Magda was huffing as she finds her way to her private room. Ang kaba sa dibdib niya ay hindi pa rin nawawala sa biglaang pagkikita nila ng kababata. Kaya siya kaagad na umalis ay upang iwasan ang mapanuring titig ng lalaking naka-bid sa kanya.
Yes, she knows that man. The man who won her on the bidding. Kaya agad niya itong tinanggihan dahil baka mabuking ang sekreto niya. Dahil kahit noong nasa Mindoro pa lamang sila ay wala ring alam si Quiavan tungkol kay Magenta. At kung bakit nakilanlan niya kaagad ang binata ay dahil hindi naman halos nagbago ang hitsura nito. Yes, he became mature through the years, gumuwapo itong lalo at lumakas ang dating. Dahil nakaukit sa isip niya ang mukha nito ay hindi niya ito makalimutan. Lalo na at gumawa siya ng paraan upang makapanaliksik tungkol dito at nalaman niya nga na kakabalik lang ng pamilya nito sa Pilipinas.
Nasa elevator na siya paakyat sa private room ngunit nanginginig pa rin ang kalamnan niya. It was so sudden that it makes her heart churned upside down. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kaya agad niya itong iniwan. Mabuti na lang at matino pa rin ang isip niya at dumaan muna siya sa dressing room upang magbihis at kunin ang gamit.
Hinamig ni Magda ang sarili nang bumukas ang pinto ng elevator pagkarating niya sa 14th floor. Naglakad siya patungo sa unit nilang magkapatid. Nang marating ang pinto ay bumuga muna siya ng marahas na hangin upang kalmahin ang sarili. Ayaw niyang mag-alala ang Ate niya sakaling makita nito ang miserableng kalagayan niya.
Dahil mayroon pa rin siyang spare keycard ay hindi na niya inabala ang ate niya na pagbuksan siya ng pinto. Alam niyang naghahanda na ito para sa kustomer nila.
Bilang lang ang pagkakataon na maging star of the night si Magda, at kapag nangyari iyon ay tuwang-tuwa silang magkapatid. Malaki ang komisyon nila sa pinagtatrabahuhang club sakaling may mag-bid sa kanila. Lalo na ngayon at sobrang laki ng i-b-in-id sa kanya.
Tahimik ang living room nang pumasok si Magda. Marahil ay naliligo pa ang kapatid. Ngunit mula sa kusina ay narinig niya ang boses nitong tinatawag siya.
“Cathy, I'm here!”
Cathy ang tawag sa kanya ng ate niya, short term for Catherine. Ayaw nitong tawagin siyang Magdalena dahil para lang daw iyon sa trabaho niya. At pagdating dito sa unit nila ay malinis siya. Hindi mababang uri na klase ng babae. As her name resembles, a pure and innocent woman.
Malawak ang ngiting tinakbo niya ang kusina. Naabutan niya roon ang kanyang Ate na naghahanda ng pagkain. Nakaligo na ito at nakabalot ng bathrobe ang katawan. Lumapit siya rito at yumakap mula sa likuran. Dahil mahilig magluto ang ate niya ay nag-i-stock ito ng pagkain sa private room nila.
“Hi, Ate!” malambing na bati niya. Ilang minuto lang ang tanda ni Magenta sa kanya ngunit hindi iyon halata sa kilos nito. Para na niya itong nanay. Masiyado siya nitong alaga at kung minsan ay sobra na ang pang-i-spoil nito sa kanya. Ngunit walang reklamo si Magda. Her twin sister is just being protective of her. She may be spoiled and loved by her terrifically, yet it's not a reason for her to take it all for granted. Mahal na mahal niya ang Ate niya. Ganoon din ito sa kanya.
Magenta, is her twin sister. Identical sister to be exact. Their faces are a perfect replication of each other. Kahit boses nila ay halos hindi magkaiba. Magda's voice may be a little bit high pitch but her twin can copy it. Kaya walang problema ang set-up nilang dalawa.
