Nagising ako sa tunog ng monitor na nasa tabi ko, at tulad ng inaasahan ko ay nasa hospital na naman ako. Minulat ko ang aking mga mata at ang una ko’ng nakita ay ang Tatay ko na puno nang pag-aalala batay sa mukha niya.
“Salamat naman at gising ka na, anak,” nakahinga niyang sabi at naupo siya sa kanan ko’ng side kung saan may upuan. “Naalala mo pa ba kung anong nangyari sa ‘yo? Kasi ang sabi sa akin ni Sir Neil, nakita ka na lang niya na bumagsak kaya dinala ka niya rito,” tanong niya sa akin na walang kaalam-alam kung anong tunay na nangyari sa akin at kung bakit ako nahimatay.
Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon, kung hindi niya ako nilapitan at hinalikan, eh di, sana wala ako rito ngayon.
Yare siya sa akin mamaya.
“Napagod lang siguro ako, ‘Tay, kaya ako inatake nang sakit ko,” dahilan ko’ng sabi na lang at ayaw ko rin sabihin sa kaniya ang tunay na nangyari.
“Hinay-hinay naman kasi anak sa paggawa, kapag alam mo’ng nahihirapan ka huminga tumigil ka muna. Hindi naman mahigpit si Sir Neil. Mamaya pagkadumalaw siya rito magpasalamat ka at siya ang nagdala sa ‘yo rito at nag-asikaso,” paalala niya sa akin.
— — —
“For Wendy Lee sa room 415,” sambit ko sa cashier na babae at iniabot ko sa kaniya ang card ko dahil magbabayad ako for her hospital, while I am wearing shades at baka may makilala sa akin rito sa hospital.
“For a moment, Sir,” tugon ng cashier at tumingin siya sa computer na nasa tapat niya, at saka humarap ulit sa akin. “Already paid na po room 415,” aniya.
Napakunot ako nang noo sa sinabi niya at tinanong ko siya, “Paid? Sino nagbayad?”
“I apologize, Sir, but we cannot disclose the name of the payer. Thank you. Next,” replied niya seriously at tumingin na sa taong nasa likod ko.
Humakbang ako palayo sa cashier na may pagtataka who paid her hospitalization, I wonder who was it. Baka si Mang Danny.
Umakyat na ako sa kwarto kung saan naka-admit si Wendy pero bago ako pumasok ay kumatok ako to let them know na papasok ako, at pagkapasok ko ay nadatnan ko na si Wendy na nakaupo sa kama at pareho sila napatingin ni Mang Danny sa akin. Pero ang atensyon ko ay na kay Wendy nang biglang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya at biglang naalala ko ang nangyari sa amin kaninang umaga.
Her lips are still lingering to mine, and I can really tell na she’s a virgin dahil bigla na lang siya naninigas na parang statue when our lips touched each other.
“Pasok ka, Sir, dito ka na maupo,” tawag sa akin ni Mang Danny na nakangiti at tumayo siya sa inuupuan niya to give it to me.
By the way he treats me, I assumed na hindi pa niya alam ang tunay na nangyari sa amin ng anak niya kaya naman tumingin ako kay Wendy at ang sama nang titig niya sa akin like she is telling me na may atraso pa ako sa kaniya. Nakakatakot ang tingin niya sa totoo lang.
“No, thanks, Mang Danny. I am just here to say na pwede na kayo umuwi. Everything was settled already. Nakausap ko na rin ‘yung attending physician niya and he said she is good to go,” magandang balita ko’ng hatid at tumayo na lang ako sa kaliwang side ni Wendy but a little bit far at baka hatakin niya ako dahil sa ginawa ko kanina, not taking Mang Danny’s seat.
“Mabuti naman kung ganu’n. Sige, banyo lang ako at mag-ayos na tayo nang mga gamit para makauwi na tayo,” tinuran ni Mang Danny at naglakad siya papunta sa banyo na nasa loob din ng kwarto.
