Episode 8

4030
"A true friend is the one who will never let you bear alone the pain you had, they will stay beside you and never let you surrender." - Rhen A -THIRD PERSON P.O.V- "Mga Dude!! Nag enjoy ba kayo sa performance ko? Sige na mga kaibigan tumatanggap ako ng palakpak at papuri." Palipat-lipat ang tingin ni Blue sa mga kaibigan pagkarating nya sa lugar kung saan nag ipon-ipon ang iba nyang mga kaibigan para panuorin ang concert ng band nya.Matapos ang concert ay agad syang nag-paalam sa Manager nya at sa mga kabanda nya na pass muna sya sa celebration nila dahil sa success ng concert nila para puntahan ang mga kaibigan na sumuporta sa kanya.Nauuna syang batiin at muramurahin nina Taz, Lu at YoRi na nauna naring umuwi at tanging Devil nalang ang kasama nyang pinuntahan ang mga kaibigan na nadatnan na nilang dalawa ni Devil na tahimik na parang hindi natinag sa mga pwesto nila ng dumating sila ni Devil. Nagtataka silang dalawa ni Devil sa katahimikan meron ngayon sa mga kaibigan nila na alam naman nilang magugulo. "Hey mga tol! may anghel ba na nakitambay sa inyo kanina kaya ang tatahimik nyo ngayon?" takang tanong ni Blue matapos silang hndi pansinin ng mga kaibigan. Bahagyang lumapit si Blue kay Devil ng hindi parin sila pinapansin ng mga nananahimik nilang mga kaibigan. "Baby boy,hindi ata nila tayo nakikita, mga walang imik at parang statue na nakatayo sa mga pwesto nila." bulong ni Blue kay kay Devil na tinapunan nito ng masamang tingin. "F*cking call me baby boy again Ynarez, I'll kill you in many ways." banta ni Devil na ngi-ngiting ikinalayo ni Blue sa kaibigan. Nag-umpisang maglakad si Devil papalapit sa kay ToV na tahimik lang na nakasandal sa malaking puno at matamang nakatingin kay Paxton na katabi lang ni Travis. "What happened here Valenzuela? Where's Demon?" sunod-sunod na tanong ni Devil kay ToV na buntong hiningang umalis sa pagkakasandal sa malaking puno at inalis ang tingin kay Paxton at ibinaling kay Devil na may seryosong ekspresyon sa mukha. "Hindi naman big deal ang nangyari pero sa lalaking 'yun mukhang big deal para sa kanya, 'yung pasaway mong kambal naman ay umalis lang saglit at may inihatid pero baka pabalik narin 'yun." Sagot na pahayag ni ToV bago muling ibinalik kay Paxton ang tingin na ikinalingon narin ni Devil sa pwesto nina Travis. Wala namang naintindihan si Devil sa sinabi ni ToV pero alam nyang may nangyari habang nagpe-perform ang banda ni Blue, akmang magtatanong pa si Devil ng maunahan sya ni Balance sa pagsa-salita. "Lumalalim na ang gabi so we all need to go home, kailangan na din umuwi ni Ignacio para kuamalma." Sambit ni Balance na ikinasalubong ng kilay ni Blue at agad lumapit kay Balance "Teka Kiosk, may nangyari ba dito na dapat naming malaman?" "Ang chismoso mo Ynarez." Kumento ni Tad na ikinanguso lang ni Blue "Nagtatanong lang naman ako Tad." Angal ni Blue sa kaibigan "Lance was right; we should go home and rest. Lahat tayo ay napagod sa pagsuporta kay Blue, nakakapagod din pala kung tutuusin." Ngiting pahayag ni Ford na ikinasimangot nalang ni Blue. "Ako nang bahala kay Paxton, sasama-" "I can go home by myself Amadeus, dalawa ang paa ko kaya makakauwi akong mag-isa." Walang emosyong pahayag ni Paxton na agad tumayo sa pagkakaupo nya at wala ng paaalam na iniwan ang mga kaibigang nakasunod ng tingin sa kanya. "It