“Kumain ka na. Baka magpapalipas ka na naman ng gutom, ha?” Nilingon siya ng ate niya saka ito muling nagpatuloy sa paghain ng pagkain sa mesa nang kumalas siya sa pagkakayakap.
Nanatili ang matamis na ngiti sa labi ni Magda hanggang makaupo siya sa hapag-kainan. Ngunit kahit nakapaskil ang matamis na ngiti sa labi niya alam niyang hindi pa rin nakaligtas sa mapanuring tingin ng Ate niya kung ano talaga ang nararamdaman niya. She really act like her mother. Hindi lang sa sobra itong maalaga. Alam na alam din nito kung ano ang ugali niya.
Habang nakaupo si Magda ay sinisilbihan siya ng kapatid. Kasabay niyon ay ang paulit-ulit nitong pangaral.
“Hindi ba sabi ko sa'yo ay alagaan mo ang sarili mo? Paano ka makakatapos ng pag-aaral niyan kung pinapabayaan mo ang katawan mo?”
Lumabas ang pantay-pantay niyang ngipin dahil sa malawak na pagkakangiti sa ate niya. Saka lang siya kumilos upang abutin ang plato ng kanin at sumandok.
“I remember it, loud and clear, Ate,” sagot niya. Pagkatapos ay ang paborito naman niyang adobong sitaw ang sinandok niya. “Ikaw nga ang dapat itong kumain ng maayos eh. Mukhang nangangangayat ka na.” Pagkasabi niyon ay parang kidlat na natamaan si Magda.
Dahil kung anuman ang nangyayari sa ate niya ay dahil iyon sa kanya. Napayuko siya upang itago ang pagkapalis ng ngiti. Hindi naman iyon nakaiwas sa matalas na pakiramdam Magenta.
“Tsk. . . Tsk!” Lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya saka marahang hinaplos ang likod niya. “Cathy, you're at this again. Hindi ba sabi ko sa'yo, ako ang bahala? Don't show me this dejected face of yours. I am doing this, not only for your sake. I'm doing this because I want to fulfill the promise that I did before our parents grave. It's for them, for their souls to rest in peace. Iyon ay ang alagaan ka at ilayo ka sa landas na mapariwara. Kaya kung anuman ang ginagawa ko, kahit ako man ang tumatanggap sa guest mo, it's because I want to protect you. It's not just my duty, okay? I love you and I don't want anything bad happen to you sa kamay ng mga lalaking nais tumabi sa'yo. Hindi baleng ako, huwag lang ikaw. Ayaw kong masira ang pangarap mo, Cathy. So please, stop your conscience about this, okay? I am happy seeing you are alright,” mahabang pangaral ni Magenta. Puno ng pagmamahal ang boses nito upang iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalga sa Ate niya.
Lalo namang tumindi ang pagmamahal na nararamdaman ni Magda para sa kapatid. Mula nang mawala ang magulang nila ay mag-isa na siya nitong itinaguyod. Kaya noong dinala sila ng malayong tiyahin nila dito sa Maynila ito na ang nagsilbing proteksyon niya. Nang ipinasok sila sa club ng tiyahin ay ang Ate Magenta niya rin ang nakiusap na ito na lang ang haharap sa magiging guest niya. Dahil willing ito basta sa hindi maramihan ang haharapin nitong tao.
Dahil sa pakiusap nila sa tiyahin ay pumayag ito. Labing-tatlong taon lamang sila noon kaya't hinayaan muna sila ng tiyahin nila na maging waitress. Si Magda muna ang nagtatrabaho noon, habang si Magenta ay nanatili lamang sa apartment na tinutuluyan nila. Takot ito sa maraming tao, at hinayaan lamang iyon ng kanyang tiyahin. Kunwari ay may awa kuno ito dahil masiyado pa siyang bata para mag-receive ng guest.
