Hindi ko maunawan si Kuya, hindi naman kailangan ni Mel ng mayamang lalaki eh, tsaka ganun ba sa pag ibig?Kailangan may ipagmamalaki ka para sa isang relasyon?
Hindi na ulit kami nag usap ni Kuya sa byahe kaya ng makarating kame sa tapat ng JEYA ay agad na akong bumaba sa kotse.
"Huwag kang masyadong magpapagod Irish, susunduin ko kayo ng kaibigan mo sa Sky Garden, so please don't do some things na ikapapagod mo nagkakaintindihan ba tayo?" paalalang bilin ni Kuya na ikinatango ko
"Yes Kuya, pero aalis ka na ba agad?Hindi mo ba aantayin si Mel?"
"You know my answer princess. . ." may lungkot na pahayag nya bago umalis.
Dahil sa nalaman ko kay Kuya hindi ko maiwasang hindi malungkot para sa kanya at kay Mel, so kahit anong gawin na pagpapansin ni Mel ay wala ding mangyayari dahil si Kuya na ang umaayaw.
"Hoy Tanya! Hinatid ka ba ni Orlin?"
Agad akong napalingon kay Mel na kadarating lang at hinihingal ng makalapit sa akin, Habol tingin pa sa sasakyan ni Kuya na malayo na.
"Oo si Kuya yun, hinatid ako para sure daw na maayos akong makakarating dito."
"Bakit umalis agad sya?Hindi man lang ako hinayaang makasilay ng Kuya mo!" may panghihinayang na reklamo ni Mel na bahagya ko lang na ikinangiti.
Ngayon palang naaawa na ako sa feelings ni Mel para kay Kuya.
"May lakad din kasi si Kuya Orlin kaya hindi nagtagal pa. Tsaka nakakapunta ka naman sa bahay kaya nakakasilay ka parin naman."
"Nakakasilay nga sinusungitan naman ako, pag nasa inyo ako parang ayaw pa akong tingnan dahil kahit pagpapansin ko sa Kuya mo mabibilang lang sa daliri ko pag titingnan nya ako." reklamo pa ni Mel na ikinaakbay ko na sa kanya
"Wala ka bang ibang nagugustuhan maliban kay Kuya?" tanong ko na salubong ang kilay na ikinalingon nya sa akin.
"Tanya, alam mong hindi simpleng crush lang ang nararamdaman ko sa manhid mong Kuya. Kaya sinong iba pa dyan ang magugustuhan ko.?"
Masasaktan ka kasi pag si Kuya parin ang nagustuhan mo.
"Yung helmet ko nasaan?" pag iiba ko ng usapan na ikinasimangot ni Mel bago inilahad sa akin ang helmet na hinahanap ko.
"Ayan! inalagaan ko yang mabuti."
May ngiting kinuha ko ang helmet sa kanya, mas maigi ng madivert ang isipin ni Mel kay Kuya para hindi narin ako malungkot para sa kanila.
" Thank you Mel."
"Teka, ano pala ang una mong kakantahin?" ngiting tanong na ni Mel na inangkla pa ang braso nya sa akin
"Pangarap ko, idededicate ko para sa feelings mo kay Kuya." asar ko nalang na sinakyan naman nya
"Pag aaralan ko ang kantang yan para ako mismo ang kakanta nyan sa harapan ng Kuya mo." pahayag nya na ikinatawa ko nalang.
"Tara na nga sa loob, baka inaantay narin tayo ni Kuya Tomi. Excited pa naman din yun makita ka." pahayag pa ni Mel bago ako hinila papasok sa loob ng JEYA
"Mabuti pala hindi naging kontrabida ang Kuya mo ngayon." pahayag pa ni Mel habang tinatahak namin ang way papunta sa office ni Kuya tomi
"Naintindihan din naman ni Kuya ang side ko, nangako ako na iingatan ang sarili ko tsaka may usapan na naman kami ni Kuya."
"Paano mo sinabi sa kanya na babalik ka sa pagkanya sa JEYA? knowing of Orlin napaka protective nun sayo eh."
"Actually, inunahan ako ni Kuya Tomi na sabihin yun kay Kuya, siguro blessing in disguise na si Kuya Tomi na ang nagsabi kay Kuya para less paliwanag ako." ngiting pahayag ko na ikinatango ni Mel
"Na excite lang din siguro si Kuya Tomi."
Nakarating na kami sa tapat ng pintuan ng office ni Kuya Tomi at sabay kaming pumasok dun ni Mel ng matigilan kami ng hindi lang pala si Kuya Tomi ang nasa opisina nya, may kausap pala sya na sabay nilang ikinalingon sa amin ni Mel.
