Chapter 03

3241
“Good morning Lulu!” masayang bati ni Athena kay Lunova nang maabutan niya itong abala sa lamesa nito na napatigil sa pagtingin nito sa isang folder at lumingon sa kaniya kaya matamis na ngiti ang ibinigay niya dito. “Good morning Joy, ganda ng gising natin ah! Congrats pala, isa ka sa rason kung bakit nahuli ng team namin ang drug dealer. Iba ka Joy!” puri ng kasamahan na pulis ni Lu na ngiting ikinalingon ni Athena dito. “Salamat sa papuri SPO3 Gonzaga, basta team ni Lulu gagawa ako ng paraan para makatulong.”sagot ni Athena na nakipa thumbs up gesture pa dito nang dumating ang isa pang babeng pulis na kasali sa team ni Lunova na seryosong nilingon si Athena matapos nitong ibaba ang tambak na folders sa lamesa ni SPO3 Joseph Gonzaga. “We appreciate your help Joy, pero next time huwag kang gagawa ng hakbang ng hindi mo pinapaalam sa amin o kay Lieutenant Santos. Alam mo bang muntik ng mapahamak si Lieutenant dahil sa kapabayaan mo?”masungit na sermon ni SPO1 Monday Endozo, ang nag-iisang babaeng police officer ng team ni Lunova. “Sinusungitan mo na naman si Joy Monday, kalma ka lang. Wala namang nangyari kay Lieutenant eh, malaki ang naitulong ni Joy sa atin.”pahayag ng isa pang member ng team ni Lunova na ngiting kinindatan si Athena na lihim niyang ikina thumbs up. “Don’t take her side SPO5 Baquiran, masyado niyo pa kasi siyang pinupuri kaya laging siyang gumagawa ng mga mapanganib na kilos nang hindi nagsasabi sa atin.”inis sa sita ni Monday sa kapwa niya pulis na ikinabuntong hininga ni Lunova. “That’s enough SPO1 Endozo, may new case na pumasok sa team natin, so review it and let’s have a meeting later bago ako umalis.”awat ni Lunova sa mga kasama niya na nagbalik na sa mga lamesa nila at si Monday na nakatingin lang kay Athena na bahagyang ngumiti dito bago bumalik sa lamesa nito. Bahagyang napabuga ng hangin si Athena dahil sa tuwing pupunta siya sa presinto ni Lunova ay hindi pwedeng hindi siya makakatanggap ng sermon o pagsusungit dito. Minsan iniisip niya na may galit ito sa kaniya na hindi niya alam kung anong pwedeng ikagalit nito sa kaniya. “Hindi yata maganda ang gising ni SPO1 Monday, Lulu. Initi ng ulo niyo aging-aga.”baling na kumento ni Athena kay Lunova na sinigurado niya na ito lang ang makakarinig ng sinabi niya. “She’s right somehow Joy, maling-mali na sinundan mo ang grupo ni Diaz at hindi man lang muna ako tinawagan.” “Kakasermon mo lang sa akin kahapon Lulu, continuation ba ‘to?”kunot noong tanong ni Athena na ikinatitig ni Lunova sa kaniya bago ito napabuntong hininga at sumandal sa kinauupuan niya. “How’s your wound?”pangangamustang tanong ni Lunova na ngiting ikinatapik ni Athena sa kaliwang balikat nito na bahagyang napangiwi pero agad ngumiti sa kaniya. “Daplis lang naman, malayo sa bituka.”sagot nito na muling ikinabuntong hininga ni Lunova bago tumayo sa kinauupuan niya. “Let’s go to the hospital to check your left shoulder.”pahayag ni Lunova na ikinatigil ng mga kasamahan niya sa mga ginagawa nito at napalingon sa kannilang dalawa na ikinasalubong naman ng kilay ni Athena. “Ospital agad? Grabe naman Lulu, daplis lang naman ang nakuha ko at hindi malala kaya bakit pupunta tayong ospital?” “Hindi mo pwedeng isawalang bahala ang daplis na ‘yan Joy, baka ma infection ‘yan pag hindi mo pinatingin ‘yan sa doctor.”seryosong pahayag ni Lunova na natatawang ikinatapik ni Athena sa kaliwang braso nito. “Ikaw naman Lulu, okay lang ako. Tsaka hindi uso sa akin ang infection na ‘yan. Anyway, may balita ka na ba?”pagbabago ng usapan ni Athena. Isa sa rason kung bakit