Ngunit dahil sa club siya nagtatrabaho ay hindi maiwasan ang mabastos, mahipuan o mapagsabihan ng kung ano-ano. Binalewala iyon ni Magda at hindi na niya ipinaalam sa kakambal niya dahil ayaw niya itong mag-alala.
Lumipas nga ang dalawang taon at naging dalagita na siya ay napansin siya lagi ng mga customers. Doon siya nag-umpisang gumiling sa ibabaw ng entablado. Hanggang sa may gustong mag-table o 'di kaya'y nais sumiping sa kanya.
And the rest was the history. She is the one dancing and entertaining on stage while Magenta is the one waiting in the private room to provide the s****l service. Kaya hindi sila pumapayag na dalhin sila sa labas ng customer ay dahil sa ganitong set-up.
At ngayon nga dahil sa alok ng lalaking nanalo sa bidding ay gumulo ang set-up nilang magkapatid. Hindi tuloy niya maiwasang bumuga ng marahas na hininga na hindi nakaligtas sa ate niya.
Napatingin na lang dito si Magda nang umupo ito sa tabi niya.
“Spill it out, Cathy. Ano ang gumugulo sa isip mo? Tungkol ba iyan sa school mo?” Hinawi nito ang maalon niyang buhok na sumasagabal sa mukha niya at inipit sa kanyang teka.
Magda looked up and smiles faintly. “Ate. . .” umpisa niya. Binitiwan niya ang hawak na kutsara at tinidor saka tuluyang humarap dito. Pagkatapos ay marahan siyang yumakap dito at tahimik na nagsalita. “The guy that won the bidding. . . I know him.” Inangat niya ang mukha upang tingnan ang Ate niya. Her round eyes sparkling with fear yet a dip of happiness was seen.
Nagkasalubong ang kilay ni Magenta dahil sa sinabi niya. Tumaas muna ang isang kilay nito bago siya sinagot.
“It is rare for you to know someone like our customer. Well, who is he?”
Pouting her lips, Magda breaks free from her embrace and lean on the chair. She lazily answers her sister.
“Quaivan. Remember him?” Sinulyapan niya ang ate niya upang tingnan ang ekspresyon ng mukha nito.
“Iyong lalaking kinukwento mo noon na nasa Mindoro?” Nanlalaki ang matang sagot nito. Hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.
Magenta doesn't know a thing about Quiavan until she started to tell her their story the day they stepped in Manila. Dahil noong nasa Mindoro pa sila ay siya lang din naman ang lumalabas at naging kaibigan ni Quiavan. Na sa kalaunan ay naging kasintahan niya nga.
“Yes, Ate. And he won the bidding. Now he is asking me to pretend to be his fake girlfriend and s*x-partner. And I refused him, kasi alam kong hindi puwede. So please, Ate. . .” Tumingala siya upang salubungin ang tingin ng kakambal. “Don't accept him. Kahit pa magmakaawa siya. Ayaw kong malaman niya ang sekreto natin. Ayaw kong mapahamak ka, Ate,” pakiusap niya.
Wala na ang childish look niya sa mukha habang seryoso siyang nakatingin sa kakambal.
Puno ng pag-unawa ang matang tumingin sa kanya si Magenta.
“What my little twin says, susundin ko, okay? Kaya huwag kang mag-alala. Si Ate na ang bahala. Sa ngayon, tapusin mo na ang pagkain mo nang makabalik ka na sa apartment at makapagpahinga. May pasok ka pa bukas.”
Mag-aala-una na ng madaling -araw at alas-otso ang pasok niya kaya may ilang oras pa siyang pahinga.
Hindi pa man siya maka-oo ay narinig niya ang biglang pagtunog ng cellphone niya. Tumayo siya at kinuha iyon sa bag na inilapag niya sa kitchen counter. Nawala lahat ng gana niya sa pagkain nang makita kung sino ang tumatawag.
Nangunot naman ang noo ng kanyang Ate Magenta habang nakatingin sa kanya. Marahil ay alam na nito kung sino ang tumatawag.
