Chapter 01
“Welcome back kamahalan! Kamusta ang isang linggong bakasyon mo sa Royal Palace?”kamustang tanong ni Blue kay LAY
Kakauwi lang kagabi ni LAY galing Greece matapos ang isang linggo niyang pananatili sa royal palace dahil sa pakikipag-usap na namagitan sa kanila ng kaniyang ama at ng buong royal council. Hindi siya tumawag sa mga kaibigan niya na naka-uwi na siya dahil hindi naman niya gawain ‘yun, pag-gising niya lang kinaumagahan ay nagtungo muna siya sa KAC para tingnan ang ilang documents na naiwan niya at binisita niya na rin ang mga Uncle niya na kinamusta sa kaniya ang kaniyang ama.
After niyang tapusing i-review at pirmahan ang ilang documents dahil hindi niya kasamang umuwi sa pilipinas ang kaniyang ama ay nag-paalam na siya sa mga Uncle niya na pupunta siya sa tambayan nila dahil ngayong araw din ang selebrasyon ni Lu dahil tinanggap na nito ang pagiging Lieutenant General dahil narin sa pamimilit ng ama nito. Sa tambayan nila maliban sa bound nila ay naroon na ang Phantoms maliban kay Taz, Paxton at si Demon, may pinuntahang business trip si Taz sa Hong Kong na tulad ng dati ay bago pa mapapayag ay nilambing muna siya ni Gail, si Demon ay abala na sa pagiging cartier nito at pag-aalalaga sa buntis nitong asawa na si Ayane pero hindi naman nito nakakalimutang mangamusta sa Phantoms at kung may pagkakataon ay dumadaan ito sa north bound para makipag kwentuhan. Si Paxton naman ay hindi pwedeng umalis sa tabi ni Irish dahil lagi ng sumasakit ang tiyan nito the past few days, si Devil naman ay nasa Japan pa dahil sa honeymoon vaction nila ni Heaven at bukas pa ang uwi. Tumawag lang ang mga ito kay Lu para batiin ito sa bago nitong posisiyon na nakatanggap ng pang-aasar kina Paxton at Demon.
“Boring Ynarez, they just talk and talk about me finding my future queen.”ngiting sagot ni LAY bago ininom ang tea na ginawa niya.
“Mukhang minamadali ka na ng mga konseho niyo na makapag hanap ng magiging katuwang mo pag pinasa na sa’yo ang crown ni Uncle Titus, We know you’re having interest in one girl right now. Naiisip mo na ba na siya ang magiging reyna mo?”tanong ni Balance na nakaupo sa mahabang sofa katabi si Ford, Travis at Sergio na nagla-laro ng bahara.
“Sa ating mga natitirang single LAY, ikaw ‘yung ie-entertain ang pana ni kupido. Don’t get offend on what I’ll going to say my friend, sa nakikita ko kasi when it comes in Valenzuela’s secretary, hindi pa namin nakikita sayo ang sign na meron ka ng Westaria’s virus.”kumentong pahayag ni Tad na bahagyang ikinangiti ni LAY
“Han was right, you’re dating her but we can’t see to you the glimmering in your eyes when you’re telling us that you have a date with her.”pag sang-ayon ni Lu sa sinabi ni Tad
“I can’t say that I’m already in love with Sandra but I’m dating her, hindi ko naman minamadali ang dapat kong maramdaman sa kaniya.”kalmadong sagot ni LAY bago nito nilapag sa maliit na lamesa ang hawak niyang tasa.
“I and Sandra is still in the stage of getting to know each other, marami pa kaming time para kilalanin ang isa’t-isa.”ngiting sambit pa ni LAY na ikinabuntong hininga ni ToV
“Huwag mo lang masyadong patagalin sa getting to know na ‘yan LAY, my secretary might fall in love with you deeply baka sa oras na mangyari ‘yun hindi pala siya ang para sayo. She’s still my secretary kaya may concern lang ako sa kaniya.”paalala ni ToV sa kaibigan
“Noted Valenzuela.”ngiting sagot ni LAY na ikina-iling nalang ni ToV
“Kung kinukulit ka na ng mga konseho niyo about finding your queen, anong say ng hari at reyna?”tanong ni Ford na inalis muna ang tingin sa nilalaro nila at nilingon si LAY
“Dad and mom never pressing me in that matter, they gave me time to think because like mom said, it’s not good to marry without love on it.”ngiting sagot ni LAY dito.
