May karapatan ba ako magalit sa mga kauri ko? Siguro oo dahil sila malaking halaga ang ninanakaw nila lalo na sa kaban ng bayan ay kung hindi naman nila ninanakaw 'yun ay wala sanang mahirap sa Pilipinas at isa pa galit ako sakanila dahil ginagamit nila ang yaman na nila para pagtakpan ang kasalanan nila at isisi sa mga mahirap na taong mangmang samatalang kaming mahihirap ay hindi magagawa ang bagay na 'yun
"Witwiw." napatigil ako ss paglalakad ko at humarap sa mga nag iinuman kung saan galing ang nakakabastos na 'Cat calling'
Binigyan ko ng matalim na tingin sina Batoy ang kabaragay naming nga tambay at lassingero. "Sungal ngalin ko kayo d'yan kapag ginan'yan n'yo pa ako." kasng edad ko lang 'tong si Batoy 23 na rin pero pusher ang g-gong 'to ih.
"Yawa, sungit talaga nito ni Pintura porket maganda." natatawang saad ni Batoy kaya nagtiim ang bagang ko at binigyan siya ng matalim na tingin.
"Kilala n'yo 'ko batoy, ayokong binabastos ako. 'Yun ang pinaka ayaw ko sa lahat. Mas mabuti pang asarin n'yo ko ng kung ano ano pero kapag alam kong binabastos niyo na ako mapapatay ko kayo." totoo kasi talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat ay naabuso ang pagkakababae at ang ibang babae dahil hindi makatarungan 'yun.
"Chillax Paint, ako lang 'to." pinanliitan ko siya ng mata at inaalukan pa ako ng alak pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
"Si Batoy na kapatid ni Natoy na mahal na mahal ka." sagot ng mga kasamahan niyang sina Noli, Joey at Joel habang tumatawa ng malakas.
"Bago kayo humarot siguraduhin n'yo munang naliligo at nagsisipilyo kayo araw araw mga hijo, hanggang dito naamoy ko eh. Sobrang tinde na ng putok. Nakakadagdag sa polusyon." maanghang kong saad kaya nagsitawanan lang sila dahil sanay na sila saakin.
"Awit, ganda talaga ni Paint kaso malakas sumuntok 'yan. Natanggal nga ngipin nung dayo minsan dito dahil d'yan kay Paint." iniwanan ko nalang sila at naglakad palayo. Totoo naman sinabi nila, may dayo noong isang linggo sa barangay habang naglalakad may bumungga saakin at nahawakan ang boobs ko kaya 'yun nabugbog ko. Ewan ko ba bakit sobrang bigat ng kamay ko. Sobrang sakit kong manuntok sa totoo lang.
Habang pinagpapatuloy ko ang ang paglalakad ko ay mas nabadtrip ako nang marinig ko sa mga dinadaanan kong mga chismosang kabarangay namin na pinaguusapan ang nanay ko.
" 'Yang si Alice nangutang na naman kay bumbay ng tatlong libo parang lang bumili ng droga at ipangsugal."nanginig bigla ang kalamnan ko dahil sa sininabi ni Aling Ester. Totoong nangungutang si Nanay para sa mga bisyo niyang sugal at alak pero hindi droga.
Hindi adik ang nanay ko. 'Yun ang totoo. Kahit may bisyo 'to sa alak at sugal ay hanggang doon lang 'yun. Alam kong hindi siya user.
"Oo nga nangungutang nga raw kay Janice ng delata eh libo libo na utang nilang mag anak." saad naman ni Aling melva.
" Oo nga tama kayo d'yan. Nakakahiya silang maganak." panggagatong ng plastic na si Aling Ayco. Sa totoo lang lahat sila plastic. Kapag magkakaharap silang tatlo kala mo magkakaibigan pero kapag nakatalikod na chini-chismis din nila isa't isa.
Toxic.
" Aling Melva, Aling Ester, Aling Ayco. Kayo ang lakas n'yong maging judger no? Hindi adik ang nanay ko, alam n'yo kung sino 'yung nga adik? Tingin kayo sa salamin. Bago kayo mag judge jusme tignan n'yo ang sarili n'yo mas mukha kayong adik!" maangas kong ipinatong ang hawak kong manoblock chair sa balikat ko.
"Aba't bastos talaga 'tong batang 'to walang pinagaralan!" saad ng piling mayaman na si Aling Melva.
"Kabastos bastos naman kasi mga ugali n'yo? Satingin n'yo ba kagalang galang kayo dahil lang sa nakilay, lipstick at blush on kayo? Mukha kayong coloring book! And FYI nakapag aral ako, hindi lang nakapagcollege eh kayo kaya? Sa ugali n'yong gan'yan mukha ba kayong nakapag aral? Sige nga bigay n'yo saakin ang square root ng 64?" mayabang kong sambit dahilan para mapanganga sila saakin.
"Ang kapal ng mukha mong magnanakaw ka!" sigaw ni Aling Ester saakin.
"Mas makapal taba mo." totoo naman kasi ang taba ni Aling Ester at putok na putok sakaniya ang suot niyang daster. Walang leeg at grabe ang itim ng batok.
