Napakalakas ng pagbuhos ng ulan. Maririnig sa paligid ang nakabibinging pagkulog. Makailang beses ding gumuhit sa nangingitim na ulap ang matinding pagkidlat. Mistulang bumabalot sa buong paligid ang galit ng kalangitan.
Sa kabila n'on, tila hindi man lang natitinag ang babaeng tumatakbo sa gitna ng ulan. Wala na itong pakialam kahit magkasakit pa ito. Ang tanging nais lang ng babae ay ang umalis at makalayo. Napakabigat ng puso nito. Luhaan ang mga mata ng babae, ngunit mahusay 'yong naitatago ng malalaking patak ng ulan.
Nagsasawa na ito sa ganitong buhay. Ibinibigay nito palagi ang lahat para sa pamilya. Halos wala na ngang matira para sa sarili, ngunit bakit hindi pa rin 'yon sapat?
Batid ng babae na sinusundan ito ng kapatid, ngunit hindi man lang ito lumilingon. Patuloy lang ang mga paa nito sa pagtakbo. Napapagod na ito kaya alam ng babae na kailangan nitong tumakbo. Tumakbo at lumayo sa responsibilidad na dapat ay inaako ng nakatatandang kapatid nito.
"Cynthia, sandali lang naman! Saan ka ba pupunta?" paghabol ng ate nito.
Nang maabutan ito, hinila ng nakatatandang kapatid ang braso nito, dahilan para ito'y mapahinto.
"Oo na! Kasalanan ko na!" bulalas ng babae nang humarap. "Pero, ginawa ko naman ang lahat, ah? Kahit nahihirapan ako, kahit nagkakasakit ako, hindi ako nagdadahilan. Ngayon lang ako nagkamali, pero halos isuka n'yo na ako?"
"Hindi naman sa ganoon, Cynthia." Tulad nito ay basang-basa na rin ang kapatid. "Nag-aalala lang kami sa 'yo. Alam naming hindi ka pananagutan ng lalaking 'yon."
"Huwag kayong mag-aalala. Hindi ko itutuloy ang pagbubuntis na ito. Dahil ipalalaglag ko ang bata—"
Malutong na sampal ang agad dumapo sa pisngi nito.
"Iyan lang ba ang magiging kasagutan mo? Isa 'yang malaking kasalanan, Cynthia!" bulyaw ng kapatid.
Kaagad napahawak sa gilid ng pisngi ang babae. Saglit mang natigilan, muli nitong hinarap ang nakatatandang kapatid. "Mas maigi nang magkasala kaysa maranasan ng bata na ito, ang paghihirap na ipinararanas mo sa mga anak mo ngayon, Ate!"
Muli sana itong sasampalin ng kapatid, ngunit sinalag na nito ang kamay ng umaaktong kapatid.
Mas lumapit ang babae sa tainga nito para bumulong, "Hay*p ka. Wala na ito sa script, ah?"
Napaiwas ng tingin ang kausap nito at biglang napalunok.
"Okay, cut! Good take!" bulalas ng direktor na may hawak na megaphone.
Isa sa mga camera crews ang nag-clap ng clapperboard sa harap ng camera.
Nasa harap lang ng dalawa ang ilang dosenang staff at crews na abala sa kaniya-kaniyang trabaho. Matatanaw rin sa paligid ang iba't ibang klase ng camera, external microphone na hawak ng ibang crews at iba pang mga equipment na kailangan sa shoot.
"Mag-ready na sina Amanda at Orlando para sa next scene!" dagdag ng assistant director na may suot na headphone.
Lumiwanag ang paligid nang unti-unting iurong ng mga crews ang ilang equipment, tulad ng sprinklers na ginamit para sa mala-bagyong effects.
Ngunit sa tinginan pa lang ng dalawang babaeng nasa eksena kanina, mistulang naroon pa rin ang matinding hagupit ng bagyo. Para ngang may naglalakbay na manipis na kuryente sa pagitan ng mga ito.
"Avah, okay ka lang?" usisa ng lumapit na si Faye, ang kaniyang make-up artist at personal assistant. Nilagyan nito ng malaking towel ang kaniyang likod, at ngayon, pinupunasan na ng malambot na face towel ang kaniyang mukha. "Grabe, ang pula ng pisngi mo?" pahayag nitong saglit na napatingin sa babaeng sumampal sa kaniya.