napunta lagi si Athena sa presinto ni Lunova ay para makibalita dito tungkol sa nawawala niyang kapatid. Ngayon niya nalang ulit natanong ang tungkol doon dahil hindi niya naabutan sa lamesa o presinto nito si Lunova sa mga nakalipas na araw. Hindi niya din nagawang magtanong dito kahapon dahil sa raid na nangyari na nasermunan pa siya nito kaya nawala na sa isipan niyang makibalita dito. “I’m still searching Joy, sa lugar na sinabi mo kung saan kayo huling nagkasama ng kapatid mo, walang nakakita sa kaniya. From time to time pinapapunta ko si SPO2 Quinn para balikan ang lugar na ‘yun, we will find your brother Joy, trust me.”pahayag na assurance ni Lunova na kahit nakaramdam ng lungkot si Athena dahil wala pa ring balita sa kaniyang kapatid ay ngiting tumango siya kay Lunova. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa at alam niyang ginagawa ni Lunova ang paraan para matulungan siyang mahanap ang kapatid niya. Si Lunova lang ang pinagkakatiwalaan niya at ayaw niya din itong masyadong kulitin, alam niyang busy itong tao lalo na at tumaas na ang rank nito sa kapulisan. “Nagtitiwala naman ako sayo Lulu, naniniwala akong makikita natin ang kapatid ko.”ngiting pahayag ni Athena na bahagyang lumapit sa lamesa ni Lunova. “Diba dapat Lulu, may sarili ka ng opisina? Lieutenant General ka na diba? Congrats pala, deserve mo ‘yun dahil magaling kang pulis.”bati ni Athena na bahagyang ikinangiti ni Lunova. “I liked my table here with my men Joy, isa pa umakyat man ang rank ko hindi ako aalis sa presinto na ‘to hanggat hindi natin nakikita ang kapatid mo.” “Kaya ikaw ang paborito kong pulis Lulu eh!”natutuwang biro ni Athena na ikinatitig ni Lunova sa kaniya. “Ako lang dapat ang pulis na lalapitan mo Joy, ako lang dapat.”pahayag ni Lunova na malawak ang ngiting iknatapik muli ni Athena sa balikat nito na tumatango pa kay Lunova. “Oo naman, sayo lang ako nagtitiwala eh. Anyway, alis na ako dahil may raket pa ako. Full sched ng raket ang araw ko.”pahayag ni Athena bago masayang nilingon ang mga kasama ni Lunova sa presinto. “Paano mga boss, mauna na ako. Sa susunod na trabaho ko sa inyo dapat ilibre niyo ko ng maiinom ha.” “Makakaasa ka Joy, beng beng beng…”sagot na pahayag ni SPO5 Lukas na may gesture pang bumabaril kay Athena na kusang napatigil sa ginagawa niya dahil ramdam niyang nakatingin si Lunova sa kaniya kaya itinuon niya ang mga mata niya sa harap ng computer niya na bahagyang ikinatawa ni Athena. “Aasahan ko ‘yan SPO5 Baquiran.”sambit ni Athena na nilingon si SPO1 Monday na seryoso sa lamesa nito. “Bye bye SPO1 Monday, chill ka lang okay?”agaw pansing tawag niya dito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin na inasahan niya na. Binalik nalang niya ang tingin kay Lunova na nakatingin narin sa kaniya at sumaludo siya dito. “Permission to leave sir!” ngiting pahayag niya kay Lunova na ikinailing nito. “Siguraduhin mong legal ang raket na pinapasok mo Joy, ayokong bumalik ka sa presinto ko na inerereklamo ka nila at gustong ipakulong.”paalala ni Lunova na ikinatayo ng ayos ni Athena. “Aye aye captain, Good bye Lulu.”ngiting paalam ni Athena na lihim na napangiwing tinalikuran na si Lunova at dali-daling lumabas ng presinto ng maalala niyang may ninakawan siya ngayong umaga. Agad kinapa ni Athena ang kwintas na may singsing na ninakaw niya sa bulsa ng ripped jeans niya na bahagya niyang ikinangiti. “Mapansin man ni pogi na may nawawala sa kaniya for sure hindi niya iisipin na nanakaw ‘yun. Tsaka nalang kita isasangla pag gipit na gipit na ako.”pahayag ni Athena bago tinapik ang bulsa niyang