The time na pumasok si Mang Danny sa banyo ay lumingon ako kay Wendy but I was greeted with a pillow na inihagis niya sa akin. I was surprised. Nasalo ko naman ang unan na tumama sa akin nang bumagsak ito mula sa mukha ko, at saka nagtagpo ang aming mga mata.
“Ang kapal din ng mukha mo, ah. Kaya ako na-confined ay dahil sa ‘yo,” inis na banggit niya, pointing me out.
Pero bakit ganu’n kahit nagagalit siya I found her cute. Namumula ang both ears niya sa galit since naka-tuck in ang hair niya kaya kitang-kita ko.
“Because of me? Talaga? Eh, may sakit ka pala sa puso. Bakit hindi mo sinabi sa akin?” concerned ko’ng tanong dahil kahit pa-paano ay responsibility ko siya since nakatira siya sa poder ko.
“What do you care? Wala kang pake. Teka, sabihin mo nga sa akin, ikaw ba nagbayad ng hospital bills ko? Inasikaso mo raw sabi ni Tatay?” matapang niyang sabi.
“Of course I care, you have a sick. And what did you say? M-me?” Pagkatanong niya sa akin ay bigla ako na-confused dahil hindi naman ako ang nagbayad. Pero sabi ni Mang Danny, ako raw? Bakit niya sinabi na ako, kung hindi naman ako?
“Oo, ikaw raw. Bakit hindi ba ikaw?” tanong niya ulit na may pagtataka.
Magsasalita na sana ako to correct her when I realized na it’s better na ‘yun ang alam niya para alam niya na may utang na loob siya sa akin, and so I can convince her to come with me. On that thought ay napangiti ako at binato ko sa kaniya pabalik ang unan, at saka ko isinuksok ang dalawang kamay ko sa trouser ko. “Yeah, it was me. So, you owe me. Not just today but yesterday too nu’ng nalasing ka. Remember? Ako ang nagbayad ng dress sa babaeng sinukahan mo last night. Ako rin nagbayad ng taxi na sinakyan natin at ng kaibigan mo. Lumalaki na nga utang mo sa totoo lang,” mentioned ko na may paniningil sa tono nang boses ko.
Napayuko siya after ng huli ko’ng sinabi like she is full of guilt na naging dahilan naman kung bakit lumambot ang puso ko.
“Magkano na ba ang utang ko sa ‘yo?” asked niya na biglang nagbago ang tono nang boses niya like a sweet kitten.
I cleared my throat before I speak to remove the guilt I have for her and act like I don’t have conscience. “You don’t need to pay all of that, Wendy. All I need is your answer to my question. Just say yes, baby,” seryoso ko’ng wika na nakipagtitigan ako sa kaniya to let her know na desperado na ako.
Pero bago ko pa man marinig ang sagot niya ay narinig ko na bumukas ang pinto sa banyo, at lumabas si Mang Danny kaya napa-cleared ako ulit sa throat ko like wala kaming pinag-usapan. Wrong timing naman siya.
Afterwards ay binuksan ko ang pinto nang sasakyan ko sa back seat at pinapasok ko na si Mang Danny at Wendy para makauwi na kami. And while I am driving ay pasulyap-sulyap ako sa direksyon ni Wendy sa pamamagitan ng rear view mirror habang siya ay tahimik na nakatingin sa bintana at tila malalim ang iniisip.
Eventually ay nakauwi na kami at hinatid ko pa sila sa lounge.
“Salamat, Sir, sa lahat. Magpahinga na rin kayo, Sir, at alam ko na napagod kayo sa pagmamaneho. Magpasalamat ka, anak,” tinuran ni Mang Danny at tinapik niya ang anak niya para lang magpasalamat sa akin.
Nagtagpo ulit ang mga mata namin ni Wendy and something weird is hanging between us. What the hell is this feeling I am having towards her?
