Chapter 1 (PART 1)

4961
Leannah Sathea "I SEE you driving your car Down to school~" I sang while allowing fresh air to enter my chamber through my window. I really love the feeling of the fresh air on my face and the wind blowing through my hair while playing some of my favorite music. 'Yung tipong pakiramdam ko nasa isang music video ako tapos ako ang main lead. Well, gano'n talaga kapag feelingera. Tumigil ako sa pagkanta at fineel ang music. Masyado ko ng nasisira ang kagandahan ng 'Rose' ni Kyungsoo. Your lips are so fine And you're looking so cool I know you've noticed me too And if I'll be honest with you now Maybe I'm thinking maybe I stared at my Kyungsoo's poster on my wall. I really love him. His voice is so soothing, good and so much of feels. Tapos best actor pa. That's why he's my ultimate bias in EXO talaga since their debut as in. Sadyang lagi lang nagbago ang bias wrecker ko, paiba-iba every comeback, hahaha. Tinodo ko na ang lakas ng CD player ko saka lumapit sa shelves ko para icheck kung may dumi ba ang collection ko; books and albums. I'm a big fan of Korean Pop. I do have stan account, I collected albums and merch. Nagpupunta rin ako sa concert and fan signing. Actually, I'm a multi fangirl kasi. I do love music but I'm more into kpop music kasi talaga kaya halos lahat ng kpop groups and soloist ay gusto ko but ofcourse I have my own ults. Pinakikinggan ko talaga ang lahat ng kanta but I'm not totally stanning them I just want to support their music if maganda talaga. You know, casual listener depends on my taste and the genre of its song. I treated my collection of album, merch and books as my babies. Mas mahal ko sila actually kaysa sa pamilya ko. Kaya grabe ang ginagawa kong pag aalaga at pag p-protect sakanila. Mas inaalagaan ko pa sila kaysa sarili ko. "Nana!" napatingin ako sa pintuan at agad akong napabusangot nang makumpirma kung sino 'yun. Si Steven, ang bwishit kong pinsan. "I told you not to enter my room without my permission!" iritado kong sigaw. Last time na pinayagan ko siyang magliwaliw dito. Pinakilaman niya ang merch ko and he f-cking broke my NCT and EXO's limited edition photocards. Like nung binalik niya lagayan nagkaroon ng dent. Nilabas niya kasi sa binder ko yon and 'yun while I'm taking a bath. Grabe ang inis ko sakaniya no'n. I wanted to kill him. Siguro na insecure sa kagwapuhan ng mga idols ko kaya niyupi niya like nakipag barandagulan palang ako sa twitter tapos siya sisirain niya lang ng gano'n-gano'n. Wala siyang balak bayaran and he's even proud pa na ginawa niya 'yun kaya walang ano-ano pinag giveaway ko ang shoes niya. Free claiming sa stan account sa twitter ko. "Oh, easy, chill lang tayo rito. I'm not here to annoy you. Napag utasan lang ako," taas kamay niya pang saad habang tumatawa nang nakaasar. Kinuha ko ang slippers ko saka binato sakaniya. "Whoaa chill, Nana. I'm here because Lolo wants to talk to you. Kanina pa ako kumakatok but your music is too loud. Sakit naman sa tenga!" This is the reason why I hate him at hiniling ko sa Diyos na sana hindi siya ang naging pinsan ko. He always make fun of my idols kasi he think that's cool. We're in the same age, 20 years old pero ang pagiisip niya pang 7 years old. Oh my bad, somehow insult 'yun sa mg 7 years old dahil mas matured pa sila kaysa sa kutang lupa na 'to. "Wow, sakit sa tenga? Hiyang hiya naman ako sa music taste mo, jejeboy!" "Luh, jeje raw. Atleast I'm supporting local because they are great and I understand the message of the song not like you neyongsaheyo chibu shimu kuluyo keyo bweyo kalyo~" I laughed without humor. "Wow, Steven. Wow, do