was just a name pero malakas parin ang epekto sa kanya." Kumento ni ToV na ikinabuntong hininga ni Balance "It wasn't just a name Valenzuela we all knew that. Besides, he still stuck in what happened in the past. Our Ignacio was having a hard time to move on." "Pustahan tayo hindi muna magpaparamdam ang isang 'yun, kilala nating lahat ang gagong 'yun." Pahayag ni Tad na ikinasang-ayon ng lahat maliban kina Devil at Blue na clueless parin sa nangyari. "Yow Twinnie!" Lahat ay napalingon kay Demon na malawak ang ngiting papalapit sa mga kaibigan na agad inikot ang paningin ng mapansing may kulang sa mga kaibigan nya. "Asan si Ignacio?" "Nagtanong ka pang gago ka, umuwi na dahil sa kalokohan mo. Masyado mong binigla ang isang 'yun alam mo namang hindi pa nakaka-moved on ang isang 'yun sana man lang hindi mo na pinarinig ang pangalan na'yun." Kumentong sita ni Travis kay Demon na ngumisi lang sa mga kaibigan "Malay ko bang ganun ang magiging reaksyon ni Paxton sa isang pangalan na may limang letra." Sambit ni Demon na ikinailing nalang ng mga kaibigan nya samantalang si Blue ay naguguluhan parin sa pinag uusapan ng mga kaibigan nya. "Umuwi na tayong lahat, pupunta pa tayo kina Taz bukas para pag usapan ang nalalapit na binyag ni Light." Pahayag ni Balance na ikinatango nalang ng lahat. Nagkanya-kanya ng uwi ang lahat maliban kina Blue na may kaguluhan parin sa mukha dahil hindi nya alam kung anong nangyari sa mga kaibigan nya lalo na kay Paxton. Naiwan din sina Demon at Devil na seryosong binalingan ng kambal. "Is it about her?" "Not literally her but a woman with the same name of her." Sagot ni Demon sa tanong ni Devil ikinakunot ng noo nito na bigla namang ikinalaki ng mata ni Blue na agad lumapit kay Demon "Don't tell me si Tanya ang tinutukoy mo? I mean 'yung buhay na Tanya?" "Yeah! Nakita ko nalang sya na kasama ng grupo at tinawag ko sya sa pangalan nya na ikinareak nung isa." Paliwanag ni Demon na unti-unting naintindihan ni Blue ang nangyari. "Tss! That's what you called sinadya." Poker face na kumento ni Devil na ikinangisi lang ni Demon "Kaya pala, pero teka nasaan na si Tanya?" tanong ni Blue na ikinatapik ni Demon sa balikat nito. "Naihatid ko na sa mga kasama nya, hindi maganda naging reaksyon ni Ignacio sa kanya kaya masyadong nabigla si Tanya." "Let's go home Demon, my phone is vibrating right now." Sabat ni Devil sa dalawa na ikinaungos ni Demon "Inatake na naman ng pagka weirdo ang tatay natin." Angal ni Demon na hindi na pinansin ni Devil at nauna nang maglakad palayo. "Hindi na naman siguro magkikita ang dalawang 'yun noh? Baka nagkataon lang na parehas silang naandito sa Sky Garden." Pahayag ni Blue na lihim na ikinangisi ni Demon. "I highly doubt about that." Mahinang sambit ni Demon na tinapik ang balikat ni Blue "Congrat's pala sa pag iingay mo kanina, kep it up buddy!" "Gago! Hindi pag iingay 'yun, papapakita ng talent ang ginawa ko." Pagtatanggol ni Blue sa performance nya kanina "Oo na, talent na kung talent. Umuwi na tayo." Pahayag ni Demon na si Blue naman ang tumapik sa balikat ng kaibigan "Wala pa ako sa mood umuwi baby ko, may gagawin pa ako eh." Ngiting sambit ni Blue na sinamaan ng tingin ni Demon "Pakamatay ka na Ynarez!" Iniwan ni Demon si Blue na bahagyang napatawa sa pagka-asar ni Demon sa tinawag nya dito. Nawala lang ang ngiti ni