Episode 16 Part I

4300
"A friend that wants your happiness will make a plan that you even not noticed. And a friend that wants you to forget the past will help that plan even his son will be used." - Ms. R.A CHAPTER 16 -IRISH P.O.V- Sa mga napapanood kong romance movie, lahat ng bidang babae ay nasasaktan dahil nagmahal sila. Umiiyak sila dahil akala nila walang saysay ang nararamdaman nila pero at the end naman lahat ng sakit at iyak na dinanas nila ay mapapawi dahil sa dulo ng kwento nila may happily ever after na nag aabang sa kanila kasama ang mahal nila. Sana parehas ng kwento nila ang kwento ko, aware ako na masasaktan ako dahil kay Paxton ako nahulog, kay Paxton na nahihirapang bitawan ang nakaraan, kay Paxton na hindi malimutan ang babaeng mahal nya. Mahirap panindigan ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya pero nangako ako kay Blue na tutulungan ko si Paxton na kalimutan ang masakit nyang nakaraan kahit sa dulo nito ay hindi parin masuklian ni Paxton ang nararamdaman ko sa kanya. Umaasa ako na sana kahit papaano ay mapansin nya ako pero hindi man mangyari 'yun atleast masabi ko man lang sa sarili ko na natulungan ko ang lalaking mahal ko bago man lang ako kunin ni Lord. Hindi ko naman sinasabi na mamamatay na ako pero dun din naman ako tutungo diba? My situation was slowy worsen, hanggang ngayon wala paring puso na tatanggapin ng katawan ko. Wala paring mahanap na donor si Kuya at hindi na ako umaasa. Kung ito nalang talaga tatagal ang buhay ko gagawin ko lahat para matulungan si Paxton. Ilang beses akong napapabuntong hininga dahil hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina, para tigilan ko si Paxton sinubukan nyang pahiyain ako sa maraming tao by leaving me singing alone. Kung hindi lang talaga ako sinabayan ni Nicollo baka umiiyak na nun habang kumakanta. Masakit yung ginawa nya pero ang masasabi ko lang, hindi 'yun ang magiging way para tigilan ko sya. Mas lalo lang akong binibigyan ng rason ni Paxton na mahalin sya. Ewan ko ba, kahit napapaiyak nya ako, kahit pinapakitaan nya ako ng mean na pag uugali 'yung nararamdaman ko sa kanya ay mas lalong lumalalim. Ganito ba pagnagmamahal? Muli akong napabuntong hininga at napayakap nalang ako sa sarili ko ng lumakas ang hangin, matapos palang umiyak ako sa likuran ni Noah ay dinala nya ako sa isang burol kung saan nakikita ko ngayon ang mga nagliliwanag na ilaw sa syudad. Kahit madilim ay naa-appreciate ko ang nakikita ko kaya lang malamig sa kinalalagyan namin ngayon. Nakaupo lang ako sa likuran ng sasakyan ni Noah. Dinala nya ako dito kasi sabi nya mapapagaan ng nakikita ko ngayon ang loob ko which is gumagana naman. Tinanong ko si Noah kung paano nya nalaman ang ganitong kagandang lugar at ang sagot nya lang sa akin ay ganun daw talaga pag gala maraming lugar na alam. Natigilan nalang ako at napalingon sa isang itim na jacket na isinuot sa akin na ikinalingon ko kay Noah na binigyan lang ako ng malawak na ngiti bago umupo sa tabi ko. "Malamig dito baka sipunin ka sisihin mo pa ako pag nagkasakit ka." pahayag nya na ikinangiti ko nalang. "Salamat." "Your welcome! anyway, ayos ka na ba?" Ibinalik ko ang tingin ko sa magagandang ilaw sa ibaba ng burol dahil sa tanong ni Noah, ayoko namang magsinungaling sa sarili ko na ok na ako kahit apektado parin ako sa nangyari pero hindi naman pwedeng magmukmok ako dahil lang dun. "Naiyak ko naman na lahat siguro sa likuran mo kanina so ok