Episode 4 Part I

3382
"When you are weak physically, you are limited to do what you want and the saddest part is you can't even be against on it." - Rhen CHAPTER 4 -IRISH P.O.V- "Waaahhh! talaga Mel? Nag bigay si Kuya Tomi ng isang set para sa akin?" (Oo, nung nalaman nya na pinapayagan ka na ulit palabasin ni Orlin ay inayos nya agad ang welcoming gift nya sayo and that is you can sing again on JEYA's bar were Kuya Tomi is managing.) Nagbubunyi ako sa kagalakan dahil sa balitang inihatid ni Mel sa akin, ang lalim nuh? pero ikinasaya ko talaga ang ibinalita ng bestfriend ko sa akin. Sa sobrang tuwa ko ay nag gugumulong ako sa kama ko at naghuhumiyaw na wala namang boses akong inilalabas. Mahirap na baka biglang tumakbo si Kuya sa kwarto ko bigla agad kontrahin ang magandang balitang natanggap ko. Kailangan ikondisyon ko muna si Kuya para pag sinabi ko na sa kanya na gusto ko na ulit bumalik sa pagkanta sa JEYA ay payagan nya ako. Namiss ko din ang kumanta sa JEYA at i-express ang feelings ko gamit ang pag awit, isa pa ang pagkanta ko sa JEYA ang naging way para makita ko ang lalaking yun na hindi na lumubay sa isipan ko. Dahil sa kalagayan ko, mabigat man sa loob ko ay ponagbigyan ko nalang si Kuya sa gusto nya. Hindi ko naman kasi masisisi si Kuya eh, nag aalala lang sya sa akin kaya nakakalungkot man kailangan ko munang isan-tabi ang hilig kong kumanta. Bata palang ako nang madiagnose ako ng CHD o Cardiomyopathy Heart Deseas, isa itong problema sa puso na nagiging dahilan para mahirapan ang muscle ng puso ko na mag pump ng blood sa buo kong katawan na naging dahilan para mas bumagsak ang puso ko. Actually, naging severe ang kalagayan ko kaya napagdesisyunan ni Kuya na magtake ako ng heart transplant. Hindi naman kami ganun kayaman para sa treatment na yun pero dahil sa kagustuhan ni Kuya na tumagal ang buhay ko ginawa nya lahat para makapagpa heart transplant ako. Akala namin okay na, na magiging maayos na ang kalagayan ko pero hindi pa nagtatagal ang bago kong puso ng bigla nalang sumakit nang napakasakit ang dibdib ko na to the point na hindi ko matake ang sakit, i can't even breath at that time at ng isugod ako ni Kuya at Mel sa ospital doon namin nalaman na hindi ganun naging ka-sucessful ang operasyon ko. Kahit matagal na ang araw na yun ay sariwa parin sa isipan ko ang ibinalita sa amin ng doktor na may hawak sa case ko. *FLASHBACK* "A-anong sabi nyo Doc?" hindi makapaniwalang tanong ni kuya sa doktor na tumitingin sa akin matapos nitong sabihin ang resulta ng test na ginawa nila sa akin. Umiiyak naman na niyakap ako ni Mel pero ako parang normal at expected ko ang sitwasyon na ito. Una palang naman tanggap ko na hindi ako ganun katagal mabubuhay kaya hindi na ako nagulat sa sinabi ni Doc sa amin ngayon. "I'm sorry Mr. Petrovic but the heart that implanted on your sister was being rejected by her body. Ngayon lang nangyari ang case na 'to na nirereject ng katawan ang pusong ipinapalit sa luma." "W-what?Doc naman, sa tingin nyo ba basta-basta ko nalang matatanggap ang rason na yan na ayaw tanggapin ng katawan ng kapatid ko ang bago nyang puso?I did everything for my sister tapos sasabihin nyo sa akin yan?" pahayag ni Kuya na alam kong nahihirapang tanggapin ang kanyang narinig. "Alam kong hindi katanggap tanggap ang naging resulta ng kapatid mo Mr. Petrovic but you need to be prepared. Dahil nirereject ng katawan ng kapatid mo ang bago nyang puso it can be lead in a serious situation. She can experience more pain on her chest kaya kailangan nyang maalagaan ng mabuti at mabantayan ang kalagayan nya. Marami ng magiging bawal Mr. Petrovic, she can undergo a heart transplant again but i'll assure you na makakahanap kami na magiging compatible na puso para sa kapatid