Blue sa mga labi nya ng malayo na sa paningin nya ang kaibigan at nagsimula ng mag-alala kay Paxton. Alam nyang nahihirapan ang isa sa mga kaibigan nya na bitawan ang nakaraan kaya alam nya na marinig palang nito ang pangalan ng dating kasintahan ay alam nyang dumudurog na sa puso ng kaibigan. Hindi inasahan ni Blue na magkikita at malalaman ni Paxton na may katulad na pangalan ang babaeng mahal nya. "Mahihirapan na naman makatulog ang isang 'yun." *FLASHBACK* Kanya-kanyang ensayo ang makikita sa malaking ground ng West bound, ang ilan sa kanila ay pinaghahandaan ang laban nila sa kabilang bound, ang East. Makikita ang kaabalahan san g lahat maliban kay Paxton na prentengeens nakaupo sa may damuhan at nakasandal na nakapikit sa isang malaking puno. Pinipilit ni Paxton na makatulog sa ilalim ng malaking puno pero hindi nya magawa hindi dahil sa ingay ng mga nag-eensayo kundi dahil sa isang matamis na ngiti ng isang babae na nakilala nya lang tatlong araw na ang nakakalipas na pabalik-balik sa isipan nya ang ngiting 'yun lalo na sa tuwing ipipikit palang nya ang kanyang mga mata. Simula ng masilayan nya ang magandang ngiti ng babaeng hindi naman nya intensyong tulungan ay hindi na naalis sa isip nya ang ngiting binigay nito sa kanya lalo na ang pangalan nito na hindi nya na nalimutan. Tatlong araw na hindi nakatulog ng matino si Paxton dahil sa pangalan at ngiti ng dalaga na mas lalo nyang ikinaiinis sa sarili. Ito ang unang beses na nahirapan sya sa pagtulog dahil lang sa isang babae, nagentertain sya ng ibang babae para makalimutan ang dalagang pumupuyat sa kanya sa panaginip pero in the end ang dalaga parin ang naiisip nya. "Gaguhan 'tong pumapasok sa isipan ko,ayaw akong patulugin tangna!" sita ni Paxton sa sarili na pinipilit ang sarili na dalawin ng antok. "Gusto mo bang ako ang magpatulog sayo?" Napamulat ang mga mata ni Paxton sa boses ng isang babae na agad nyang idinako ang paningin sa isang babaeng nakatayo sa may gilid nya na may malanding ngiting na agad nya ding ikinaalis ng tingin ditto. "Tsk! Iba ang ngiti ng bubwit na amazona na 'yun." Mahinang sambit ni Paxton ng maramdaman nyang umupo sa tabi nya ang babaeng simula ng dalhin sya ni Darren sa West bound ay hindi na sya tinigilan sa panlalandi at pangungulit nito sa kanya. "Bakit dito mo namang naisipang matulog Paxton? Maingay dito tsaka hindi komportable ang pwesto mo." Malambing na pahayag sa kanya nito na bahagya nyang ikinaisod palayo sa babae. "Leave me alone Tessa! Hindi ka ba nagsasawa sa pagpapapansin sa akin huh? Will you give me a f*cking break." inis na reklamo ni Paxton na alam naman nyang hindi papakinggan ng babae. "Pag pinagtatabuyan mo ko Paxton lalo kong gusto na angkinin ka." Pahayag ni Tessa na agad ikinasama ng tingin ni Paxton dito. Walang maisip na paraan si Paxton para tigilan sya nito, lagi nya itong sinusungitan pero hindi naman lumalayo si Tessa sa kanya. Ayaw nyang makita o makausap itop pero wala naman syang magawa lalo na at nasa iisang bound sila at may rank itong hawak. "Isa kang Elite diba? Wala naman sa job description mo na bantayan ako at landiin diba? Nag aaksaya kalang naman ng oras sa pagpapacute sa akin kaya bakit hindi nalang ang bound nyo ang pagtuunan mo ng pansin. Hindi ako nadadala sa landi Tessa at nananakit talaga ako ng babae kaya lubayan mo na ako." Inis