Chapter 09- His ‘not sure’ cure

3019
Nakakunot ang noo ni Maki habang naglalakad sa isang madilim na lugar na wala siyang makita na kahit ano,sobrang dilim na tanging sarili niya lang ang nakikita niya. Ang mas ikinapagtaka ni Maki ay nakasuot siya ng polong itim pati pants niya kulay itim at higit sa lahat nakayapak siya. Kahit anong pilit ni Maki ay wala siyang matanaw na kahit ano, para siyang nasa kawalan na pumasok sa isipan niya na nanaginip lang siya kaya agad niyang kinurot ang braso niya na bahagya niyang ikinangiwi ng makita niyang nasa kadiliman parin siya.   “Where the f*ck am i?”naguguluhang sambit ni Maki na bahagya niyang ikinalakad sa kadiliman ng bahagya siyang mapaatras ng bigla siyang makaramdam ng panlalamig na parang nabasa ang talampakan niya ng tubig na mas ikinakunot ng noo niya.   “Tangna nasaan ba ako?”   “Where do you think you are right now, Maki?”   Agad na napalingon si Maki sa kaniyang likuran ng makita niya ang isang pigura na kamukhang-kamukha niya na nakangisi sa kaniya. Naka itim din itong tulad niya pero gulo ang buhok nito, may panganib itong nakatingin sa kaniya niya ikinaayos niya sa pagkakaharap niya dito.   “Welcome in my prison.”ngising sambit nito na ikinalakad nito palapit sa tapat niya na dalawang dangkal nalang ang layo nila sa isa’t-isa.   “Nanaginip lang ako.”sambit ni Maki na ikinatawa ng kamukha niya na matagal ng nananahan sa isipan at katawan niya.   Ang persona na nabuo niya sa kaniyang sarili dahil sa mga naransan niya sa kaniyang ama, sa dami ng hindi maaatim na isipin na ginawa ng kaniyang ama sa kaniya, nakagawa siya ng isang delikadong persona na naging defense mechanism niya sa kaniyang ama pero gustong-gustong I take over ang katawan niya.   “Sa tingin mo nananaginip ka Maki? Then go, try to wake up if you can.”pahayag nito panunubok sa kaniya na muli niyang kinurot ang sarili niya pero tulad kanina ay naroroon parin siya sa kawalan at kaharap ang personang wala sa intensyon niyang mabuo sa kaniya.   “Still here? Now, sa tingin mo nananaginip ka parin?”ngising tanong nito sa kaniya na seryosong ikinatitig niya dito.   “Bakit ako narito?”tanong niya dito na nakangisi pa ding ikinakibit balikat nito.   “Why asking me? I thought dinadalaw mo ko at gusto mo ng makipag-palit sa akin.”sambit nan a ikinaungos ni Maki sa persona niya.   “Asa ka! Sa tingin mo papayagan pa kitang makalabas? Buburahin kita sa isipan ko Odysseus at tuluyan ka ng mawawala.”pahayag ni Maki na nakatingin lang ito sa kaniya.   “Paano mo ko mabubura sa isipan mo, Maki kung hanggang ngayon marinig mo palang ang pangalan ng ama mo, nanginginig ka na sa takot. Makarinig ka alng ng tungkol sa kaniya hindi ka na mapakali, kaya paano mo ko maalis sa pagkatao mo kung parte mo na ako? You know, just thank me Maki, you owe me a lot remember? Nakawala ka sa kademonyohan ng ama mo dahil sa akin, kung hindi ako nabuhay sa pagkatao mo sa tingin mo buhay ka pa? Ako ang nakagawa ng paraan para mapakulong ang ama mo and then what? Sasabihin mo sa akin nabuburahin mo ko sa pagkatao mo? Hindi mo kayang gawin ‘yun, kahit humingi ka pa ng tulong kay Ignacio at Verchez, hindi nila ako mapipigilan na agawin ang katawan mo at ako ang matira sa ating dalawa dahil duwag ka naman.”pahayag nito na itinaas ang dalawang kamay habang si Maki ay walang imik na nakatingin dito.   “Mas mabuti ka dito, madilim at boring pero malayo sa ama mo. Hindi ka na niya masasaktan o makukulong dahil hindi ka niya na maabot dito. That’s good idean right?”ngising pahayag niya ni Ody na seryosong ikina-iling ni Maki na ikinawala ng ngisi ni Ody.   “Ikaw ang nababagay dito hindi ako Odysseus, siguro nga malaki pa din ang apekto sa akin ng nangyari sa akin dahil sa ginawa ng ama ko pero hindi ko hahayaan na agawin moa ng buhay ko.”laban ni Maki na ikinatitig ni Ody sa kaniya.   “Sa tingin mo may pakielam ako sa sinasabi mo Maki? Sa tingin mo mawawala ako basta-basta? Hanggat buhay ang ama mo at buhay ang takot at galit mo sa kaniya mananatili ako at lalabas ako sayo ano mang mangyari. Kaya mag saya ka lang habang hawak mo ang buhay mo dahil mawawala din ‘yan sayo. Kung iniisip mo na mapipigilan ako ng babaeng ‘yung lumabas nagkakamali ka, siguro she managed to stopped me two times in a f*cking row, tingin mo magagawa pa niya ‘yun sa mga susunod? Once I take over, dito ka na mananatiling mag-isa or you will existence totally vanished.”   “Hindi ka hahayaan nina Kuya Paxton na magawa ang balak mo.”sambit na pahayag ni Maki na bahagyang ikinatawa ni Ody sa kaniya.   “Malaki talaga ang tiwala mo sa taong ‘yun, bakit mo k aba nagtitiwala kay Ignacio kung hindi ka naman mahalaga sa kaniya. May mga kaibigan siya na mas gusto niyang kasama kaya bakit nakikisumiksik ka? SI Verchez? Pinakikisamahan ka lang ng lalaking ‘yun, mag-isa ka lang talaga Maki, namatay ang iyong ina, wala na din ang kapatid mo. Alam mo kung bakit nawawala sila sayo? They’re vanishing in your sight dahil mahina ka, dahil bagay sayong maiwan mag-isa.”pahayag na ikinasama ng tingin ni Maki sa kaniya.   “That’s not f*cking true!”   “Oh yes Maki that’s the f*cking truth! Kaya kung ako sayo mas gusgutuhin ko nalang dito, tahimik at wala ng mangugulo sayo dito.”ngising sambit ni Ody na mabilis na ikinalapit ni Maki kay Ody at kinuwelyuhan ito na ngising ikinatingin nito sa kaniya.   “Tigilan mo na ako dahil hindi ko hahayaan na makalabas ka! Gagawin ko lahat para Makala---“   “Paano? Handa mo na bang harapin ang iyong ama? Ang iyong bangungot? Ang taong muntik ka ng patayin sa bugbog at ikahiya sa mga tao, ang taong pumatay sa iyong ina. Ang taong nagbenta sa’yong nakakatandang kapatid, sa tingin mo may tapang kang harapin ang taong ‘yun Maki? You can’t because you’re a coward kaya hayaan mong ako na ang mag take over sa katawan at buhay mo at papatayin ko ang lalaking hindi katuring-turing na ama!”   “Hinde! Ayoko dito! Hindi ako papay---?”     “Sh*t!” madiing mura ni Maki ng malakas siyang bumagsak sa sahig na una ang mukha niyang agad niyang ikinagising at ikinahawak sa ilong niyang nadali sa sahig dahil sa pagkakabagsak niya.   “Damn! Tangna ang ilong ko!”ngiwing angal ni Maki habang haplos-haplos ang ilong niya.   “Are you already awake Laochecko?”   Ngiwing nilingon ni Maki si Ruhk na nakapamulsa sa may gilid niya na nakapamulsa na ikinakunot niya ng noo dito.   “Anong mong sabihin?”   “You’re shouting and saying ‘hindi ka papayag’. I try to wake you up but you can’t, so I kick your f*cking butt that made you fell. Are you Laochecko or that sly persona?”tanong ni Ruhk na ikinasama ng tingin ni Maki na mabilis niyang ikinatayo sa pagkakabagsak niya sa sahig.   “Gago ka pala Verchez! Bakit mo ko sinipang palaboy ka? Paano kung ma dislocate ang ilong ka? Maibabalik mo ba?! Tangna kuripot ka pa namang gago ka!”singhal ni Maki kay Ruhk habang hinihimas nito ang ilong niyang napatuon sa sahig.   “Alright, you’re Laochecko.”sagot ni Ruhk na ikinalakad nito palabas sa kwarto nila na naiinis na ikinasunod ni Maki dito.   “Langya! Malamang ako ‘to gago! Manggigising ka lang kailangan mo talagang manipa? Kabayo ka ba? Hindi animal lover si Liana ah?”pikong singhal ni Maki na poker face na sinamaan ng tingin ni Ruhk.   “F*ck you!”   “Tingnan mo ‘tong Ruhk palaboy na ‘to, ang lakas makamura kung makasira naman ng tulog wagas!”angal ni Maki habang pababa sila ni Ruhk sa hagdanan ng makita nila si Irish na buhat-buhat ang anak nito at si Paxton na nagpapa cute sa anak nito na napalingon sa kanila.   “Goodmorning Ruhk, Maki.”ngiting bati ni Irish na agad ikinawala ng badmood ni Maki na akmang lalapit kay Irish at sa baby ng mabilis siyang harangan ni Paxton.   “Bawala makakita ng panget ang anak ko, kagigising mo lang tangna mag-ayos ka muna.”singhal na sita ni Paxton na bahagyang ikinaungos ni Maki.   “Kuya Paxton naman, kahit bagong gising ako mukha pa rin naman akong malinis ah.”   “Tadyakan kita gusto mo.”singhal ni Paxton na kamot sa ulo ni Maki na ikinatapik ni Ruhk sa balikat niya.   “Para kay Spade lumayo ka muna Laochecko, hindi ka maganda sa umaga.”pahayag ni Ruhk na ikinasipa ni Maki sa binti nito na ikinasama ng tingin nito sa kaniya bago siya muling umakyat sa taas upang mag-ayos tulad ng sinabi ni Paxton sa kaniya.   Habang pabalik siya ng kwarto ay hindi naiwasan ni Maki na maisip ang kung anong panaginip niya na parang totoo. Pakiramdam niya hindi panaginip na nakaharap niya ang kaniyang persona at pagbantaan siya sa plano nito. Alam niyang desidido ito na i-take over ang katawan at buhay niya na hindi mapapayagan. Pero alam niyang tama ito, gusto niyang mawala ang persona na nabuo niya pero alam niyang hindi niya kaya dahil wala parin siyang lakas ng loo na harapin ang mga nangyari sa nakaraan niya kahit ang taong yun. Ayaw ni Maki na makakuha ng tiyempo ang persona niya na makalabas at siya ang manitili sa kawalan na napanaginipan niya.   Nang makapasok si Maki at ginawa ang dapat niyang gawin ay biglang pumasok sa isip niya si Nastia, hindi pa siya sigurado kung bakit nagawa nitong mapigilan ang paglabas ni Ody sa kaniya ng dalawang beses. Naguguluhan pa siya at kahit si Ruhk ay walang maisip na dahilan kung bakit ganun ang nangyari, na napapakalma siya ni Nastia. Pumasok sa isipan ni Maki ang napag-usapan nila kagabi ni Ruhk ng makauwi siya sa bahay nina Paxton at maabutan na si Ruhk sa loob.     *FLASHBACK*   “Ano?! Bakit naman kailangan kong dumikit sa kaniya? Gusto mo ba akong mapagkamalan na stalker nun at isipin niya trip ko siya kahit hindi naman. Gusto mo kong mabugbog ng macho na ‘yun noh?”angal na singhal niya kay Ruhk matapos nitong sabihin ang suhestiyon nito kung paano niya mapipigilan ang paglabas ni Ody sakaling hindi maiiwasan na makarinig siya ng tungkol sa ama niya.   “So what do you f*cking want? You told me na nagawa niyang pakalmahin ka dahilan upang hindi makalabas ang gagong Ody na ‘yun, that is your chance to stop that man in his evil scheme to take over you sh*tty body.”pahayag ni Ruhk na sunod-sunod na ikinailing ni Maki.   “Hindi pa naman sigurado ‘yun ah? Paano kung nagkataon lang?”pahayag ni Maki na poker face na ikinatingin ni Ruhk sa kaniya.   “The how you will f*cking explain that she stopped that bullsh*t Ody to come out when he’s with you? That will be your chance to know how will you stop Ody to come out while she will always with you.”   “Kahit na! Gusto mo ba akong balian ng buto nun?”angal na sambit ni Maki   “Sabi mo you’re already friend with her?”   “Oo nga pero tangna hindi kami ganun ka close para sabihin ko sa kaniya na dapat lagi ko siyang kasama para hindi makalabas si Ody. Baka balian ako ng buto nun, she’s a taekwondo black belter Verchez”pahayag ni Maki na ikinasandal ni Ruhk sa kinauupuan niya.   “Then, hayaan mo nalang na gago ka na maagaw ni Ody ang buhay at katawan mo Laochecko.”singhal ni Ruhk na hindi ikina-imik ni Maki.   *END OF FLASHBACK*    Alam niyang hindi madali na sasabihin niya kay Nastia na dapat ito ay laging malapit sa kaniya dahil nasisiguro niya na gagamitan siya nito ng mga galawan nito bilang taekwondo champion. Pumasok sa isipan ni Maki na sisiguraduhin niya muna na talagang napipigil ni Nastia nag paglabas ni Ody sa kaniya. Ayaw niyang mag take ng risk dahil pag mali siya at bumase siya sa mga nagkataon lang ay alam niyang habang buhay na siyang mawawala sakaling malakabas si Ody sa kaniya.   Natigil lang ang pag-iisip ni Maki ng biglang tumunog ang cellphone niya sa may side table na agad niyang pinuntahan at agad sinagot ng makitang secretary niya ang tumatawag.   “Hel---“   (Boss?! Nasaan ka na ba?!)   Bahagyang napangiwi si Maki dahil sa pagsigaw ng secretary niya ng sagutin niya ang tawag nito.   “Bibingihin mo ba ako ha Trina? Bakit naninigaw ka diyan?”bahagyang sermon ni Maki sa secretary niya.   (Sinasabi ko na nakalimutan niyo eh! Boss naman mag aalas-otso na ng umaga at kailangan kayo sa launching natin ngayon.)   “Launching?”kunot noong sambit ni Maki.   (Bos?! Ngayon po ang launching ng bagong gaming app natin!)   “Launching ng bagong gaming ap—oh sh*t!”   Mabilis na pinatay ni Maki ang tawag ng secretary niya at mabilisang nagbihis ng desenteng damit at ng makaayos na ay mabilis ang takbong lumabas sa kwarto niya at patakbong bumaba ng hagdanan na ikinalingon nina Ruhk sa kaniya na hindi niya na nagawang magpaalam dahil dere-deretso siya ng takbo palabas ng mansion ni Paxton dahil kailangan niyang bilisan ang pagpunta sa kumpanya niya.     NATUTUWA naman si Nastia na nakatingin sa kapatid niyang excited ng makita ang bagong gaming app ng isang sikat na developing company na ila-launch ng mga ito. Maaga silang nagpunta sa launching ng Ainsoft dahil limited ngayon ang gaming app na ipagbibili sa araw ng lauching at gusto iyon ng kapatid niya kaya agad silang ngapunta.   Nakapasok na sila sa auditorium ng Ainsoft at naghihintay sila sa paninimula ng launching marami-rami narin ang mga tao na excited na masilayan ang bagong gaming app.   “Waah ate! Dapat makakuha tayo ng gaming app nila, I want to have their bagong gaming app.”excited na request ni Cathy sa kaniya na ngiting ikinalingon niya sa kapatid niyang hawak-hawak niya.   “Don’t worry, after lauching at selling na sila, isa tayo sa makakabili ng limited gaming app nila ngayon.”pangako ni Nastia na ikinatuwa ni Cathy.   