mo." pahayag ng doktor kay Kuya. "Sa tingin nyo ba ganyan lang kadali na tanggapin na malalagay na naman sa bingit ng kamatayan ang kapatid ko?Alam nyo ang naging hirap ng kapatid ko bago mapalita----" "Kuya tama na please, wala naman mangyayari kung magagalit ka kay Doc." awat ko kay Kuya habang inalis ko si Mel sa pagkakayakap sa akin at ngiting hinarap si Doc. "Pagpasensyahan nyo na po ang Kuya ko Doc, ano po bang dapat kong gawin sa kalagayan ko ngayon?" tanong ko kay Doc na umayos ng pagkakaharap sa akin samantalang si Kuya ay lumabas ng kwarto ko. Alam kong masakit para kay Kuya na mararanasan ko na naman ang naranasan kong sakit noon pero wala naman kaming magagawa kung ito talaga ang kapalaran ko. "Ang kailangan mo lang hija ay huwag puwersahin ang katawan mo, sa mga lilipas na araw ay maaring lumala ang kalagayan mo kung hindi mo iingatan ang sarili mo. Bawal sayo ang masyadong emosyon, sobrang lungkot at saya kaya kailangan mong kontrolin ang sarili mo. Bawal ka ding mapagod Hija masama sa puso mo yun, maari ding maulit ang pag atake ng pagsakit ng dibdib mo kaya alagaan mo ang sarili mo. Maghahanap ako ng bagong puso na tatanggapin ng katawan mo." pahayag ng doktor sa akin. "Salamat po Doc." Muling humingi ng paumanhin sa akin si Doc bago lumabas ng kwarto ko ng umupo sa gilid ng kama ko si Mel na hanggang ngayon ay umiiyak parin. "Bakit ka ba umiiyak Mel?Hindi pa naman ako mamamatay ah." biro ko kay Mel na mas lalong umiyak sa harapan ko. "Nakakainis ka Tanya akala mo ba biro lang ang kalagayan mo ngayon?" "Hindi nyo naman kasi kailangang mag alala, tulad ng sabi ng doktor pwede pa akong magtake ng second operation ko." "Delikado na yun para sayo Tanya, naiintindihan ko ang Kuya mo dahil ang inaasahan nya ay magiging ok ka na. Mahirap to para sa amin Tanya." naluluhang pahayag ni Mel na malungkot kong ikinangiti sa kanya "Mahirap din naman para sa akin 'to pero kung didibdibin ko ito baka makasama sa akin. Tulad ng sabi ni Doc bawal sa akin ang masyadong emosyon." "Tanya naman eh. . ." *END OF FLASHBACK* (Earth to Tanya may kausap pa ba ako?) Natigilan ang pagbabalik tanaw ko ng araw na yun ng magsalita si Mel sa kabilang linya. "Nasa earth pa ako Mel wag kang mag alala." (Nanahimik ka kasi dyan eh! hindi mo sinasagot ang tanong ko.) "Ano bang tinatanong mo?" (Ang sabi ko after ng set mo sa JEYA punta tayo sa Sky Garden may pa fireworks display sila. tsaka namiss kong manuod nun kasama ka.) Halata sa boses ni Mel na naeexcite sya sa plano nya. Halata talagang namiss aki ng isang 'to. "Okay sige magkita nalang tayo sa tapat ng JEYA mamaya." sabi ko na sinang ayunan naman nya. Maraming bilin si Mel sa akin bago nya ibinaba ang tawag na naiiling ko nalang na ikinatawa. Parang nanay ko kung magbilin, binilan nya na huwag kong kakalimutang iwan ang mga gamot ko lalo na ang inhaler ko incase na atakihin ako. Tumayo na ako sa pagkakahiga ko para maghanap ng isusuot ko mamaya ng matigilan ako ng may kumatok sa pintuan ko na alam na alam ko kung sino. Mabilis akong pumunta sa pintuan at binuksan ito ng may malawak na ngiti sa aking mga labi. "Yes Kuya need anything?" "Tomi called me pinagpapaalam ka nya sa akin na kakanta ka ulit sa JEYA mamaya." seryosong pahayag sa akin ni Kuya na ikinatigil ko sa kinatatayuan ko. Si Kuya Tomi talaga hindi marunong maglihim kay Kuya, nakuha pa ako ng tamang tyempo para magpaalam kay Kuya tapos sinabi na din pala nya. "Kuya. . ." "Mag usap tayo sa sala." sambit ni Kuya bago nagderetso na pababa ng hagdan. Sigurado akong pipigilan na ako ni Kuya, napaka protective pa naman nun sa akin at mas lumala pa. Mukhang mauudlot ang kasiyahan ko. Buntong hiningang sinarado ko ang kwarto ko bago bumaba at doon nakita ko si Kuyang nakasandal sa upuan na