pinaglalagyan ng kwintas na may singsing na nanakaw niya bago tuluyang umalis sa may presinto. KARARATING lang ni LAY sa law firm ni ToV, agad siyang bumaba sa kotse niya at kinuha ang bulaklak na binili niya kanina ng dumaan siya sa isang flower shop. Naglakad na siya papasok sa loob ng firm ni ToV, binati siya ng guard at sa tuwing pumupunta siya sa opisina ni ToV ay hindi naiwasang pagtinginan siya lalo na ng mga empleyadong babae ng kaniyang kaibigan an magiliw na ngiti ang ipinapakita niya. Maluwag ngayon ang schedule niya dahil naayos niya na ang mga dapat ayusin sa K.A.C, walang pag-uusap na magkikita ang Phantoms sa bound nila maliban nalang na imbitado sila sa kasal ng pinsan ni Irish na self-proclaim butler ni Paxton na si Trace na magaganap dalawang araw mula ngayon. Matagal din nang magkita sila ng secretary ni ToV na si Sandra dahil sa dami ng nangyari the past few days, wala siyang contact sa dalaga kaya alam niya na tinatanong siya nit okay ToV. Sumakay na sa elevator si LAY at kinapa ang bulsa ng coat niya na sa tingin niya ay kay Sandra niya ibibigay dahil wala naman siyang ibang babaeng nakakakuha ng atensyon niya kundi ito. Napakunot nalang ang noo ni LAY ng hindi niya makapa ang kwintas na binigay ng kaniyang ina sa kaniya. Kinapa lahat ni LAY ang bawat bulsa ng suot niya pero wala siyang kwintas na nakita. Alam ni LAY na nilagay niya ito sa bulsa ng coat niya at hindi niya ito naipapatong kung saan, alam niyang dala-dala niya ‘yun at dahil bigay ‘yun ng kaniyang ina ay lubos niya ‘yung iniingatan kaya imposible niyang iwala iyon. Kunot noo si LAY na napapaisip kung paanong nawala sa kaniya ang kwintas niya at hindi niya makita sa kahit saang bulsa ng coat niya ng bigla niyang maalala ang magandang babae na nakabanggan niya kaninang umaga. Ayaw ni LAY mag-isip ng masama sa kapwa niya hanggat hindi niya napapatunayan pero nawala sa kaniya ang kwintas niya matapos siyang banggain nito. “Is she a thief?”kunot noong tanong ni LAY sa kaniyang sarili At dahil lumaki siyang kalmado at control ang emosyon niya ay hindi siya nataranta sa pagkawala ng kwintas ng kaniyang ina o nainis sakaling nanakaw nga sa kaniya ito. Ang kailangan lang ni LAY para makasiguro ay mahanap ang magandang babae na nakabanggaan niya kanina, hindi nangangamba si LAY na hindi niya na ito makikita. Isa pa, tanda niya ang magandang mukha ng babae kaya mabilis niya itong makikilala at naniniwala si LAY na maliit lang mundo. Mahalaga sa kaniya ang kwintas ng kaniyang ina na ibinigay sa kaniya kaya kailangan iyong maibalik sa kaniya, kung normal na kwintas lang ang kinuha sa kaniya ay pababayaan ni LAY ‘yun pero mahalagang kwintas ang nawala sa kaniya. Nang magbukas ang elevator ay lumabas na siya doon ng makita niya si Sandra na may natutuwang ekpresyon sa mukha nito ng makita siya na sinalubong siya. “LAY, akala ko matagal pa bago ka ulit bumisita dito.”sambit nito na ngiting ikinaabot ni LAY ng dala niyang bulaklak dito. “Sorry, I was busy for the past days. Marami kaming inasikaso ni Valenzuela ng magkasama.”ngiting hingi niya ng tawad dito. “Alam ko naman, lahat kaya ng naiwang trabaho ni Boss ay ako ang sumalo. Pati reklamo ng mga kliyente na siya ang gustong paghawakin ng mga kaso nila ay sa akin napupunta. Minsan talaga naiisip ko na tanggalin sa trabaho si Boss pero naalala ko, he’s the boss.”pahayag na reklamo ni Sandra na bahagyang ikinangiti ni LAY sa sinabi nito. “Anyway, mukhang bumabawi naman siya. Salamat sa bulaklak, I’ll bring coffee in Boss office.”ngiting sambit nito kay LAY. “Thank you.” Masayang naglakad