na pahayag at banta ni Paxton dito at nagdesisyon nalang sya na tumayo dahil sa pang iistorbo ni Tessa sa kanya. "Hindi na nga makagawa ng tulog dahil sa bubwit na 'yun nakikisali pa ang isang 'to." Angal ni Paxton na mariing napapikit ng may yumakap sa kaliwang braso nya "Bakit ba ang sungit mo sa akin?" "Masungit ako sa lahat Tessa kaya pwede ba bitawan mo na ako! Pilit inaalis ni Paxton ang pagkakalingkis ni Tessa sa braso nya na mas lalo naman nyanga ikinainis dahil mas ayaw nitong bumitaw sa mga braso nya na hindi nya na nagugustuhan. "Ano ka ba Tessa ahas? Bitawan mo nga ang braso ko! " "Ayoko! Bakit ba kasi pinagtatabuyan mo ko?" "Buti nga pinagtatabuyan lang kita eh, kung itulak pa kaya kita? Isa, bibitaw ka ba o itutulak na talaga kita?" inis na banta ni Paxton na malanding ikinangiti lang ni Tessa at mas hinigpitan ang pagkapit sa braso nya na akmang itutulak na ni Paxton ng may dumating at tumigil sa harapan nilang dalawa. "Tessa, huwag mo namang kinukulit ang bisita ko baka idemanda ka nya because of harassing." "Atlast Villegas! Will you help me shoo away this woman? Nagsisimula na akong mairita." Angal ni Paxton kay Darren na lihim na ipinagpasalamat ni Paxton dahil mailalayo na sa kanya ag makulit na si Tessa. "Common Tessa, leave Ignacio alone.' Utos ni Darren na ikinasimangot na dahan-dahang ikinabitaw ni Tessa sa braso ni Paxton na agad ikinalayo nito sa babae at ikinalapit naman ni Paxton sa gilid ni Darren. "Saan ba ako pwedeng kumuha ng restraining order para di na makalapit ang isang 'yan sa akin." Bulong ni Paxton kay Darren na ngising ikinalingon nito sa kanya. "Wala nun dito pero kung gusto mo talagang tigilan ka ni Tessa sa Emp ka namin lumapit, he's here actually. Mainit nga lang ang ulo dahil muntik nya na daw masugod 'yung isang lalaking lumalapit sa first love nya. Pwede din naman na lumapit ka sa head office ng mga founders kaya lang baka hindi ka na makabalik dito sa West bound pero atleast naihinga mo sa kanila ang reklamo mo kay Tessa." "Salamat nalang sa mga suhestiyon mo." Pokerface na sagot ni Paxton na ngiting ikinabalik ng tingin ni Darren kay Tessa. "Hinahanap ka ng ibang Elites, trabaho muna bago landi Tessa." Pahayag ni Darren na nakasimangot na ikinaalis ni Tessa na ikinahinga naman ng maluwag ni Paxton. "Hirap bang maging gwapo Paxton?" "Gago! Master ka diba? Mas head ka sa kanya kaya pwed ba pagbawalan mong lumapit sa akin si Tessa." Angal ni Paxton kay Darren na bumalik sa pwesto nya sa ilalim ng puno bago sya gambalain ni Tessa sa pamamahinga nya. "Master nga ako dito pero wala naman sa job description ko ang magtaboy ng mga lalandi sayo. Gusto mong tigilan ka ni Tessa sa pangungulit sayo? Isa lang solusyon dyan Paxton." Sambit ni Darren na ikinalingon ni Paxton sa kanya "Ano namang solusyon 'yang naiisip mo?" "Girlfriend Ignacio, Maghanap ka na kasi ng girlfriend mo para tantanan ka na ni Tessa. Titigil lang 'yun pag may nagmamay-ari na sayo, but make sure na sa labas ka ng Underground Society ka maghahanap para hindi mahamon ni Tessa." Sagot ni Darren na ikinapokerface nitong tingin sa kaibigan. "Hindi ako fan ng mga ganyan Villegas, ibang plan please." Naiiling na lumapit si Darren sa pwesto ni Paxton at nakiupo sa tabi nito, sumandal si Darren sa malaking puno habang pinapanood ang mga member nila na seryosong