Tahimik na nagta-trabaho si Chard sa opisina niya nang marinig niya ang phone niya na tumunog kaya naman tumigil siya at tiningnan kung sino ang nag-text sa kaniya.
-She's back, Chard. Nandito kami ngayon sa Mall malapit sa bahay nila.
Pagkabasa ni Chard sa text ng kapatid niya ay para siya naging statwa.
"She's back? Here in the Philippines? Really?" bulong sa sarili ni Chard na nag-aalinlangan kung pupuntahan ba niya ito or hindi para lang makita.
A moment of dilemma passed by to him, there's an excitement in his heart just thinking of seeing her again. At ng nakapagdesisyon na siya kung sino ang susundin niya, kung ang puso ba niya or ang utak niya nang tumayo siya bigla sa upuan niya at tinanggal ang white coat niya. Then, kinuha niya ang itim na sumbrero niya at mabilis siya lumabas ng opisina niya bitbit ang phone niya, at pumunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Binuksan niya kaagad ang engine ng sasakyan niya at humarurot na palabas ng hospital. Ilang minuto lang ay narating na niya ang Mall kaya naman mabilis niya binuksan ang phone niya at tinext ang kapatid niya.
-Nasaan kayo ngayon?
At ilang segundo lang ay nakatanggap siya nang reply sa kapatid niya.
-Nandito kami ngayon sa cinema nanonood ng mermaid.
-Anong seat kayo?
-Sa F seats.
Pagkabasa sa text ni Chard ay lumabas na siya nang sasakyan niya at mabilis na sumakay ng elevator papunta sa 4th floor kung nasaan ang cinema. Pagkarating sa cinema ay hinanap niya ang movie na may mermaid, then bumili siya nang ticket malapit sa F seat kahit na hindi niya ito type. Pumasok na siya sa cinema at kahit na madilim ang buong paligid ay hinanap niya ang familiar na ulo nang kaniyang kapatid sa linya nang F seat. Pagkakita sa ulo nang kapatid niya ay hinanap kaagad ng mga mata niya ang familiar na ulo nang babaeng una niyang inibig na hanggang ngayon ay hindi niya maalis sa isipan niya kahit ilang taon na ang lumipas. Sa E seat siya naupo, sa banda dulo para masilayan ang itsura nito na matagal na niyang gustong makita. Mula sa upuan niya ay lumingon siya at kahit na madilim ay kitang-kita niya ang mukha nang babaeng kahit kailan hindi niya malilimutan.
His eyes are sparkling seeing her again, like it's the first time he sees her again. After so many years, he finally sees her again na naging dahilan kung bakit bumilis ang t***k ng puso niya na there's a part of him na gusto ito lapitan but then, he would rather stay where he is than approach her and scare her away once more.
"Here, you can all have it. It's okay," sambit ni Princess, at binigay ang hawak na popcorn kay Amara na nasa kaliwa niyang side.
"Thank you po, Tita," mabait na tugon ni Amara at ngumiti rito.
Napangiti si Princess dahil dito nang mapansin niya na parang may nakatingin sa kaniya kaya naman napatingin siya sa banda dulo nang upuan sa harap nila at nakita niya na nakatingin sa kaniya ang lalaking may sumbrero na naging dahilan kung bakit kumunot ang noo niya. Samantala si Chard ay kaagad na umiwas ng tingin ng mapansin siya nito para hindi siya masyado mahalata nito. However, hindi pinansin ni Princess ito at bumalik na sa panonood, thinking that it's just someone who heard them talking kaya naman hinayaan na niya ito. On the other side, lingon ng lingon si Alek as he is expecting his little brother to come since they have been texting nang mapansin siya ni Rachel kaya siniko siya nito.
"Okay ka lang? Bakit ba lingon ka nang lingon? May hinanap ka?" asar na tanong ni Rachel dito sa mahinang boses since nasa loob sila nang cinema.
"Sorry, hinanap ko kasi si Chard," bulong pabalik ni Alek na hindi pa rin tumitigil sa kakalingon.
"Huh? Si Chard? Anong ibig mo'ng sabihin? Sinabihan mo ba si Chard na nandito tayo ngayon?" tanong ni Rachel dito.
"Oo, tinext ko siya," sagot ni Alek na walang pag-aalinlangan.
"What?!" gulat na sabi ni Rachel na napalakas ang boses kaya napalingon sa kaniya si Princess at ang anak niya. "Sorry," paumanhin niya sa dalawa at hinampas ang braso ni Alek dahil sa kalokohan na ginawa nito.
"Aray ko naman," ani ni Alek pagkahampas nito sa braso niya kaya naman he rubbed it.
"Siraulo ka. Bakit mo tinext si Chard? Baliw ka," inis na bulong ni Rachel.
"Bakit hindi? Alam mo naman na mahal pa rin ni Chard 'yang si Princess kaya as his big brother, I need to support him," dahilan na replied ni Alek, defending himself.
