Episode 2

3924
"Life is short so does do whatever your heart wants especially  fall inlove with a person that will makes you complete." -Rhen A. CHAPTER 2 -THIRD PERSON P.O.V- "Ano gusto mong gawin natin ngayon Tanya?Waahh after a month pinalabas ka din ng overprotective mong kuya kaya dapat mag-celebrate tayo. Aba hindi ka preso para ikulong ng kuya mo dahil lang sa kalagayan mo may buhay ka din na dapat i-enjoy. Alam ko marami kang gustong gawin ngayon tama ba? Teka teka babalik ka ba sa pagkanta sa JEYA's bar kung saan si Kuya Tomi ang nag mamanage?Naku matutuwa si Kuya Tomi pag nakita ka nya, alam mo naman sa ating dalawa ikaw ang paborito nun. Gusto mo bang puntahan mu--" Natigilan si Mel sa pagsasalita ng makita ang kaibigan na tulala habang nakatingin sa helmet nitong hawak na nakalimutan nya ng tanungin kung bakit may helmet syang dala dahil natuwa sya ng makita ulit ang kaibigan matapos ang isang buwan na hindi ito pinayagan ng kanyang kapatid na lumabas ng bahay nila dahil sa kondisyon nito. Kanina pa sya salita ng salita at mukha namang wala sa kinalalagyan nila ngayon ang isipan ng kaibigan. Nasa isang cakeshop sila ngayon na paborito nilang puntahan pero ang kaibigan nya ay mukhang wala sa wisyo habang titig na titig sa helmet na hawak. Nagpangalumbaba si Mel at pinagmasdan ang kaibigang wala sa kanya ang atensyon. "May kausap pa ba ako dito o naiwan ng kaibigan ko ang kaluluwa nya sa bahay nila o napadpad na kung saan ang isipan nya at hindi man lang pinakikinggan ang mga sinasabi ko?" punang pahayag ni Mel sa kaibigan na hindi natitinag sa pagtitig sa hawak nitong helmet. Hindi malaman ni Mel kung bakit titig na titig ang kaibigan nya sa hawak  itong helmet. Nasisiguro naman nya na hindi ito sa kuya nya dahil walang taste ang kuya nito pagdating sa mga ganitong gamit. Isa pa mukhang mamahalin ang helmet na hawak ni Irish. "Saan mo ba nakuha ang helmet na yan Tanya bakit ganyan mo katitigan yan ha?" tanong ni Mel naku-curious na sya sa pagkakatitig ni Irish dito. Nakita nya ang pagbuntong hininga ng kaibigan bago sya nilingon na ikinapalakpak  ni Mel. "Sa wakas nilingon narin ako ng bestfriend ko s***h future sister in law ko na hindi yata naexcite na makita ako." "s***h future sister in law? Alam ba ni Kuya yan?" sambit ni Irish na ikinatigil sa pagpalakpak ni Mel at sumimangot na sumandal sa kinauupuan nya "Ay ang galing, ngayon  nalang nga ulit tayo nagkita binabara mo pa ako ng ganyan. Welcome back Tanya Irish ha!" reklamo ni Mel na bahagyang ikinatawa ni Irish "Mabalik ako sa tanong ko, saan mo ba nakuha ang helmet na yan?Muntik na yatang matunaw yan sa sobrang titig na binibigay mo dyan." Muling ibinaling ni Irish ang tingin sa hawak na helmet ng muli nyang maisip ang lalaking may ari nito na hindi nya akalaing muli nyang makikita. Ilang buwan rin ang lumipas simula ng makita nya ang lalaking yun na hindi na nawala sa isipan nya. Tandang-tanda nya ang mukha nito lalo na ang mga mata nitong may kalungkutan at pangungulila. "Nakita ko na sya ulit Mel, sa ilang buwan na nagpabalik balik ako sa JEYA nakita ko na ulit sya." sambit ni Irish na ikinsalubong ng kilay ni Mel dahil hindi nya magets ang sinasabi ng kaibigan. "Sinong sya?Sino ba ang tinutuk--OMG!OH MY GOSH!" Nanlalaking mata ang pinukol ni Mel sa kaibigan ng magsink in sa kanya kung sino ang tinutukoy