you think you're cool by doing that? Mocking someone language, huh? And here we go again, nang-guilt tripping ka na namang isip bata ka! I told you, I will support the people I want on my own. C'mon, get out. I don't want to argue with a stupid narrow minded jerk like you!" Pinaliitan niya ang ng mata saka dinilaan. "Nye--nye, I'm not mocking their language, weirdo. Eh, sa 'di naman ako marunong mag korean. Pikon masyado! Panget!" lumabas siya ng kwarto habang binigyan ako ng mapangasar na expresyon. "Lolo want's to talk to you!" pahabol niya pa bago pabagsak na sinarado ang pintuan. Napatakbo ako sa pintuan at binuksan ito saka kinuha ko ulit ang isang pares ng slipper ko at binato sakaniya pero binelatan niya lang ako. "Kpopanget! Bakla! Bakla!" "Mas mukha kang bakla, jerk!" I shouted on the top of my lungs. See? Isip bata, ginagamit ang word na "bakla" to insult. Tss, siya na ata ang nakilala kong tao na sobrang b-bo. He's spoiled kasi sa sobrang pagiingat ng parents niya sakaniya nalagyan na ng ubo ang kaniyang utak. He's the only guy kasi sa family niya and bunso pa kaya nasalo niya lahat ng kademonyohan. Most of my cousins are not fan of Kpop pero kahit minsan wala akong narinig sakanilang panglalait sa kpop pero si Steven araw araw at maya't maya meron dahil b-bo siya. Insecure! I mean dahil siguro same age kami kaya aso't pusa pa rin kami till now. Pinagmamalaki niya na he supported local daw but still his expensive car, shoes, watch and many more are from another country. Kahit isa wala siyang gamit na made from Philippines. Masyadong mema ang brat na 'yun palibahasa uso ngayon na i-hate ang kpop community kaya feeling cool sila. I do support Philippine Pop naman pati na rin ang mga music ng mga artist sa western. I'm supporting musicians not based on their race naman, e. I stan deserving and talented pips lang talaga. Pero many people doesn't understand that. Ayoko ng makipag debate sa mga taong nang guilt tripping kasi we're not supporting locals daw dahil masyado na kaming kinain nang sistema ng korean-korean na 'yan. 'Di ko naman generalize pero bakit masyadong pakilamero ang ibang tao na pati pagpili ng favorite mo gusto sila masunod. Like dude-- all I can sya is that, I have my own freedom to choose whoever I want to support. I will do what makes me happy. 'Di ba? A lot of different artists saved us with the comforts that their music brought and it entirely depends on the listener. In my case, kpop idols saved me with their music, not just that but they also taught me all the morals that helped me grow to be a better person than I am today and for more years to come. My kpop idols music and videos comforts me with those days I doubted myself, I broke down and have no one beside me. They are my inspirations, motivations and comfort whenever I'm feeling alone and sad. Just by listening to their music comforts me like Home. Yes HOME, na hindi ko man lang na feel sa bahay na 'to. My idols and their music are actually my coping mechanism talaga. Buong buhay ko pag f-fangirl lang ginagawa ko kasi 'yun lang nagiging dahilan ko para maging masaya. Pasalamat nga sila na addict ako sa KPOP and books kasi kung hindi nakikita ko na talaga sarili ko na maging batang ina. Hmp! Pinatay ko ang CD player, kinuha ko ang phone ko saka ako nagpunta sa CR para maligo. I played Face to Face by WAYV nang makapasok ako. I really love taking a bath with music talaga kasi masarap mag concert sa spot na 'to. Sa bilang ko, I played exactly 10 randlm song—kpop, ppop and western bago ako nag decide na tapusin na ang pag ligo. Funny kasi naalala ko dati noong