Napansin naman niyang sumilay ang mala-traydor na pagngiti sa mukha ni Eunice— ang kaeksena niya kanina, at isa sa main support ng primetime series nilang 'Diamond Tears'.
Nang tawagin ito ng manager ay kaagad na rin itong tumalikod at umalis.
Lihim naman ang pagngingitngit ni Avah. But she cant do anything right now dahil sa image niya.
"For sure, tinotoo niya 'yong sampal," pahayag ni Faye nang sumakay na sila sa loob ng kaniyang luxurious van. "Grabe, ang lakas kaya n'on. Bakit hindi ka gumanti?"
"Alam mo namang may naka-designate na image kay Avah, eh," pahayag ni Julian, ang driver niya na halos kaedaran din niya. "Kailangan niyang maging sweet at innocent sa harap ng fans niya." May iniabot itong coffee mula sa isang mamahaling brand.
Napangiti si Avah nang kunin 'yon. "Julian, humanap ka ng insekto."
"Insekto? Anong gagawin mo?" usisa ng lalaking malapit din sa kaniya.
"Basta. May naisip akong ideya. Kung may makita kang ipis, mas maganda," tugon niyang napahalukipkip dahil sa napakagandang planong binabalak niya.
She knows that this is being childish but what can she do? Hindi naman niya puwedeng bigyan ng lason si Eunice. Mas okay na siguro itong naiisip niya.
Nakakabuwisit na kasi ang babaeng 'yon. That brat is really getting on her nerves. Halos kasabay niya ito nang pumasok sa industriya. But unlike her, that girl is stuck sa pag-acting lang. At nitong mga nakaraang araw, pilit itong gumagawa ng isyu para mapansin. Ang problema, palagi siyang idinadamay nito.
Noong nakaraan, pinagbintangan siya nitong sinusulot niya ang boyfriend nitong mukha namang bampira. At nitong kamakailan, ay kumalat ang balita na inagaw niya raw ang lead role sa kasalukuyan nilang series. At nagpasaring ang babaeng 'yon na napatawad na raw siya nito.
Imagine that? Ano bang naging kasalanan niya para patawarin nito?
Mabilis pa namang magpaniwala ang mga tao sa mga bagay kahit walang basehan.
That's why she wont let her do this to her.
Mayamaya pa, bumalik ang kaniyang driver na napapalingon pa sa pinanggalingan.
"Oh, nagawa mo ba ang pinagagawa ko?" usisa ni Avah na nakabihis na ngayon ng kaniyang branded clothes na lahat ay mula sa sponsor.
"Oo, eh. Kaso, wala akong nahanap na ipis. Gagamba lang ang inilagay ko sa kape niya. Mukhang 'di niya napansin. Nainom na nga niya lahat pero 'di man lang siya nag-react."
Bigla namang bumulanghit ng tawa si Faye na nasa bandang likuran ng van. "Baka naman maliit na gagamba ang inilagay mo? Sana tarantula na lang?"
"Saan naman ako hahanap ng tarantula rito?" pagrereklamo ni Julianne na saglit na napalingon. "Sana sinabi mo noong umuwi ako sa amin. Marami kaming pet na ipis," pagbibiro nito sa kaniya.
"At mukhang proud ka talaga niyan, ha?" pang-aasar ni Faye na muling napahalakhak.
Hindi na rin mapigilan ni Avah ang pagtawa. Despite being b*tchy towards other people, malapit siya sa dalawang 'to dahil ito ang mga kasama niya, magmula noong magsimula siya sa pag-aartista.
Seventeen years old siya nang umalis sa poder ng ama. Lakas-loob siyang nag-audition sa Glamour Entertainment and she was lucky, nakita ng dating CEO na si Mr. Harrison Lorenzo ang talent niya. She trained for two years kasama ang tatlo pang member ng 'Empress', ang girlgroup na kilalang-kilala sa buong Asia hindi lang sa choreography and music, pero pati na rin sa kanilang vocal prowess.
Hindi lang sila basta isang grupo with female members that have beautiful faces and figures. Kinikilala sila sa industriya bilang tunay na mga artists. That's why kahit hindi niya gaanong makasundo ang ibang kagrupo, bukod kay Lizzie, she's proud of what they have achieved.
Naistorbo lang ang pagtawa ni Avah nang dahil sa mensahe. She took her phone from her Shanel purse. Its a message from her investigator. Her heart skip a beat because of anticipation.
Nakauwi na raw sa bansa ang kaniyang ina.
She immediately called back. "Please tell me kung nasaan si Mom ngayon?"