nito. Ilang buwan din silang nagpabalik balik sa JEYA dahil sa lalaking hindi alam ni Mel kung bakit gustong makita ulit ng kaibigan. Hindi nya pa nakikita ang mukha ng lalaking tinutukoy ni Irish pero simula ng gabing yun ay laging bukang bibig ito ng kaibigan kung makikita nya ulit ito. Dahil sa laging pagbalik nito sa JEYA ay inatake sya ng sakit nya na naging dahilan para hindi na ulit sya payagang lumabas ng Kuya Orlin nito. "Don't tell me yang helmet na hawak mo ay--" "I saw him again while I was acrossing the road papunta dito. Muntik nya na akong mabundol kan--" "WHAT?!!MUNTIK KA NG MABUNDOL KANINA?" gulat na gulat na sambit ni Mel na mabilis na tumayo sa pagkakaupo nito at nilapitan si Irish. Inilapag ni Mel ang hawak nitong helmet sa lamesa at itinayo sya bago sinuri ang buong katawan ng kaibigan. "My goodness Tanya nadanggi ka ba?May masakit ba sayo?nabalian ka ba?Ang puso mo kamusta?May God Tanya Irish gusto mo bang hindi na talaga palabasin ng Kuya Orlin mo?" sunod sunod na mga tanong ni Mel na may pag aalala na agad hinawakan ni Irish sa magkabila nitong balikat para tumigil sa ginagawang pagtingin sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng ibang costumer sa cakeshop kaya inalalayan nyang umupo ang kaibigan sa upuan nito bago umupo ulit. "Ang OA mo Melrose ha!Alam mo ba yung salitang muntik na?Tagalog na yun hindi mo pa naintindihan?Paano ka kaya naipasa ng teacher mo noon sa Filipino sa subject kung yung simpleng salitang muntik na ay hindi mo naintindihan." sita ni Irish kay Mel na ikinanguso nito. "Nag alala na kasi ako para sayo eh!Oh sya balik tayo sa topic so muntik ka ng mabundol at yung lalaki pang lagi mong binabalikan sa JEYA na hindi naman natin makita doon ang muntik ng makasagasa sayo. Anong sunod na nangyari?" Sumandal si Irish sa kinauupuan nya lumingon sa glass wall ng cakeshop habang muling inalala ang mukha ng lalaking gusto nya ulit makita. "Pakiramdam ko naupos ako sa kinatatayuan ko ng makita ko sya ulit. Hindi ko nagawang makapagsalita ang nagawa ko lang ay hawakan ang helmet nya na binigay nalang nya sa akin dahil akala nya baliw ako." kwento ni Irish na ikinatitig lang ni Mel sa kaibigan. "Sa kwento mo Tanya parang nawirduhan sayo ang lalaking yun pero sa nakikita ko sayo mukha talagang na love at first--ah hindi na pala first kundi love at second sight ka sa lalaking may ari ng helmet na yan." pahayag ni Mel na sumandal na rin sa kinauupuan nya "So nakita mo na sya ulit pero wala ka naman kasiguraduhan na magtatagpo ulit ang landas nyo. Baka nagkataon lang talaga na sya ang muntik ng makasagasa sayo. Baka umasa ka dyan na makikita mo sya ulit ha, naku Tanya sa lawak ng mundo isang beses lang nangyayari ang ganyang pagkakataon." "Naniniwala ako na hindi lang pagkakataon ang nangyari kung bakit nakita ko ulit sya." ngiting nilingon ni Irish ang kaibigan at nagpangalumbaba sa lamesa habang may ngiti sa labing tinitigan ang helmet na nakapatong sa lamesa. "Naniniwala ako na tadhana na ang gumawa paraan para makita ko sya at naniniwala ako sa tadhana na pagtatagpuin nya kami ulit." "Seryoso ka sa sinasabi mo?O sige sabihin na natin na magkikita ulit kayo, anong gagawin mo?" "Magpapakilala ako sa kanya at makikipag kaibigan. Hindi ko alam Mel pero may pakiramdam ako na gustong-gusto ko syang makilala." sambit ni Irish na hindu