parang may malalim na iniisip. Naglakad ako palapit sa kanya bago umupo di kalayuan kay Kuya at inihanda ang sarili ko. "Kung hindi ba sinabi sa akin ni Tomi ang ginawa nyang welcoming gift sayo na muling pagperform sa JEYA ay ililihim mo ito sa akin?" pahayag ni Kuya pero kalmado nya akong kinakausap "Hindi ko naman itatago sayo Kuya, hahanap lang ako ng tiyempo na sabihin sayo ang ginawa ni Kuya Tomi." "Alam mo kung anong kalagayan mo ngayon Irish." sambit ni Kuya ikinatitig ko sa kanya "Kuya hindi naman ako masyadong mapapagod sa gagawin ko, nakaupo naman ako habang kumakanta at tumutugtog ng piano. Hindi naman siguro ako aatakihin ng sakit ko ng dahil lang doon." "Irish. . ." "Alam mo Kuya na pangarap ko ang pagkanta, iyon nalang ang nagpapasaya sa akin kahit papaano. Alam ko namang nag aalala ka sa akin pero aalagaan ko naman ang sarili ko, isa pa kasama ko naman si Mel at alam kong babantayan din ako ni Kuya Tomi kaya sana payagan mo kong muling kumanta sa JEYA." may halong lungkot na pahayag ko kay Kuya na ikinabaling nya ng tingin sa akin "I don't want to lose you Irish, hindi ko kakayanin kung may mangyari na naman sayong masama. I need to be more careful when it comes to you hanggang sa makahanap na ako ng bagong puso para sayo. Pero mahirap din sa akin na makita kang malungkot, ayaw ko din naman kitang makitang maging malungkot at pigilan sa gusto mo. Bata ka palang pangarap mo ng kumanta sa harap ng maraming tao. I'm your brother and all i want for you is to be happy. Papayagan kitang kumanta ulit sa JEYA but you have to promise me one thing." pahayag ni Kuya na naging dahilan para lumapad ang ngiti sa mga labi ko. "Talaga Kuya?! I love you Kuya!" masayang sambit ko bago ko niyakap si Kuya Akala ko pagbabawalan nya ako eh, ang swerte ko dahil may kapatid akong iniisip ang kasiyaha ko kahit nag aalala sya sa kalagayan ko ngayon. "Huwag kang mag alala Kuya magiging maingat naman ako sa sarili ko, daladala ko naman ang gamot ko at inhaler ko incase na atakihin ako pero promise hindi mangyayari yun. Waaahhhh! Thank you talaga Kuya!!!" masayang sambit ko kay Kuya na rinig king tumikhim na ikinaalis ko sa pagkakayakap ko sa kanya "May kailangan ka pang ipangako sa akin Irish huwag ka munang magsaya dyan." sita ni Kuya na pilit kong pinipigilan ang mga ngiti ko na alam kong pansin ni Kuya kaya naiiling nalang sya. "I'm listening Kuya." "Just two songs Irish after that magpapahinga ka na, besides three days in a week lang ang pagkanta mo sa JEYA Sinabi ko na din yan kay Tomi at pumayag na sya sa gusto ko." Dalawang kanta at tatlong beses sa isang linggo ang pagkanta ko? okay na yun kaysa naman hindi ako payagan ni Kuya, two songs can make those people happy kaya okay na sa akin yun. "Deal Kuya just two songs and three days in a week. Hindi na ako magiging choosy pa." ngiting pangako ko na ikinatango nya. Pagkakataon ko na pala ito para magpaalam kay Kuya sa lakad namin ni Mel after ng set ko sa JEYA "Ahmmm oo nga pala Kuya after ng set ko pala mamaya sa JEYA nag aaya si Mel na manuod ng Fireworks display sa Sky Garden okay lang ba?Matagal na din nung huling nakasama kong manuod si Mel eh." lakas loob na pagpapaalam ko na ikinasalubong ng kilay ni Kuya "Fiworks Display sa Sky Garden? Kung saan ka na naman dadalhin ng bestfriend mong yan." "Ngayon lang naman Kuya pagbigyan mo na si Mel namiss lang ako ng future wifey mo." pang aasar ko kay Kuya na ikinabuntong hininga nya "Just the fireworks display Irish after that umuwi na kayo. Alam ko naman na pag kinontra ko ang gusto ng kaibigan mong yun ay dadakdakan na naman ako nun. Sasakit na naman ang tenga ko ng dahil sa kanya." kumento ni Kuya na naging dahilan para asarin ko ang kapatid kong ito. "Ikaw Kuya ha hindi ka man lang