"Ester tama na h'wag mo ng patulan ang batang 'yan manang mana sa ina nga walang hiya at bastos." masama akong tinignan ni Aling Ayco kaya binigyan ko siya ng nakakaasar na ngiti.
"Ang bastos ay nakahubad at nakatuwad. 'Diba Aling Melva? Lakas n'yong magmalinis pokpok naman mga anak n'yo ops mana sa nanay." totoo naman kasi eh, mga anak nila pa walk at pineperahan mga foreigner parang sila rin. Like mother, like daughter.
"Hayop ka! Ipababarangay ka namin!" dinuro duro ako ni Aling Melva.
"Oh?" ngitian ko ng matamis silang tatlo kaya mas lalong pumula ang pisnge nilang na bugbog ng blush on.
"Oo nga nang magtanda ka!" galit na giit ng pikon na si Aling Ester.
"Ohctopus." pambabara ko at tumakbo palayo sakanila. "Mukha kayong octopus!" napailing iling nalang ako habang nakangisi dahil iniwan ko silang pulang pula na dahil sa inis.
Hindi nagtagal ay nakarating na ako ng bahay. Huminga ako ng malalim bago pumasok. Simpleng lang ito at maliit. Gawa sa kahoy at plywood ang ding ding namin na may kaunting semento samatalang may bubong kami na malapit ng bumigay pero kailagan pagtyagaan.
Pinilit kong ngumiti bago pumasok sa loob. "Hello everybody nandito na si Ate may dalang ulam!" masayang saad ko at ibinaba sa gilid ang upuan na hawak ko.
Tumambad saakin ang mga kapatid ko na masayang kumakain pati na rin ang dalawa kong bestfriend. Si Gracielle Yfrill Esguera at si Roi Gin Jeriox.
"Oh Roi at Gracielle nandito pala kayo. Kayo ba ang nagbigay ng pagkain na 'to?" napatingin ako kay Gracielle na sinusubuan ang bunso namin na si Hanna Faye na 7 years old.
"Oo eh. Balak ko sana pumunta dito para makipag chikahan eh sinalubong ako ng mga kapatid mo gutom na raw kaya nag ambangan kami nitong si Roi." napatingin ako kay Roi na naka peace saakin habang lumalapit saakin.
"Eh mas kailangan n'yo rin ng pera eh! Nako babayaran ko kayo kapag nakahanap ako ng pera." inakbayan ako ni Roi na parang sinakakal na.
"Ano ka ba may raket ko kagabi. Kaya eto dalawang daan para---." akma niyang ilalagay sa kamay ko ang pera pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano drug deeler na naman? Siraulo ka Roi! Alam mong delikado 'yan mas maiinit sa mata ng pulis." mahinang bulong ko sakaniya.
"Dudes chillax, ang mahalaga hindi ako nahuli." mayabang na sagot niya sakin kaya napairap ako.
"Alam n'yo mga Dudes kung mayaman lang ako hindi ko hahayaan na gumawa kayo ng gan'yan. Pagaaralin ko pa kayo!" nakangiting saad ni Gracielle.
"Wala eh, pinanganak tayong mahirap."huminga ng malalim 'tong si Roi Gin habang mapait na ngumiti saamin at pilit na niligay sa kamay ko ang dalawang daan.
"Kapag ako nakapagtapos na at nakapag ipon. Tutulungan ko kayo sa buhay basta ititigil n'yong gawain na 'yan.." napatingin ako sa mga kapatid ko na kumakain na sina Thea Rhyka na 12 years old at ang bunsong si Hanna Faye.
Hanggat maari, magsisikap ako na magtrabaho at tustusan ang pagaaral nilang lahat para hindi magaya sakin. Ayaw na ayaw ko silang gumawa ng masama at ilegal hanggat maari gusto ko, ako lang.
"Asus, bobo mo nga paano ka makakapagtapos?" pangaasar ni Roi kay Gracielle. Mag kasing edad lang kaming tatlo. Pareho kaming SHS graduated ni Roi dahil libre ang pagaaral sa SHS samantalang si Gracielle ay last year lang na nagstart magaral sa kolehiyo dahil pinapaaral na siya ng mga Tita niya sa ibang bansa. Kayumangi at kulot ang buhok niya. Pinay na pinay ang itsura niya.
"Ang yabang porket matalino ka! Alam mo hindi naman kasi basehan ang pagiging matalino para makapagtapos no!" totoong matalino si Roi at gwapo pero g-go lang. Maputi siya at parang model. May lahi kasi 'to. Ang tatay niya ay half italyano na iniwanan ang nanay n'ya nang mabuntis ito.
Parehas kami ng estado. Panganay siya at bata palang 'to ay nasalo na niya ang obligasyon ng dapat na obliasyon ng tatay nila. Oo 'nila' apat silang magkakapatid na iba't iba ang tatay at lahi nila, kung si Roi ay 1/4 italian, ang sumunod sa kaniya ay half korean, ang pangatlo ay half black american at ang bunso ay pure Pinoy pero pare parehong iniwan ng tatay nila ang mga 'to nang mabuntis ang nanay ni Roi.