Sa isang linggong pananatili sa Royal Palace at isang linggong laging ang council ang kaharap niya at kinukulit siya sa kung sino ang magiging reyna nito ay naroon naman ang kaniyang ama para sabihin sa mga konseho na huwag siyang madaliin. Alam ni LAY na ayaw ng kaniyang ama na matulad siya dito noon na sinusunod anuman ang gusto ng mga council. Gusto ng kaniyang ama na malaya siyang pumili ng babaeng gusto niyang maging reyna at ang mahalaga ay mahal niya.
Being a crown prince is a tough responsibility pero dahil sa tulong ng kaniyang mga magulang at suporta ng mga ito ay naka-kayang i-handle ni LAY ang lahat even in their business. Hindi siya pine-pressure ng kaniyang ama at sinabihan pa siya nito na gawin ang mga gusto niyang gawin bago ipasa sa kaniya ang pagiging bagong hari ng Royal Palace sa Greece. Naka suporta din sa kaniya ang buong Phantoms kaya walang pressure na nararamdaman si LAY bilang crown prince.
“Sino ba naman kasing tao ang gustong magkaroon ng loveless marriage, masarap magmahal kung parehas kayo ng nararamdaman.”kumento ni Travis na inis na ibinaba ang kaniyang hawak na baraha dahil sa limang pagkakataon ay talo na naman siya.
“Langya naman! Bakit ako na naman ang talo?”angal na reklamo ni Travis na ikinangisi ni Sergio at Ford.
“Siguro kasi para sa matatalino ang larong ‘to Amadeus, hindi ata pasado dito ang IQ mo.”asar ni Sergio na sinamaan ng tingin ni Travis.
“Sino ba naman kasing may sabi na maglaro kayo diyan? Baka nakakalimutan niyo kung bakit tayo naririto sa tambayan?”sita ni ToV kina Travis na cross arms na ikinasandal ni Lu sa kinauupuan niya.
“Tss! Let them f*cking play Valenzuela.”singhal ni Lu na ngiting ikinailing ni LAY dahil alam niyang ayaw nitong i-celebrate ang bago nitong posisyon.
Itinigil na nina Ford ang nilalaro nila at nilingon si Lu na poker face ang mukha ang ipinakita sa kanila.
“Wala pa kaming sinasabi Lieutenant pero ang tingin mo sumasama na ah?”ngising asar ni Ford
“Mukhang hindi masaya si Lieutenant General Santos sab ago niyang badge ah!”kumento naman ni Balance na ikinatapik ni Blue sa balikat Lu
“Dapat celebration t---“
“Just shut up Ynarez!”sitang putol ni Lu kay Blue na tikom ang bibig na ikinalakad nalang nito at tumabi ng upo kay YoRi na walang imik sa kinauupuan nito at nakatingin lang ang mga mata sa may bintana na hindi nalang pinuna ng iba.
“Parating na siguro si Torres, sinabihan ko siyang bumili na ng maiinom natin kaya ihanda niyo na ang mga wallet niyo. Maniningil ‘yon.”pagbibigay alam ni Balance na sabay-sabay ikinangisi nina Sergio, Blue, Travis at Tad.
“Pahirapan natin sa singilan si Torres.”ani ni Sergio
“Minsan lang naman niyang sagutin ang iinumin natin kaya huwag tayong magbayad, sa pagka-kaibigan natin dapat kahit isang beses matutong maglabas ng pera ang kuripot na ‘yun.”sambit na pag sang-ayon naman ni Blue.
“Nakabili nga ng sariling ballet studio para sa little princess nila na nagkakahalaga ng milyon, tapos alak lang kukuriputan tayo.”pahayag naman ni Travis na ikinangsii ni Tad.
“May naisip ako Phantoms…”sambit na pagkuha ng atensyon ni Tad sa lahat na ngiting ikinangiti nalang ni LAY.
Sa tagal nilang magkakasama bilang grupo na nging magka-kaibigan at naging pamilya na ang turingan, masasabi ni LAY na ang mga kaibigan niya ay sumunod sa mahalaga sa kaniya. Kahit may mga asawa na ang iba sa kanila ay hindi parin nagbabago ang mga ito at naglalaan talaga ng oras sa grupo.
