Maki ngayon, kung wala itong narinig na kahit ano sa ama nito ay paano nakalabas si Ody mula sa katawan nito? Yan ang tanong na gumugulo ngayon sa isipan ni Nastia, pero nagpapasalamat siya at walang nangyaring masama sa kapatid niya kung si Ody ang kasama nito. Gusto niyang itanong kung bakit nito kasama ang kapatid niya pero iba ang naiisip na concern ni Nastia. “Ibalik mo si Giel, hindi mo naman katawan ‘yan!”singhal niya dito na matapang na ikinatitig nito sa kaniya. “Ayoko! Why should I do that huh?! Nakalabas na ako sa kaniya kaya bakit ako babalik? Hindi ko na kasalanan kung nakalabas ako, do you like that man?”pag-iibang tanong ni Ody na hindi makapaniwala si Nastia sa tanong nito. “Sa tingin mo gusto ko si Giel? We’re just friends, nag-aalala ako sa kaniya dahil kaibigan ko siya.”paliwanag ni Nastia na mas ikinasimangot ni Ody. “Then I have more reason not to get this body to him!” “Bakit aagawin mo ang katawan niya na hindi naman sayo?!”singhal na sita ni Nastia na ikinalapit ni Ody sa kaniya. “Dahil ‘yun ang gusto ko plus nag-aalala sa kaniya ang babaeng nagugustuhan ko?! Ayoko ng may kaagaw!”sigaw ni Ody na hindi makapaniwalang ikinatitig ni Nastia dito. “Seryoso ka ba? Nagpapatawa ka ba ha? Bakit mo magusgustuhan ang isang babae na kakakilala mo lang?! Sira ulo ka ba? Aish! Sasakit ang ulo ko sayo, pwede ibalik mo nalang si Maki! Huwag mo kong hinatayin na magalit at makipag pisikalan pa sayo?!”pahayag na sita ni Nastia na pakiramdam niya ay sasakit ag ulo niya sa ikalawang persona ni Maki dahil sa mga sinasabi nito sa kaniya. “Pag-iisipan ko!”naiinis na bulaslas ni Ody na agad na tinalikuran si Nastia at deretsong naglakad palabas ng bahay ni Nastia na agad gulat na ikinasunod nito. “Oi! Saan ka pupunta Ody?! Ibalik mo muna si Gie---“ “I said pag-iisipan ko diba?! And stop worrying about that weak man! Damn! Pati ba naman sa babae makikipag-agawan ako sa kaniya?!”naiinis pahayag ni Ody na agad nitong ikinasakay sa motor nito na agad ikinalapit ni Nastia dito. “Saan ka pupunta?”nag-aalang tanong ni Nastia dahil nag-aalala siya kay Maki pag hindi pa ito nakabalik sa katawan nito. “Tss! Don’t worry, wala akong gagawing masama okay?Aish badtrip!”sambit nito bago tuluyang umalis na bahagyang ikinainis ni Nastia sa pag-aalala. “Hoy!! Ody?!!”sigaw na tawag ni Nastia dito pero wala na ito na bahagyang na stress na ikinabuntong hininga niya. “Dapat ba pinatulog ko siya agad? Aish! Ano ba kasing naiisip ng lalaking ‘yun? Baliw na ba ‘yun?” sambit ni Nastia sa kaniyang sarili habang hindi mawala-wala ang pag-aalala niya kay Maki gayong hindi ito nakabalik sa katawan nito kahit kasama siya nito. “Anong gagawin ko?”
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작