“Thank you, Sir. Thank you so much,” malamlam at seryosong sabi ni Wendy, at ibinaba niya ang kaniyang ulo kaunti as respect to me.
Okay, that’s new.
“You’re welcome,” komento ko na may paninibago sa pinakita niyang ugali compared kanina at sa una namin pagkikita.
At kahit I want to say more I just turned my back to them at naglakad na ako pabalik sa mansyon. Nakatatlong hakbang pa lang ako nang tumigil ako at lumingon dahil may sasabihin pa sana ako, pero I’m too late dahil naisara na nila ang pinto.
This is weird.
Going back to my house, I am walking upstairs when I heard my phone ring and seeing Ate Lorainne’s name ay biglang naalala ko ang Dad ko na na-stroke. So, I answered it and put it in my left ear.
“Hello, Neil?” bati ni Ate sa kabilang linya na may aligaga, based on her tone of voice.
“I am listening,” maikli ko’ng replied, uninterested.
“Neil, where are you? When are you coming over? Dad wants to see you,” nagmamadali niyang tanong.
“May ginagawa lang ako, pero uuwi ako. Just wait for me. Don’t call again, or I won’t come,” matigas ko’ng replied at ibinaba ko na ang tawag.
Ang kulit talaga ni Ate.
— — —
I am eating dinner alone when I heard the doorbell kaya tumayo ako para tingnan sa monitor kung sino ang nasa doorstep ko, and to my surprise ay nakita ko si Wendy na nakatayo sa harap ko. Mabilis ko’ng binuksan ang pinto at kaagad ko siya hinarap.
Our eyes meet again and I don’t know but here we go again with this feeling na hindi ko maintindihan. Ano ba nangyayari sa akin? Sa kaniya ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.
“Yes? What can I do for you?” pag-uumpisa ko’ng tanong to somehow lighten the tension between us.
Her eyes went down after what I asked na ipinagtaka ko. Bakit may nasabi ba ako na hindi maganda?
She then go inside at siya na mismo ang nagsara nang pinto na lalong ipinagtataka ko. Sinundan ko lang siya nang tingin kahit na gulong-gulo ako sa ginagawa niya ngayon.
What is she doing?
She looked up to me and says,” I will help you out, but you have to keep your promise. I have conditions at kung hindi mo susundin lalayasan kita. Okay? The contract is only one month at hindi na hihigit pa ‘dun. No kiss sa lips. You are not allowed to touch me UNLESS I say so. Alright? At pagkatapos ng isang buwan ng pagpapanggap natin ay bayad na lahat ng utang ko sa ‘yo at ni Tatay. Wala na kaming utang na loob sa ‘yo. And lastly, after ng isang buwan itong bahay magiging akin. It means aalis ka at hindi mo na kami, o ako guguluhin. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Napangiti ako sa mga sinabi niya dahil sa bigat ng iniisip ko somehow ay pinagaan niya ang loob ko kahit na marami siyang kondisyones. “Deal,” I answered shortly at inilahad ko ang aking kanan kamay as I agreed to all of her terms and conditions.
Wala naman problema sa akin kung gusto niya ‘tong bahay. I will give it to her if she really wants it. After ko naman mapatunayan sa family ko na I am very well fine ay panigurado naman ako na tatantanan na nila ako, at magiging malaya na ako kaya I don’t need this house anymore. I am planning to stay in London after one month naman.
Nagising ako sa sarili ko nang naramdaman ko na tatanggalin na niya ang kamay niya, pero bago pa man siya bumitaw ay hinawakan ko siya nang mahigpit na naging dahilan kung bakit tumingin siya sa kamay namin, at saka tumingala sa akin na nakakunot na ang noo niya. “Just for the clarification, we will get married, okay? Kasama ‘yun sa pagpapanggap. So that means we need your father’s consent. We need to make him believe that we fell in love so quickly and that’s why we are getting married. Pero you don’t need to worry about that because I will take care of it. Ako na bahala sa Tatay mo. Ma—Ma— Ano ba ang tawag niyo roon…” paliwanag ko pero I forgot the thing na dapat ko’ng sasabihin.
