Chapter 13: Meeting

1557
Rizal Park Hotel Manila Isa itong hotel na may European influence design at masasabing isa sa mga natitirang old building ng dating mundo. "Sir and madam may appointment po ba kayo?" Tanong ng isang personnel sa harap ng entrance. Ipinakita ko dito ang invitation letter at makikita naman ang gulat sa mukha nito. "Sir and madam hindi ko po inaasahan na mga Exclusive VIP po pala kayo, paumanhin sa una kong inasal. Please sumunod po kayo sa akin" Sabi nito habang mapapansin naman ang pagbabago ng tuno nito. Hindi naman namin ito pinansin at sumunod dito. Masasabi kong sobrang ganda ng loob ng lugar at madaming mga high tier mage ang makikita dito. Mukhang isa ngang exclusive ang lugar na ito sa mga may influence na tao. Hindi paman nagtagal ay agad kaming dumating sa isang lugar. Kumatok ang lalaki sa pintuan at ito ay nagbukas. "Sir and madam dito po kayo" Sabi nito habang agad naman kaming pumasok tatlo sa loob. Sa loob ng lugar ay makikita ang isang grupo ng mga estudyante at sa tingin ko ay ito ang mga current member ng Blue Eagle Group. "Welcome" Sabi ng isang lalaki habang may malaking ngiti ito sa kanyang labi. Matangkad ang lalaki at katamtaman lamang ang laki ng katawan nakaupo ito sa pinakadulo ng lamesa na sa tingin ko ay ang leader ng grupo. "Rank 9 Mizuki Katana, Rank 10 Sol Magi at Rank 15 Angela Pangan please umupo kayo" Dagdag pa nito habang ginawa naman namin ang sinabi nito. Nasa aming grupo nakatuon ang atensyon ng lahat maliban lamang sa isang lalaki. "Kong ganon sila pala ang tumalo kay Liam at Lucas" Sabi ng babae habang nakatingin sa akin. "Well sila na ang bagong miyembro ng Blue Eagle Group" Sabi ng lalaking leader ng grupo. "Ako ngapala si Michael Ayala ang current rank 1 sa leaderboard at ang leader ng grupo." Agad akong tumango dito. "Pero bakit kasama ang isang babaeng yan, pagkakaalala ko ang mga nasa top 10 rank lamang ang pwede sa grupo" Nanggaling ang tanong na ito sa isang malaking lalaki, sa tingin ko ay mga nasa 6ft+ ang isang ito. "Angela Pangan, Master Tier White Mage. Kailangan natin ang kanyang kapangyarihan at kakayahan para sa ating magiging plano" Tugon ni Michael dito habang napatingin naman ang lahat sa direksyon ni Angela. "Isang White Mage sa rank 15 ito ata ang unang pagkakataon na narinig ko ito. Ako si Ava Padilla nice to meet you" Sabi ng babaeng katabi lamang ni Angela habang makikita naman ang kaunting shyness kay Angela "A-angela Pangan" Inobsirbahan ko ang lahat ng mga tao sa lugar at sa aking tingin lahat ng mga ito ay Grandmaster Tier Mages, si Angela lamang ang Master Tier. "Let's make this fast wala kaming idea kong para saan ang meeting na ito." Sabi ko "Mukhang tama nga ang narinig ko isa kang straightforward na tao Sol Magi" Sabi ni Michael "Straightforward? more like a newbie who don't know his place" Sabi naman ng isang lalaking katabi lamang ni Michael Hindi ko ito binigyan ng pansin dahil ito ang lalaking kaninang hindi nagbigay pansin sa amin ganon paman mukhang iba ang isang ito. "Jack Tan stop" Sabi ni Michael habang makikita naman ang galit sa mga mata ng lakaki. "Stop? I don't even know kong tunay ba talaga silang malakas. Why not subukan natin" Sabi nito habang agad na tumayo at nabalot ng itim na Magic habang agad itong pumasok sa shadow sa lugar at naglaho 'Black Mage!' Itinuon ko ang aking atensyon sa lugar at napansin ang isang enerhiya sa hindi kalayuan sa akin habang agad na lumitaw dito ang kaninang lalaki at sumugod sa akin. Ganon paman bago ito makalapit sa akin ay agad kong nahawakan ang kamay nito. "Impossible!" Sabi nito habang mapapansin din ang gulat sa mata ng mga tao sa loob ng lugar. "Mukhang kailangan naming patunayan ang lakas namin bago kami tunay na maging miyembro. Kong ganon" Nabalot ng golden black lightning ang aking kamay "c***k!" "ARGH!" Napasigaw si Jack ng maramdaman niya ang sobrang lakas na enerhiyang nag crash sa kanyang kamay at sa isang iglap naputol ang kamay nito sa kanyang braso! "Argh!!!" Agad namang tumayo ang isang babae sa grupo, isang water magic spell ang inilagay nito sa putol na kamay ni Jack. Dahil sa water magic spell ng babae agad na nawala ang dugo sa sugat ni Jack at nawala ang sakit na nararamdaman nitonb "You fucker! Papatayin kita!" Sigaw ni Jack habang nginitian ko lang ito "Anytime" Tugon ko dito. "Jack and Sol tapos na ito, nandito tayo sa lugar para sa meeting" Sabi ni Michael "Wala ba kayong gagawin!? Pinutol niya ang kamay ko!" Sigaw ni Jack habang makikita namang walang balak na