Naghihintay nalang silang magsimula, naka-ayos na sa may stage pero hindi parin sila nagsisimula gayong sampung minuto na ang lumipas gayong nakalagay sa invitation ng mga ito na saktong alas-otso ay magsisimula na sila. Iniwan niya muna sa secretary ng kaniyang ama ang mga gawain sa opisina dahil ayaw niyang tanggihan ang request ng kaniyang kapatid.   “Masyado na silang late para sa opening ng launching nila.”mahinang kumento ni Nastia.   Ilang minuto pa ang lumipas ng makita nya ang isang babae na parang nakahinga na ng ayos na umakyat sa stage at lumapit sa mic.   “Goodmorning everyone, sorry for how many minutes late in the launching of our new gaming app here in Ainsoft. It’s just our CEO was need to do some things before he came here, but he already here. And for the compensation of the late of our lauching we will add numbers of gaming app that we will sell for today in a 30% price of it.”pahayag ng secretary na ikinapalakpak ng mga bisita na ikinapalakpak din ni Nastia dahil magaling bumawi ang CEO ng Ainsoft sa pagkaka late nito   “Everyone, please give a round of applause to the founder/CEO of Ainsoft Delevoping Company, the one behind the success of this launching. Mr. Maki Giel Laochecko.”pagpapakilala nito na ikinakunot ng noo ni Nastia habang nagpapalakpakan naman ang mga bisita sa loob kasama ang kapatid niyang nakipalakpak sa mga naroroon ng makita ni Nastia ang pamilyar na pamilyar na lalaking sa pagkantanda niya ikinaiinisan niya ng una silang magkakilala pero nagka-ayos na kagabi at inalok siya ng pakikipag-kaibigan nito.   “Goodmorning everyone, sorry for my late but I’m here now, so let’s start the opening program of the launching of the new gaming app of Aisoft Delevoping Company that you will love.”malawak na ngiting pahayag nito na ikinatitig ni Nastia dito.   Hindi siya pwedeng magkamali sa taong nasa unahan dahil naka formal suit lang ito at gwapo sa bihis nito. Nawala sa isipan niya na ang lalaking nakikita niya sa unahan na nagbibigay na ng opening remarks nito ay ang may-ari ng kumpanyang tinatapakan niya ngayon.   Hindi niya maalis ang tingin niya kay Maki dahil sa itsura nito ngayon at sa kung paano ito tumayo bilang CEO ay parang ibang Maki ang nakilala niya.     “May ikakagwapo pa pala ang Mr. Kinulang sa Height na ‘to. Bakit nga ba nawala sa isip ko na siya ang may ari nito.”pahayag ni Nastia sa kaniyang sarili.   “Kuya Pogi!!”   Gulat na napalingon si Nastia kay Cathy na natutuwang malakas na sumigaw upang kuhanin ang pansin ni Maki na ikinakuha ng atensyon ng lahat na nahihiyang ikinababa ni Nastia sa kamay ng kapatid niyang ikinakaway pa nito at mabilis na ikinabuhat niya sa kaniyag kapatid at naglakad ng mabilis palabas ng auditorium.   “Ate! Why we’re going out?” takang tanong ni Cathy na ng makalabas sila sa auditorium at makarating sa may labas nito na agad niyang ikinababa kay Cathy.   “Why did you shout like that?”gulat na tanong ni Nastia sa kapatid na inosenteng nakatingin sa kaniya.   “Because it’s Kuya Pogi, right? I just want to say hi.”   “Pero hindi ka dapat sumig----“   “Kuya Pogi? Ako ba ang tinutukoy mo?”   Agad napalingon si Nastia sa kaniyang likuran at makita si Maki na nakatayo di kalayuan sa kanila, nakapamulsa sa harapan nila at nakatayong nakatingin kay Cathy bago ibaling ang tingin sa kaniya na bahagyang ikinangiti ni Maki sa kaniya na hindi alam ni Cathy kung bakit biglang nagliwanag ang tingin niya kay Maki sa mga oras na ‘yun.      
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작