Napaisip tuloy ako.
May term doon, eh, in Filipino, whereas the man courts the woman he wants to marry and get her parent’s approval before anything else.
“You mean, mamanhikan,” sabi niya, correcting me with her eyes na malamlam like she is telling me na ‘do-you-really-need-to-do-that?’ face.
“That’s right. We need to convince him. Kaya gagawin ko ‘yun. Ma-Maman-Mamanhikan ako sa inyo, sa Tatay mo,” nauutal ko’ng replied dahil nahihirapan ako magsalita nang Filipino kahit na marami na akong alam sa kanila.
“Oh, tapos, after that, saan tayo ikakasal? Sa west na lang para hindi na kailangan ng engrande na kasal since pagpapanggap lang naman ‘to. Ayaw ko nang malaki, gastos lang ‘yun,” tanong niya sabay reklamo.
Natawa naman ako sa komento niya. “Baka nakakalimutan mo, prinsipe ito’ng papakasalanan mo, woman. You don’t have to worry about the money. I got you, baby,” pagmamayabang ko’ng sabi na may pang-aasar sa kaniya at kinindatan ko siya after I said the last word.
Kumunot kaagad ang buong mukha niya when I called her that. “Pwede ba tigil-tigilan mo ang kakatawag sa akin ng ‘baby’, kinikilabutan ako, eh. Kadiri.” At hinatak niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko, at saka siya nanginig na parang diring-diri sa akin.
Napaismid ako sa reaksyon nito. “Wow, ah. Ako talaga ang kadiri? Halikan kita, diyan, eh,” pang-aasar ko at humakbang ako palapit sa kaniya attempting to kiss her on the lips again.
Pero isang malakas na palo sa noo ang aking natanggap mula sa malapad at mabigat niyang kanang kamay na naging dahilan kung bakit napapikit ako sa sakit.
“Ouch, ah! Tandaan mo, prinsipe ako,” pagbabanta ko sa kaniya dahil masakit ‘yung ginawa niya sa akin.
“Sa Dubai prinsipe ka, pero dito hindi. Ako ang reyna rito, tandaan mo ‘yan. At saka may atraso ka pa nga sa akin, eh. Napaka-yucky mo!” wika niya na hindi nagpapatinag sa akin. Sabay pinaghahampas niya ako sa braso nang sunod-sunod.
Pambihira talaga ‘tong babae na ‘to. Ang liit-liit pero ang bigat ng kamay, walang’ya.
“Enough na. Uy, enough na! Masakit na,” inis ko’ng banggit at lumayo na ako sa kaniya at baka gulpihin na ako nang babaeng amazona na ‘to.
“Hindi, halika rito. Kasi dahil sa ‘yo napunta na naman ako sa hospital. ‘Yang mga labi mo galing ‘yan sa ibang babae tapos ihahalik mo sa akin, kadiri ka! Halika rito sabi!” galit niyang sabi at hinabol na ako.
Now I know why bigla niya ako tinulak nang hinalikan ko siya at nahimatay pa siya. Kaya naman pala. “Ayaw ko nga. Sasaktan mo lang ako, eh,” rason ko at tumakbo ako palayo sa kaniya to save my life.
Walang silbi mga guards ko sa babaeng ito, pambihira.
“‘Wag kang tumakbo! Halika sabi rito at ng mabigwasan kang lalaki ka na akala mo kung sino, hindi naman tagadito!” sigaw pa niya habang hinahabol ako.
Natawa ako sa sinabi niya dahil napaka-prangka niya, walang preno rin ang bibig niya lalo na kapag nagagalit siya. In fairness, ang cute niya magalit.
Itutuloy…