makapaniwalang ikinailing ni Mel. "Hindi ko alam kung anong meron ang lalaking may ari ng helmet na yan at ganyan ka ka-interesado sa kanya. Mukhang hindi ka naman nagbibiro sa naisip mo, pero paaalalahanan lang kita Tanya ha! Hindi mo pwedeng pwersahin ang sarili mo na hanapin sya ulit, hindi kakayanin ng katawan mo." pahayag na paalala ni Mel kay Irish na biglang natahimik sa sinabi nito. Napansin naman ni Mel ang pagtahimik ng kaibigan kaya tumayo ito sa kinauupuan nya at lumipat ng upuan katabi ni Irish na agad nyang inakbayan na ikinalingon nito sa kanya. "Hindi sa pinipigilan ko ang gusto mong gawin pag nakita mo ulit ang lalaking yun ah, ang akin lang palakasin mo muna ang sarili mo, mabuti nga at hinayaan ka ulit ng Kuya mo na maglalabas pero pag naulit ang nangyari sayo before baka sa sobrang pag aalala nya sayo baka hanggang kwarto mo nalang ikaw." pahayag ni Mel ikinangiti ni Irish dito "Hindi naman kasi dapat kayo mag alala sa akin eh! Malakas pa ako at kaya kong alagaan ang sarili ko. Hindi ako basta-basta magpapatalo sa sakit ko kaya hindi dapat kayo mag alala ni Kuya sa kalagayan ko. Tsaka matagal ko ng tanggap na ito ang kapalaran ko kaya dapat ineenjoy ko 'to." ngiting pahayag ni Irish na mabilis na niyakap ni Mel "Hindi pa kami handa ng Kuya mo Tanya kaya nga ginagawa lahat ng Kuya Orlin mo para makahanap ng bagong donor para sayo." malungkot na sambit ni Mel sa kaibigan. Bata palang si Irish ng ma-diagnose sya na may problema ang puso nya. Irish had an illness of Cardiomyopathy, its a case na  nahihirapan ang puso nyang mag pump ng blood sa kanyang katawan kaya nagkaroon ng kumplikasyon ang puso nya habang lumalaki sya. Kaya ng tumuntong sya ng ika-23 nya at naging malala ang kondisyon nya ay napagpasyahang ipa- heart transplant sya dahil nakahanap din naman agad ng donor ang Kuya nya kaya lang sa paglipas ng mga taon ay nagkaproblema ang bago nyang puso. Ang sabi ng doktor sa kanila ay nirereject na ng katawan ni Irish ang bago nyang puso na naging dahilan para magkaroon ulit ito ng kumplikasyon. Her immune system attacked her donated heart. Nakakaranas ulit si Irish ng kahirapan sa paghinga, abnormal na bumibilis ang pintig ng puso nya na naglilead sa lagi nyang pagkawalan ng malay at panlalambot ng katawan. Hindi naging compatible ang puso nya ngayon sa katawan nya at sinabi ng doktor sa kanila na kung hindi sila makakahanap ng pusong tatanggapin ng katawan ni Irish ay magiging huli na ang lahat para sa dalaga. Alam ni Irish na nagiging seryoso na ang kalagayan nya lalo na ng huling atake nya, kaya gusto nya kung hindi man sila makahanap ng bagong donor para sa kanya ay susulitin nya ang natitira nyang buhay at yun ay makilala ang lalaking sa unang beses nyang nakita ay hindi nya na makalimutan. Inalis ni Irish si Mel sa pagkakayakap sa kanya at matamis na nginitian ang kaibigan. "Huwag na nga tayo maging madrama dito, isang tabi na muna natin ang sakit ko okay! Anong gusto mong gawin natin ngayong pinayagan na ulit ako ni Kuyang maglalabas?Alam mo Mel namiss ko ang mga rides sa Amusement Park, doon kaya tay---" "Heeeppp! Bawal ang extreme activities so it's a big no for you Tanya." pigil ni Mel sa plano ni Irish na ikinanguso nito "Unfair! So anong gagawin natin ngayon?Magtititigan?" angal ni Irish kay Mel ba bahagyang natawa sa reaksyon nya. "Ofcourse hindi