Chapter 1 (PART 1)

3290
Paint Cenery "HOY Pintura takbo may pulis!" gulat kong tinanggal ang suot kong shades at agad na napatayo ako sa kinauupan kong monoblock. "Ay anak naman ng tipaklong oh kapag minamalas ka." iritado kong saad at nakisama sa mga tumatakbong kakilala ko habang buhat buhat 'tong mahiwagang monoblock ko. Narinig ko ang pito ng pulis kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. P-nyeta naman, kung kailan wala pa akong kita sa paglilimos, ngayon pa dumating ang mga impaktong pulis na 'to. Mga salot talaga sa buhay ko. "Hoy umalis kayo sa dinadaanan ko! Mga hayop" galit na sigaw ko at pinaghahampas ang mga bata at kasing edad kong nakikipag unahan saakin sa pagtakbo. Nagpapangap kasi akong bulag ngayon para mas marami akong kitain sa pamamalimos dito sa isang park malapit sa simbahan. Ito muna ang raket ko sa araw na 'to dahil kumakalam na ang sikmura ng lima kong kapatid at may sakit kong tatay. Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa sumuot suot ako sa bawat street at mabilis akong lumusot sa isang eskinita at bigla bigla nalang akong pumasok sa isang bahay at agad na sinarado "Oh Paint, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ate Antonnete na isa sa mga kabaranggay namin na nagaaral sa kolehiyo. 3rd year college na siya. Sana all hindi ba? Ako kasi hindi tumuntong sa kolehiyo kahit minsan. 4 years ago, 19 years old ako nang mag Senior high graduated ako. Art and design ang track na kinuha ko noon dahil doon ako magaling. Mahal na mahal ko ang lahat ng klase ng artes sa totoo lang. Mapa painting, movie, photography at iba pa. Pangarap kong maging professional na painter, photographer at director. Oo gusto kong maging director lalo na ng mga documentaries at movie. Gusto kong gumawa ng isang dokumentaryo na nagmumulat sa isipan ng mga manonood tungkol sa bawat problema na ikinahaharap ng tao, estado ng mga katulad ko na mas mahirap pa sa daga at iba pa. 'Yung mga parang, I-witness, frontrow at kung ano ano pa na madalas ng subject nila o topic ang mga katulad naming mahihirap na walang makain, may sakit, gumagawa ng mga ilegal na bagay para lang makaraos sa araw araw at iba. Sa papamagitan din kasi nito umaambon ang biyaya lalo na kapag ipinalalabas ka na sa TV. Kaya pinangarap ko 'yun para kahit wala akong pera ay makatulong sa kapwa ko mahirap. Gusto ko rin gumawa ng movie hindi pure love story, hindi cliche at cringe 'yung tipong nakakaumay nang content dahil ang laging conflict ay masyadong mababaw katulad ng may nagkamesia, may third party, ayaw ng magulang ng lalaki sa girl kasi mahirap lang, at kung ano ano pang mga content na paulit ulit lang. Mas gusto ko pa ang mga movie noong unang panahon, 'yung kahit love story may action at ipinakikita 'yung reality, kung gaano kabaho ang sistema ng gobyerno, ang mga opisyales ng Gobyerno katulad ng Mayor, Gobernador, Congressman at iba pa na drug lord pala, mamatay tao, kurakot at iba iba pang kasamaan na ginagawa nila. BSFA in Digital Cinema sana ang kukunin ko sa kolehiyo ang kaso sa sobrang hirap ng buhay at sa edad kong 23 ay pasan pasan ko ang reposibilidad ko para sa pamilya ko. Hingal na hingal ako habang nakatingin sakaniya. "Hinahabol ako ng pulis Ate." bumusangot siya saakin at inilingan ilingan ako saka inabutan ng baso ng malamig na tubig. "Ay ewan ko ba sa'yo Paint. Ang ganda ganda mo! Ang talented mo pa pero bakit hindi mo gamitin 'yan sa tama.."napapikit ako ng mariin habang tinutungga ang malamig na tubig. Nang matapos ay saka ako umupo sa monoblock kong silya at inabot sakaniya ang baso na pinaginuman ko. Napakagat ako sa labi at napakamot sa pisnge ko. "Ginagamit ko naman talent ko pero alam mo namang maraming inggitera at g-go sa mundo at pinagdidikitahan ako, partida 