na ako for now." sagot ko sa kanya na wala na akong tanong na narinig mula sa kanya. "Sigurado akong maraming batok ang ibibigay ni Mel sa akin dahil iniwan ko sya dun. Sana naiuwi sya ni Demon ng maayos." pahayag ko ng maalala ko si Mel na naiwan ko sa bahay nina Taz. Nag text naman ako sa kanya na kailangan ko lang magpahangin saglit, sinagot nya lang ako ng maikling 'ok' pero ang ibig sabihin nun ay lagot ako sa kanya pag uwi ko. Alam ko din na nag aalala si Demon sa akin kaya tinext ko din sya na ok lang ako, gusto pa nga nya akong puntahan kung nasaan ako pero sabi ko nalang sa kanya ay ihatid nalang si Mel sa bahay namin.  "Why him? Hindi sa nag pi-feeling close ako sayo Irish but from what i saw earlier? Why him?" tanong ni Noah sa akin na bahagya kong ikinangiti sa kanya. "Bakit sya?Actually Noah hindi ko alam, nang una ko syang makita sa JEYA natagpuan ko nalang ang sarili kong hinahanap sya, na gusto ko syang makilala hanggang sa marealize ko nalang na mahal ko na sya. They say na ganun daw ang pag-ibig, magmamahal ka ng hindi mo alam ang rason." pahayag na sagot ko na ikinatayo ni Noah sa pagkakaupo nya at tumayo sa harapan ko na may seryosonh tingin na ibinibigay sa akin. "Loving a person without a reason is a gamble, it's a risk that will lead you by your downfall. " pahayag nya na hindi ko masyadong naintindihan hanggang sa bumalik ang mga ngiti nya na ikinasalubong ng kilay ko. "But i saw some person who take that risk and they are happy now. Though hindi ganun kadaling makuha ang happily ever after without trials and pain." Hindi ko magets kung anong gusto nyang ipunto pero sa huling sinabi nya ay alam kong tama sya, hindi ka kaagad magiging masaya kung hindi ka makakaranas ng sakit at hirap, 'yun siguro ang sinasabi ni Noah na gamble. "Tama ka." sagot ko nalang kay Noah na naglahad ng kanang kamay nya sa harapan ko na ikinalingon ko dito bago muling ibinalik sa kanya ang mga mata ko. "Let's our friendship be official Irish, Mukhang mag eenjoy akong maging kaibigan mo." ngiting pahayag ni Noah na ngiting ikinaling ko nalang at tinanggap ang pakikipag kamay ni Noah. Wala namang masama, for me he's a good person tulad nina Demon but may something lang sa kanya na hindi ko matukoy but i feel that i should trust him. Nag stay pa kami ng ilang oras ni Noah sa magandang burol na pinagdalhan nya sa akin at nagkwentuhan pa bago nya ako ihatid pauwi sa bahay namin. Inaaya ko pa nga syang mag kape muna loob pero may tumawag sa kanya kaya umalis na din sya agad, Gusto ko pa naman syang ipakilala kay Mel. Papasok na sana ako sa loob ng matigilan ako ng mapansin ko ang isang itim na black ferrari sa may gilid ng bahay namin. Hindi naman ito ang ginagamit ni Demon pag sinusundo nya ako dito at sa pagkakatanda ko hindi rin ito ang gamit nila kanina pagpunta sa party nina Taz. "Kaninong sasakyan 'to?" Alangan namang nakiparada sa gilid namin ang may ari nito pero sa pagkakaalam ko wala sa mga kapitbahay namin ang merong ganito. Mahal ang ganitong sasakyan hindi sa minamaliit ko ang sarili namin pero hindi namin kayang bumili ng ganyang kamahal na sasakyan. Dahil sa pagtataka ko sa black ferrari na 'yan ay pumasok na ako sa bahay namin at dahil sa tingin ko ay narito na si Mel ay hindi na ako nag abalang kumatok at deretso na akong pumasok ng gulat na ikinatigil ko sa nakita kong mga kasama ni Mel na nakikipag tawanan sa kanya na sabay-sabay naman nilang ikinalingon sa