nuh! boring din naman kung magtititigan lang tayong dalawa dito. Bakit hindi tayo manuod ng sine?" Bahagyang nag isip si Irish sa plano ni Mel ng biglang may pumasok sa isipan nya na ikinalawak ng mga ngiti nya. "Alam ko na kung anong gagawin natin Mel." ngiting pahayag ni Irish na ikinasingkit ng mga mata ni Mel sa kanya. "Parang may idea na ako sa ngiti mong yan Irish! Tell me mali ang naiisip ko na gusto mong gawin ngayon?" "Kung ang naiisip mo ay ang naiisip ko ngayon na gawin natin ay tama ka! Hanapin natin ang lalaking may ari ng helmet na ito. Kailangan ko lang malaman ang pangalan nya Mel, kaya sige na malay mo makita ko ulit sya." suhestiyon ni Irish na ikinabuntong hininga ni Mel "Ano ba talaga kasing meron ang lalaking yan at interesadong-interesado ka sa kanya?Nakoo dapat gwapo talaga ang lalaking may ari ng helmet na yan para worth it ang paghahanap natin sa kanya." sambit ni Mel na masayang ikinayakap ni Irish sa kanya. "Kyaaahhh!Thank you thank you Mel! the best na kaibigan ka talaga!" masayang pahayag ni Irish na ikinailing lang ni Mel "Mapapagalitan ako ng Kuya mo dahil kinukunsinte ko ang gusto mo." Mabilis na kumawala si Irish sa pagkakayakap ng kaibigan at agad na tumayo sa pagkakaupo bago dinampot ang helmet at niyakap ito. "Tara na! Baka nasa tabi tabi lang sya kaya simulan na nating hanapin sya." Nahihimigan ni Mel sa boses ni Irish at nakikita nito sa mga mata ng kaibigan ang kagustuhang makita talaga nito ang lalaking may ari ng helmet. Ito ang unang beses na naging interesado ang kaibigan sa isang lalake, hindi alam ni Mel bakit nakuha ng lalaking yun ang atensyon ni Irish. Naiiling nalang na tumayo si Mel at dinampot ang purse bago sya excited na hilahin palabas ni Irish sa cakeshop. "Paano kung hindi natin sya agad makita ha?" tanong nya kay Irish na may determinasyon sa mga matang tinitigan sya nito. "Then we should try and try until we find him. Pag nakita natin sya ilalakad kita kay Kuya." sambit ni Irish bago sya ulit hilahin Kilala nya si Irish, consistent ang kaibigan nya lalo na pag may nagustuhan itong gawin at nakikita nyang interesadong-interesado ito sa lalaking nakakuha ng atensyon nito. Sigurado si Mel na pagnalaman ng Kuya ni Irish ang ginagawa nila ay parehas silang masesermunan nito. Hindi naman nya kasi kayang tanggihan ang kaibigan, bawal dito ang masyadong emosyon dahil nagrereakt agad ang puso nito, ayaw nya itong malungkot pag tinanggihan nya ito sa gusto nito kaya nagpapahila nalang sya kung saan man sya dalhin nito. "Saan tayo magsisimula sa paghahanap sa lalaking yun Tanya?Alam mo may naisip ako eh! Bakit hindi natin tanungin si Kuya Tomi malay mo kilala nya yun dahil baka regular costumer yun ng JEYA na hinahawakan nya ngayon." pahayag ni Mel na ikinatigil ni Irish sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang nilingon si Mel "Oh bakit ganyan ka makatingin?" takang tanong ni Mel kay Irish "Bakit ngayon mo lang naisip na gawin yan Mel?" pahayag na tanong ni Irish na ikinalito ng isipan ni Mel dahil sa sinasabi nito. "Ang alin Irish?" "Si Kuya Tomi?Tama ka baka kilala sya ni Kuya Tomi. Waahh!Bakit ngayon mo lang naisip si Kuya Tomi edi sana hindi tayo nahirapan noon. Sana nakilala ko agad yung lalaking gusto kong makilala. Pumunta na tayo ngayon din kay Kuya Tomi." Agad na binitawan ni Irish ang pagkakahawak nya kay