hindi pa ako masyado mahilig sa music ay wala pang 5 minutes tapos na ako maligo. Ewan ko if ako lang pero talagang napapatagal ang pagligo ko not because I scrubbing my whole body. Actually kasi napapatagal siya dahil dalang-dala ako sa mga kantang pinapatugtog ko and ayoko masira ang concert ko sa banyo. Pagkatapos ko maligo I decided to wear comfortable short and t-shirt with my favorite hoodie. I bought this agad nang makita kong suot-suot ni NCT Jaehyun 'to sa isang content nila. Wala lang, feelingera ako, e. Kunwari couple hoodie kami. Lahat naman kasi gamit ng mga idols ko ma pa skin care, make up products, clothes and food binibili ko. I just want to try, e. I'm curious. And also meron din akong mga gamit na katulad ng mug, clothes, umbrella and many more ay na may logo and faces ng favorite kong group and it's so obvious naman kung sino sila. Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa library dahil tiyak na naroon si Lolo. "Good morning, grandpa." binaba niya ang binabasa niyang books at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napailing iling ito kaya napairap ako sa kawalan. I know naman na kaya ako narito para sermunan at isisi ang pagiging pasaway ko sa pagkagusto ko sa kpop. "I've heard you bought a piece of paper worth 100k." "It's a photocard of my idol lolo. And it's a limited edition. Same price ko lang din naman mabebenta 'yon if ever. Parang katulad lang din ng kina Steven and sa iba kong pinsan na nag c-collect ng toys, bag, shoes, cars and etc. Bakit sila hindi mo sinisita?" Recently kasi I bought SYBC and SUC pc ni Jaehyun kaya umabot ng 100k. Set na siya and alam kong super impulsive buyer ko sa part na 'yon. I mean I know naman na sometimes na s-sobrahan ako ng gastos. Aware naman ako. But I can't help.. Bumuntong hininga nalang siya naaanimo mo wala nang magagawa. "Ngayon, bibigyan kita ng limang minuto para mag paliwanag kung bakit hindi ka sumipot sa dinner niyo ng anak ni Mr. Grialdo," pangiiba niya sa usapan. Napairap nalang ako. Sino ba naman sisipot sa isang dinner kung saan pilit lang? I will not enjoy the meal if ever like alam ko naman saan patutunguhan no'n. I don't understand talaga? Legit pala talaga 'yung arrange married na gan'to I thought mababasa at mapapanood ko lang ang gano'n pero in reality may gano'n pala talaga. Hello? 21st century na? Uso pa 'yon? "Eh, why would I explain pa po? I'm sure naman sasabihin mo hindi valid ang reason ko." "Those korean guy again?" He pointed his finger on my shirt. I sighed. "Lolo, stop na kasi. I don't have time to have a relationship pa. I'm not ready yet, ok? Like hello, it's 21th century na na. Stop that blind date or arance marriage na 'yan. I'm sure naman kayo lang mag b-benefit d'yan. Napakarami niyo namang apo, na gagamitin para hindi ka maghihirap," pranka kong saad. Dumilim ang paningin niya at pinalo niya ang table niya dahilanpara mapaigtad ako. "Binigyan mo 'ko nang dahilan para mag desisyon na." Inilapag niya sa harapan ko ang isang papel na kung saan form 'yun para maenroll ako sa school and ang worst pa roon ay sa Blue Ridge International School. Napanga-nga ako, dati pananakot lang ni Lolo na i-transfer niya ako ng school noon kaya kampante ako and now hindi ako makapaniwala na he's doing this. Like super worst ko na ba? I don't get it? It is because ayoko sumipot sa mga blind date or kung ano mang date 'yan? Or dahil sa pag k-kpop ko? Super babaw naman kasi if that's the reason. I mean? I used his and my mom's money to buy my luho since I'm still studying pa nga but still 'di ba binigay na nila 'yon so it means akin na. I can do what