Chapter 6

1446
"ANDREW, bakit mo ginawa 'yon sa kanya?" tanong ni Lorraine na may kataasan ang tono ng pananalita. "Oh... Lorraine! How are you? 'Eh ito kasing mga ito, ang yayabang... tawanan ba naman kami. 'Di ba? 'Di ba?" wika ni Andrew Lawton at pagkatapos ay tinitigan niya kami sa mga mata namin na parang nananakot. "O-oo, Ms. Gonzales. Kami na ang humihingi ng paumanhin. Kasalanan ko ito," sabi ko na lang para matapos na ito. Napatingin sa akin sina Lebron na parang nagulat sa sinabi ko pero tila sumang-ayon na lang din sila. "Kahit na Andrew, kahit na sila ang may kasalanan ay dapat hindi mo 'yon ginawa! Dapat kinausap mo na lang, sure naman ako na hindi iyon ang itinuturong gawin sa atin, tama ba Andrew?" tanong ni Lorraine kay Andrew. Nakatingin nga sa amin ang lahat ng nasa loob nang mga sandaling ito. "Sorry... Lorraine, alam kong mali ang ginawa ko, namin. Hindi ko na uli gagawin 'yon. Magpapakabait na ako para sa 'yo," sabi ni Andrew habang nakatingin sa mga mata ni Lorraine. Pero alam ko, labas sa ilong ang mga sinabing iyon ni Andrew. Alam kong mabait lang siya sa harap ng mga babae lalo na kay Lorraine. Pagkatapos no'n ay bumalik na sina Andrew sa pagkain nila subalit lumipat na sila sa mas malayong mesa mula sa amin. "Mr. Cruz." Nabigla ako nang tawagin ako ni Lorraine. "Mr. Cruz... sa susunod pipiliin mo 'yong mga taong pagtatawanan ng mga kasama mo. Na-disappoint ako dahil gan'yan ka pala, mali pala ang pagkakakilala ko sa 'yo," sabi niya sa akin at pagkatapos no'n ay umalis na rin siya. Napayuko na lang ako sa mga sinabing iyon ng babaeng gusto ko. Pero okay lang, hindi ko naman kailangang magustuhan niya dahil imposible iyon. Kung ano ang makita niya sa akin ay iyon ang iisipin niya. Wala akong lakas ng loob para magpaliwanag sa kanya. Wala akong magagawa para ipagtanggol ang panig ko sa kanya dahil ako lamang si Mellard Cruz. "P're, bakit hindi mo sinabi ang totoo? 'Yan tuloy, tayo pa ang lumabas na masama," wika ni Lebron sa akin. "Mas mabuti na 'yon mga p're kaysa naman magtagal pa ang komprontasyon kanina. Tiyak pating babalikan tayo ng mga 'yon kung sinabi ko ang totoo. Lalo na sa akin, kita niyo naman kung paano nila ako laitin. At para makaiwas na rin tayo sa g**o," wika ko. Iyon ang dahilan ko. Umalis na ako kasama sina Lebron papunta sa dorm' para magpalit ng damit at para alisin ang juice na ibinuhos sa aking ulo. Habang papaalis ay hindi ko pa rin maiwasang makarinig ng mga bad comments tungkol sa akin mula sa mga nasa loob ng cafetiria. Akala kasi nila ay kami ang nag-umpisa kung kaya't binuhusan ako ni Andrew ng juice. Mabuti na lang at may tatlo akong mga bagong kaibigan para tulungan ako. Mabuti't kahit papaano'y may nakakaalam ng totoong nangyari. DUMAAN ang mga araw at dumating na ang isang celebration sa campus na pinakahihintay ng lahat, ang 50th Founding Anniversary ng University. Sobrang busy na ako ngayong araw ng Sabado dahil next week ay Founding Anniversary na nga at aabutin ito ng one week. S'yempre, isang linggong pahinga rin sa pag-aaral ang lahat ng estudyante rito. Sa gym ako pumunta kasama ang ilang kasamahan ko sa department ko para tumulong sa decorations at iba pa. Marami na rin ang mga estudyanteng nasa gym ang kasalukuyang tumutulong. Naisip ko na lang na magpintura ng wall ng stage. Kaso, habang ginagawa ko iyon... "Hoy! Janitor." Nilingon ko kung sino ang tumatawag sa akin. At tama nga ang hinala ko, sina Andrew Lawton ang mga ito. "Dalhin mo nga rito 'yang mga pintura rito. Tutulong din kami. Bilis!" utos ni Andrew sa akin. Halos lahat kasi ng department ay dapat may representative na tutulong dito at siguro kaya nandito sina Andrew ay para sa department nila. Dinala ko ang dalawang lata ng pintura (4 liters 'yon), itim at pula. Dahan-dahan lang ang lakad ko kasi baka matapon ang ang mga ito. Puno pa kasi ang mga pintura kong dadalhin. Ilang hakbang na lang nga ang layo ko kina Andrew nang naramdaman kong may tumapak sa kanang paa ko. Dahil doon, nawalan ako ng balanse at natumba ako nang tuluyan kasama ng mga pinturang dala ko. Dali-dali akong nilapitan nina Andrew para tumulong. Pero halatang hindi totoo ang pagtulong dahil nakatayo na ako't lahat, ay wala naman talaga silang ginawa. Puro salita lang sila. Nang nakatayo na ako ay tiningnan ko kung sino ang tumapak sa paa ko. Isa rin pala ito sa mga kasama ni Andrew at nakitulong din kunwari sa akin. Mukhang pinlano nila ito, pero wala na akong magawa, nalagyan na ang damit ko ng pintura at pati na ang mukha ko ay mayroon din. Halos ipagtinginan na naman kami ng mga nandoon lalong-lalo na ako. Napansin ko pa ngang may ilang napapatawa sa aking itsura. "Anung nangyari rito?" tanong ng isang organizer na nakapansin sa amin. "Ah, Sir..