akin. "Narito ka na pala Tanya, kamusta ang paglalagalag ng walang paa-paalam ha?" sermon sa akin ni Mel na ikinasalubong ng kilay ko dahil sa klase ng panenermon nya. Ang akala ko pagdating ko maraming sermon ang aabutan ko sa kanya with matching pagbulyaw sa akin pero sa tono ng pananalita nya ay mahinahon at malawak pang nakangiti sa akin habang nakaupo sa mahabang sofa namin at pinanggi-gitnaan  ni Mattias at Tenth habang nasa pang isahang sofa si Nicollo. ANONG GINAGAWA NG TATLONG MEMBER NG EASTERN BAND SA BAHAY KO??!! "Yow! fan ni Ryota kanina pa naghihintay ang friend mo sayo." kaway sa akin ni Mattias "Sorry kung naabutan mo kami dito, wala kasing kasama ang kaibigan mo at delikado sa isang babae na maiwan mag isa." sambit naman ni Tenth na biglang ikinatransform ni Mel bilang si Maria Clara. Kaya hindi ako masermonan ng todo kasi katabi ang crush eh, pero teka? Bakit sila ang kasama ni Mel at hindi si Demon? "Nasaan si Demon?" "Naiwan si Demon sa bahay ng lider nila, mukhang may pag uusapan kaya nagpresinta na kaming kami na ang maghahatid sa kaibigan mo sa bahay nyo. Isang way lang din naman ang dadaanan namin dahil malapit na dito ang condo na tinutuluyan namin." paliwanag ni Nicollo sa akin. That's the reason kung bakit sila ang kasama ni Mel, mukhang umayon kay Mel ang gabing ito dahil mismong crush nya ang naghatid sa kanya. Dapat pala imbes na bulyawan ako ni Mel pagkaalis nila ay pasalamatan nya nalang ako dahil nagkaroon sya ng chance na makatabi ng malapitan si Tenth bonus pa si Mattias at Nicollo. "Salamat sa pagsama nyo kay Mel, baka pagod narin kayo pwede na naman kayong umu---" "Magkakape pa sila dito Tanya, bibigyan ko pa sila ng cookies kaya dito muna sila. Kukuha lang ako." pigil ni Mel sa sasabihin ko na agad tumayo sa kinauupuan nya at tumakbo patungo sa kusina na nahihiyang ikinailing ko. "Pasensya na kayo ah, malaki kasi ang paghanga nya sayo Tenth kaya sinusulit nya lang na narito ka sa bahay namin." nahihiyang paumanhin ko kay Tenth na ngiting umiling lang sa akin. "No worries, nakakatuwa namang kakwentuhan ang kaibigan mo." "Wala naman kaming masyadong i-schedule bukas kaya ok lang kahit gabihin na kami ng uwi though masesermunan lang kami ng bahagya ng tatlo pa naming kasama. Mga umi-edad na kasi." pahayag ni Mattias na sa tingin ko ay tinutukoy nilang member ay sina Hoax Quinn Vidal ang Rhytm Guitarist nila, si Cerres Sky Suarez ang  Lead Guitarist naman nila at si Haime Aries Montefalco ang seryosong Saxophonist ng banda nila. Pag nalaman ng mga kapitbahay na nakatambay ang tatlong member ng sikat na banda sa buong mundo sa bahay namin baka dumugin kami dito. Lagot pa kami ni Mel kay Kuya pag na headline 'to. Naupo nalang ako sa isa pang pang isahang sofa namin na katapatan lang ni Nicollo na ikinaagaw ng pansin ko ang jacket ni Noah na suot suot ko. Nakalimutan ko pang ibalik sa kanya, pag nagkita nalang ulit siguro kami, hindi naman sigurong malabong magkita ulit kami. "Kamusta ka?" tanong ni Nicollo na ikinalingon ko sa kanya. "Huh?" "In the way we saw kanina, mukhang sinadya nung isa sa kaibigan ni Percy na hindi ka samahan sa pagkanta kanina." pahayag ni Mattias na pilit na ikinangiti ko nalang sa kanilang tatlo. "Ok lang naman 'yun, expected ko 'yun pero nabigla din naman ako. Ang mahalaga hindi ako napahiya kina Gail at nagpapasalamat ako sayo Nicollo kasi kinanta mo 'yung part nya." "You don't have to thank me, reflexes ko