Chapter 3

1776
"Avah, kailangan mo nang gumising..." Marahang pagtapik sa kaniyang balikat ang nagpamulat sa kaniya. Bumungad sa gilid ng kama ang malumanay na pagngiti ni Mrs. Perez, ang dating mayordoma ng kaniyang Lola Emanuella. "Tumawag ang manager mo para ipaalala ang tungkol sa event ng grupo n'yo," pahayag nitong tumalikod na para marahang buksan ang kurtina sa bandang sulok ng silid. Muli niya tuloy naipikit ang mata. Nagtago rin siya sa ilalim ng unan. "Anong event? Akala ko, bukod sa shoot mamayang hapon, wala na akong ibang naka-schedule ngayon?" "Hindi ko rin alam. Maiging bumangon ka na at nang makapag-almusal. Nakahanda na ang agahan," sagot ni Mrs. Perez at matapos n'on ay narinig na niya ang paghakbang nito palabas ng pinto. "Ah...bad trip talaga..." pag-ungol niya saka siya dahan-dahang napabangon. Saglit siyang naupo sa gilid ng kaniyang queen size bed. Napatingin siya mula sa nakabukas na balcony. Marahang hinahangin ang puting kurtinang nakasabit doon. Masigla ang sikat ng araw na papasilip mula sa labas. Naririnig din niya ang maya'tmayang pag-awit ng ibon. "Bakit ba ang ingay nila?" bulong niya nang siya'y tumayo. Suot ang kaniyang robe, agad na siyang bumaba sa malaki at paikot na hagdan. Bumungad ang maaliwalas na salas sa ibaba. Magkahalong white at cream ang buong theme sa paligid. Kapansin-pansin din ang naglalakihan niyang portraits sa bawat sulok. Hindi niya kailangan ng mamahaling paintings. Dahil mas mahal kaysa sa mga 'yon ang worth ng portraits niya. She's currently living in the most posh subdivision of Lamina City, the Louisianna Heights. Her house is worth more than one billion, kahit na 530 square meter lang naman ito. May malawak na backyard din ito with pool na matatanaw mula sa glass windows. Dumiretso siya sa dining area kung saan makikita ang long porcelain dining table. May nakahain na roon na natatakpan ng silver cover. Naglakad siya at kumuha ng isang mansanas sa fruit basket. Lumapit naman si Mrs. Perez para saglit na i-assist siyang makaupo. "Mrs. Perez, I told you, hindi mo na kailangang gawin 'yan," saway ni Avah. Ilang beses na niya itong sinabihan pero hindi talaga nakikinig sa kaniya ang matanda. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko," pahayag nitong binuksan ang silver cover at bumungad ang healthy breakfast niya; oatmeal with raspberry slice and some mango salad on the side. Kinuha ni Mrs. Perez ang mansanas na nasa kamay niya. "I will slice this for you." Gusto niyang umalma pero tinalikuran na siya ng matanda at pumasok na ito sa kusina. Well, actually, hindi naman kasi siya makakatanggi rito. Si Mrs. Perez na lang ang nag-iisang itinuturing niyang pamilya. Masuwerte nga siya dahil nang umalis siya sa poder ng ama, pinili nitong sumunod sa kaniya. Ibinalik na lang niya ang tingin sa pagkain at sinimulang sumubo. Pagkainom niya ng tubig, saka naman siya may naalala. "Nasaan sina Faye a Julian? Kumain na ba sila?" tanong niya patungkol sa mga kaibigan at assistant na nakatira sa poder niya. "Kanina pa. Nasa itaas na sila at naghahanda sa pag-alis n'yo." *** "Bad trip talaga 'yang Hector na 'yan!" usal ni Avah sa sarili. Naroon na siya sa dressing room ng isang events place. Kasama niya ang ibang mga kagrupo sa Empress. Abala ang mga make-up artist sa pagto-touch up sa mga mukha nila. Kung tutuusin ay wala ito sa schedule nila. Bigla lang daw isiningit ng magaling nilang CEO na si Hector Lorenzo. Paano ay kaibigan daw nito ang may-ari ng brand na kailangan nilang i-promote ngayon. Hindi naman sila mga promo girls. Naipukpok niya tuloy ang kamao sa ibabaw ng vanity table. At ikinagulat 