kumontra nung sinabi kong future wifey mo sya ah." "Tss! Mag ayos ka na at ihahatid kita sa JEYA." sambit ni Kuya na alam ko namang binabago nya lang ang topic ng usapan namin. Tumayo si Kuya sa pagkakaupo nya pero bago nya ako iwan ay may sinabi pa sya sa akin. "Huwag mong sabihin sa kaibigan mo na hindi ako kumontra sa tinawag mo sa kanya baka tumakbo yun papunta dito para kulitin ako." bilin ni Kuya bago ako tuluyang iwan sa sala na ikinalawak ng ngiti ko. Si Kuya talaga, alam ko namang may lihim syang paghanga kay Mel eh dinadaan nya lang sa pagsusungit sa kaibigan ko. Nahahalata ko naman hindi ko lang sinasabi kay Mel, ayoko namang pangunahan si Kuya kaya mag aantay nalang ako hanggang si Kuya na ang magsabi kay Mel. Isa pa baka mabaliw sa kilig ang isang yun pag nalaman nyang ang gusto nyang lalaki ay gusto din pala sya. Ngayon palang kinikilig na ako para sa kanila, nasisiguro ko na kung hindi man tumagal ang buhay ko may makakasama na si Kuya. Ako kaya?Maranasan ko kayang mahalin bago man lang ako kunin ni Lord? Dahil sa tanong ng isipan kong 'yun ang biglang pumasok sa isipan ko ang lalaking yun. Nangingiting nailing nalang ako sa naisip ko, hindi ko pa nga sya nakikita tapos nag iisip na agad ako na magkakagustuhan kaming dalawa. Tsaka anong gagawin ko pag nahanap ko na sya? Baka mawirduhan naman sya kung sasabihin ko na isang beses ko palag sya nakikita ay interesado na ako sa kanya. Dapat hindi ko muna isipin yan, tsaka na siguro pag nagtagpo ang landas naming dalawa pag natanong ko na sya kay Kuya Tomi at sana kilala sya nito para hindi na ako mahirapang hanapin sya. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko para magkapag ayos na. Dali-dali pero maingat na bumalik ako sa kwarto ko para ayusin ang gamit na dadalhin ko at ilang beses kong chineck kung maayos kong nailagay ang mga gamot at inhaler ko sa bag incase of my emergency. Nang maayos ko ng lahat ay nagpasya na akong maligo, inilapag ko na sa kama ko ang susuotin ko. Floral dress ang su-suotin ko at naka ready na rin ang rubber shoes ko. Malawak akong ngumiti at kinuha ang tiwalya ko para makaligo na. Papasok na ako sa banyo ko ng bahagya akong matigilan ng madaan ko ang isang malaking poster sa kwarto ko na lagi kong tinititigan. Malawak akong napangiti ng mapagmasdan ko sila, isa sila dahilan kung bakit mas nainspire akong gawin ang pangarap ko. Pag may concert sila talagang hindi pwede na hindi ako pupunta pero dahil nga sa sakit nalimitahan kaya may part na malungkot ako pag hindi ako nakakapunta sa concert nila. Kailan ko kaya makikita ng personal ang mga idolo ko na ito? Kahit si Mattias lang na bahista nila na kumakanta din masaya na ako. Gustong- gusto ko ang mga kinakanta nila lalo na yung rendition nila ng two hearts. Isang beses ko pa tinitigan ang poster nila bago pumasok sa banyo pero natigilan ako sa paghakbang ko papasok ng may mapansin ako sa poster na agad kong ikinabalik ng tingin dito at pinakatitigan ang isang mukhang parang nakita ko na somewhere. "Teka....." Naningkit ang mga mata ko ng unti-unti itong manlaki ng makilala ko ang isa sa member ng Eastern Band na may hawak ng mic at may malawak na ngiti sa labi at una mong mapapansin dito ang kulay asul nyang buhok. OMG?! Si Blue na tumulong sa akin kahapon at si Blue Ynarez na vocalist ng Eastern ay iisa at nakausap ko pa kahapon! My Ghad! Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha nya, bakit di ko sya agad nakilala edi sana nakahingi ako ng authograph. Sayang naman!!! Bagsak balikat akong pumasok sa banyo at nanghihinayang na naligo na. Matapos ang ilang oras, nakapag ayos na ako ng aking sarili, bumaba na ako sa kwarto ko dala-dala ang bag ko at hanngang ngayon hindi mawala sa isipan ko na nakaharap ko na pala ang bokalista ng Eastern hindi ko pa nakilala. Dahil ba matagal-tagal narin simula ng umattend ako sa mga concert at conferrence nila? Pero araw araw ko parin naman tinitingnan ang poster nila sa kwarto ko ah! Nakakapanghinayang lang talaga na hindi ko man lang sya nakilala. Natigilan ako sa pag iisip ko ng makita ko si Kuya na mukhang may lakad dahil sa suot nito. Hindi ako magtataka kung bakit nagustuhan ni Mel ang Kuya ko dahil sa kagwapuhang taglay nito. Naisip ko tuloy sino kayang kamukha nya?Si Mama kaya o si Papa? Ako kaya sino kayang kamukha ko sa kanila? Lumaki ako na si Kuya nalang ang kasama ko dahil sabi ni kuya bata palang ako ng mamatay sila. At sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko alam ang mga itsura nila dahil kahit picture walang naipakita si Kuya dahil nawala daw lahat ng picture nina Mama nung umalis kami sa dati naming bahay. Hindi ko na sinubukan tanungin si Kuya ulit tungkol sa itsura nina Mama dahil sabi nya bata parin naman sya ng mawala magulang namin. Sya nalang talaga ang nag alaga at nag aruga sa akin. Ngumiti ako bago lumapit kay Kuya na mukhang naramdama ang presensya ko dahil napalingon na sya sa akin. "May lakad ka ba Kuya?" agad kong tanong ng makalapit ako sa kanya "Meron, ihahatid kita sa JEYA." sagot nya na mas malawak na ikinangiti ko "Si Kuya may agenda sa paghahatid sa akin, gusto mo lang din makita si Mel eh." asar ko sa kanya na ikinasalubong lang ng kilay nya pero alam ko naman na tama ako sa sinabi ko dahil kitang- kita ko ang pamumula ng tenga ni Kuya. "Ihahatid kita hindi dahil gusto ko makita ang kaibigan mo, ihahatid kita dahil gusto kong maayos kang makakarating doon. Huwag mong pag isipan ng kung ano-ano ang kuya mo." pahayag ni kuya sa akin na ikinatango ko nalang. "Okay! sabi ng kuya ko eh!" "Tara na, may lakad din ako after ng paghatid ko sayo sa JEYA." Ti-nap ni Kuya ang ulunan ko bago naunang naglakad palabas ng bahay, pag nagkatuluyan si Kuya at Mel, ako ang unang-unang fan ng love team nila. Patakbo na akong sumunod kay Kuya na nakasakay na sa kotse at inaantay nalang ako. Agad na din akong sumakay at agad narin pinatakbo ni Kuya ang sasakyan nya. "Kuya bakit hindi mo pa ligawan si Mel para magka girlfriend ka na. Mawawala ka na sa kalendaryo wala ka pang pinapakilala na nobya mo sa akin." pag uumpisa kong tanong sa kanya Gwapo naman ang Kuya ko eh pero takot ata sa babae dahil kahit minsan wala man lang akong nabalitaan na naging nobya nya. "Wala sa isipan ko ang tungkol dyan, sa ngayon Irish ikaw ang priority ko." seryosong ikinanguso ko "Alam ko naman yun, pero Kuya alam ko naman na may pagtingin ka kay Mel eh bakit tinatago mo pa. Hindi naman masyadong malayo ang edad nyong dalawa diba?" pangungulit ko pa na ikinabuntong hininga nya "Hindi lahat ng gusto natin pwede nating gawin Irish, may mga bagay na kahit gusto mo ay hindi maaring mangyari dahil hindi mo yun deserve." pahayag ni Kuya na hindi ko nagets kung anong gusto nyang patukuyin. "Ang lalim Kuya ha! Pero pwede paki explain?" "I don't deserve your friend Irish, kahit tama ang iniisip mo na gusto ko ang kaibigan mo hindi ko sya pwedeng gustuhin." seryosong pahayag ni Kuya na hindi ko malaman kung bakit nya sinasabing hindi sya deserve ni Mel. "Bakit Kuya?" "Hindi ako mayaman, wala akong maipagmamalaki sa kanya. Baka hindi ko sya mapasaya dahil sa kakulangan na meron ako." pahayag na paliwanag ni Kuya na ikinatahimik ko. Hindi ko akalain na may insecurities din si Kuya. Bakit kasi ang nega ni Kuya ayaw muna nyang subukan. "Kuya....." "Huwag mong sabihin sa kaibigan mo ang mga sinabi ko ngayon. Sa ating dalawa lang ang pinag usapan natin ngayon Irish, maipapangako mo ba sa akin yun?" "Okay."
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작