Masaya si LAY na ang mga kaibigan niya na unti-unting sumasaya lalo na at nakikita na nila ang mga babaeng nagpapadagdag ng kasiyahan sa buhay ng mga ito, hindi tinatanggihan ni LAY ang pana ni kupido pero alam niyang tama ang mga sinabi ni Tad at Lu lalo na ang sinabi ni ToV. Hindi pa man niya nakikita ang sarili niya tulad ng kung paano tingnan nina Taz ang mga asawa nila pero sinisiguro ni LAY na mahuhulog ang loob niya kay Sandra lalo na at interesado siya dito. Hindi man ngayon pero hindi inaalis ni LAY sa sarili na pwede niyang mahalin si Sandra lalo na at magaan itong kasama at nakakasundo niya.
Nawala ang atensyon ni LAY kina Blue na pinagbabalakan na ng hindi maganda si Shawn ng mag vibrate ang cp niya na agad niyang kinuha sa bulsa ng pants niya at makitang may message na dumating galing kay Sandra at kinakamusta siya nito. Ngiting nireplayan niya ito at naisip ni LAY na after ng kaunting celebration nila para kay Lu ay dadaanan niya ito para ayain na kumain sa labas. Hindi pa niya ito napapakilala sa kambal niya dahil laging wala si Leigh at kung may pagkakataon naman ay ang kambal niya ang tumatanggi dahil sabi nito sa kaniya pangalan palang ni Sandra hindi niya na gusto na ikinatawa niya lang sa kambal niya. Naniniwala si LAY na pagnakakilala ang dalawa ay magkakasundo din ang mga ito.
Habang nagta-type si LAY ng sasabihin niya kay Sandra ay napadako ang tingin niya kay Lu na napatayo sa kinauupuan nito habang nasa tenga nito ang cp nito at ang tingin ng lahat ay narito.
“Bakit sinundan mo sila diyan?! Ang sabi ko sayo pag nalaman mo lang kung saan sila pwedeng nagtatago sabihin mo agad sa akin diba?!”may inis sa boses ni Lu sa kausap nito na ikinatitig ni LAY sa kaibigan
“Bakit ang tigas ng ulo minsan Joy! Stay were you are, tatawagan ko na ang under police ko para pumunta na diyan. Just hide Joy naiintindihan mo?”pahayag pa ni Lu na agad pinatay ang cellphone nito at agad sinuot ang itim na leather jacket nito.
“Oh? Emergency agad? Hindi pa tayo nagsisimula, wala pa si Shawn aalis ka na?”kumento ni ToV na seryosong ikinalingon ni Lu sa kanila.
“My informant just found out the place where the drug dealer we need to catch is hiding, she followed them and we need to follow her bago pa siya makita ng mga ‘yun.”paliwanag ni Lu na ikinakunot ng noo ni LAY.
“Napakagaling naman ata ng informant mo Santos, if I’m not mistaken siya din ang nakahanap sa pinagdalhan ni Cruz sa asawa ni Amadeus diba?”pahayag na tanong ni Ford na ikinatango ni Lu
“Yeah! That woman, parang si dora kung saan saan napapadpad. Aish! Let’s continue the celebration next time, but feel free to budol Torres.”pahayag ni Lu bago nagmadaling lumabas ng hide out nila.
“Ang informant ni Lu ay masasabi kong matapang, babae ‘yun pero walang takot na hinahanap ang mga kriminal na hindi makita ng kapulisan.”kibit balikat na pahayag ni Blue.
“Pero hindi niyo ba napansin? Mukhang concern ang ating Lieutenant sa kaniyang informant, mukhang may kasunod na si Devil na mapapana ni kupido ah. Mukhang mauunahan ka pa kamahalan.”sambit na ngising konklusyon ni Tad na ngiting ikina-iling lang ni LAY pero hindi maalis sa kaniyang isipan ang babaeng informant ni Lu.
Hindi maintindihan ni LAY kung bakit pinapasok ng isang babae ang ganung kadelikado na gawain, pwede itong mahuli at masaktan pero ginagawa parin nito. Isa pa, dati ay napaisip si LAY kung bakit babae ang informant ni Lu na nawala din naman sa kaniyang isipan pero dahil ngayon ay bumalik na naman ang tanong na ‘yun sa kaniya.