“Ang Tiyang,” imporma niya. Kaagad niyang sinagot ang tawag nito bago pa man ito mainip.
Matapos makausap ang tiyahin ay nanlulumong nagpaalam siya sa kakambal. Pinapababa siya ng tiyahin nila sa private office nito dahil may mahalaga itong sasabihin. Isa pa, sinabi rin nitong paakyat na ang kliyente nila. Kaagad siyang nagpaalam sa kapatid bago pa man siya maabutan ni Quiavan.
“Ingat ka, Cathy. Huwag mo na lang pansinin ang Tiyang kung papagalitan ka na naman.”
Matamis na ngumiti si Magda sa kakambal. “Strong girl ako, Ate. Kung anuman ang sasabihin ni Tiyang, ilalabas ko na lang 'yon sa kabilang tainga!” Niyakap niya ng mahigpit ang kakambal. Pagkatapos ay nagmamadaling nagsuot ng sumbrero at mask.
“Quiavan is coming up. Please remember what I'd said, Ate,” paalala niyang muli habang puno ng pag-aalala ang matang nakatitig sa kakambal.
Kanina pa siya nakabihis dahil bago siya umakyat ay dumaan muna siya sa dressing room upang kunin ang gamit niya. They are given thirty minutes allocation time, upang bigyan sila ng oras na makapag-ayos. This is not the same for other club dancers but for them, because they were special case, their manager agreed to it.
Naiinip na sa paghihintay ng pagbukas ng elevator si Magda kaya ng bumukas iyon ay kaagad siyang pumasok. Hindi tuloy niya namalayan ang paglabas ng bulto ng tao kaya muntikan na silang magkabanggaan. Mabuti na lang mabilis ang reflexes nito kaya agad itong nakaiwas.
She was already inside and the one that she bumped just stepped outside but it's enough for her to see who is that. It's Quiavan.
Bago pa man siya nito makilanlan ay mabilis niyang pinindot ang elevator pababa sa private office ng tiyahin. Their manager. Dahil ang tiyahin nila ng kakambal ang manager din nila ay nagagawa nito sa kanila ang anumang ninais nito.
Nang makarating siya sa opisina nito at makapasok ay agad siya nitong kinompronta.
“Your bidder wants to own you for three months. At bakit mo tinanggihan ang alok niya? Hindi mo ba alam na makakatulong 'yon sa inyong dalawang magkambal?”
Napayuko si Magda. Anong maisasagot niya? Na dahil kilala niya ang lalaki at ayaw niya ng kumplikasyon sa magiging set-up nila? Can she even voice it out when she knows that every words that come out from her mouth is nothing like a fly to her manager? Hindi na lang siya kumibo.
“You better pack-up, Magda. Kayo ng kambal mo. I already agreed to your bidder!”
Biglaan ang pag-angat niya ng tingin habang nanlalaki ang matang napatingin sa tiyahin.
“Tiyang—”
Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang sinampal ng tiyahin.
“Sasagot ka? Sasagot ka pa? Ako ang nagpapakain sa inyo kaya may karapatan akong manduhan kayo kung ano ang gusto ko! So, prepare yourself. Ako na ang bahalang magsabi sa kakambal mo bukas.”
Nakamaang na napahawak sa pisngi'ng nasaktan si Magda. Eto ang sinasabi niya na ayaw niyang i-defy kung ano ang nais ng tiyahin. Her words is nothing against a big mountain.
But how about my sister? She needs to know that she will be dating Quiavan. She can't get out of the room without me! Thinking about it Magda's heart started to pound so hard. Ang pagod niya sa buong gabing ay nawala dahil sa kinakabahan siya para sa kapatid.
Baka bigla na lang itong yayain ni Quiavan na makipag-date sa labas dahil ang alam ng binata ay pumayag na siya. Ang sabi ng kanyang tiyahin ay ipinaalam na nito sa binata na payag na siya na mag-pretend na fake girlfriend nito.
But Magenta can't go out! She's afraid of the crowd.