na siguro 'yun as a musician." sambit ni Nicollo na ikinangiti ko nalang. "I pity you Ms. Fan ni Ryota, you like a man na wala namang pagtingin sayo pero pinu-persue mo parin, pagka martir ang tawag dyan diba?" pahayag ni Mattias na hindi ko ikinaimik at kita ko nalang na ikinalingon sa kanya ni Nicollo na ikinangiwi nito bago tumayo at hinila din patayo si Tenth. "Halika Tenth sa kusina at tulungan natin ang fan mo sa pag timpla ng kape." pahayag ni Mattias bago hila-hilang dinala si Tenth papunta sa kusina. Martir? Matatawag bang martir ang ginagawa ko? "I apologize for what my bandmate said to you, sa aming pito si Mattias ang walang filter ang bibig kaya nasasabi nya ang kung anong gusto nyang sabihin." sambit na paghingi ng paumanhin ni Nicollo sa akin sa sinabi ni Mattias na ikinailing ko nalang. Somehow, Mattias is right pero sa tingin ko ganun talaga once na nagmahal ka na. "But to tell you frankly he's right." sambit ni Nicollo na ikinatitig ko sa kanya ngayon na naktingin din sa akin. Bumuntong hininga si Nicollo bago bahagyang sumandal sa kinauupuan nya at ibinaling ang tingin sa sa ceiling bago muling nagsalita. "Masasaktan ka lang pag patuloy mong hahawakan ang isang taong hindi ka pinahahalagahan. It's good to fight for love but it's wrong to fight when you see that theres no reason to fight for. Sometimes you need to save your own heart, hindi na uso ang mga martir ngayon." pahayag nito bago muling ibinaling ang tingin sa akin at parang nakita kong dumaan sa mga mata nya ang isang emosyong dumaan din sa akin. Lungkot. Gustong kong magtanong kung anong reason ng lungkot na nakita ko sa mga mata nya pero ayoko namang mag usisa. "Tama naman ang mga sinabi mo but i promise to Blue, i promise to Demon na kakayanin ko 'yung sakit na idudulot ni Paxton. Nangako ako sa kanila na kahit mahirap tutulungan ko sya na makalimutan at talikuran ang masakit na nangyari sa buhay nya. I'm fighting for him because i have a reason to fight for kahit hindi nya masuklian ang nararamdaman ko. Actually, i am really saving my heart for a quite years now." ngiting pahayag ko kay Nicollo na nakatitig lang sa akin. "I can see a tough woman right now, fighting for a person that can't give the affection you want is kindly rare. I see, He's going to miss the woman who tried too hard to be close to him." pahayag ni Nicollo na tumayo sa kinauupuan nya at may ngiti na sa labing nagpamulsa sa harapan ko. "Try to listen Winter Sonata, My memory, it can console your heart if you listen to it." sambit na payo nya sa akin bag nilingon ang way ng kusina namin. "Mattias, Tenth let's go home, Baka nasa tapat na ng pintuan natin si Hoax." tawag nya sa dalawa na agad lumabas sa kusina na parehas may hawak na kape. "Bago palang ako magkakape Ryota." angal ni Mattias na ikinibit balikat ni Nicollo. "Wala namang problema sa akin but you explain to Hoa---" Hindi natapos ni Nicollo ang sasabihin nya ng sabay bumalik sa loob sina Mattias sa kusina at miya-miya pa ay sabay ulit silang lumabas at lumapit Kay Nicollo. "Tara na nga! Pag tumatanda na talaga ang hirap ng pakisamahan." sambit ni Mattias na nauna ng naglakad palabas ng bahay namin. "Te-teka aalis na kayo?" may lungkot na tanong ni Mel na nakalabas narin pala sa kusina. "Yeah! Hoax is kinda strict sometimes." ngiting sagot ni Tenth na sinundan na si Mattias na sinundan din naman ni Mel. "It's nice knowing you, Tanya." ngiting sambit sa akin ni