"Wrong timing ata ang pagpasok namin." nakangiwing sambit ni Mel na ikinangiti ng gwapong kausap ni Kuya Tomi na humarap sa amin ng maayos.
Ang gwapo naman ng isang 'to, mukhang mabait pa.
"No worries ladies, paalis na din naman ako." ngiting pahayag ng bisita ni Kuya Tomi na ikinalapit ni Kuya Tomi sa amin ni Mel
"Ladies, meet my Big Boss Ford Rosales." pagpapakilala ni Kuya Tomi sa bisita nya na parehas naming ikinalako ng mata ni Mel
Ito ang unang pagkakataon na nakilala namin ang may ari ng super kilalang Bar sa buong mundo.
"Nice meeting you po Sir Rosales." halos magkasabay naming bati sa kanya na mas ikinalawak ng ngito nito.
Mas lalo itong naging gwapo, sobrang gwapo pala ng may ari ng JEYA.
"Nice meeting you too ladies, anyway hindi na ako magtatagal, i have some business with my friends so maiwan ko na kayo." pahayag nito bago nilingon si Kuya Tomi
" Keep up the good work Tomi."
"Thank you Boss."
Nagpaalam na sa amin si Mr. Rosales at ng makaalis ito sya namang pagyakap sa akin ni Kuya Tomi ng mahigpit.
"Welcome back princess."
"Alam kong namiss mo ko Kuya Tomi pero hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo." biro ko na agad naman nyang ikinakalas sa pagkakayakap sa akin.
"Damn! Sorry Princess."
"Kuya Tomi ang gwapo ng Boss mo ha, pwedeng maging artista eh." sambit ni Mel na ikinangiti ni Kuya Tomi
"He's already married with two children Mel, okay lang ma humanga pero hanggang doon lang." biro ni Kuya Tomi na ikinasimangot ni Mel
"Masama bang pumuri ng taong kapuri-puri ang itsura?" asar na sambit ni Mel na bahagyang ikinatawa lang ni Kuya Tomi
Inaasar lang ni Kuya Tomi si Mel dahil mabilis mapikon ang isang 'to.
"Oo nga pala, your heart is already taken by Orlin and i'm wounded. You call him by his name pero ako may Kuya, common Mel mag sing edad lang kami ni Orlin." pahayag ni Kuya Tomi na mas ikinasimangot ni Mel
"Sige Kuya Orlin pikunin mo pa ako, talagang hindi mabubuo ang araw mo pag hindi mo ko naasar eh ano! Tara na nga Tanya mag ready ka na para sa set mo." napipikong pahayag ni Mel bago nagmartsa palabas ng office ni Kuya Tomi na sabay lang naming ikinatawa Kuya
"Pinikon mo na naman ang isang yun Kuya."
"Can't help it, you know how fond i am to tease her." sambit ni Kuya Tomi na ikinatitig ko sa kanya.
Kulang nalang isipin ko na may lihim na pagtingin si Kuya Tomi kay Mel eh pero mukhanv trip lang talagang pikunin ni Kuya Tomi si Mel.
"Sayo ba ang helmet na hawak mo?"
Agad na napabaling ako sa helmet na hawak ko na napansin ni Kuya Tomi na dala ko.
"Hindi Kuya, actually hinahanap ko nga yung may ari nito para isauli ko sa kanya. Ahmmm, Kuya Tomi nagbabakasakali ako lang akong itanong na baka kilala mo ang may ari nitong helmet na ito kasi isang beses ko syang nakita dito sa JEYA." pagbabakasakaling tanong ko sa kanya.
Kinuha ni Kuya Tomi ang helmet na hawak ko at pinakatitigan itong mabuti.
Sana kilala ni Kuya Tomi ang lalaking yun.
"Mahirap i-confirm dahil maraming ganitong klaseng helmet akong nakikita pero kung ang may ari nito ay napunta dito sa JEYA baka malaman natin kung sino ang may ari nito. Kung gusto mo iwan mo muna sa akin ito para maitanong ko sa mga costumer ko. Pero i think may isa akong kilalang tao na may ganitong helmet eh." pahayag ni Kuya na agad ikina aktibo ng atensyon ko
"Sino Kuya Tomi?"
"Mahilig sa ganitong helmet ang kaibigan ni Boss Ford na si Pa----"
"Tanya akala ko nakasunod ka na sa akin, para akong baliw na nagsasalita kanina wala pala sa likuran ko." nagrereklamong pahayag ni Mel na naglalakad pabalik sa amin ni Kuya Tomi
"Miss mo agad ako Mel?" pang aasar na naman ni Kuya Tomi kay Mel
"Miss mo mukha mo! Halika na nga at magready kana sa set mo." inis na sambit ni Mel bago kunin ang braso ko at hilahin ako palabas ng opisina ni Kuya Tomi
"WELCOME BACK AGAIN PRINCESS AND ENJOY SINGING IN THE STAGE!" rinig ko pang sigaw ni Kuya Tomi sa akin.