ito papunta sa dereksyon ng pantry bago nagtuloy ng lakad si LAY papasok sa opisina ni ToV na nakita niyang subsob sa lamesa nito. “Many cases? You should not let your cases piled up Valenzuela.”kumento ni LAY kay ToV na lumingon sa kaniya at napabuntong na ikinasandal nito sa upuan nito na bahagyang ikinatawa ni LAY. “Tangna! Sobrang daming tambak na cases na dapat kong pag-aralan. Letse, bakit nagtayo pa ako ng sarili kong firm kung ako lang din pala ang gusto nilang humawak ng mga kaso nila?! What’s the use of my lawyers working here? Damn!”reklamo ni ToV na ngiting ikina-upo ni LAY sa upuan malapit sa lamesa nito. “I bet nagkasalubong na kayo ni Sandra sa labas, kanina ka pa niya inaabangan na dumating nung sinabi kong darating ka. My secretary was whipped in you kamahalan, sort out that interested feelings you have for her, baka umasa ‘yun at madamay ang trabaho sa akin.”pahayag na opinyon at payo ni ToV na kalmadong ikinatango ni LAY. “I will.” “Alam ko namang si Sandra ang ipinunta mo dito, you can take her in her lunch kamahalan.”pahayag ni ToV na ibinalik ang atensyon sa kaniyang mga case na pag-aaralan. “Maybe I’ll ask her tomorrow, pupuntahan ko si Lu to report for something.”sambit ni LAY na salubong ang kilay na ikinabalik ng tingin ni ToV sa kaniya. “Report for something what?” “I think someone stole my mom’s necklace to me this morning, I’ll report it to him.”kalmadong sagot ni LAY “Nawalan ka na kamahalan, kalmado ka parin. Ano bang aasahan ko. Teka? bakit ire-report mo pa kay Santos kung pwede mo naman ipahanap kay Calissi ang nagnakaw ng kwintas sayo?” “He’s not with me right now, nagpa-iwan siya sa royal palace to do something as per my dad told him to do. I think he’ll be back here tomorrow with Theseus. Besides, this happened should know by the authority right?”ngiting pahayag ni LAY na ikinapangalumbaba ni ToV sa lamesa niya. “Nakalimutan ko, isa ka nga palang demokratikong prinsipe. Malulungkot si Sandra dahil hindi ka magtatagal dito pero I know mahalaga ang nakuha sayo.”pahayag ni ToV ng magbukas ang pintuan niya na ikinalingon nila ni LAY at pumasok ang sekretarya niyang may dalang dalawang tasa ng kape at matamis ang ngitig inilapag iyon sa lamesa ni ToV. “Magtatagal k aba ng stay dito sa firm ni Boss? Gusto mo bang sabay tayong mag lunch? It’s been so long since the last time that we eat together.”sambit ni Sandra na naiiling na ikinakuha ni ToV sa kape niya. “I’d love that idea but let’s do that some other time. I apologize Sandra but I need to go in my friend’s precinct. Babawi ako sayo promise, there’s just something happen this morning that I need to do.”may ngiting paumanhin ni LAY na tumayo sa pagkaka upo niya at hinaplos ang buhok ni Sandra na bumakas ang lungkot sa mukha nito. “Thank you for the coffee.”sambit ni LAY bago nilingon si ToV na tinanguan lang siya bago siya naglakad palabas ng opisina ni ToV. “Don’t fall too hard Sandra, hindi maganda sa puso ‘yan.”payo ni ToV na sinimangutan nito kahit nalulungkot siya sa maagang pag-alis ni LAY na mabilis niyang ikinatakbo palabas ng opisina ni ToV upang habulin si LAY na ikinailing nalang ni ToV. Nang malapit ng makasakay si LAY sa elevator ay naabutan pa siya ni Sandra na tinawag ang pangalan niya na ikinalingon niya dito. “May problema ba?”kunot noong tanong ni LAY na bahagyang hinihingal na ikinangiti ni Sandra. “Day off ko bukas, kung hindi ka busy pwede ba tayong lumabas LAY?”lakas loob na aya ni Sandra na ikinangiti ni LAY sa kaniya. “I’ll clear my schedule for tomorrow.”sagot niya na lihim na ikinatuwa ni Sandra at