Alas-dose na sa orasan ng dumating si Alek sa mansyon, kaagad siya na nag-doorbell habang si Rachel ay tumigil sa pagkain niya sandali at tumayo.
"Stay here, okay? I'll be back," sambit ni Rachel sa anak na si Amara at naglakad na siya papunta sa pinto.
Tinignan niya muna sa monitor kung sino ang nasa labas at ng makita niya ang boyfriend ay binuksan niya ito at pinapasok.
"Hi," masayang bati ni Alek at hinatak bigla ang bewang nito sabay halik dito ng sobrang tamis.
She returned the favor too by kissing him. "Kumain ka na ba?" tanong niya rito after pulling from their kiss.
"Not yet, actually. May food ba riyan? Si Amara, nasaan?" tugon ni Alek at sabay sila pumunta sa dining table kung nasaan si Amara. "Hi, baby," malambing na bati rin niya sa anak niya at hinalikan niya ito sa pisngi.
"Hi, Dad. Kain tayo," nakangiting bati rin ni Amara habang kumakain.
"Hinay-hinay sa taba, anak, ah," paalala ni Alek at dumiretsyo sa kusina para kumuha nang sarili niyang plato at kubyertos, at saka naupo sa harap ng mag-ina niya.
"Masarap siya, Dad. Kuha ka," banggit ni Amara na kinamay na ang kinakain niya dahil sa sobrang sarap nito.
Natawa naman si Alek sa itsura nang anak. "Mukha nga, baby, dungis mo na, oh," aniya. "Nga pala, kailan ang uwi ni Princess?" tanong niya bigla kay Rachel habang nagsasandok ng food niya.
"Hindi ko rin alam. Pero huwag kang mag-aalala dahil kapatid mo naman ang attending physician niya kaya panigurado tututukan niya siya," sagot ni Rachel na napangiti just mentioning her two friends na magkasama ulit.
"Oh, si Chard ang doctor niya. Good for her," sambit ni Alek na napangisi dahil sa wakas ay nagkita ang dalawa.
On the other hand, kumakain ng tanghalian din si Nanny Deli at Princess nang may kumatok kaya pareho sila napatigil sa pagkain nila. Binuksan ni Nanny Deli ang pinto and was greeted by Chard na may dalang plastic.
"Good afternoon po, Nanny Deli," masayang bati ni Chard kay Nanny Deli at, pumasok na siya na hindi naghihintay sa permiso nito. He then stood tall at the right side of Princess. "I bought oranges and apples. Eat them at kailangan mo nang masustansyang pagkain. I already washed it so, I will just cut it," aniya at nilapag ang plastic of fruits sa lamesa, at saka siya pumunta nang banyo para maghugas ng mga kamay.
Samantala si Princess ay sinundan ito nang tingin, at saka tumingin sa dinala nitong plastic meaningfully. Pagkatapos maghugas ni Chard ay lumabas siya at nakita niya na binubuksan na ni Princess ang dala niyang orange kaya naman nagmadali siya na tumabi rito.
"Ako na," wika ni Chard na inagaw ang hawak ni Princess na orange na bukas na nang kaunti.
Pero hindi binitawan ni Princess ang orange, at tiningnan niya nang matalim ito. "Ako na. Wala ka ba pasyente at nandito ka ngayon?" mataray niyang counter at siya na mismo ang nagbalat sa hawak niyang orange.
"Um...okay, sige, ikaw na. Well, nandito ako to see kung iinom ka talaga nang gamot mo," tugon ni Chard na hindi nagpadaig dito at kumuha rin ng isang orange para balatan niya.
"You don't need to do that. Isa pa, I'm not stupid not to take it. I was diagnosed with a type 2 diabetes, it's not a joke kaya naman I would rather drink my medicine than stay here any longer," mahabang pasaring ni Princess na hindi nagpatalo rito, at sumubo na siya nang isang orange.
"That's good to know then, but still, hindi ako aalis hangga't hindi kita nakikita na uminom ng gamot mo," matigas na sabi ni Chard at nilapag ang binalatan na orange sa pinggan nito na nasa harapan nito.
"'Yun lang ba? So be it then," hindi padadaig na replied ni Princess na nilunok kaagad ang orange sa bibig niya at kinuha ang medicine sa tabi nang kama, sa ibabaw ng drawer, and drink it with water. "Okay, I'm done. Makakaalis ka na po," aniya at tumingin siya nang diretsyo rito, like she telling him to leave right away dahil ayaw niya ito kasama.