"Biro lang dude, mal keta as a friend ket obobs ka."saad ni Roi saka lumpit kay Gracielle at ginulo ang buhok nito. "Ulol!"
"Bibig mo Gracielle Yfril Esguera." hanggat maari ayaw kong maririnig ng mga kapatid ko at nasasaksihan ang mga maling asal at murahan. Gusto ko lumaki silang mabuti at walang balak na sumunod sa yapak ko.
"Nasaan si Coco, Hanz at Ella?'' nagtatakang tanong ko dahil 'di kumpleto ang lima kong kapatid.
"Pinaliliguan ni Ate Ella si Kuya Coco tapos si Kuya Hanz lumabas may practice raw." sagot ni Thea. Sabado ngayon at walang pasok sa eskwelahan kaya dapat nandito lahat sila.
"Si Tatay kumain na ba?" tanong ko pa ulit saka napatingin sa maliit na kwarto na tulugan ni Tatay at Nanay.
"Hindi pa po, Ate natutulog eh." sagot ulit ni Thea.
"Si Nanay?"
"Lumabas pagkatapos kumain. Ano ba 'yan dude kumakain sila andaming tanong." kunot noong saad ni Roi saakin kaya inirapan ko 'to.
"Mama mo tanong." pangaasar ko sakaniya saka nagtungo sa CR namin. Kahit maliit lang ang bahay namin ay may kusina, sala, CR at maliit na kwarto. Eto ang naipundar ni Tatay noong mga panahon na nag t-trabaho pa siya.
"Wow naman bango bango na ni Kuya Coco." Si Jomaco Seanco ang sumunod saakin 18 years old na siya pero may Autism 'to. Special child at downsyndrome sa madaling salita.
"Ate, b-bango na C-coco." niyakap ko ito at hinalikan siya sa ulo. "Sige na punta ka na doon kina Kuya Roi. Kain ka na muna. May dalang gulay si Ate. Paborito mong chopsuey. I love you."
"Coco love ikaw." nakangiti akong pinapanood si Coco nakipagapir pa kay Roi.
"Ate.." napatingin naman ako kay Jannella Shane ang sumunod naman kay Coco. 17 years old na siya. Grade 12 student na siya.
"May pera ka ba d'yan bili tayong sabong panlaba wala na tayong masusuot tambak na labahin." napatingin ako sa basket ng na sobrang kabundok na ang laman na maruming damit.
"Oo eto bumili ka ng sabon at dumaan ka ng drugs store bumili ka ng gamot ni Tatay kahit tatlong tableta lang." inabot ko ang dalawang daan piso sakaniya na binigay ni Roi.
"Ate meron pa ahmm. Amdami ko ng utang sa groupmates ko sa Thesis wala na kong ambag.." napakamot siya sa ulo niya kaya nagtiim ng bagang ko.
"Matalino ka naman hindi ba? Buhatin mo nalang sila sa oral defense n'yo." biro ko dahil saaming magkakapatid siya ng pinaka matalino.
"Ate seryoso kasi. Ang laki na ng gastos nila sinisingil na ako." mapait nalang akong napangiti sakaniya.
"Oh sige, kailan ba kailangan?" napahawak ako ako sintido ko dahil ang sakit na stress na naman ako sa pera.
"Lunes sana Ate. Tapos si Hanz din sinabi niya saakin na nagstart na rin daw sila sa Thesis nila. Alam mo namang mahina ang utak nun at wala pa siyang inaambag baka tanggalin 'yun ng mga kagrupo n'ya. Last req pa naman nila 'yun baka 'di magmoving up." huminga ako ng malalim dahil malapit na pala mag moving up si Hanz Chiles dahil Grade 10 'to ngayon samantalang si Thea ay Grade 6 at etong si Jannella ay g-graduate na ng shs. Gustong gusto kong ituloy niya ang kolehiyo niya kahit anong mangyari. Ayokong magaya sila saakin hanggat nabubuhay ako ay pagaaralin ko silang lahat.
"Gagawa akong paraan." binigyan niya akong malungkot na tingin na para bang may sasabihin pa. "Oh ano pa?"
"Eh may assignment si Thea. Print daw dapat baka ma 50+ pesos 'yun." napakagat ako sa labi dahil making pera na ang 50 pesos. Pambili na sana ng bigas 'yun.
"Ano ba 'yan bawal isulat at drawing nalang?" nagtataka kong sambit pero umiling ililing lang siya saakin.
"Hindi raw Ate. Kailangan print eh." wala na kong nagawa kung hindi ibigay nalang ang isang daan n binigay kanina ni Ate Antonnete. Real quick, masyadong mabilis ang pera. 300 pesos sa isang gastusan lang. Paksyet.
"Oh balik mo ang sukli ha, nang may pambili pa tayo ng ulam at bigas mamayang gabi." pagod na pagod kong saad. Ngayon ramdam ko ang pagod dahil wala na naman akong hawak na pera.
Ang hirap maging mahirap.