Mel at naeexcite na nauna ng magalakad sa kaibigan na hindi makapaniwalang nakatayo lang sa kinatatayuan nito na napansin naman ni Irish. "Huy Mel! Huwag ka ng tumayo dyan! Tara na sa JEYA!" Napapakamot ang ulong sumunod na kay Irish si Mel, nakikita nya ang kaibigang masaya at excited habang naglalakad. Hindi naman kalayuan ang isang branch ng JEYA na pinamamahalaan ngayon ng kaibigan nila kaya ok lang na maglakad sila. Gusto mang pigilan ni Mel ang kaibigan ay wala syang magawa lalo na at nakikita nya ang kagustuhan talaga nitong makilala ang lalaking nakakuha ng atensyon ng kaibigan. Binilisan ni Mel ang kanyang paglalakad para maabutan si Irish ng may ilang kalalakihan ang tumigil sa harapan ni Irish na mukhang hindi gagawa ng mabuti kaya agad nyang nilapitan si Irish at itinago sa likuran nya habang mga nakangisi ang mga lalaking parang gutom kung makatitig sa kanila. "Tingnan mo nga naman ang swerte pag inabutan ka! Dalawang magandang babae ang pwedeng magpasaya sa atin ngayong araw na ito." ngisi ng lalaking nasa pinaka unahan ng mga kasama nito na bahagya nilang ikinaatras ni Irish. "Mel. . ." "Kung wala kayong magawa sa buhay nyo pwede ba spare us! Umalis kayo sa dadaanan namin!" singhal ni Mel sa mga kalalakihan na sabay sabay na nagtawanan. "Wala nga kaming magawa sa buhay namin Miss eh kaya baka maresolbahan nyo? Baka naman mapahiram nyo sa amin ang oras nyo. Maliligayahan kayo sa naiisip naming gagawin sa inyo."ngising pahayag ulit ng lalaki na kung titigan sila nito ay mukhang hinuhubaran na sila ni Irish sa isipan ng lalaki. Napasinghap nalang si Mel ng biglang pumunta sa harapan nya si Irish at namewang sa harapan ng mga lalaki na agad nyang ikinahawak sa braso nito. "Tanya ano bang ginagawa mo?Bumalik ka sa likuran ko?" sita ni Mel na hindi pinakinggan ni Irish at binigyan ng matalim na tingin ang mga kalalakihan na alam ni Irish na gagawan sila ng masama. "Mga taong walang magawa sa buhay na nangiistorbo ng mga busy na tao gaya namin, pwede ba huwag nyo kaming abalahin. Bakit hindi nalang kayo maghanap ng trabaho para may silbi kayo sa lipunan. Maawa kayo sa inang bayan dahil imbis na nakakatulong kayo eh nagiging pabigat kayo sa bayan." sermon ni Irish na ikinapikit ni Mel dahil sa ugali ng kaibigan. May sakit ito pero hindi mo makikita ang pagiging mahina nito dahil sa awra nyang matapang at palaban. Sa ganitong mga sitwasyon may oras na sinasapian ito ng pagka Melchora Aquino ang kaibigan nya at sa nakikita nya mukhang ang mga lalaking nasa harapan nila ay naasar sa mga sinabi ni Irish kaya lihim nyang kinuhit si Irish lumingon sa kanya. "Tanya huwag mong sinasabi yan sa kanila hehe. ." "Bakit naman?Paano nila malalaman na wala silang silbi sa bayan dahil sa ginagawa nila kung walang magsasabi sa kanila?Tama naman ako diba Melrose?" inosenteng tanong ni Irish na ikinangiwi ng kaibigan. "Alam ko naman yun pero sa pagkakataon na'to iwasan mo munang magging pranka okay! Ikakapahamak natin yang pagka katipunera mo eh!" "Huh?Hindi ko--" "Ang lakas ng loob mong insultuhin kami babae! Magiging mabait sana ako sa inyo pero dahil sa mga narinig kong pang iinsulto mo baka pahirapan ko kayo!" may himig ng inis sa boses ng lalaking muling binalingan ni Irish ng mataray na tingin at tinuro-turo pa ang mga lalaki na pilit pinipigilan ni Mel "Hindi naman ako nang iinsulto