Chapter 4: TUTOR

2614
Kaira Cailie NAKADATING kami sa mall agad dahil hindi naman kasi traffic eh. Seriously? Sa mall kami mag D-date kuno? Wait errrrrrr---Ano nga bang pakialam ko? "Hey Cooler! bitawan mo nga ako." Inis nasabi ko kay Cooler na nakangisi lang sa mga taong nakakatingin saamin. Nakaholding hands kaya kami while walking kaya pinagtitinginan kami ng Mga tao na wagas kung magbulungan. "No. Ayoko nga baka mamaya mawala ka pa." ngiting ngiti niyang sambit. Nakahawak sa kamay ko ang right hands niya tapos 'yung left hand niya nasa bulsa niya. Pa cool. Hangang mamaya masasapak ko 'tong malanding 'to. Kung umasta kala mo kung sino. Masyadong bossy. "Tss! Ako mawawala!? Ano ako bata saka bakit mo ba ako dinala dito ah?" inis na usal ko habang pumipiglas sa pagkahawak niya. "Para kang sirang plaka Muffin ko. Diba sabi ko mag da-date tayo?" iritado niyang saad kaya matalim ko lang siyang tinignan. Arghh nakakainis 'yung tawag niya na 'yan! Halata naman na inaasar niya lang ako at binu-bwesit gano'n! Mas gusto ko pang 'Kai Kai' ang tawag niya saakin kaysa d'yan sa Muffin ko or My Muffin! Letche kasi ang Corny!Nakakairita sagad parang kumukulo ang dugo ko. "Pumayag ba ako?" bored na tanong ko kaya inakbayan niya naman ako at ginulo ang buhok kaya galit kong pinalo ang kamay niya. "Oo naman kaya nga kasama kita ngayon." pangaasar ng pugo na 'to. Tapos nakakakulo talaga ng dugo 'yung pangisi ngisi niya. Bwiset! Kaya mas lalo siyang naging hot. Sa sobrang hot n'ya ang sarap ng itapon sa Alaska para manigas. "Eh Ikaw kaya hinila mo ako!" giit ko habang nakanguso pa. Shet lang kailan pa natuto mag pout? Arghh! D-mn me. Paano ko nagagawa 'to? Takte! "Stop poutin' and can you please shut your mouth Muffin ko and if you dont want to shut your mouth well I'm willing to kiss you harder. Para naman mamanhid na 'yang bibig mo." D-mn this herk! Ayokong mapunta sakanya ang pinakaiingatan mong FIRST KISS. Kengena talaga nito lakas ng confidence. Basta kapag first, second, third and more kiss ang pinaguusapan ay parang nawawala lahat ng yabang ko sa katawan. Naduduwag ako. Takte! Ang sarap basagin ng nguso niya "Sabi ko nga Ta-tahimik na." wow self, tutop agad? Takot ka? Takot ka d'yan sa bwiset na pugong 'yan? Pinagtitinginan nakami ng malagkit ng mga tao dito sa mall ay mali---hindi pala ako kasali si COOLER KEITAN LANG PALA. "Oh gosh!my friend! Ang gwapo nung guy!" "Hindi lang gwapo super duper hot pa s**t!" "Pamilyar 'yung guy?" "Sino 'yung kasama n'yang girl? Pinsan, Sister or Maid?" Maid ako? Wadapakyu Kwek kweknians baka tangalan ko kayo ng buhok sa Kwek kwek n'yo. "Look at their uniform? Taga KIU sila." "Whaaaa! Sabi na e! Oo kilala Ko na 'yung guy. Siya si Cooler keitan Alonte!" "Whaaa oo siya nga! I want to be his girlfriend! Kahit na 30 minutes lang s**t I want to taste his lips!" Bakit kaya kung magbubulungan nalang sila sobrang lakas? Sheez! Ang sakit sa tenga ng mga boses ng mga Kwek kwenians na'to! Hinihila ko si Keit Keit at mukhang gustong gusto ng loko ang paghila ko sa kanya. Nagmadali akong lumakad dahil na b-binge na ako at baka hindi ako makapagtimpi ay hilahin ko ang buhok nila sa private part nila. " Are you jealous, Muffin ko?" may pasipol sipol pa siyang nalalaman kala mo naman cool siya, ang kapal ng mukha hindi porket 'Cooler' pangalan niya astig na siya. Tss. "What me!? Jealous? u­lol ka ba? Dream on Mr." pikon kong saad at binitawan ang kamay niya kaya tumawa siya ng nakakaasar. "Ows Misis ko?" "Tss!" landi talaga nitong lalaking kasama ko. Una Muffin tapos ngayon Misis ko .Damn napaka korni. Eto ba ang dahilan kaya nagkakagusto ang mga babae sakaniya? 