Nicollo na lumapit sa akin at bahagya kong ikinatigil ang pagpatong ng kanang kamay nya sa ulunan ko at pinagpantay nya ang mukha namin na hindi naman ganun kalapit bago nya ako ngitian ulit. "Being tough is okay but your still a human, take a rest pag hindi mo na kaya and there's giving up on the choices if you see that you suffered enough." sambit nya sa akin bago nagpalaam sa akin at deresto ng lumabas ng bahay namin na ikinasunod ko nalang ng tingin sa kanya. Bakit pakiramdam ko kay Nicollo, nagmahal na sya pero parang hindi nya pinaglalaban base sa mga sinasabi nya sa akin. Tama kaya ang pakiramdam na naiisip ko sa kanya? Narinig ko na lang ang pagkabuhay ng makina at unti-unting pagkawala nito, i think they already left. Bumalik na si Mel na mukhang hinatid pa nya ng tanaw sina Nicollo at after maisara ni Mel ang pintuan tsaka ito humarap sa akin binigyan agad ako ng tingin na nakakamatay. "Now Tanya, mag usap tayong dalawa!"  Napangiwi ako sa klase ng pag uusap na gagawin namin, akala ko mapapaliban ito dahil nakadaupang palad nya na si Tenth mukhang hindi pala. -THIRD PERSON P.O.V- Tahimik at walang imikan sina Demon at Paxton na nakaupo ngayon sa Garden nina Taz habang hinihintay nilang puntahan sila nito. After kasi ng party ni Light ay sinabihan silang dalawa ni Taz na pumunta sa garden at hintayin sya na walang pagdadalawang isip na sinunod ng dalawa. Pinauna ng pauwiin ni Paxton sina Ruhk na alam naman nyang hindi susundin ni Trace at tulad ng ginagawa nito ay nasa paligid lang ito. Umalis narin sina Ribal kasama ang ilan sa kasama nito sa party, umuwi narin sina Balance,Travis,Ford,Sergio at Shawn para makapagpahinga na ng ayos ang mga asawa at anak nila. Umalis na din si LAY dahil uuwi sa Knight Mansion ang parents nito ganun din si Lu at ToV na may gagawin pa sa trabaho nila. Nagpaalam na din si Tad ganun din YoRi sa mga kaibigan at tanging si Devil at Blue nalang ang naiwan sa sala para hinatayin sina Demon. "Ano sa tingin mo ang pag uusapan nina Boss Taz at nung dalawa? Hindi kaya tungkol sa ginawa ni Paxton kanina?" pahayag na tanong ni Blue kay Devil na tahimik at seryoso lang na nakaupo sa kinauupuan nya "I am pissed to Ignacio too." Napabuntong hininga si Blue sa sinagot sa kanya ni Devil, alam naman nyang rude ang ginawa ni Paxton kay Tanya hindi rin naman kasi akalain ni Blue na mag iisip at kikilos ng ganun si Paxton para lang saktan si Irish. Alam nyang ayaw ni Paxton sa dalaga dahil naiinis ito dito lalo na at kapangalan ito ni Erza. Nung una ayaw ni Blue sa pinaplano ni Demon na ipaglapit si Irish at Paxton dahil alam naman nyang walang ibang babaeng hahawak sa puso ni Paxton kundi si Erza lamang pero ng marinig nya ang rason ni Irish kung bakit mahal nya ito doon nya na realize na hindi na tama para kay Paxton na manatili sa pagmamahal na hindi na kailanman mangyayari na mas lalo pang ikalulubog ni Paxton sa huli. Isa pa, hindi pa ito tumitigil sa paghahanap nito sa huling taong lumapastangan kay Erza kaya siguro hindi parin ito makabitaw sa nakaraan. Paxton still want to killed the last man for Erza pero hanggang ngayon alam ni Blue na hindi nya pa ito nakikita. Ilang beses naring pumapasok kay Blue na sabihin na kay Taz at sa iba ang mag isang paghahanap ni Paxton sa lalaking 'yun. Buntong hiningang sumandal si Blue sa kinauupuan nya dahil ngayon ay nagtatalo sa isipi nya kung sasabihin ba nya sa mga kaibigan o hahayaan nalang si Paxton