'yon ng ibang naroon sa dressing room. Ngayon ay pare-pareho na itong nakalingon sa kaniya. Matapos silang maipakilala ng host, nagsimula na ang signature na music ng kanilang group. Kanina pa nagsisigawan ang mga fans. Pero mas lalo naging hype ang mga ito nang isa-isa na silang umakyat sa stage. Mas malakas pa nga sa pagdagundong ng music ang mga boses nito. Hindi naman magpapahuli si Avah na may hawak ng mic ngayon. "I couldn't hear you!" bulyaw niya pabalik. At mas lalo pang umalingawngaw ang paghihiyawan ng mga ito. Hindi na siya nagtaka kung bakit parang mistulang nasa concert na naman sila. Tirik na tirik 'yong araw, pero halos mapuno ang buong park na pinagdarausan ng promo event. Nagtuloy-tuloy lang sila sa performance na sinasabayan ng audience. Nakabibingi man ang tinig ng mga ito, kabisado na ni Avah ang music kaya, kahit hindi niya marinig 'yon, makakasabay pa rin siya sa tamang tiyempo. Matapos ang tatlong kanta, bumalik na rin sila sa dressing room. Ngunit ang enerhiya ng mga tao sa labas ay ganoon pa rin. Iba talaga ang epekto ng musika at presensya ng grupo nila. Ang problema, hindi siya makapaniwala sa ibinalita ng manager niya. "Ano? May authograph signing pa? Nakita mong tirik na tirik ang araw, gusto mong magtagal kami roon sa stage?" pag-alma ni Avah. "Saka paano yong shoot ko mamaya?" "Pina-cancel ni Sir Hector. Bale, mga scenes daw muna ni Eunice ang kukunan ngayon, bukas na lang daw ang sa 'yo," tugon ni Edmund na napayuko. "Sinong nag-decide niyan? Si Hector? Siya na ba ang director!?" "Eh, sponsor naman kasi ng Glasswhite ang series n'yo kaya pumayag ang director," sagot ng manager patungkol sa brand na kasalukuyan nilang pino-promote. "What? And he didn't even told us that!?" Napailing siya at sinamaan ito ng tingin. "I don't care. I'm out." Kinuha na niya ang kaniyang luxury purse at sinenyasan sina Faye at Julian. "Lets go." *** Sa highway, patungo na sila sa shoot pero heto, mukhang maiipit pa sila sa traffic. Napakabagal ng pagtakbo ng mga sasakyan. Bored na bored na napasandal si Avah sa upuan. Suot ang kaniyang mamahaling sunglass, patuloy siya sa pag-tap ng mga daliri niya sa arm rest ng kinauupuan. Its almost 12 oclock. Hindi na dapat siya magulat sa traffic. Kinuha niya ang phone dahil sa hinihintay niyang mensahe mula sa investigator na kaniyang kinuha. Pero hanggang ngayon, wala pa rin itong balita. And just like other millenial, nag-swipe na lang siya sa iba't iba niyang social media accounts. Paulit-ulit lang naman ang kaniyang nakikita. Puro larawan 'yon ng mga taong walang sawang pinangangalandakan ang pagkakape, pagkain ng masarap sa mamahaling resto, pagpunta sa iba't ibang lugar at iba pa. Kadalasan ay para makapagyabang lang ng kanilang ginagawa. Ang hindi alam ng iba, puro pagkukunwari lang ang karamihan sa mga iyon. Alam na alam iyon ni Avah. Dahil ganoon na ganoon din siya. Nagsimula siyang mag-pose at ibinaba niya rin nang kaunti ang kaniyang suot ng sunlglass. Matamis siyang ngumiti sa camera, bago niya pinindot ang gilid. Ilang anggulo pa ang kaniyang kinuha hanggang sa magsawa siya. Isinend niya 'yon sa kaniyang social media manager. Tutal, 'yon naman ang nagmama-manage ng lahat ng social media accounts niya. Iyon na ang bahalang pumili at mag-post ng mga iyon. "Ah, Avah," panimula ni Julian na sumilip mula sa rearview mirror. "Victory party ng pagiging blockbuster ng movie mo sa Sabado, 'di ba? Seryoso ka bang hindi ka pupunta?" "Oo. Gusto kong magpahinga sa araw na iyon," tugon niya saglit lang itong nilingon. Nahagip tuloy ng mata niya ang pag-aalala sa mukha ni Faye. Para kasi itong 'di mapakaling