'di ko naman ginagamit kagandahan ko pero may mga gano'n na tao. Eto nga kakatangal lang saakin sa trabaho ko. Eh 'diba cashier ako sa d'yan sa SM hypermarket, bigla nalang akong hinipuan ng customer kong kano kaya hinampas ko tuloy ngbasket at pinagsusuntok. Duguan noo, kilala mo ako Ate ayokong na pagsasamantalahan ang p********e ko." ilang beses na rin akong nabastos ng katrabaho at customer kong lalaki dahil na rin sa hapit na hapit kong katawan, maputing balat at magandang mukha. mana kaming magkakapatid kay Nanay. Lahat kami maputi at may kaniya kaniyang kagandahan at kagwapuhan. Bago ako maging cashier ay waiter ako sa isang restaurant. Iihi lang sana ako noon. Habang nakaupo ako sa bowl ay biglang may nagring na telepono. Nagtataka ako kasi wala naman akong dalang phone at nagulat nalang ako nang sa ilalim ay biglang tumilapon ang phone mula sa katabi kong cubicle. Kinuha ko agad 'to nagtataka ako kanino 'yun kaya mabilis kong tinapos ag pagihi kasabay ng pagtapos ng call. Tumambad agad saakin ang wallpaper ng isang lalaking katrabaho ko kaya agad akong napalabas ng cubicle at mabilis na sinipa ng pagkalakas lakas ang cubicle kaya nasira 'to at tumambad saakin ang lalaki ko ngang katrabaho. Kinutuban na ako kaya agad kong pinabukas ang phone niya dahil ginulpi ko at nakita kong may video doon habang hinuhubad ko ang pambaba ko para umihi. Ayun, nabubog ko ang nasirang pintuan ay pinaghahampas ko sakaniya kaya natanggal ako. Sabi ko hindi ko na 'to kakasuhan dahil sapat ng nabugbog ko siya at wala akong gagastusin sa hospital para sakaniya. At bago ako maging waiter naman ay isa akong sale's lady sa isang shoe store ay napaaway din ako sa co-worker kong babae kasi pinagchichisman ako at sinisiraan nila ako sa boss. Nawawala kasi ang mga iilang pares ng sapatos at nagulat nalang ako nasa bag ko. Syempre nagalit ang boss kaya chineck na muna namin ang CCTV at nakita kong nilagay lang 'yun ng katrabaho kaya hindi ako nakapigil at nakipagsabunutan sakaniya at ang ending pareho kaming natanggal sa trabaho. Tapos eto pa, nag janitress ako noon sa isang mall. At mayroong brat na customer na nagtapos ng inumin niya sa sahig. Talagang sinadya niya, noong una pinabayaan ko pero limang beses niyang inulit 'yun kaya ginawa ko binuhusan ko siya ng tubig kung saan doon ko pinagbabanlaw ang mop. Lahat lahat ng naging trabaho ko iisa lang ang dahilan bakit ako natatangal kung hindi ako nababastos ng customer and katrabaho ay kinaiingitan ako ng kapwa ko babaeng. Mapatrabahador kagaya ko o customer pa 'yan. Kaya napipilitan nalang akong gumawa ng gan'tong ilegal na gawain dahil no choice na ako. Hirap ako maghanap ng trabaho lalo na sa bad reputation ko. "Kaya ka na tanggal? Eh dapat kasuhan 'yung kano, harrasment 'yun hindi ba?" napangisi ako nang nakakaasar ng bangitin niya ang salitang 'kaso' "Tss, kanino sa prisinto? Sa mga basurang pulis? Pera lang mga katapat n'yan. Anong laban ko sa kanong mayaman na 'yun tapatan lang niya ng isang daang libo ang pulis na hahwak ng case ko paniguradong laya na 'yan. Parang hindi ka pa nasanay sa mga nagseserbisyo sa Gobyerno lahat sila mga basura. Napaka unfair nila sa mayaman at mahirap. Magnakaw ka lang ng isang delata d'yan sa mga covienience store makukulong ka ng higit pa sa isang taon eh 'yung mga magnakakaw na mayayaman? 