na alam nyang kahit magawa nito ang gusto nito at mahanap nito ang taong 'yun hindi parin nito makakalimutan si Erza dahil sa pagmamahal nito dito. "Hindi naman natin masisisi si Paxton sa kinikilos nya, hanggang ngayon nakikita natin na mahal na mahal nya si Erza kaya ang malaman na may kapangalan ito ang nagiging dahilan para mag akto sya ng ganun sa harapan ni Tanya." "Tss! that's bullsh*t reason Ynarez! What his reason for hating a woman for just a f*cking name if their f*cking totally different? I want to f*cking beat him now." inis na pahayag ni Devil ikinangiwi lang ni Blue Sa kanilang magkakaibigan, si Devil ang may kahalintulad sa ugali ni Taz, pag naiinis ito o ayaw sa isang pangyayari o bagay ay hindi pwedeng walang kang mabibilang na salitang 'f*ck' sa lalabas sa bibig nito.  Sa nakikita pa naman nya tulad ni Demon ay may pag aalala na si Devil kay Irish na minsan lang mangyari. Sa huling pagkakaalam nya kay Gail lang ito nag alala at hindi nya akalain na mag aalala ito para kay Irish  Ayaw nyang isipin na may gusto ito kay Irish dahil hindi naman nya nakikita sa mga mata nito ang pagka gusto sa dalaga hindi tulad pag nahuhuli nya itong nakatingin kay Gail. "Kalma lang baby Devil ko, dapat naiintindihan mo si Paxton sa sitwasyong ito. Parehas kayong hindi maka move on diba? Isa pa, mahirap gawin 'yun para kay Paxton dahil hindi nya na nakikita si Erza at iniwan nya si Paxton na sobra nyang minamahal si Erza." pahayag ni Blue na sinamaan ng tingin ni Devil na bahagya nyang ikinalayo sa kaibigan. "Try to call,me baby again Ynarez, magko-concert kang namamaga ang mukha mo, i'll make sure of that." inis na banta ni Devil na ngiting ikina peace sign ni Blue sa kaibigan. "I know that moving on is hard to do but unlike that asshole, i'm doing my best to forget her." sambit pa ni Devil na akmang magsasalita si Blue ng sabay silang napalingon kay Taz na pababa ng hagdanan. "Oh Boss Taz bakit ikaw lang ang bumaba?Nasaan si Gail?" tanong ni Blue kay Taz na pokerface lang syang tiningnan "My wife need to rest, there's no need for her to come with me. I understand why Devil is still up here in my house but you Ynarez? What the f*ck your still doing here?" sita ni Taz kay Blue na natatawang hinaplos ang batok "Hinihintay ko si Paxton Boss Taz hehehe." "Why? Are you he's bodyguard now?" "Wala kasing kasabay pauwi si Paxton boss kaya nagpresinta na akong sabay---" "Lame excuses Ynarez." Bahagyang natawa si Blue at piniling wag nalang umimik dahil alam nyang mababara lang sya ni Taz. Ayaw nya ng mamura ni Taz dahil napaulanan na sya ni Devil bago ito dumating. "I'll wait until you and Ignacio tell me about something i should know, just to f*cking remind both of you. I'm not just your leader, nor your bound Emperor but your friend too or should i f*cking say that let me carry the burden too." seryosong pahayag ni Taz bago iniwan ang dalawa at tinungo ang way papuntang garden at iniwan si Blue na natulala sa sinabi ni Taz. Wala itong alam sa personal na ginagawa ni Paxton pero nararamdaman nito ang pinagdadaanan hindi lang ng isa pero ng lahat. Nahihiya mang sabihin ni Blue kay Tax ng personal pero masaya sya na nakilala nya si Taz, masaya sya at may kaibigan syang tulad nito. "Is there something on Ignacio that we need to f*cking know Ynarez?" pahayag na tanong ni Devil na ikinabuntong hininga ni Blue. Samantala sa garden ay hindi parin nag iimikan ang dalawa na parang