Chapter 4: Spoiled Princess

1573
"Mom kailan nga ulit ang enrollment para sa university na sinasabi mo" Tanong ko kay mom habang kumakain. "Magsisimula ang enrollment next week kaya kailangan mong maghanda para dito. Wala ako o kahit na ang Cruz Clan na magagawang tulong sayo sa mga oras na iyon" Sabi naman sakin ni mom na agad kong naunawaan. Ang University na tinutukoy ko ay ang Blue Eagle University isa sa mga kilalang University sa Pilipinas. Ngayong isa na akong Advanced Tier Mage ay maari na akong mag enroll sa isang University. Ganon paman ay may ilang araw pa ako bago mag simula ang enrollment kaya naman hindi ko muna ito inisip. "Mom lalabas ngapala ako mamaya" Sabi ko dito habang may kaunting gulat at tuwa ang lumutang sa mukha ni mom. "Tama yan anak, it's been awhile na din simula noong lumabas ka mabuti sayo ang kahit papaanong lumabas" Sabi nito ganon paman ay mukhang mali ang iniisip nito. "Mom sa danger zone ang tinutukoy ko" Sa oras na sabihin ko ito ay napabuntong-hininga nalamang si mom. "Handa ka na ba sa lugar na iyon?" Tanong nito na aking tinanguan. "May limang danger zone na pwede sa mga Advance Tier Mage na kagaya mo na malapit lamang dito, may napili ka naba?" Agad na may mga mapang lumubas sa smartphone ni mom at agad kong tinuro ang isa sa mga danger zone na nakalagay dito. "Taal Volcano" *** "Ōjo anong kailangan kong gawin para turuan mo ako ng lightning magic" Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam kong anong gagawin, alam kong isang expert sa lightning magic si Mizuki kaya gusto ko sanang magpaturo dito. Ganon paman ay hindi ko inaasahan ang ugali ng Summoned ko na ito... Summoned ang tawag ko dito dahil ang panget namang tawaging isang beast ang isang magandang babae kahit na malakas ang topak nito. "Gagawin mo?" Tanong nito habang may ngiti sa mga labi, kong hindi lang ito maganda bilang master nito ay seguradong binigyan ko na ito nang sapok. "Gagawin ko basta't tuturuan mo ako ng lightning magic" Sabi ko dito habang mas lumaki ang ngiti sa labi nito. "Kong ganon lets go shoppingu!" Sigaw nito habang agad na nagtatalon. Hindi ko alam kong anong pinagsasabi nito ngunit hindi maganda ang pakiramdam ko dito! "Shoppingu?" Mahina kong tanong dito habang agad itong tumano-tango. "Shopping! Dahil sa ginawa mong pag summoned sa akin sa mundong ito ang young at pretty na ōjo na ito ay walang nadalang gamit kahit isa! Maliban nalamang sa long katana ko!" Sa oras na sabihin niya ito ay agad akong napahawak sa aking ulo at napakamot. Mukhang kahit saang mundo ang babae ay babae padin! Ganon paman ay wala na akong magagawa, gagawin ko ang lahat maturuan niya lamang ako ng Lightning Magic! *** Gamit ang sasakyang pagmamay-ari ng Cruz Clan ay agad akong nagtungo sa pinakamalapit na Mall sa lugar habang sa daan ay tinawag ko na si Mizuki. "Wow ito ba ang tinatawag na sasakyan?" Tanong nito habang may pagkamangha sa mukha. "Walang ganito sa mundo niyo?" Tanong ko dito habang agad naman itong tumango. "Ayon sa internet ang mundo ko ay masasabing nasa reconnaissance year" Sabi nito na akin namang tinanguan, marunong na itong gumamit ng smartphone kahit papaano dahil sa mga lumipas na araw ay lagi ko itong pinapakawalan. Nasa bagong mundo na siya kaya kailangan niyang matuto kong paano gumalawa sa mundong ito. After all tao padin siya hindi isang magical beast na pwede ko lang itago sa aking Summoning Temple. "Ano ngapalang mga kailangan mo" Tanong ko dito habang sa isang iglap ay may listahan na agad ito nang mga bagay na kanyang bibilhin! "Cute Mizuki Want's and Needs List" Ito ang nakasulat sa pinakataas ng kanyang papel! "Madami tayong bibilhin handa naba ang pera mo?" Tanong nito habang napabuntong-hininga nalamang ako dito at hindi na siya pinansin. Sampung minuto pa ang lumipas at tanaw ko na ang mall agad ko namang nahanap ang parking lot at walang kahirap-hirap na nakapag-park. Sabado ng araw na iyon kaya masasabing madaming tao sa mall ganon paman hindi pa kami nakakapasok sa loob ng mall ay agaw pansin na ang katabi ko. I mean sino bang hindi mapapatingin sa katabi ko "Mizuki sa akin na muna ang iyong katana" Sabi ko dito habang ang kaninang nakangiti na parang bata na si Mizuki ay agad na napasimangot. "Bakit ko naman ibibigay sayo ang katana ko!" Naka frown na sabi nito habang ipinaliwanag ko sa kanya na bawal ang sandata sa loob ng mall. Ganon paman ay hindi ito pumayag. "Ganto sa loob ay merong Spatial Shop