'Yung pagiging sobrang korni? Sa haba ng pag aaway away namin ay nakadating kami sa isang Italian restaurant. "We will eat first Muffin ko."nakangiti na sabi niya habang papasok kami sa loob. " Lilibre mo ba 'ko?" nakataas na kilay na saad ko kaya mayabang lang siyang tumango. "Yep! I will always treat you Muffin ko. I will always treat you like a queen of mine." napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Kala niya naman M madadaan niya ako sa mga pa gan'yan gan'yan niya? Hindi effective ang korni na charm niya saakin. Tss. " You're so red muffin ko."natatawang sambit niy kaya napatingin ako sa balat ko at hindi naman kulay red. Imbento talaga 'tong malanding 'to."Mama mo red." " Whoaa what a cute girl of mine," sambit niya hanggang sa makarating na kami sa isang table. Pinanghila niya pa ako ng upuan kaya napairap nalang ako. " Just shut up." Nag order na kami at hindi rin nagtagal ay dumating din agad saka nagsimula ng kumain. 'Di ko talaga ma imagine an nakikipag date ako sa isang katulad niyang CASANOVA na MALANDI. Bakit ba ako pumayag? Bored lang ba ako? Tss. Pero dapat ko bang tawaging Date 'to!? Shet nakakadiri! Bawal bang miryenda lang with pugo? Lol "Hey Muffin ko, you know what." napatingin naman ako sakaniya habang sumusubo ng pagkain ko. "What?" nakataas na kikay na tanong ko. "I never dated anyone, only you." taas noo niyang sabi na animi talagang sobrang proud. Siya walang dinate? Lokohin niya lelang niya hmp. "So?" "Muffin ko, I just want to say na sinira ko ang sarili kong rule."kinindatan niya ako habang uminom siya ng juice niya. "You never date anyone huh? Kala mo naman maniniwala ako." mayupos kong usal. "I'm telling the truth!" "Tss! kumain ka nalang dami mong alam eh." iritadong kong wika dahil nastorbo n'ya ako sa pagkain. "Talagang madami akong alam. Madami akong alam na way para pakiligin ka."naginit ang ulo ko dahil masyadong madaldal ang pugo na 'to. "Syempre playboy, the casanova king ka eh!" madiin kong saad habang patuloy pa rin sa pagkain. "Hindi ha, ako lang talaga ang Cooler na hot at ako lang ang Cooler na magpapainit sa kahit kanino pa." pabagsak kong binitawan ang mga kubyertos kaya napatingin ang ibang customer saamin. "Yabang mong g-go ka." "Gwapo naman." kinindatan niya ako habang pinapagalaw ang panga niya. "Dream on!" umiirap kong usal habang umiinom ng water. "Mangangarap ako na sana na mag magkaroon tayo ng isang dosenang anak." nagtiim ang bagang ko at binigyan ng matalim na tingin. Ang g-go talaga ng pugo na 'to. Walang makakapantay. Tss. "Aba't! p*****t!" "Anon---." sinubo ko agad sakaniya ang hinawa kong squid para tumahimik na siya. "Shut up! kumakain na tayo. Lintek! Ang ingay ingay mong Cooler ka!" "Don't call me Cooler insted call me Mr. ko or Muffin ko kasi mas nice 'yun." tinaasan ko siya ng kilay nang bigla siyang ngumuso na kala mo cute, mukha namang pugo. Amp. "Lol." umiirap kong sambit. "Love or laplapan? Pinapapili mo ba ako? Sorry. Im not ready to choose. Strick ang parents ko kasi po bata pa po ako." naging blanko ang expresyon ko dahil sa sinabi niya. Saan? kaya nanggagaling ang lahat ng kagaguhan ng lokong 'to. Seriously!? Lol? Love or laplapan?ini-stress talaga ako nito. "D-mn you Nakakapikon ka!" "I know." Nakangiti na sabi niya. 'Yung ngiti na nakakainis. Buong oras ng pagkain namin ay inaasar niya lang ako hanggang sa 'di rin nagtagal ay matapos na kaming kumain kaya lumabas na kami ng restaurant na 'yun. Again and again, hinawakan niya ang kamay ko syempre inaalis ko pero pinagbantaan niya ako na hahalikan niya ako. Sheez! Nangbablack­mail ang loko! "Saan tayo pupunta?"tanong ko sakaniya habang nililibot ko ang paningin ko sa kabuaan ng mall. "Saan mo ba gusto pumunta?" masyado siyang dikit saakin at amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. "Umuwi na." "Tss." hinila