'Yung corrupt na politiko? Nakukulong ba? Ayun nag papakasasa sa kaban ng bayan." iritado kong saad dahil galit na galit ako sa Gobyerno at sa mga naninilbihan dito. Mulat na mulat ang kaisipan ko sa mga maling gawain ng Gobyerno at nga naninilbihan dito. Mapapulis, sundalo, abogado, senador, mayor, gobernador, kongresista at presidente. Pare pareho silang mukhang silang pera, sabagay sino nga namang tao ang tatangi sa pera hindi ba? Pera ang dahilan kung bakit nabubuhay ang tao sa mundong 'to. Gulat na napatingi saakin si Ate Antonnete dahil sa biglang pagtaas ng boses ko. "Hindi naman lahat gano'n.." "Ate, sige sabihin na natin na may gano'n pero kung iisipin natin sa 100 na pulis, sundalo at kung ano pa 'yan, 1 lang ang tapat sakanila na buong pusong naninilbihan sa para sa bayan at mamayan. Ang 99 na 'yan ang mga ang katapat niyan pera kasi lahat sila mukhang pera. T-ngina nila, ano 'yung sinasabi nilang serbisyo para sa buong bayan at mamamayan? Sus, baka serbisyo para sa nga mayaman. Totoo naman, 'diba? Kasalanan ng mayaman pinagtatakpan kapalit ng isang kayamanan." galit na galit akong tumingin sa kawalan habang umiiling iling. "Nako, talagang galit ka sa Gobyerno at mga naninilbihan sa mga 'to." malungkot na sagot ni Ate Antonnete. Halata sa expresyon ni Ate na hindi siya pabor sa mga sinasabi ko pero May kaniya-kaniya tayong opinion. Everyone is entitled to his or her own opinion. Wala naman mali dun, kung magsalita ka, it's a human right. May mga kaniya-kaniya tayong perspective sa nangyayari ngayon. "Galit na galit kasi ang unfair nila sa mga tulad nating mahihirap. Lalo na 'yang mga tumatakbo ng Kapitan, Mayor, Gobernador, Senador, Presidente. Sa kampanya lang magaling ang mga inutil pero kapag nakaupo na sila sa pwesto, wala na silang nagagawa sa bansa, mawawala na ang pagiging aktibo katulad nung mga nangangampanya pa, mga plastic! Kaya ang Pilipinas ay hindi umuunlad dahil marami paring, nagpapauto, tikom ang bibig, walang paki-alam at nagbubulagbulagan, palibahasa kasi natampal ng pera noong botohan, underdogs ng basurang gobyerno.." galit na usal ko dahil tama naman talaga lahat ng sinasabi ko. Naala ko tuloy noong nagkalat ang malalang epidemya sa bansa ang COVID-19. Nag lock down at tanggap ko naman 'yun dahil para sa kaligtasan namin at nangako naman ang gobyerno para bigyan nila kami ng makakain at pera pang gastos sa buong lock down. Syempre walang trabaho, walang pera, walang pagkain. No work, no pay kaya nga malaking paghihirap naming mga mahihirap nung nag lock down. Hindi katulad ng mga mayayaman na enjoy sa lock down dahil makakapaghinga sila at makakasama na nila ng matagal ang pamilya nila nang walang problema dahil may mga makakain sila at pera pero kaming mahihirap na bagamat kasama ang pamilya ay hindi na eenjoy ang lock down dahil nakikita mo ang pamilyang mong nagugutom. Hindi sa virus mamatay kung hindi sa gutom Nangako ang Gobyerno na tutulungan nila kaming mga poorest of the poor ng bansa pero nang dumating na ang bigaya.Hindi na nakakuha ang ibang pamilya na mas deserving na bigyan at isa na kami doon. Bulok ng sistema nila dahil pili lang ang binibigyan nila ng ayuda at relief goods pero dahil nag reklamo ako noon dahil nalaman ko ang ginagawa ng konsehal at kapitan namin dito sa Brgy. Dukieta. Pinababayaran nila ng dalawang daang piso ang slot para ilista nila ang mga tao na bibigyan ng ayuda. Eh wala kaming pera paano ako malilista? Kaya ginawa ko, tinakot ko silang isusumbong ko sila sa media para lumabas ang baho nila kaya 'yun natakot matic na nilista nila ako. "Anong plano mo n'yan? Nakapagtapos ka naman ng Senior high school 'diba? Magcall center ka nalang mahigit bente mil yata ang sahod." napaangat ako ng tingin kay Ate Antonnete dahil suhestiyon n'ya. "Natry ko na Ate. Ilang beses ako nag apply sa mga call center pero lagapak sa confidence. Kasi naman hindi gaano kagaling mag english 'yung tipong kaya mo na talaga makipag usap sa ibang tao gamit ang lengwahe na 'yun." totoo 'yun, nakakaintindi ako ng english pero nahihiya ako makipag usap. Nakakapagsulat ako oo, mas nakakapag construct ako ng sentence pero kapag nakikipag usap na kinakabahan ako at parang feeling ko