"Sandali Mel may pinag uusapan pa kami ni Kuya Tomi eh!" angal ko dahil kahit walang kasiguraduhan baka yung kilala ni Kuya Tomi at ang lalaking hinahanap ko ay ang may ari ng helmet na nasa akin.
"Tsaka na yun, maghanda ka na muna sa set mo para makapunta narin agad tayo sa Sky Garden, nabalitaan ko na magpeperform doon ang Eastern bago ang fireworks display."
Eastern Band?
"Really?"
Sabihin ko kaya kay Mel na nakilala ko ng personal ang Bokalista ng Eastern Band, maniwala kaya sya?
"Sana naman makakuha na ako ng authograph kay Tenth, masaya na ako." sambit ni Mel na may malaking paghanga sa lead Guitarist ng Eastern.
Hindi ko nalang ikukwento na nakilala ko ng malapitan si Blue Ynarez, baka hindi pa maniwala dahil ang sabi sa mga balita mahirap makita ng personal ang bawat miyembro ng Eastern na siguro maswerte sya dahil ito pa ang isa sa nagligtas sa kanya.
Dumating na din yung oras na muli akong kumanta sa harapan ng maraming tao, namiss ko ang ganito. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko sa bawat pagtipa ko sa piano at nasa- satisfy ako pag nakikita kong nasasayahan ang mga taong nakakarinig sa pagkanya ko.
After ng dalawang kanta ko ay nagpalakpakan na sa akin ang mga tao at malaki ang ngiting yumuko ako sa kanila bago bumaba sa stage ng salubungin ako nina Mel at Kuya Tomi.
"You still rock the stage princess, hindi parin kumukupas ang galing mo sa pagkanta ah." humahangang pahayag ni Kuya Tomi na ikinangiti ko nalang
"Thanks to us Kuya Tomi dahil mas dadami ang costumer mo." sambit naman ni Mel na mukhang pagsisimulan na naman ng asaran ng dalawang ito.
"Hindi ba kay Tanya lang dapat ako magpasalamat bakit kasali ka?"
Napasimangot na naman si Mel sa pang aasar ni Kuya Tomi sa kanya.
"Anyway, sasamahan ko na kayo sa Sky Garden mukhang gusto ko din manuod ng Fireworks display. Free ride na kayo." ngiting pahayag ni Kuya Tomi sa amin.
"Sana habulin ka ng mga fireworks dun." bulonh na sambit ni Mel na rinig naman namin ni Kuya Tomi
" Mas mag eenjoy akong tumakbo Mel kung ikaw mismo ang hahabol sa akin." asar na naman ni Kuya Tomi na naiinis na ikinamartsang palayo ni Mel sa amin.
"Hindi talaga maiwasan na hindi mo pikunin si Mel Kuya Tomi." kumento ko na ikinatawa lang ni Kuya
"Nakakatuwa kasi syang asarin. Tapos na naman ang set mo at nangako ako kay Orlin na hanggang dalawang set ka lang so, packed up princess sundan na natin ang kaibigan mo." pahayag ni Kuya Tomi na ikinatango ko.
Sabay na kaming naglakad ni Kuya Tomi para sundan si Mel ng maalala ko ang pinag usapan namin kanina.
"Kuya Tomi yung tanong ko pala kanina, sino yung kilala mong may katulad nang helmet na nasa akin?"
"Oh that person? Isa sya sa kaibigan ni Boss Ford, minsan dito sila nagkikita- kitang magkakaibigan pag may isa silang lugar na pinuntahan malapit dito. I don't know kung sa kanya ang helmet na yun."
"A-anong pangalan nya Kuya Tomi?"
Ayokong mag assume na baka ang kilala ni Kuya Tomi ang hinahanap ko pero may part sa akin na gustong malaman ang pangalan ng taong kilala nya.
"Hindi ko halos kilala ang mga kaibigan ni Boss Ford, mga kilalang businessman kasi but if im not mistaken princess, his name is Paxton Ignacio."
Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalang binanggit ni Kuya Tomi.
Paxton Ignacio? Kung hindi ako nagkakamali yun din ang pangalan na binanggit ni Blue sa akin na kaibigan nyang bumuhat sa akin.
Hindi sa nag aasume talaga ako pero, ayokong isipin at ayokong umasa na ang lalaking hinanap ko at ang kaibigan ni Blue na bumuhat sa akin na kilala ni Kuya Tomi ay iisa.
Bakit pakiramdam ko malapit ko ng makilala ang lalaking gusto ko ng makita.