nageensayo. "Ano bang ginagawa mo bago ka inistorbo ni Tessa?" biglang tanong ni Darren sa kaibigan "Gumagawa ng pesteng tulog na mukhang nakikipaghabulan pa sa akin." Reklamo ni Paxton na ikinasalubong ng kilay ni Darren na nilingon si Paxton. "Bakit naman dito mo pa sa labas naisipang matulog? Sawa ka na bang dumayo ng tulog sa pavilion dude?" "Dito nga sa labas hindi ako makatulog eh sa pavilion pa kaya." Angal ni Paxton na ikinataka ni Darren sa sinabi ng kaibigan. "Bago 'yun ah! Anong meron at nahihirapan kang makatulog?" 'Tss! Wala, trip yata ng mga mata kong gumising 24/7." Sagot ni Paxton na ikinibit balikat nalang ni Darren dahil magtanong man sya alam nyang may ugali si Paxton na hindi magsasalita lalo na kung ayaw nitong ipaalam sa kanya. Natigilan nalang silang dalawa ni Darren ng tumunog ang cellphone ni Paxton na agad namang ikinakuha nito sa kanyan bulsa ng pants nya at napangiwi ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya. "Aish! Isa pang istorbo." Angal ni Paxton na walang nagawa kundi sagutin ang tumatawag. "Balita o mang-aabala?Gandahan mo sagot mo Laochecko bubugbugin kita." Agad na pahayag ni Paxton sa kausap na ngiting ikinailing ni Darren. (Kuya Paxton naman syempre balita.) Natigilan si Paxton sa sagot ng kausap bago tumayo sa pagkakaupo at agad lumayo kay Darren na rinig nyang ikinatawa ni Darren na hindi nalang nya pinansin. "M-may nakuha ka ng information." (Madami Kuya at pag nalaman mo baka magulat ka.) Nagsalubong ang kilay ni Paxton sa sinabi ng kausap nya, mukhang may nalaman na ito sa inutos nya na mukhang hindi nya magugustuhan. "I'm listening." (Tanong ko lang Kuya Paxton, interesado ka ba sa kanya kaya pinahanap mo sa akin ang tungkol sa kanya?) Hindi agad nakasagot si Paxton sa tanong ng kausap dahil kahit sya ay hindi nya alam kung bakit pinakuha nya kay Maki ang tungkol sa dalagang gumugulo sa isipan nya. Hindi nagugusuhan ni Paxton ang ginagawa nya pero wala na syang nagawa since nagawa ni Maki ang iniutos nya ditto. "I'm f*cking listening Laochecko." Inis na sambit ni Paxton na alam nyang naramdaman ng kausap (Sabi ko nga eh! Listen Kuya, sa Unibersidad De Manila sya nag-aaral at fine arts ang kursong kinukuha nya, and take note Kuya Paxton mukhang sikat sya sa department nila lalo na sa mga kalalakihan. Nagpa-part time model din sya pero hindi natanggap ng bayad.) "Yun lang?" (Syempre hindi lang 'yun, ito pa Kuya ha. Anak sya ng mayaman at kilalang businessman sa Asia at Europa, kilala mo nga ang nakatatanda nyang kapatid eh.) Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ni Maki na kilala nya ang nakatatandang kapatid ni Tanya dahil kung malinaw pa ang memorya ni Paxton ay isang beses nya lang nakita ang dalaga at wala syang alam na kahit isa dito maliban nalang sa malakas ang epekto nito sa kanya. "Ang dami mong pasakalye Laochecko sasakalin kita!" sitang reklamo ni Paxton kay Maki (Ito na nga 'yung pinaka main na nakuha kong information sa kanya, unica hija sya ng Westaria family at nag iisang kapatid ni Taz Ezra Westaria. Her complete name is Tanya Erza Westaria, bakit ba pinahanap mo ng impormasyon ang kaptid ng karibal mo Kuya?) Gulat at hindi makapaniwalang naibaba ni Paxton ang kanyang cellphone, hindi nya inasahan na ang babaeng pauli-ulit na nakikita nya sa bawat pagpikit nya ay kapatid pala ng taong