tumulong ng grupo sa kanya. Maliban lamang sa babaeng tumulong kay Jack "Water Sphere!" Sigaw nito at isang sphere spell ang pinakawalan nito sa akin ganon paman bago pa ito makarating isang mahabang katana na nababalot sa golden black lightning ang nag intercept dito. "Golden Black Lightning Sword 1st Style: Lightning Sword Crescent!" Sabi ni Mizuki at sa isang iglap katulad ni Jack naputol din ang isang kamay ng babae! "Ahhh!!!" Sa oras na iyon mas hindi makapaniwala ang lahat ng mga tao sa lugar! Sa isang iglap dalawa sa current member ng grupo ang naputolan ng kamay! "Enough!" Sigaw ni Michael habang isang domain ang nabuo sa lugar. Biglang bumigat ang buo kong katawan habang ramdam ko ang paghina ng aking katawan. 'Isang domain! Lord Tier Mage lamang ang meron nito' Napunta ang aking atensyon kay Michael dahil hindi ko lubos akalain na isa itonh Lord Tier Mage. "Hindi lang ikaw ang may domain" Sabi ni Mizuki at agad na nabalot ang buong lugar ng electric field! "Zzzzz" "Crackle" Kong kanina parang normal lamang sa mga tao sa lugar ng makita nila ang domain ni Michael ngayon hindi maitatago ang kanilang gulat! *** Gamit ang White Magic ni Angela nagawang maibalik ang kamay ni Jack at ng babaeng may pangalang Emily sa dati nitong anyo na parang walang nangyari. Dahil dito convinced na ang lahat sa kakayahan ng tatlong bagong miyembro. Lalo na kay Mizuki na isang freshman ngunit isa nang Lord Tier Mage! "Ngayon meron na seguro kaming karapatan sa lugar na ito" Sabi ni Sol habang hindi naman maitatangi ng lahat ang sinabi nito. "Hindi kailangang humantong sa ganon kong nakinig ka sa akin Jack" Sabi ni Michael habang makikita naman ang inis sa mukha ni Jack. "Pwede bang simulan na natin, nagiging bored na ako" Sabi ni Mizuki habang hindi naman alam ng mga nasa lugar kong iba ang nagsabi nito ay seguradong bibigyan nila ito ng lesson. Ngunit ang nagsabi nito ay isang Lord Tier Mage! Maging si Michael ay kailangang mag dalawang isip bago may gawin. "Ava ibigay mo ang information" Tumayo naman ang maganda at tahimik lamang na babae sa isang tabi, sa kamay nito ay makikita ang isang lumang documents. "Noong isang linggo nakuha namin ang isang invitation mula Maharlika tungkol ang invitation sa isang bagong Dimension c***k. Isa itong Grandmaster Tier Level." "Matatagpuan ang bagong Dimension c***k sa outskirts ng Baguio City. Ngayon ang mga ininvite ng Maharlika ay mga University around Metro Manila." "Ngayon kailangan nating mag decide kong tayo ay pupunta o hindi." Paliwanag ni Michael, lahat ng sinabi nito ay makikita sa document. "Isang bagong dimension c***k means mga bagong resources" Sabi ng isang lalaki. "Hindi magiging simple ang pagkuha sa mga resources. Ayon dito ininvite lahat ng Maharlika ang mga kilalang university sa lugar kaya magiging labanan ito." Dagdag pa ng isang lalaki. "Nakuha ko ang impormasyon na pupunta ang mga kalaban nating university sa lugar kaya kailangan din nating magpadala ng tao." "Ayon sa Maharlika pwedeng pumasok ang isang grupo sa lugar na binubuo ng anim na mages." "Iniisip kong gumawa ng dalawang grupo." Sabi ni Michael dahilan para magkatinginan ang lahat. "11 tayong katao dito at kaya nating gumawa ng dalawang grupo. Hahawakan ko ang isang grupo habang ang isa naman ay kay Mizuki how about that?" Sabi ni Michael "I agree" Tugon naman ni Ava "I agree" Ganon din ang iba. "I disagree, ayaw kong maging leader ibigay niyo nalamang ang puwesto kay Sol after all magkasama padin naman kami" Sabi ni Mizuki habang hindi naman nag salita ang iba. "Kong ganon ako at si Sol ang magiging leader ng bawat team. Ngayon sinong gustong sumama sa akin." Tanong ni Michael at agad namang nag taas ng kamay si Aiden ang rank 2, Jack rank 6, Emily rank 7, Daylan rank 5 at ang rank 8 na si Ella. "Ang natitira ay sa grupo ni Sol si Ava rank 3, Juke rank 4, Mizuki rank 9 at syempre si Angela. Sol pwede kang mag invite ng isa sa iyong grupo." Sabi ni Michael na aking tinanguan Sunod na pinag usapan ng grupo ang magiging plano ng dalawang grupo at kong papaano makakapunta sa lugar. Ayon kay Michael kakaiba ang magiging patakaran ng pagpasok sa danger zone. Magiging rotational ang pag pasok dito ibig sabihin hindi pwedeng mag sabay na pumasok ang dalawang grupo. Hindi naman nagtagal at agad itong nagawan ng paraan. Mauunang pumunta ang grupo ni Michael habang susunod naman ang grupo namin. Magiging meet up place ng buong grupo ko ay sa Manila Airport at aalis kami bukas.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작