niya nalang ako bigla at dinala ako sa Time Zone. "Anong gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong kaya nginitian niya lang ako ng maloko. "Gagawa ng baby." nakapamulsang usal niya kaya sinaaman ko siya ng tingin. "p*****t!" humalakhak lang siya ng humalakhak habang inaakbyan ako papasok sa loob. "Hahaha you're blushing again Muffin ko." kinuorot ko ang tagiliran niya pero imbes umaray ay umuungol lang siya kaya agaw pansin tuloy kami. "Tss!" inis kong inalis ang kamay niya sa balikat at naupo lang sa isang upuan. " Muffin ko..Are you mad? I'm just joking." nakangusong saad niya kaya napabuntong hininga ako. "Don't call me Muffin!" tumaas ang boses ko kaya talagang nasaamin na ang mga atensyon ng mga tao at malamng pinaguusapan kami. "Ok, I will not call you like that Misis ko. Ok na po?" inis kong kinagat ang ibaba ng labi ko dahil sa kaengotan ng pugong 'to. "Especially that! Don't call me Misis ko we"re not married!" kung kanina ay nagpapaawa siya, ngayon naman ay nakangiti na naman siya ng nakakaasar. "So gusto mo pakasalan muna kita before I call you Misis ko?" mapangasar na sambit niya habang lumalapit saakin kaya tinulak ko siya saka hindi ko siya sinagot at pumunta nalang sa counter at pina load ko ang power card ko. I started to play at hindi ko na pinapansin si Cooler. He pissing me off! Nakakairita sobra, d-mn him! "Hey look, I'm sorry." Malumanay na sambit niya sa likod ko pero hindi ko parin siya pinapansin. "Hey..Misis ko." "My muffin.." "Muffin ko sorry na." "Pwede ba! Umalis ka sa harap ko at gusto kong lubayan muna ako!" madiin kong sambit kaya lumungkot ang expresyon niya. "What? Why?" naguguluhang tanong niya at bakas sa boses niya ang matinding kalungkutan. "Look, this is obviously game for you and beside gustong gusto mo lang talaga ako istorbohin at asarin pero lingid aa kaalaman mo nakakainis na alam mo 'yun. Hindi na nakakatawa , promise." maanghang kong sambit kaya ngumiti siya ng mapait saakin. "Is that what you want?"naniniguro niyang sambit. "Hell yeah!"mabilis pa sa kidlat na sagot ko sakaniya kaya tumango nalang 'to. "Fine." malungkot nasabi niya habang nakayuko. 'Di ko na siya pinansin at naglaro nalang ako dahil wala ng maingay. Sa paglalaro ko ay madami akong tickets! at target kong makuha ang big blue teddy bear sa counter. Kring! kring! Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang phone ko. Calling Pinsan kong Maganda.. I answered the call. [ Hoy babaita!? bakit­ jindi moko hinintay ah!? ] "Eh paano kita hihintayin eh nabadtrip ako?" isa pa 'tpng maingay na sobrang nakakairita. Jusme, bakit ba ako napapalibitan ng mga taong maingay. [ Ahhh haha nasa bahay n'yo na ba ikaw? Punta ako ah at marami kang ikukwento saakin loka ka tinulugan mo kaya ako kagabi! ] "Ah? Wala ako sa bahay nasa Mall ako.." sambit ko habang nililibot ang paningin ko dahil hindi ko makita si Cooler. Nasaan na naman ang animal na 'yun? Iniwan niya ba ako? [Arghh bakit hindi moko sinamang babae ka? Nakakainis ka na! Selfish!] "Eh nung paalis na 'ko d'yan sa school at dapat pauwi na ako may biglang p-yetang pugo na ubod ng landi ang humila saakin." tumili siya ng tumili ka inilayo ko sa tenga ko ang telepono. [ Don't tell me si Cooler keitan 'Yan?] "Siya nga." napanguso ako dahil hindi ko talaga makita ang pugo na'yun. D-mn him, iniwan niya na talaga ata ako. [Whaaaa! Rara! Mara­mi ka talagang ikukwento saakin. Anong ginagawa n'yo dyan? Nag aano?] "Tangek! Nag dedate 'daw' kami." inis akong napasuklay sa buhok ko dahil hindi ko na talaga makita ang hinahanap ko. [ 'Yung totoo?] " Oo nga." [ Whaaa you're so swerte alam mo bang hindi nakikipag date 'yang si Cooler kahit na Babaero!? Puro halikan at s*x lang ginagawa niya sa mga babae niya. he break his own rule Rara!] So totoo pala ang sinabi niya na hindi siya nakikipag date at he break his own rule. Bakit ba jinudge ko siya? Eh kasi naman ka judge judge namin kasi ang mga gano'n kalanding tao. "Ah ok sige mamaya nalang. Uuwi narin ako n'yan, bye labyu!" sambit ko at mabilis na binaba ang tawag. Sh-t naman feeling ko nagi-guilty ako. "You gotta go and get angry at all of my honesty You know I try but I don't do too well with apologies I hope I don't run out of time, could someone call a referee?