Matapos na umalis si Lu ay ilang minuto ay dumating na rin si Shawn na may bitbit na mga alak na iinumin nila. Hinanap nito si Lu kaya sinabi nina Blue na may emergency work ito at kaalis lang. Nagsimula na rin na umingay ang tambayan nila ng nagsimula na ang plano na naisip nina Blue kay Shawn na ikinatanggap ng mga ito ng mura mula dito na ikinatawa lang ng mga ito maliban kay Lay at YoRi na tahimik lang na umiinom sa kinauupuan nito.
Naging magulo ang inuman nila at marami din silang napag-usapan na ang iba ay tungkol sa bound nila. Maghahapon na ng magpasya silang mag-uwian na lalo na at sina Balance, Travis, Ford at Sergio ay tinawagan na ng kanilang mga misis. Nauna ng umuwi ang mga ito na hindi talaga nagbigay ng bayad kay Shawn kaya sina Blue ang pinagmumura sa reklamo ni Shawn na natatawang iniwan nalang ni LAY dahil dadaanan niya pa si Sandra sa trabaho nito. Hindi niya na hinintay si ToV para sabay sila dahil hindi ito pinapaalis ni Shawn hanggat hindi sila nakakapag bayad sa mga alak na nainom nila.
Nasa byahe na siya papunta sa firm ni ToV ng tumunog ang cp niya na agad niyang sinagot.
(Nasa tambayan parin sila?)
“Yes, ayaw silang paalisin ni Torres hanggat hindi nagbabayad sa mga ininum nila. Are you going back there?”kalmadong tanong ni LAY habang nakatuon ang mga mata niya sa pagmamaneho.
(Nah! Dumeretso na ako ng uwi sa bahay ko dahil napagod ako sa biglaang raid namin kanina.)
“You already catch the bad guys?”
(Yeah, nasa kulungan na sila at sinisiguro ko na hindi na sila makakalabas doon. Anyway, alam kong wala ka na sa tambayan dahil wala akong naririnig na ingay, you’re going home?)
“No, I’ll go to Valenzuela's firm to fetch Sandra.”sagot ni LAY
(Dapat na ba kitang i-congratulate dahil mukhang sinserseryo mo na ang secretary ni Valenzeula?)
“You can congratulate me if I already like a foolish man who’s in love with her.”ngiting pahayag ni LAY na rinig niyang ikina-ungos ni Lu ng hindi niya alam kung bakit biglang may tanong na pumasok sa isipan niya na gusto niyang itanong kay Lu.
“What happened to your informant?”tanong ni LAY na rinig niyang ikinabuntong hininga nito.
(She’s fine and happy dahil nakatulong na naman siya sa case na hawak ko, pina-uwi ko na rin ‘yun dahil naipit ‘yun sa barilan na nangyari kanina. May daplis lang siyang nakuha sa balikat niya pero nagamot na naman siya.)
“That job is dangerous to a woman like her.”sambit ni LAY kay Lu
(I know, masyado lang talagang matigas ang ulo niya at hindi nakikinig sa akin. She’s going to be the death of me pag nagkataon.)
“I heard you, you like her?”ngiting tanong ni LAY sa kaibigan na napatikhim lang at agad na nagpaalam sa kaniya at pinatayan siya ng tawag.
Bahagyang natawa si LAY kay Lu dahil sa nakikita niya, may nararamdaman si Lu sa informant nito. Hindi mapigilan ni LAY ang ngiti niya dahil ang kaibigan niyang si Lu na tinatanggi ang pag-ibig ay mukhang malapit naring mahuli ni kupido.
Malapit na si LAY sa firm ni ToV ng may makita siyang nagtitinda ng mga bulaklak sa gilid ng kalsada kaya agad niyang itinigil ang kotse niya para bumili at para ibigay kay Sandra. Pagkababa ni LAY ay agad siyang naglakad para punatahan ang nagtitinda ng bulaklak ng may babaeng may mahabang itim na buhok ang dumaan sa gilid niya na hindi niya alam kung bakit bigla siyang napatigil sa paglalakad at nilingon ang may mahabang itim na buhok na babae na mabilis na nawakla at hindi niya na makita. Inilibot ni LAY ang mga mata niya pero wala naman siyang mataan na babaeng may itim na mahabang buhok na ikinasalubong ng kilay ni LAY.
“Did I hallucinate?”nagtatakang tanong ni LAY sa kaniyang sarili habang inililibot parin niya ang kaniyang tingin sa kabuuan ng kalsada.