"Anong you need to support him? Sabunutan kita riyan, eh. Kakarating lang niya, ah, kaya pwede ba pagpahingahin mo muna siya? Give her a break, for Christ's sake, Alek," suway ni Rachel sa magaling niyang boyfriend na ayaw magpatalo.
"Pagpahingahin? Kita mo nga lumabas tayo kaagad at pumunta rito sa Mall. 'Yan ba ang pagod? At saka anong 'give her a break'? Ilang taon na siyang naka-break. Kaya walang masama sa ginagawa ko," pagtatanggol ni Alek sa sarili niya at sa kapatid niya.
"Ay naku, ang kulit mo. Kaasar ka. Manahimik ka na nga lang diyan. Stop looking around, ah. At huwag mo na i-text si Chard, pakiusap lang, ha. Tumigil ka na, kanina ka pa. Bingo ka na sa akin," galit na wika ni Rachel na binantaan ito dahil pinipilit pa rin nito ang gusto nito.
Hindi na sumagot pa si Alek at nag-make face na lang dahil alam niya na kapag ito ay lalong nainis ay baka mag-away na sila at hindi siya nito pansinin, na ayaw naman niya mangyari dahil mahal niya ito.
"Mommy, tubig," tawag ni Amara sa mother niya.
Binigyan naman ni Rachel ang anak niya nang isang bote nang tubig with a smile on her face dahil kahit na malaki na ito ay mahilig pa rin ito manood ng mermaid tulad ng dati nang mapansin niya na sa dulo nang upuan sa harapan nila na may nakatingin sa kanilang mga mata na ikinabahala niya. Nagkasalubong ang mga kilay niya dahil dito nang naisipan niya na kunin ang phone niya at palihim na tinext si Chard.
-Is that you?
Then, lumingon ulit si Rachel sa lalaking nakasumbrero na nakita niya na lumingon ulit sa kanila at nagtagpo ang kanilang mga mata. Wala pang segundo ay nakatanggap siya nang text galing kay Chard.
-Yes. Please don't tell Lorainne that I'm here. Please.
Pagkabasa sa message ni Rachel ay napakagat siya sa labi niya at saka lumingon ulit sa lalaking nakasumbrero na nakatingin ulit sa kaniya.
"Naku po, nandito nga siya. Hay, naku, ang kulit ng magkapatid na ito. Anyways, isa lang ang ibig sabihin nito. Hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Princess," bulong ni Rachel sa loob ng isipan niya at dahil doon ay nawala ang kaba sa dibdib niya knowing that it's Chard and not just anyone stalking them.
Maya-maya pa ay natapos na ang movie kaya naman lumabas na sila, tuwang-tuwa si Amara sa movie na napapakwento sa Tita Princess niya, na tuwang-tuwa naman dito dahil napakadaldal nito. Samantala si Alek ay mabagal maglakad dahil lingon pa rin siya nang lingon kakahanap sa kapatid niya nang hilahin siya ni Rachel kaya napatigil siya.
"Pwede ba tumigil ka na sa kakalingon at baka mabali 'yang leeg mo," suway ulit ni Rachel dito at naglakad sila sa likod ni Princess at Amara, following them.
"Teka, hinahanap ko kasi ang kapatid ko," sagot ni Alek at lumingon ulit sa pinto nang cinema kung saan sila lumabas.
"Hindi mo pa rin ba siya nakikita? Ako kasi nakita ko na siya, eh," banggit ni Rachel and she rolled her eyes dahil mas nauna pa siya na makita si Chard kaysa rito.
"Huh? Nakita mo na siya? Where? Where?" mabilis na tanong ni Alek na curious kung nasaan ang kapatid niya kung talagang nakita na niya ito.
"Ayun, oh, duleng," tugon ni Rachel at kinuha niya ang baba nito saka tinuro kung nasaan si Chard.
"Saan?" tanong pa rin ni Alek na hindi makita ang kapatid niya kahit na hawak na ni Rachel ang baba niya.
"Ay naku, ayan, oh, 'yung nakasuot ng itim na sumbrero," asar na sagot ni Rachel na binigyan na ito nang hint.
Dahil sa sinabi ni Rachel ay nilinawan ni Alek ang mga mata niya at naghanap ng lalaking nakasuot ng itim na sumbrero. And then, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa as he is recognizing his little brother, at ng mapagtanto niya na kapatid nga niya ito ay inalis niya ang kamay ng girlfriend sa baba niya.
"Oh, there he is," banggit ni Alek and he pointed at Chard na tahimik na naglalakad malayo kay Princess.
Rachel rolled her eyes again because of his silliness. "Kanina ko pa siya tinuturo, duleng ka," asar niyang sambit dito.
"Sorry," natatawang reaksyon ni Alek at nilagay niya ang kamay niya sa bewang nito, sweetly. "Pero sabi ko sa 'yo, eh, pupunta 'yan. Knowing that Lorainne is here? Kilala ko 'yang kapatid ko. Ilang taon ba naman niya iniyakan 'yan, eh," komento niya.
"Iniyakan? Anong ibig mo'ng sabihin?" taas-kilay na question ni Rachel sa boyfriend niya.
Itutuloy...