kuting sa tabi niya. "Eh, Avah, kapag hindi ka nagpunta, baka lalong lumaki ang issue n'yo ni Direk Sean?" wika nito. "Oo nga," pag-ayon ni Julian habang nagmamaneho. "Kalat na kalat pa naman ang issue na nag-break na kayo." Kaagad napataas ang kilay ni Avah. "Paano kami magbi-break? Hindi naman kami," bulalas niya. "Huwag n'yong sabihin naniniwala kayo sa balitang 'yon?" "Hindi ba talaga?" Napapaling sa gilid ang ulo ni Julian at tila napapaisip. "'Di ko papatulan 'yon!" muling pag-irit ni Avah. "Bakla kaya 'yon!" Napataas din ang tono niya. "Hindi naman siguro," pagtatanggol ni Faye na bigla namang napangiti. "Feminine lang siyang kumilos. Saka ang cute-cute kaya ng dimples niya. Ang lalim-lalim." "Naku, magtigil ka nga riyan, Faye," saway niya sa kaibigan. "Porket palaging nakangiti, akala n'yo mabait 'yon?" Muli niyang naalala ang minsang pag-alok ng lalaking 'yon na sumama siya sa isang party. Iyon pala, malaman-laman niyang bachelors party iyon at siya ang gusto nitong maging entertainer ng mga iyon. Hindi naman siya babaeng bayaran. "Marami pang iba diyan. Huwag kang mag-settle sa baliw na 'yon." Inis siyang napasandal sa kinauupuan. Itinutok na niya ang kaniyang buong atensyon sa labas ng bintana. Nagsisimula nang bumilis ang daloy ng trapiko. Paunti-unti ay napapausad na sila. Saka naman niya napasin ang isang matanda na naroon sa gitna ng kalsda. Palinga-linga ito sa kaliwa't kanan at mababakas ang pagkabalisa sa mukha. Tila nahihirapan itong makatawid. "Julian, ihinto mo ang kotse," pahayag niya at agad niyang inalis ang seatbelt. "Bakit, Avah?" tanong ni Faye. Hindi na siya sumagot nang tuluyan siyang bumaba ng van. Makailang ulit nang binubusinahan ng mga kotseng napapadaan ang matanda. Iniharang niya ang kaniyang kamay sa gitna ng trapiko. Huminto naman ang mga ito, kaya naman agad na siyang nakalapit sa matanda. Isang mabilis na sasakyan ang paparating sa kinatatayuan nito, kaya dali-dali na siyang tumakbo para mahila ito. Umingit ang kotseng 'yon na agad ding nakapagpreno. "Ano ba!? Magpapakamatay ba kayo?" bulyaw ng driver nang maibaba nito ang bintana nito. Kumukulo man ang dugo ni Avah, pinilit niya itong bigyan ng matamis na ngiti. "Im sorry." Siya na ang humingi ng paumanhin kahit sa totoo lang, gusto na niya itong murahin sa iba't ibang lengguahe. "Ah, Avah Lopez? Totoo ba ito?" Biglang nabura ang galit sa mukha ng lalaking nasa kotse. Muli, ngumiti lang siya saka bumaling sa matanda, "Lola, okay lang po ba kayo?" "Oo, Anak. Huwag kang mag-alala," pahayag ng babaeng may puting-puting buhok. Napatingin ito sa kabilang kalye at kapansin-pansin ang pagkalito sa mga mata. Hinawakan na niya ang kamay nito para matulungan niya itong makatawid. Nagpasintabi siya sa mga kotseng nakahinto para makadaan sila. Nagsimula na rin sa pagbubulungan ang mga tao sa pangalan niya. May iba na inilalabas pa sa bintana ang ulo para makita siya. Nang makarating sila sidewalk, ilang unipormadong tao ang lumapit sa kanila. "Madamme, kanina pa namin kayo hinahanap!" bulalas ng isa sa mga ito na humarap sa kaniya. "Naku, thank you po." Saka naman ito napahinto nang makilala siya. "Miss Avah Lopez?" "Ako nga. Kilala n'yo siya?" wika niya patungkol sa matanda. "Opo. Actually po, mother siya ni Miss Antoinne Lee," pakilala ng babaeng nakasuot ng suit, ngunit palagay niya'y kaedad niya. "'Yong famous designer ng Chalsea?" usisa ni Avah nang maalala ang isa sa mga luxury brand na in-endorse niya. "Yes po. Sige po, babalik na po kami," paalam nito at kasama ng ibang kasamahan ay inakay na ang matanda palayo.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작