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan ako ni Andrew. "Sir, nadulas po s'ya. Accident po," ito ang sinabi ni Andrew na pa-humble pa ang style. "Gano'n nga po sir ang nangyari," pahabol pa ng mga kasamahan niya. Alam kong wala na akong magagawa. "S-sige po, sir. Lilinisin ko na lang po ito, ipapabawas ko na lang po sa allowance ko ang mga nasayang na mga pintura," sabi ko sa organizer. "Mr. Cruz, wala kang kasalanan. Sige na, linisin mo na 'yang pintura sa 'yo habang hindi pa ito gaanong tumitigas," sinabi naman sa akin ng organizer. "Sige po, sir. Maraming salamat po," ani ko na napayuko na lang. "Next time ay mag-iingat na," sabi sa akin ng isa sa kasamahan ni Andrew at sinabayan pa nila ng pigil na pagtawa. Nagmadali na lang akong umalis sa gym dahil ramdam kong pinagtitinginan ako ng lahat ng nandoon. Nakalabas na ako sa gym ngunit sa pagmamadali ko ay may nakabangga akong babae... Mabuti na lang at naiiwas ko nang bahagya ang damit kong may pintura, kahit na natumba parehas kami ay talsik lang ng pintura ang natamo ng babaeng nakabangga ko. Mabilis akong tumayo at maging siya ay gano'n din. Magsosorry na sana ako kaso bigla siyang nagsalita... "Ano ba! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Kaluwang-luwang ng daan!" "Umagang-aga'y nabwisit agad ako. Tingnan mo itong damit ko, nalagyan ng pintura. Ang malas ng araw na ito..." sabi niya at dama ko ang pagkainis niya sa mga nangyari. "Sorry... hindi ko sinasadya." Iyon lang ang nasabi ko dahil si Lorraine pala ang nabunggo ko. Lumingon siyang muli at at napayuko na lang ako nang mabilis dahil sa hiya. Nagdiretso na lang din ako sa CR na parang nanlulumo. Sinira ko ang araw ni Lorraine. Sa dinami-rami ng babaeng makakabunggo ko ay bakit siya pa? "Ito na yata ang pinakamalas na taon para sa akin. Simula nang nakabangga ko ang Andrew Lawton na 'yon, puro kahihiyan na ang nangyayari sa akin dito sa Campus," sabi ko sabay suntok ko sa pader ng CR. Pinilit kong matanggal ang pintura sa mukha ko at mabuti na lang ang water base ito kaya hindi ako nahirapang magtanggal no'n. Subalit nang napatingin ako sa salamin... sa mukha ko. "Itong mukhang ito..." "Ang panget ko talaga! Dahil dito, lagi akong pinagtatawanan at napapahiya." Ang malaking pilat sa mukha kong ito ay ang nagpababa ng kompyansa kong humarap sa iba. "Wala naman akong magawa dahil ito na ang naging kapalaran ng mukha ko... kawawa ka talaga, Mellard Cruz." "Tapos ngayon ay tiyak na galit sa akin si Lorraine... Malas!" Pero bigla akong may naalala... Bakit ba naman ako panghihinaan ng loob? Ang kailangan ko ay mag-aral nang mabuti. 'Yon lang dapat. Para saan ba at malapit na rin akong makatapos. "Two years na lang Mellard..." Sa kabila noon ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Bakit kasi sa dinami-dami ng p'wedeng magkaganito ay bakit ako pa? Lagi kong iniisip na siguro kung naging gwapo lang sana ako'y siguro hindi nangyayari ang lahat ng ito sa akin. Siguro napakadami ko ng kaibigan at higit sa lahat ay baka magkaibigan na kami ni Lorraine. Minsan naiisip ko ang mga ganoong bagay pero wala naman akong magawa. Sana, hindi ko na lang iniligtas ang batang iyon! Lumabas ako ng CR at pumunta sa dorm' ko para magpalit ng damit. May konteng pintura pa rin ang natira sa mukha ko. Iyong nasa damit ko naman, siguro ay pwede pa ring suotin kahit na may pintura na natira rito. Papatuyuin ko na lamang. Pagkatapos ay mas pinili ko na lang pumunta sa Engineering department para doon tumulong at para maiwasan ko na rin sina Andrew sa gym. Pati na rin si Lorraine... na tiyak ay galit sa akin dahil sa katangahan ko. Kinagabihan, nakatulog na agad ako dahil sa pagod subalit bago ako makatulog ay nandoon pa rin ang lungkot na hindi ko maiitago dahil sa mga nangyari ngayong araw na ito.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작