tinuturing nyang karibal sa loob at labas ng Underground Society. -END OF FLASHBACK- "TANYA!!" Hinihingal na napabangon si Paxton sa pagkakahiga nya ng muli nyang mapanaginipan ang pinakamamahal nya. Sinabunutan ni Paxton ang kanyang buhok dahil sa dami ng gusto nyang panaginipan tungkol sa babaeng mahal nya ay ang masamang nangyari ditto ang paulit-ulit na bumabalik sa mga panaiginip nya. "Peste! Hindi ang senaryo na 'yun ang gusto kong makita, Damn baby! I wan to see your smile." "Hindi ka yata nagdadasal bago matulog kaya binabangungot ka eh." Agad na nilingon ni Paxton ang kaibigang nakasandal sa hamba ng pintuan nya na ikinabuntong hininga nya at poker face na tinitigan ang bisita. 'Upgraded ka na Ynarez, dati bumubusina ka lang sa tapat ng bahay ko, ngayon pumapasok ka na sa pamamahay ko at talagang sa kwarto ko pa ikaw dumeretso. Paano ka nakapasok na hudyo ka?" Nagdiretso ng pumasok si Blue sa kwarto ni Paxton at umupo sa pang isahang sofa bago binigyan ng malawak na ngiti ang kaibigan na nakasandal na sa kama nito. "Hindi ko akalain na pwede palang mag overnight dito sa high-tech mong bahay, bakit di mo kami inaayang matulog dito? 'yung dalawa mong bisita hindi maistorbo ang tulog sa may sala." "Si Trace ang nagpapasok sayo dito sa pamamahay ko?" 'Tumpak! Kakaiba din ang butler mo Paxton eh, hating-gabi na nasa may malaking puno mo pa sa gilid ng bahay mo at doon nakatambay. Hindi ba marunong matulog ang isang 'yun?" tanong ni Blue na ikinabuntong hininga nalang ni Paxton. "He's not my butler Ynarez." Umalis sa pagkakasandal si Paxton sa kanyang kama at tumayo bago nagdire-diretso sa banyo nya at naghilamos ng mukha na ramdam nyang ikinasunod ni Blue sa kanya. "The same scenario?" tanong ni Blue na ikinaigting ng panga ni Paxton na nakita ng kaibigan. "Yung nangyari sa kanya ang paulit-ulit na bumabalik sa panaginip ko, yung pagma-makaawa nya sa mga animal na 'yun, ang pag-iyak nya habang ginagawa sa kanya ang kahayupan na 'yun. Damn! Bakit ba 'yun nalang lagi ang napapanaginipan ko?Gabi-gabi akong nasasaktan ng sobra Ynarez , tangna, pakiramdam ko hindi ko na kakayanin sa susunod." Ramdam ni Blue ang sakit na nararamdaman ng kaibigan sa mga sinabi nito. Isa si Blue sa nakasaksi kung gaano minahal at pinahalagahan ni Paxton si Erza at nakita din nya kung paano gumuho ang mundo ng kaibigan sa pagkamatay ng babaeng mahal nito. "Dude, kaya siguro palaging ang masamang nangyari sa kanya ang napapanaginipan mo dahil ayaw mo syang pakawalan. Paxton, alam kong masakit ang pagkawala nya, mahal mo sya eh kaya lang ikaw lang din ang mahihirapan kung patuloy kang kakapit kay Erza. Apat na taon na syang wala palayain mo na sya." Pahayag ni Blue na walang emosyong ikinalingon ni Paxton sa kanya. "Hinding-hindi ko gagawin 'yan hanggat hindi ko napapatay ang natitirang lumapastangan kay Tanya, and don't you f*cking dare to tell me to forget her because you know Ynarez that I can't do that." Malamig na pahayag ni Paxton bago lumabas sa banyo na bahagya pa nyang ikinadanggi kay Blue. Alam ni Blue na sa mga binitawang salita ng kaibigan ay hindi pa ito handang kalimutan ang babaeng minamahal nya mula noon hanggang ngayon. "Bakit bigla ka palang umalis ng walang paalam kanina sa amin sa Sky Garden? Hindi mo man lang muna ako binati dahil sa successful ng concert namin." "Bakit sa