ever I want sa allowance ko. "What? Ililipat mo 'ko sa school ni Steven? Why? I don't get it. Pumayag ba sina Mommy?" "This is her idea, hija." nalaglag ang panga ko. Ano pa ba aasahan ko sakaniya? Tss. Bihira na nga magpakita saakin tapos hindi pa siya mapagod guluhin ang buhay ko. Huminga ako ng malalim at minasahe ang sintido ko. "Lo, I don't get it. Bakit niyo ko ililipat ng school? Maayos naman ang grades ko, hindi ako napapariwara? I'm 2nd year college na, and malapit na finals ko ngayong first sem so bakit ililipat mo pa ako?" Accounting Technology course ko ngayon. I don't even like that course. Pero dahil nga kailangan ko mag take ng anything about sa business eto sumunod nalang ako. I mean 'di ko rin naman kasi alam ano gusto kong gawin sa buhay. 'Di ako handa, 'di ko alam kung anong course kukunin ko. Wala ako maisip sa totoo lang kaya sumunod nalang ako sa gusto nila. Wala naman akong ginawa sa buhay ko kung hindi mabaliw lang sa kpop. "Here." ipinakita niya saakin ang hawak niyang ipad kung saad may picture ng isang unit. I bit my lower lips and napausuklay nalang ako ng buhok gamit ang kamay. "Ano 'to? Why are showing that to me?" Lolo just smiled. "A gift." I laughed without a humor. "So, you want me to be independent kaya binibigyan mo 'ko ng sariling condo and lilipat ako ng school? Is that the reason ba? Lo, enlightened me, please. I don't really understand ano trip niyo." Tumikhim siya. "I'm busy, maari ka ng lumabas." pinatay niya ang hawak na ipad at tumigin sa mga papeles sa table upang baliwalain lang ang sinabi ko. This old man! "Lolo naman? Bakit kasi? 'Di naman mababa ang grades ko? And medyo maganda naman ang quality ng education do'n HACF? That's a catholic school though. Kayo na ang nagsabi para magtino ako you enrolled me do'n?" He deeply sighed. "Your class will start tommorow. Pack your things now para ngayong araw ay makalipat ka na rin." "What the actual f-ck?!" gulat kong sigaw. I mean masyadong rush? Ano bang pinaplano nila? This is not him. Hindi basta-basta nag d-desisyon si Lolo ng walang malalim na dahilan. "Watch your mouth, Leannah Sathea," maotoridad niyang usal. Napabusangot ako at napastomp. Inirapan ko nalang siya saka binagsak ng malakas ang pintuan. Padabog akong naglalakad patungo sa mga kwarto ng pinsan ko para tanungin ko if pati rin ba sila ay lilipat ng school. Una kong nadaan ang kwarto ng pinsan kong law student. I'm sure naman na kaya siya pinayagan maging lawyer para in the end maging company's laywyer din siya ni Lolo. So, yeah. Sa company lang ni Lolo talaga i-ikot ang buhay namin. Ang pagpapatira at pagpapalaki niya saamin ay may kabayaran lahat sa tamang panahon. Tss. I knocked muna before I open her door. "Ate Sia?" naabutan ko siyang nagbabasa. She remove her glasses before she looked at me. "Uhm?" "Lilipat ka rin ba ng school?" I mean we're not schoolmates since sa mga law school siya nag a-aral. Nagbakakasali lang na ililipat din siya sa school ni Steven. "No. But I've heard ikaw lilipat?" "Oo, nakakainis!" "What do you expect. 'Di ba ikaw ang paborito?" malokong turan niya. "Favorite my ass." she just laughed pa before I close her door. Naglakad naman ako palapit sa susunod na pintuan. "Trinkle!" Eto nasa Senior high pa lang and she's taking ABM kaya alam ko na sino susunod sa yapak ko. Kumatok lang ako isang beses at agad niya rin binuksan ang pintuan. "Why?" tanong niya na mukhang kakatapos lang maligo. "Lilipat ka rin ng school?" "No, why? " "Ako oo! Ewan ko sa Lolo mo kung ano trip," iritado kong saad at padabog na nagtungo nalang sa kwarto ko wala naman ako mapapala sa ibang kwarto