bibilhan kita ng Spatial Ring para mapaglayan ng iyong gamit at katana" Sabi ko dito habang agad namang nawala ang frown sa mukha nito at napangiti. "Buti at alam mong kailangan ko ng spatial ring" Sabi nito at ibinigay sa akin ang kanyang katana na agad ko namang linagay sa aking spatial ring. Mabilis kaming pumasok sa mall at parang batang hindi mapakali si Mizuki sa kakatingin sa bawat lugar ganon paman ay hinila ko ito sa Spatial Shop para makabili agad ng spatial ring. "Ano yun! Ano yun!?" Turo dito turo doon ito ang ginawa ni Mizuki sa bawat shop na madaanan namin. Seguradong sasakit ang ulo ko ngayong araw. Nahanap agad namin ang Spatial Shop dahil sa pagtatanong sa guard sa lugar. "Kailangan namin ng spatial ring" Agad kong sabi sa oras na makapasok kami sa shop. "Gaano kalawak ang hanap mo sir? Meron kami lahat" Sabi naman ng shop clerk na babae. Puno ang Spatial Shop ng mga bagay na may kinalaman sa Spatial Magic o space magic ganon paman ay kilala ang spatial shop sa mga spatial ring na gawa nila. "Sakto na ang 1000 square feet" Sabi ko habang agad namang tinuro ng shop clerk ang mga spatial ring na merong 1000 sq ft. na dimension. "Mizuki pumili ka sa mga spatial ring" Sabi ko kay Mizuki na sa mga oras na iyon ay hawak ang isang itim na spatial bracelet habang may isa namang binata ang agad na sumulpot na parang mushroom sa likod ni Mizuki. "Ang hawak mo ay tinatawag na Dark Butterfly Bracelet meron itong 3000 sq ft. dimension space at meron din itong defensive function" Sabi ng binata na may ngiti sa labi. Ibinalik naman agad ni Mizuki ang hawak nitong itim na bracelet ngunit makikita ang panghihinayang sa mga mata nito. Agad namang kinuho ng lalaki ang itim na bracelet at itinapat ito kay Mizuki. "Ako ngapala si Sean Sy pwede ko bang malaman ang pangalan ng maganda dilag sa aking harapan" Sabi nito habang napa frown lamang si Mizuki ng makita ito. "Sino ba ang clown na ito?" Mahinang sabi ni Mizuki ganon paman ay rinig ko ito at halos hindi ko mapigilang tumawa. Sean Si isa sa mga tagapag-mana ng pinakamayamang pamilya sa bansa kaya kilala ko ito ganon paman ay tinawag lamang itong clown ni Mizuki. Hahaha isang clown! Hindi naman ito pinansin ni Sean at muli ay lumapit kay Mizuki. "Hawak ko ang shop na ito at bilang pag welcome sayo sa maliit na shop ko na ito ay isa ng welcome gift ang Dark Butterfly Bracelet sa magandang dilag sa aking harapan" Sabi nito habang agad namang napangiti si Mizuki at sa isang iglap ay agad na sinuot ang itim na bracelet. "Thanks" Sabi ni Mizuki at agad na lumabas sa loob ng shop habang hindi ko naman alam ang gagawin kong hindi ang sumunod nalang dito. "Anong pangalan mo!" Sigaw ni Sean kay Mizuki habang hindi naman ito pinansin ni Mizuki. "Bro! Pumili ka ng isang bagay sa aking shop ibibigay ko sayo for free sabihin mulamang ang pangalan ng dilag na iyon" Sabi ni Sean habang nakahawak sa aking braso. Napabuntong hininga nalamang ako dahil ngayon lang ako nakakita ng isang sobrang yamang idiot na lalaki, ganon paman ay bakit ako tatangi sa grasya diba? Agad akong bumalik sa shop at itinuro ang isang silver ring na merong dragon symbol habang sa baba nito ay makikita ang price tag. "999,999" Nahiya pa sila sa peso.. Agad namang kinuha ni Sean ang spatial ring at ibinigay ito sakin. "Bro isa ito sa pinaka-mahal na item sa aking shop kaya kong pwede pahigi na din ng number ng magandang dilag sabi nito na may awa sa mukha. Napangiti naman ako dito at agad na ibinigay ang number, ganon paman ay wala namang smartphone si Mizuki kaya random # ang inilagay ko dito at inilagay ang pangalang Mizuki. Agad namang nagliwanag ang mga mata ni Sean at agad na tumakbo sa likod ng counter ng shop habang hindi ko nalang ito pinansin at nagtungo sa shop na pinasukan ni Mizuki. A great deal indeed. *** "Sobrang dami na nating binili ubos na ang savings sa bank account ko" Sabi ko sa katabi kong excited na excited sa pag pili ng mga damit! Damit, sapatos, accessories, make-ups at kong ano-ano pa ang mga pinamili nito! Hindi ko alam kong kakayanin pa ng credit card ko ang shopping spree na ginagawa ni Mizuki. "Bagay ba to?" "Eh ito?" "How about this?" "Ito kaya?" Napakamot nalamang ako sa aking ulo at sa isang iglap ang 3 milyong peso sa aking account ay agad na naglaho na parang bola. Ganon paman para sa Lightning Magic na alam ni Mizuki ang 3M na ginastos ko ay maliit na bagay.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작