talaga hindi ko kaya, dahil ang panget ng accent, diction, pronunciation at minsan wrong grammar pa ako. "Mag model ka nalang?" naging blanko ang mukha dahil sa pangalawang suhestiyon ni Ate Ant. "Model? Hinding hindi ko gagawin 'yun Ate para ano pagpyestahan ng kung sino sinong tao ang katawan ko? Para saakin kasi ang pagmomodel ay parang pagbebenta na rin ng katawan. Pinaganda lang 'yung term. Paano laging mag p-photo shoot ng two piece, sexy na damit o kung ano ano pang kashitan 'yan.." totoo naman kasi eh, kaya lang naman may model para mas makahakot ng customer para maenganyo silang bumili ng product nila lalo pa kung 'yung model ay sexy, maganda at sobra kung magpakita ng balat sa litrato. "Hindi naman lahat gano'n. Maari mag model ka ng make up or sapatos?" "Ate, bakit kapag model ka ba paa mo lang papakita? Mukha lang ba papakita. Maging praktikal ka, isipin mong mabuti, madalas mas makakahakot ng mga customer ang isang tao o brand kapag nagpapakita ng mga masyadong balat at kabuuan ang isang model para mas attractive tignan, gets mo ba ate?" bumuntong hininga siya habang nakahalukipkip at umiling iling saakin. "Lahat nalang may katwiran ka sa suhestiyon ko no? Ibenta mo nalang ang mga drawing mo, tutal naman magaling ka doon." totoong magaling talaga ako pag d-drawing lalo pa nahasa aki ng kaunti noong nag senior high ako. Sayang at natigil ako sa pagaaral dahil wala ako pagmartikula lalo pa't lima kami noon nagaaral at nagkasakit pa si Tatay. "At sinong bibili ng drawing ko Ate? Drawing na nakalagay lang sa panget na sketchpad?" nagtataka kong tanong dahil kung ako ang magiging buyer aba syempre kung pagagastusan ko ang isang art 'yung maganda na ang drawing, kulay, at papel. Hindi 'yung basta bastang sa panget na sketch pad lang. "Eh kung maginvest ka kasi ng mga gamit mo para d'yan." kunot noong saad ni Ate Ant dahil may katworan na naman ako sakaniya. "Pambili nga ng kanin wala kami, pambili pa kaya ng magandang pandrawing." mapakla akong tumawa dahil naalala kong wala pa pala akong maiuuwi sa mga kapatid ko. Napatingin ako sa orasan at 1:40 pm na hindi pa ako kumakain at gano'n din ang pamilya ko. "Ay ewan ko sayo. Ano habang buhay ka nalang na magnanakaw at mamamilimos? Tignan mo itsura mo halatang nagpanggap ka pang bulag. Nako Paint." dismayado saad ni Ate Ant kaya nagtiim ang bagang ko. "Nagpasa na ako ng resume ko sa mga mall at restaurant. Hintayin ko nalang ang tawag." nag apply ako kaninang umaga at puro sinasabi tatawagan nalang daw ako kapag mag i-interview na. "Hindi ka ba natatakot na mahuli ng mga pulis? Hindi lagi swerte ka Paint. Hindi lagi pabor si tadhana sa'yo. Paano kung nakulong ka? Paano nalang ang anim mong kapatid? Paano nalang ang tatay mo?" oo naiisip ko na 'yun na posibleng makulong ako pero ano pa nga ba choice ko? Wala ng makakain ang pamilya ko kapag hindi ako kumilos. Ni wala na ngang nagpapautang saamin dahil lahat ata ng tao sa barangay nautangan ma namin saka isa pa pare pareho lang kami ng estado na sa buhay. Mahirap pa sa daga. "Hindi naman lagi gan'to ang gagawin ko Ate minsan lang kapag walang wala na. Kapit na sa patilim ika nga nila.." sagot ko. Hindi naman ako natatakot na makulong sa totoo lang pero ang ikinatatakutan ko ang makitang magutom ang kapatid at tatay ko na wala akong ginawa. "Eh bakit 'di ka mag extra extra s'yan sa karidenrya ni Aling Evangeline?" natawa naman ako ng banggitin niya ang pangalan ng matandang 'yan. "Asus, alam mo namang allergy saakin ang matandang walang kilay na 'yun. Iniisip niya kasi nanakawin ko benta niya.." kalat kasi sa barangay namin na magnanakaw ako saka isa lang naman ako ang magnanakaw na nakatira dito sa Brgy. Dukieta, marami kami. 