ah! Bakit natamaan ba kayo?Kung ayaw nyong masabihan ng tulad ng sinasabi ko maghanap kayo ng matinong trabaho at magtino kayo!" singhal ni Irish na agad hinila patakbo ni Mel ng may nagagalit na nagsimula silang habulin ng mga lalaki. "Damn Tanya!Being honest all the time is really not good!" wika ni Mel habang mabilis na tumatakbo at hinihila si Irish na naguguluhan sa pagtakbo nila. "Mel!!Bakit ba tayo tumatakbo?!" "Nagtanong ka pang Melchora Aquino ka!Kung hindi tayo tatakbo mapapahamak tayo!Wala kang dalang tabak para makidigma at hindi na uso yun ngayon!!!" hinihingal na pahayag ni Mel na ikinalingon ni Irish sa mga kalalakihang humahabol sa kanila. "Gosh!!Patay tayo pag nahuli nila tayo!" kinakabahang sambit ni Mel na hindi inaasahan ang pagkatalapid nya kaya dalawa silang napadapa sa kalsada na parehas nilang ikinangiwi. "Aray!Ang sakit!" angal ni Mel na mabilis nilingon ang mga lalaking palapit na sa kanila kaya agad syang tumayo at hinawakan si Irish para muling tumakbo ng pigilan sya nito. "Tanya naman malapit na yung mga humahabol sa atin kaya bilisan natin!" angal ni Mel na bumitaw sa pagkakahawak ni Mel na nalilitong ikinatitig ni Mel sa kanya. "Mabilis tayong mahuhuli ng mga panget na yan kung magkasama tayo Mel. Ang mabuti pa maghiwalay nalang tayo." hinihingal na sambit ni Irish na ikinalaki ng mga mata ni Mel "What?No! hindi ako papayag sabay tayong makakatakas sa mga unggoy na yan!Kaya halika na malapit na sila!" akmang hahawakan ni Mel ang braso ni Irish ng ibigay nito sa kaibigan ang helmet nyang hawak at agad lumayo dito sa kanya at tumakbo sa ibang daan bago nilingon si Mel habang tumatakbo. "TANYA!!!!" "MAGKITA NALANG TAYO SA TAPAT NG JEYA's BAR MEL!" Sigaw ni Irish na binilisan ang takbo ng makita nyang naghati ang mga lalaking humahabol sa kanila para hulihin silang dalawa. Nakita na rin nya na tumakbo palayo si Mel kaya nakahinga sya ng maluwag "HOY!BABAE PAG NAHULI KITA MALALAGOT KA SA AKIN!" bulyaw na sigaw ng lalaking ininsulto nya kanina habang hinahabol sya. Hinihingal na si Irish at pakiramdam nya ay nangangapal ang ulo nya dahil nahihirapan na syang kumuha ng hangin. Malayo-layo din ang tinakbo nya at mukhang hindi yun nagugustuhan ng puso nya. Unti-unti naring nanlalabo ang mga mata nya at napahawak sya sa tapat ng dibdib nya ng makaramdam sya ng paninikip ng dibdib pero hindi sya tumigil sa pagtakbo. Takbo lang ng takbo si Irish hanggang sa maramdaman nya ang panlalambot ng mga tuhod nya na agad nyang ikinabagsak sa kalsada at habol hininga habang hawak hawak ang tapat ng dibdib nya. Bawal syang mapagod dahil makakasama sa kanya pero hindi naman pwede na mahabol sya ng mga lalaking humahabol sa kanya pero dahil sa kalagayan nya ay mukhang maabutan na sya ng mga ito. Pinilit nyang tumayo pero nanghihina na ang katawan nya para tumakbo ulit. Nahihirapan na din syang huminga at kailangan nya ng hangin, nararamdaman nya na ang panlalamig ng katawan nya ng maramdaman nya ang presensya ng mga lalaking huminto sa tapat nya. "Bwisit kang babae ka, talagang pinahabol mo pa kami!" hingal na sambit ng lalaki na ikinangiwi ni Irish ng hiklatin nito ang buhok nya at pinilit na itiningala. "Ano kayang gagawin namin sayong babae ka?Paano kaya kita parurusahan sa mga pang iinsultong binitawan mo sa amin kanina huh!" Hindi makasagot si Irish dahil sa