Chapter 1

1072
Habang nakatingin ako sa malaking glass kung saan ang aking Doctor ang nasa loob at ilang mga sikat at magagaling na scientist ang nasa loob habang gumagawa ng aking isang panangga sa aking mga kalaban at ang magiging rason para sa aking pag-unlad at habang nasa akin ito magagawa kung kunin ang kahit ano mang gusto ko at makukuha kuna ang dapat sa akin. Dahan-dahan kung itinulak ang pinto ng laboratory kung saan umuusok ang ibang mga makina at ang iba naman ay mukhang sasabog na. Ilang taon at ilang bilyon na ang inilabas ko para lang sa research na ito. Mukhang napansin nila ako kaya mabilis silang lumapit sa akin habang ang aking mga body guard naman ay nasa labas at hinihintay ako. “Sir mukhang sasabog na naman ang research at hindi naming makuha ang tamang timpla ng liquid,” biglang uminit ang aking ulo sa kanyang sinabi sa ilang taon kung binigay para sa lintik na ito sasabihin niya lang sa akin na sasabog ang lahat ng ito. Bigla akung napatawa ng pagak at uminit ang aking ulo na mukhang nahalata niya naman at biglang napalunok ng sunod-sunod. Dahan-dahan sana siya uurong para lumayo sa akin ng bigla kung hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit. “Do you know that I spend billion in this research!” malakas kung sigaw sa kanya at pinandilatan ito. “Hindi ako nagtiis ng ilang taon at hindi ako naglabas ng ilang billion kung pera para sabihin mo sa akin na mapupunta na naman ang lahat ng ito sa wala! Kung sabihin ko kaya sayo na ulo mo ang magiging kapalit kapag sumabog ang lugar na ito!” mas lalo siyang napalunok ng sunod-sunod dahil sa aking sinabi dahil kapag pinatay ko siya ngayon walang maghahanap sa kanya. “We will finish it Sir,” habnag sinasabi niya ang mga salitang iyon pinipilit niyang huwag ma utak at hindi pinahahalata sa akin na natatakot siya. Mabilis kung binitiwan ang kanyang kwelyo at tinulak ito paalis kaya mabilis naman siyang napatakbo habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Napatampal nalang ako sa aking noo habang nakatingin sa mga ibang nandito na hindi makatingin sa akin dahil sa takot at wala naman akung pakialam sa kanila makuha ko lang ang liquid na iyon wala na akung pakialam sa kanila. Bigla akung napatingin sa lalaking papalapit sa akin at kinuha ang kanyang mask at tinaasan ko siya ng kilay habang papalapit ito sa akin. Siguraduhin lang nila na maayos ang sasabihin sa akin kasi kapag hindi talagang ililibing ko sila ng buhay dito. Wala akung panahon sa palpak na mga taong kagaya nila! “Siguraduhin mo lang na maayos ang sasabihin mo sa akin dahil kung hindi ibabaon ko kayo ng buhay dito mga tangina niyo!” umalingawngaw ng malakas ang aking boses sa buong laboratory at ang ibang mga tauhan niya ay natahimik at napatigil sa kanilang ginagawa at dahan-dahan na napatingin sa akin habang punong-puno ng takot ang kanilang mga mata. “Masyadong mahirap ang pinapagawa mo Asher at maraming tao ang mamamatay kapag sumabog ang lugar na ito at alam mo naman na mahirap ang pinapagawa mo,” mahinahong sagot sa akin ng matanda pero tinignan ko lang siya ng masama at nginisihan. “Kung alam mo din naman pala na hindi mo kaya sana sinabi mo sa akin ng makahanap ako ng ibang gagawa! Huwag mo akung gaguhin dito dahil baka hindi kuna mapigilan ang sarili ko at mapatay kuna kayo dito!” biglang natahimik ang matanda sa aking sinabi at dahan-dahan nalang na umalis sa aking harapan upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Habang ako naman naghanap ng upuan upang makaupo ako hanggang sa matapos ang kanilang ginagawa at nakita ko namanng dinalhan nila ako ng kape. “Siguraduhin muna walang lason ko,” kaagad na nanigas sa kanyang kinatatayuan ang babae ng sabihin ko ito sa kanya. “Wala po Sir kahit tikman ko pa po wala po itong lason,” sumenyas ako gamit ang aking kamay na umalis na siya at doon naman kinuha ang kape na kanyang binigay at kaagad itong ininom. Hindi na ako makapag-hintay na matapos nila ang pinapagawa ko at makukuha at magagawa kuna ang bagay na gusto ko.Ang liquid na iyon ang makakasagot sa lahat ng problema ko. Muli akung napatingin ako sa dulo ng ilang makina na naman ang umusok habang naghahalo sila ng ilang chemical at ang iba naman ay sumasabog at naririnig ko pa ang kanilang mga mura. Hindi na ako nakatiis at pumasok na ako sa parang glass kung saan sila nandoon at mukhang nagulat sila ng makita ako pero hinayaan lang naman nila ako at kaagad kung kinuha ang mask na nakasabit sa gilid at kaagad itong sinuot at tinignan ang kanilang ginagawa na ilang taon nilang pinag-aralan at kaunting mali lang nila talagang sasabog ang buong lugar na ito. Hinayaan lang naman nila ako pero alam ko namang kinakabahan sila habang alam nilang nakatingin ako sa kanila. “Sir we have a problem,” mabilis akung napatingin sa labas ng glass ng marinig ko ang boses ng aking isang tauhan sa aking earpiece at mukhang alam kuna kung ano ang kanyang sinasabi. Makalipas ang ilang taon nahanap din nila ang laboratory ko at tangina lang dahil hindi pa tapos ang pinapagawa ko ng makita nila ito. “They want to bomb na whole mountain,” bigla akung napabuntong hininga at marahas na lumabas sa glass na iyon sabay hugot ng aking barel sa aking beywang at mabilis na lumabas sa laboratory ko. Sinalubong naman ako ng aking ibang tauhan at binigay nila sa akin ang isang bullet proof pero hindi ko ito kunuha bagkus ay kinuha ko sa kanila ang isang sniper at walang alinlangan na pinatay ang lalaking nagdadala ng Helicopter nila at hindi nagtagal bumagsak na ito at isang malakas na pagsabog ang namayani sa buong paligid habang ako naman nakangising pinanuod ito habang umuusok. Hindi nagtagal marami pang Helicopter ang sumugod sa amin at doon naging alerto na ang aking ibang mga tauhan upang pasabugin ito, alam ko naman ang habol nila sa akin kundi ang ginagawa ng mga tauhan ko sa loob, huwag na silang umasa na makukuha nila iyon sa akin kasi kahit ano man ang mangyari hinding-hindi nila makukuha iyon. “Kill them all!” malakas kung sigaw sa aking mga tauhan at sunod-sunod na nilang pinagbabarel ang mga kalaban na sumusugod sa amin.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작