'Yung iba nga drug pusher at user pa. Ang iba naman mamatay tao na tinataguan ang batas isama mo pa ang mga pa walk na babae dito. " 'Yan ang isang dahilan kaya hindi ka makahanap ng maayos ng trabaho Paint dahil sa masamang reputasyon aba kung hindi kita kilala at ang pagkaalam kolang sa'yo malikot ang kamay mo ay talagabg ij-judge kita. Hinding hindi ka makakapasok sa bahay na 'to.." natahimik ako at mapait na ngumiti sakaniya. Totoo ang sinabi niya, kaya hirap talaga ako maghanap dahil sa masamang reputasyon ko kaya wala nalang akong magagawa dahil kapag nagbago ako ay hindi namaalis sa mga isip nila na magnanakaw ako kaya pinanindigan ko nalang dahil sa pamamagitan ng pagnanakaw ay na papakain at napapaaral ko ang mga kapatid ko. " Siguro kaya ka rin nahihirapan maghanap ng trabaho dahil pinaparusahan ka ng Diyos sa mga maling gawain mo.." napakagat ako sa labi dahil sa binanggit niyang 'Diyos' gusto ko siyang sagutin na hindi totoo ang Diyos na 'yan pero baka magaway lang kami lalo pa't pala simba at at maka Diyos 'tong si Ate Ant. Hinding hindi ako nagtitiwala at naniniwala na may Diyos dahil kung meron man ay bakit niya hinahayaan na maghirap ang nga taong mahirap na nga. Samantalang ang mayayaman na gumagawa ng masama ay hinahayaan n'ya lang na mabuhay at magpakasasa sa pera. Ang unfair 'diba? Galit ako sa lahat, sa Gobyerno, sa Diyos at sa mundo. Mga basura. Napakadaya nila, napakdaya ng mundo! "Sige." tipid na sagot ko nalang at matigas na iniwas ang tingin kay Ate Ant upang tumulala sa lapag dahil nababadtrip na ako lalo. "Mabuti nalang at may pagkain pa kaming tira. Kumain ka muna, naumutla ka na rin.." nabuhayaan ang loob ko sa sinabi ni Ate Ant at parang nawala bigla ang badtrip ko dahil sa mga sinabi niya. "Pwedeng pabalot nalang? Hindi ko kasi maatim na kumakain ako tapos ang mga kapatid ko nagugutom." saad ko dahil sa totoo lang mas ok na mamatay ako sa gutom habang pinapanood ko ang pamilya ko na masayang kumakain at nabubusog. "Dalawang galungong at kapirangot na chopseuy nalang ang natitira, hindi magkakasya sainyo 'yun. Saglit maghintay ka d'yan." pinanood ko siyang pumasok sa kusina nila. Medyo malaki ang bahay nina Ate Ant. Kumpara saamin dahil na sa abroad ang tatay ni Ate kaya gawa sa bato at may maayos na bubong ang bahay nila. Hindi rin nagtagal ay lumabas na si Ate na dala ang nakaplastic bag na ulam pati na rin ang isang daang piso. "Oh eto isang daan lang ang mabibigay ko ha. Pasensya na dahil 'yan nalang ang natira sa allowance ko. Hinihintay ko pa magpadala si Tatay." malungkot na sinabi niya peeo umiling lang ako. Tinanggap ko ang ulam pero ang pera ay hindi. "Hala, hindi na Ate. Sapat na 'tong ulam." sambit ko dahil tiyak magagalit ang nanay ni Ate Ant.Ayaw niyang nakikipag kaibigan ito saakin dahil nga kriminal daw ako. "Parang hindi naman tayo magkalapit sige na, kunin mo na 'yan. Tulong ko na basta h'wag ka ng bumalik d'yan para mamalimos. Ang panget lang tignan napakaganda mo tapos mamamalimos kalang.." napatingin ako sa katawan kong madungis at sa balat kong maraming kagat na lamok. "Salamat Ate.." buhat buhat ko ang ulam at monoblock saka unti unting binuksan ang pintuan nina Ate Ant at luminga linga pa sa paligid at nakahinga naman ako ng maluwag nang wala akong makitang pulis. Habang pauwi ako ng bahay. Tulala lang ako at parang bigla nalang ako naawa sa sarili ko. Hindi ako nainsulto sa mga sinabi ni Ate Antonnete sa halip napapaisip ako. Bakit kailangan humantong ako sa gan'tong sitwasyon? Galit ako sa Diyos, Gobyerno, politiko at mamayamang magnanakaw at manlololoko pero magnanakaw at manloloko naman ako? Literal talagang sumasalamin saakin ang kataga o kasabihang galit ang magnanakaw sa kapwa niyang magnanakaw. Nakakatawang isipin na gano'n nga ako.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작