lahat ng pangalan na pwedeng ipangalan sa babaeng 'yun bakit ang pangalan pa ni Tanya?" naghihinakit na pahayag ni Paxton kay Blue na alam nito kung ano ang pinatutukuyan ng kaibigan. "Paxton my friend, hindi naman si Tanya II ang pumili ng pangalan nya eh! Wala kang magagawa kung 'yun ang ibinigay sa kanya ng mga magulang nya sa kanya." Sagot ni Blue na kita nyang ikinairita ng mukha ni Paxton "Don't call her with that name Ynarez, para sa Tanya ko lang ang pangalan na 'yan!" Napailing nalang si Blue sa sinabi ng kaibigan, matigas ang ulo nito kaya alam nyang pag si Erza ang pinag uusapan wala itong ibang pakikinggan. "Alam mo namang may pa meeting si Boss Taz bukas diba? Subukan mong huwag magpakita sasabihin ko lahat kay Boss Taz ang paglilihim mo sa paghahanap sa natitirang tauhan ni Lolo Sid." Hamong banta ni Blue na ikinasama ng tingin ni Paxton sa kanya. "Huwag mong pairaln ang pagkamadaldal mo Ynarez ipababaril kita kay Trace." Panakot ni Paxton na malawak lang na ikinangiti ni Blue. "You love me Paxton, kay Sergio nga hindi mo nagawa eh, sa akin pa kaya." "Kadiri ka Ynarez, huwag mo nga akong isali sa bromance mo sa Mondragon twins." "But seriously Paxton, Boss Taz need us alam mo naman na masaya 'yun pag nakikita tayong kumpleto hindi nga lang halata .' sambit ni Paxton "Sino ba kasing may sabi na hindi ako pupunta?" "Eh! Proven and tested ka na bro eh! Tanda mo ba nung nagkaroon kayo ng tampuhan ni Erz—" "Excuse me." Sabay na napalingon si Paxton at Blue kay Trace na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ni Paxton at walang emosyong nakatingin sa kanilang dalawa. "The two idiots were fighting over something, they might break some of your things Boss." Walang emosyon na sumbong ni Trace bago ito umalis sa kinatatayuan nito. "Akala ko ba Ynarez hindi maistorbo ang tulog nung dalawang 'yun?" tanong ni Paxton na ikinibit balikat ni Blue "Yun din ang alam ko eh!' "Damn! They might ruin my house!" tarantang sambit ni Paxton na dali-daling lumabas sa kwarto nya Naiwan si Bluensa kwarto ni Paxton na natatawa ng mapatingin sya sa iang litrato na nakaabit sa pader ng kwarto ni Paxton na ikinatigil nya sa pagtawa at ikinalapit nya sa litrato. "Yow Erza! Magiging Masaya ka naman siguro kung hindi na kakapit si Paxton sa nakaraan diba? Papayag ka namang maging masaya sya kahit ang ibig sabihin ay ang kalimutan ka na nya. Alam kong nagging unfair sayo ang tadhana dahil iniwan mo na si Paxton, pero dahil mahal mo ang lalaking 'yun alam kong ayaw mo na nahihirapan ang lukong 'yun.Huwag kang mag alala kaming bahala sa Ton-ton mo." pahayag ni Blue sa larawan ni Erza na may malawak na ngiti sa mga labi nito. Nawala lang ang tingin ni Blue sa larawan ni Erza ng marinig nya ang sigaw ni Paxton na mukhang sinesermunan ang dalawa nitong kasama sa ibaba. "Huwag mo sanang hayaan na sumuko si Paxton dahil sa pangu-ngulila sayo, alam mong hindi kami papayag na mawala ang isa sa amin, alam kong alam mo na hindi papayag ang Kuya mo."pahayag na kausap pa ni Blue sa larawan ni Erza na bahagyang ikinatawa ni Blue ng makarinig sya ng dalawang putok ng baril na ikinalakad nya palabas ng kwarto ni Paxton habang naririnig nya ang sigaw ng kaibigan. "LAOCHECKO, VERCHEZ BAYARAN NYO ANG MGA VASE NA BINASAG NYONG MGA TANGNA KAYO!"
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작