agad nakabawi sa lungkot niya kanina. “Just call me Achilles , Sandra. Sanay akong tinatawag mo ako sa ganiyang pangalan ko.”ngiting pahayag ni LAY na ngiting ikinatango ni Sandra. Nagpaalam siyang muli dito bago sumakay ng elevator, kumaway pa ito sa kaniya bago tuluyang magsara ang elevator. Hindi sanay si LAY na may tumatawag sa kaniya sa second name niya maliban sa kaniyang kambal at sa kaniyang ina at ama. Si Taz lang din ang minsan na tumatawag sa kaniya sa second name niya at hindi siya kumportable na may ibang tumatawag sa second name niya. Nang makarating si LAY sa ground floor at dere-deretso siyang lumabas sa firm ni ToV at ngiting nagpaalam sa mga empleyado na bumabati sa kaniya. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar ito ng tumunog ang cellphone niya na agad niyang sinagot gamit ang Bluetooth earpiece niya. “Hello.”kalmadong sagot niya sa tumatawag sa kaniya. (Achi! I’m here at Knight’s Mansion, Uncle Ash told me na maaga kang umalis sa K.A.C. I thought you’re here now sa Knight’s mansion, care to go home for your pretty twin sister?) “You always go home unannounced Artemis, I’m heading to Lu’s precinct.”kalmadaong sagot ni LAY at dahil alam niya ang ugali ng kambal niya, alam niyang aangal ito at magda-drama sa kaniya. (OMG Achilles, don’t tell me mas gusto mong puntahan si Lu kaysa sa kambal mong minsan lang dumalaw sayo.) “You’re doing it again Artemis, you should visit the Royal Palace. Dad and Mom missed you a lot.”pahayag ni LAY na agad niyang iniliko ng dereksyon ang kotse niya pauwi sa Knight’s Mansion. Alam ni LAY na makikita naman niya ang kumuha ng kwintas niya kaya ipagpapabukas nalang niya ang pagpunta sa presinto ni Lu. Alam niya kasing kukulitin siya ng tawag ng kambal niya pag hindi siya umuwi sa Knight’s Mansion. At bago siya dumeretso ng uwi ay dumaan muna si LAY sa isang drive tru coffee shop upang dalhin para sa kambal niyang si Leigh dahil alam niya ang pagkahilig nito sa kape. Matapos siyang maka-order ay agad na siyang umalis at kasabay nun ang pagdating sa coffee shop ng babaeng nakabungguan niya kaninang umaga na sa tingin niya ay hawak nito ang kwintas na nawawala sa kaniya. “Hindi ako late Rita, muntik lang.”ngiting sambit ni Athena sa katrabaho niya sa drive tru coffee shop na part time niyang pinagtatrabahuhan. “Ikaw talaga Athena, ang muntikan mong pagka late lagi ay alanganin. Bakit kasi hindi ka nalang kasi dito mag focus at hindi Wednesday-Saturday ang part time mo dito kung puwede namang full time. Tigilan mo na ang paghahanap ng mga raket diyan.”payo ng katrabaho niya na malawak niyang ikinangiti habang sinusuot ang apron niya. “Alam mo naman na kulang ang sinasahod natin dito sa pangangailangan ko, mas okay ng maraming raket kaysa wala.”ngitig pahayag ni Athena na ikinailing nalang ng kaniyang katrabaho. “Kung pupunuin mo ng raket ang buhay mo ba ka hindi ka na makahanap ng lalaking mag-aalaga sayo at magmamahal sayo.”pahayag ng katrabaho niya na bahagyang ikinatawa lang ni Athena. “Okay lang na hindi ako makahanap ng ganiyan, basta marami akong raket. Hindi ko paglalaanan ng oras ang ganiyang bagay.”pahayag na sagot ni Athena na ikinabit balikat ng katrabaho niya. “Sabi mo eh pero wag mong maliitin ang pana ni kupido, marami na kayang nabibiktima ‘yun lalo na sa panahon ngayon.”sambit nito na ikinatigil ni Athena sa pag-aayos ng mga paper cups sa lagayan nito. “Hindi uubra sa akin ang pana niya, huwag ako dahil mare-reject lang siya.”deklara ni Athena na ngiting tinuloy ang trabaho niya.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작