Natahimik si Chard dahil sa ginawa nito na naging dahilan kung bakit he clenched his jaw before he speaks. "Do we have a problem here? Bakit pinapaalis mo ako kaagad?" prangka niyang tanong dito dahil hindi na niya matiis ang pakikitungo nito sa kaniya.
"Isn't obvious already?" tanging replied ni Princess at tinaasan niya ito nang isang kilay implying that mayroon nga sila problema na ayaw na niya i-discuss pa.
"Well, it's obvious. It's obvious how you want me to go out of here. It's obvious too, that you have an issue with me. Kung ganu'n bakit ka pumayag na maging doctor mo ako if you are not gonna cooperate with me?" asar na komento ni Chard, like he is daring her to fight with him ng maungkat ang past nila na matagal ng nabaon sa limot.
"Are you done? Please, get out now," galit na sabi ni Princess na hindi nag-aalinlangan na paalisin ito sa kwarto niya.
Napatayo si Chard dahil sa asta nito sa kaniya na hindi na niya gusto, habang si Nanny Deli ay hindi na nakakain dahil sa bangayan ng dalawa sa harapan niya na parehong mainit ang ulo sa isa't-isa.
"I am here to help you, okay? I'm not your enemy here kahit you've been pushing me away for how many years," he snapped out na inungkat na nga ang past nila dahil sa galit na nararamdaman din niya.
"Don't you dare open that," inis na wika ni Princess kahit na matangkad ito sa kaniya, since nakaupo siya sa kama.
"So, ganu'n na lang 'yun? We're just gonna let it pass na wala man lang explanation?" he madly told.
"I have nothing to explain to you. I don't owe you anything," mataray na ani ni Princess at inirapan niya ito bago bumalik sa pagkain niya nang orange.
"Oh, yeah, you owe me EVERYTHING! You don't want to go there, but you keep provoking me," nanggigigil na wika ni Chard na hindi na talaga napigilan ang sarili.
"Could you just leave my room?" pakiusap ni Princess without looking at him dahil naiinis siya rito.
"Wow. So, until now you're just gonna ignore and avoid me na parang walang nangyari sa atin before?" he blurted out.
Napatigil ulit si Princess sa ginagawa niya at dahan-dahan na iniangat ang ulo niya, at matalas na tumingin dito dahil sa matabil na dila nito. "Seriously? You wanna discuss that now?" pagbabanta niya rito.
Natahimik si Chard dahil sa mga tingin nito na makahulugan, na naging dahilan kung bakit iniwas niya ang ulo niya at napakagat siya sa labi niya dahil kahit na nag-aaway sila ay hindi niya mapigilan ang sarili na bumigay rito. "Okay, listen," aniya na humarap ulit dito, but more calmly. "I know that I am out of line and I am sorry for that, but can we just...talk? You know, just talk na tayo lang about what happened to us? Please, Lorainne, I'm begging you," pakiusap niya rito na inamin ang pagkakamali niya. He then sat down again as he lowered himself at her para lang makapag-usap sila about their past.
"Uh...iwan ko muna kayong dalawa, mga anak," excused ni Nanny Deli at dali-dali na lumabas ng kwarto para makapag-usap ang dalawa nang maayos.
"There's no US, okay? Even before. Now, get out and I don't want to see your face again. Get me another doctor and I don't care anymore kung magbayad pa ako nang malaki. Basta hindi ikaw," mariin na banggit ni Princess to emphasize na wala kahit kailan namagitan sa kanilang dalawa.
"Come on, Lorainne, wala na ba talaga? Wala na ba talaga ako chance? Ano ba gusto mo gawin ko para lang patawarin mo ako sa ginawa ko? Do you want me to kneel?" nagmamakaawa na sabi ni Chard at tinanggal ang upuan sa likod niya para makaluhod siya sa gilid nito. "Please, Lorainne, miss na kita. At inaamin ko, mahal pa rin kita kahit ilang taon na ang nakalipas. Just give me one chance and I will make everything right," dagdag pa niya na napaluha na, at hinawakan niya ang forearm nito gently to convince her more.
"Get out," mataray na responded ni Princess na kinuha ang braso niya, at umiwas ng tingin dito indicating that she already had enough of him.
At dahil sa muling pagtanggi ni Princess kay Chard, he cries his eyes out more na parang he's been concealing it, and now he's ready to let it go after hearing her answer.
Habang si Princess ay napaluha rin just hearing him cry pero hindi niya pinahalata rito, and just look away.
Itutuloy...