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun. Agad kong hinanap 'to at nakita ko si Cooler na nasa mini stage dito ng Time Zone. "Cause I just need one more shot at forgiveness I know you know that I made those mistakes maybe once or twice By once or twice I mean maybe a couple a hundred times So let me, oh let me redeem, oh redeem, oh myself tonight Cause I just need one more shot at second chances.." Nakatingin 'to saakin habang ineenjoy ang kanta kaya napa cross arm ako. Ano bang kalaokohan 'to? Papansin lang ba siya? "Yeah, is it too late now to say sorry? Cause I'm missing more than just your body Is it too late now to say sorry? Yeah I know that I let you down Is it too late to say I'm sorry now?" Infairness! Ang ganda ng boses niya! Kaya hindi kataka taka na maraming nanood, nagvivideo at naghihiyawan. Edi sana all singer, lol. "Kaira Cailie Santos I'm so sorry pero Hindi ako magsasawang asarin ka at bwesitin ka, cus you're my happy pill Muffin.."sinama­an ko siya ng tingin. Kahit na nasa stage pa siya. Ok na sana eh, kala ko naman sincere siya sa paghingi ng tawad saakin dahila may pakanta kanta pa. " I'm just joking Muffin ko, stop glaring at me naatempt akong anakan ka eh."He said with his playful smile kaya naghiyawan lalo ang mga tao. "Peverted!" I mouthed. Natatawa siyang lumapit saakin at binigay nito ang malaking blue teddy bear. "Thank you." agad kong inagaw ang hawak niyang teddy bear kaya ngumiti siya. "Hahaha I don't accept thank you." "What!?" nakataas kilay kong usal dahil alam kong kagaguhan ang next niyang sasabihin. "I just Only accept the P-ssy or lips of yours." hinampas ko siya sa braso niya. "Tss! Ayan ka nanaman eh!"nakangiwi na sabi ko. Inubos na namin ang load ng kaniya kaniyang power card dito sa time zone.Nag enjoy ako at mukhang ganon rin naman siya kaya naging masaya ako kahit papano. Naglakad na kami ngayon papunta ng sasakyan niya. Buhat buhat niya rin 'yung Blue Teddy bear ko. Ginawa ko siyang alalay para astig, lol. Napatingin ako sa isang sasakyan nakadadating palang. Nagpark Ito malapit sa kotse ni Cooler. Si Ma'am Char. Shit! Naalala ko nanaman 'yung 1000 items na itetest ko, Whaaaaa! "What are you thinking?" bigla niyang tanong saka ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse. Gentleman? Ulok! " 'Yung test ko na 1000 items." saad ko nang makapsok na sa loob ng kotse niya habang siya ay pumapasok palabg sa driver seat. "Kay Ma'am charot?" nang makapasok siya ay inistart niya na ang makina ng kotse niya "Yeah." "Don't worry papakausap ko siya sa Ate ko." kumunot ang noo ko at agad na umiling dahil ayoko ng ganiyan, 'yung tipong gagamit ng koneksyon. "No..I don't want." gusto ko maging pair sa ibang mga student. "Ok..Ok.. Tuturuan nalang kita. I will be your Tutor." natawan naman ako ng mapanginsulto dahil hindi kapani paniwala ang sinasabi niya. "Ulol! Ikaw tutor!? Pinagloloko mo ba ako?" hindi niya pinansin ang sinabi ko at tinaasan lang ng kilay. "Kailan ba ang test mo?" he says with a serious tone. "Next monday." natatawa kong usal pero seryoso lang ang mukha niya. "Ok..ok so you have only 3 days well starting tommorow I will be your tutor."
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작