hindi nila nakikita ang isa't-isa, sa pagkakaibigan na meron sila may oras na nagtatalo din sila at nagkakasagutan pero at the end ay nag uusap sila to fixed the problem hindi tulad ngayon na parang walang gustong manguna na ayusin ang di nila pagkaka unawaan. "What a f*cking brute." sambit ni Demon na salubong ang kilay na nilingon ni Paxton. "Ako ba ang tinutuko'y mong f*cking brute Mondragon II? Nasa harapan mo lang ako hindi mo na kailangang ibulong gago!" sitang puna ni Paxton kay Demon na ikinangisi nito. "Oh Ignacio? Natamaan ka? Sabagay bakit ko nga naman ibubulong pa kung pede ko namang sabihin ng harapan kung gaano ka kagago kanina." "Alam kong gago ako Ynarez, you don't need to tell me that. And why this f*cking big deal to you? Tangna baka nagkakalimutan tayo dito Mondragon, ako ang kaibigan mo at hindi ang babaeng 'yun." pahayag ni Paxton na ikinawala ng ngisi ni Demon at sinamaan na ng tingin si Paxton. "Kaibigan ko din ang babaeng sinasabi mo Igancio, at bakit big deal sa akin ito? Pinahiya mo si Tanya by not singing with her. Why hating her?Dahil sa parehas sila ng pangalan? Saan napunta ang utak mo Ignacio? You hate Tanya because of her name? Saan mo dinala ang utak mo ha?" galit na pahayag ni Demon na ikinasama na din ng tingin ni Paxton sa kaibigan. "Uulitin ko sayo Mondragon, ikaw ang nagtaas ng kamay ko para samahang kumanta ang kaibigan mo, at ano naman kung sinadya kong hindi sya samahan kanina? I don't like that girl, and yes tama ka! i hate her for using and bragging my Tanya's name that not suited on her." Dahil sa inis sa mga sinabi ni Paxton ay padabog na tumayo si Demon at galit na tumayo sa harapan ni Paxton.  "Your f*cking unreasonable Ignacio! Why still into Erza if she's already gone! Hindi mo ba nakikita ang effort ni Tanya na magustuhan at mapansin mo? Okay lang naman kahit hindi mo agad masagot ang nararamdaman nya but damn Ignacio! Hindi mo sya kailangang pakitaan ng gago mong ugali. Bakit hindi mo sya kilalanin! Kalimutan mo na si Erza pwede ba, she's dead long time ago!" bulyaw ni Demon na galit na ikinatayo ni Paxton and he harshly grip the shirt of Demon at nagbabagang tingin ang ibinibigay nya kay Demon. "You don't f*cking tell me to forget her Mondragon!  Hindi mo alam ang sakit na dala-dala ko simula ng mawala sya sa akin. Huwag mong sabihin sa akin na parang napakadali na kalimutan ang babaeng mahal na mahal ko!I don't f*cking care kung gusto ako ng babaeng 'yun at kung tinutulungan mo sya na makalapit sa akin, i'll tell you huwag mo ng ituloy dahil sya lang din ang masasaktan." "Your hopeless Ignacio, holding for your love with a woman na matagal ng wala, i pity you." walang emosyon na sambit ni Demon na akmang susuntukin si Demon na mabitawan nya ang pagkakahawak nya kay Demon at sabay silang napangiwing humawak sa tagiliran nila at sabay nilingon si Taz sa tabi nila na kabababa lang ng dalawa nyang kamay. "No fights in my garden morons." sita ni Taz sa kanila na ikinasama lang nila ng tingin at bago nila irapan ang isa't-isa. Bumuntong hininga si Taz bago nilingon si Paxton at walang sabi-sabing sinuntok si Paxton sa sikmura na nasaktang ikinayuko ni Paxton at sya namang ikinangiwi ni Demon. "D-damn Westaria! Bakit sinikmuraan mo ko?" ngiwing reklamo ni Paxton na ikinapamulsa lang ni Taz sa suot nyang pants. "Your not that dumb Igancio, why did you think i punch you?"
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작