panghihinang nararamdaman ng maramdaman nyang hinawakan ng lalaking may hawak sa buhok nya ang bandang taas ng dibdib nya at marahas na hiklatin ang damit nya na ikinatalsik ng mga bitones nito na rinig nyang ikinatawa ng kasama ng lalaking nahahagip ng mga mata nyang pinagpipiyestahan ang taas ng  katawan nyang tanging bra nalang ang nakikita. "Tutal naman mukhang dinala mo talaga kami sa lugar na ito kung saan madalang dumaan ang mga tao, i assume gusto mong dito ka namin paligayahin." ngising pahayag ng lalaki na nanghihinang ikinailing nya. "W-wag. . p-ple-plea-s-se. . " nahihirapang sambit ni Irish na mukhang mga binging asong nasasabik na lapain sya. Mahinang napadaing sya ng itihaya sya ng lalaki pahiga sa kalsada at itaas ang mga kamay nya at ipinid sa kalsada. Hindi sya makapalag dahil sa paghihina ng katawan nya dahil sa pag atake ng sakit nya. Naramdaman nya lang ang pagtulo ng luha ng dahan-dahang inilalapit ng lalaking may hawak sa kanya ang isang kamay nitong papalapit sa dibdib nya. Kung wala siguro syang sakit baka kahit papaano ay nakakalaban sya pero dahil sa sakit nya pakiramdam nya wala syang silbi sa sarili nya. Tanggap naman na ni Irish na hindi na magtatagal ang buhay nya pero wala sa hinagap nya na may ganitong mangyayari sa kanya bago sya mawala sa mundong ito. Hinihintay ni Irish ang masamang gagawin sa kanya ng lalaking may hawak sa kanya ng makarinig sya ng ilang boses. Naramdaman din nya ang pagkawala ng lalaki sa pagkakadagan sa kanya pero dahil sa nanghihina sya ay hindi makita kung anong nangyayari. Basta ang naririnig nya  ay ungol ng mga lalaki na parang binubugbog. Pilit na kumukuha ng hangin si Irish pero dahil hindi nya dala ang inhaler nya ay nararamdaman nya ang pamimigat ng talukap ng mga mata nya. Mahinang napasinghap si Irish ng may dalawang bisig ang bumuhat sa kanya pero hindi nya magawang tingnan kung sino ang bumuhat sa kanya ng may magsalita di kalayuan sa kanya at sa taong bumubuhat sa kanya. "Mukhang kailangan nya ng tulong Paxton, namumutla na oh, mukhang hindi maganda ang lagay." rinig nyang sambit ng isang boses na tingin nya ay malapit lang sa tabi nya. Naramdaman ni Irish na may naglagay ng isang malambot na tela sa katawan nya. "Mabuti nalang nakita nating hinahabol ng mga gagong 'to ang babaeng ito. Hindi natin sya pwedeng dalhin sa JEYA agaw pansin yan." rinig nyang sambit pa ng isa pang boses na naglagay ng tela sa kanya. "Ynarez, hiramin mo kay Ringfer ang susi ng barn nya. Doon natin dadalhin ang babaeng ito.Sabihin mo na din kay Fritz na mag take 2 nalang tayo ng celebration ng kasal nya,Pasunurin mo na din si Han sa barn." sambit ng isang boses na bumubuhat sa kanya na parang pamilyar sa pandinig nya. Gusto nyang magmulat para makita kung sinoman ang bumuhat sa kanya pero wala na syang lakas. "Tsk!Ayan ang hirap sa mga baliw eh!Napapahamak pag gala ng gala!" rinig nyang sambit ng may buhat sa kanya kaya dahil gusto nyang makita ang taong may hawak sa kanya ay pinilit nyang magmulat ng kanyang mga mata Naramdaman ni Irish ang simulang paglalakad ng lalaking may buhat sa kanya at kahit half-open ang mga mata nya ay hindi nya parin maaninag ang lalaking may hawak sa kanya dahil unti-unti ng dumilim ang paningin nya. #TadhanaNaTalagaAngGumawaNgParaan #TanyaAsMelchoraAquino
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작