KABANATA 1

1144
Kabanata 1 Working in a tobacco factory is not like we always breathe the scent of the minty smell of this thing. But being tired of guiding the packs of cigarettes into their shelves.  I am the youngest among the workers. I am here to help my parents, they also work as a factory workers. While I am the recorder. Pero ngayon lang ako nandito sa Tobacco Factory kasi nga kinulang sila sa tao, hindi naman mawawala ang suot kong face mask saka face shield for protection na rin. Nililista ko ang lahat ng mga na-po-produce na pake-paketing mga sigarilyo at iyon ang pinapasa ko sa mga taga-imbentaryo na nakatalaga sa factory.  Ilang oras na akong nakatayo rito sa mainit na bukana nitong pabrika at hindi pa rin tumitigil sa kakabilang sa mga kahon-kahong nilalabas ng mga tagabuhat. "Oh anak, Vandell. Magpahinga ka na muna," bungad sa akin ni mama. "Mamaya na po ma, mas mainam na magawa ko ito agad para maipasa ko na ito kay Sir Larry." sagot ko naman kay mama. Si Sir Larry ang taga-imbentaryo ng mga ibinibigay kong records kung ilang kahon ang nagawa namin sa isang araw. Kung nagawa ba namin ang kotang kailangang sundin. "Kahit uminom ka na muna ng tubig." pahabol naman na sabi ni papa. Pero patuloy lang talaga ako rito sa pagbibilang. Hindi na ako sumagot pa at nang lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin. Nagsihintuan na rin kasi ang ibang trabahador para magmeryenda. Tinanggal ko lang saglit ang takip sa aking ilong at mukha para makainom ng tubig, ibinalik ko naman kaagad ang mask at shield sa mukha ko for my health. "Anak dito ka na umupo." umusog naman si papa para mabigyan ako ng espasyo. "Salamat po pa," at naupo na nga ako at habol-habol na ang hininga dahil sa pagod sa matagal kong pagtayo. Hinagod naman ni mama ang likod ko atsaka nabigla ako sa kanyang sinabi. "Naku anak, magpalit ka na ng damit mo. Pinagpapawisan ka na oh, baka matuyoan ka na naman ng pawis. Alam mo namang may hika ka," nag-aalalang payo sa akin ni mama. Binigay ko naman kay mama ang kaninang nakasablay lang na bimpo sa aking balikat. "Ito na lang ma ang ilagay pansamantala sa likod ko. Baka po kasi kung pumunta pa ako sa palikuran e, mahuli ako mamaya sa trabaho." paliwanag ko naman sa kanila. "Basta ha anak, kapag napagod ka. Huwag kang mahiyang sabihin sa amin. Hindi madali itong trabaho natin. At nandito tayo para may maipanggastos tayo para sa gamot diyan sa hika mo. Kaya ikaw, huwag ka magkayod kalabaw at nandito naman kami ng papa mo. Maliwanag ba, ha? Vandell?" ani mama. "Opo ma, pa." hindi na ako nakipagtalo dahil alam kong nag-aalala lang sila sa akin dahil anak nila ako. Tumunog naman ang kampanang metal na hudyat na tapos na ang oras ng pahinga at balik ulit sa trabaho. Si Mama Gloria at Papa Nato, sila ang mga ngbibigay lakas at inpirasyon sa akin. Nag-aaral naman ako, tuwing walang pasok lang ako nagtatrabaho, sa kompanya naman talaga ako naka-assign, ngayon lang ako naka-reliyebo rito dahil kinulang sa tauhan.   . Kapag may pasok ay isang full time estudyante ako sa Nicholai National Highschool. Nasa senior high na ako, labing anim na taong gulang. Nagsimula akong magtrabaho rito noong kinse anyos ako. Alam na rin nila Mr. and Mrs. Gogh na isa lang akong part timer rito at isang scholar nila. Swerte kong maituturing dahil ako ang napili nilang pag-aralin. Kahit na pinagkaitan kami ng kayamanan, pero alam kong may mga handa pa ring tumulong basta magpursige lang sa buhay. Nag-iisa lang akong anak dahil late 30's na nabuntis si mama at ngayo'y kwarenta e otso na pati na rin si papa. Pareho lang sila ng taong pinanganak. "Vandell!" naagaw ng isang baritonong boses ang aking napakalalim na pag-iisip. "Po?" patakbo naman akong lumapit kay manong Raul na isa sa mga tagabuhat ng mga kahon-kahong sigarilyo. "Pinapatawag ka raw ni Sir Larry sa office niya." pagpapaalam ni Manong Raul sa akin. "Okay po, tatapusin ko lang po ang paglilista nito." kaagad kong sabi. Umalis na rin sa harap ko si Manong at ako nama'y bumalik na rin sa trabaho. Nang natapos na nga akong magrecord ay may nakatukang pumalit sa akin pansamantala sa mga oras na ito dahil nga pinapatawag ako ni Mr. Larry. Mahina muna akong kumatok sa pinto ni Sir bago pihitin ang pinto. "Pasok!" narinig ko naman ang sagot sa loob kaya dali-dali akong pumasok. "Good day po Sir Larry, nandito na po pala ang lista sa mga nagawang mga sigarilyo sa pabrika, sa ngayong araw lang po iyan. Si Sandro na po ang magbibigay ng lista niya sa'yo. Tapos na rin kasi ang shift ko mamaya kaya embes na hintayin ko nang matapos e, nagparelibo na lang ako kay Sandro." tinanggap naman ni Sir Larry ang leger na listahan ng mga nagawang produkto. "Salamat Vandell, kaya rin pala kita pinatawag dito dahil para ipaalam sa'yong-" "Sir, isisante niyo po ako? Huwag po Sir gusto ko pong makatulong kina mama at papa at isa pa, baka mawalan po ako ng scholarship sa pamilyang Gogh." pagmamakaawa ko. Humalakhak naman si Sir Larry sa sinabi ko. "Anong isisante. Hindi hijo, at isa pa, wala akong karapatang isisante ka dahil mismo ako'y isang trabahante lang din dito. Ang nais ko lang naman kasing ipaalam na bukas ay lunes 'di ba may pasok ka?" nahiya naman ako sa pananalabis ng reaksyon ko. "A-Ah opo sir." "Nais ko lang sabihin na, mag-aral ka nang mabuti. Sige na, makakauwi ka na. Pinagpapawisan ka na. Alam kong hikain kang bata ka. Pareho kayo ng anak kong anim na taong gulang. Lalaki rin siya, kagaya mo." pahayag niya na nakapagpagaan ng loob ko. May mga tao rin palang nakakaalam kung anong buhay ang mayroon ang mga kagaya kong hikain. Nagpaalam lang muna ako kayna mama at papa dahil nauna ako kaninang pumasok sa trabaho kaya una rin akong nauwi. Lalo na magkaiba kami ng posisyon at trabaho sa pabrika. Nang nandito na ako sa bahay ay una kong ginawa ay ang magbihis atsaka matapos magbihis naghanda na sa kusina para sa maaga naming haponan. Ganito talaga kami sa bahay, kapag wala akong pasok palaging naagang naghahaponan dahil pagdating sa bahay ay pagod na. Minsan kapag may pasok naman ako ay ako na lang rin lagi ang naghahanda para sa haponan dahil ayoko namang makadagdag pa sa pagod nila ni mama at papa. Marunong na akong magluto noong katorse ako, nagtiyaga talaga akong matuto nang nagpaturo ako kayna mama. Gusto ko ako ang magsilbi sa kanila dahil noon naman ako ang pinagsisilbihan nila. Kahiy parati kaming pagod. Masaya ako at magkasama kami palagi. Naubo naman ako bahagya nang makalanghap ng usok galing sa niluluto. Atsaka nagsimula ng siponin. Aish! Hikain pa idagdag pa ang sinus! Tss.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작