ng pinsan ko dahil wala naman sila. It's either they are studying or nag w-work. Agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang phone ni Mommy. "Ma!" [ Do you really need to shout at me like that? ] "What's this? Bakit sabi ni Lolo lilipat ako ng school?" She deeply sighed. [ Let's talk when I get home. I'm busy these past few days huwag mo 'kong gagambalain. Sundin mo nalang ang Lolo mo. ] Pinatay niya ang tawag at naiwan akong nakanganga. Nagtiim ang bagang ko at binalibag sa kama ang phone kaso nag ring 'to kaya ang ending kinuha ko rin. Nicheck ko at nakikipag facetime si Steven. Inis kong sinagot ang tawag. " D-mn you, Steven!" "Ouch naman. Nana! Are you not excited to be my schoolmate?" mapangasar na saad niya sa kabilang linya. "Never! Bakit ako lilipat sa school mo? For what? To babysit you?!" dinuro-duro ko pa 'yung screen sa sobrang inis. Ngumiti lang siya ng nakakaloko at bumuga pa ng usok nung vape niya sa camera. "Nah, you're harsh naman my favori pinsan. Ewan ko rin kung bakit. Kahit ako ayoko kitang kasama kaya don't fight me HAHAHA." Hindi ako sumagot at huminga nalang ng malalim. "Bilisan mo na mag impake. Hatid na kita so condo mo. Iwan mo na mga koryano mo rito hindi naman kailangan 'y——." Pinatay ko na agad ang tawag bago niya matapos ang sasabihin niya. I opened my messenger and sobrang daming chats from my blockmates na nagtatanong kung bakit ako nag drop out. I opened our section group chat may announcement do'n na aalis na ako sa school. Wala akong sinagot kahit isa. Dahil 'di ko rin alam ano reason bakit kailangan kong umalis sa school namin. Bahala na. Tinawagan ko nalang ang kasambahay namin gamit ang telephone na asa gilid lang ng coffee table ko. "Manang, padalhan nalang po ako ng boxes here." Kailangan ko ng mag pack kung gano'n. Wala na rin naman kasi akong magagawa kung nilapat ako ni Lolo ng school. Hindi ko mapipilit ang gusto ko dahil sila pa rin nag p-papaaral saakin. Kung magbulakbol ako edi ako rin naman kawawa. No luho and no needs pa. It's getting scary. Hindi naman sa naduduwag ako pero this sus. Anong plano nila? I'll respect Lolo decision kasi sa lahat ng tao rito sa bahay siya lang ang hindi nangingialam sa buhay fangirl ko ng sobra. I mean nagtatanong lang siya at kunwari magsesermon pero sa true lang si Mommy ang naguutos sakaniya na pagsabihan ako. Kaya I'm sure rin na pakana ni Mommy kaya lilipat ako. See? I called her pero wala siyang pakialam? Pero 'yun nga I don't still have an idea kung bakit nila ako kailangan ilipat. I'll find out. Hindi rin nag tagal ay dumating na ang pinapakuha kong boxes. Ipapack ko ang damit ko at papahelp na rin ako sa kasamabahay namin pero syempre ang mga dear babies ko ay ako dapat ang hahawak. Inabot ng mahigit isang oras ang pag aayos namin sa gamit ko para makilapat na agad agad. Tatlong kasambahay ang tumulong saakin kaya mabilis lang. "Hey Nana! Are you done?" napaangat ang tingin ko kay Steven na nakasandal sa pintuan ko. "Nasaan si Lolo?" masungit kong tanong. "Umalis, tulog , nakipag date may ginagawa," mapangasar na wika niya pa. Binalewala ko lang ang sinabi niya. "Ngayon na ba talaga ako lilipat?" pagod na pagod kong tanong. Super dami kong pinack. Nabigla ako I thought kaya ko. Sana pala pinasuyo ko nalang lahat sa kasambahay. Ngiti-ngiti siyang tumango. "Let's go." "Pwede bang magpahinga muna?" Pumasok siya at mahinang sinipa pa ang box ko kaya inis kong kinuha ulit ang tsinelas ko at binato sakaniya. "Tsk, tara na kasi. Daming arte. Feeling special!" "Maghintay ka! Mag a-ayos lang ako. Palabas mo na 'to." Pumasok ako sa CR ko para magpalit ako ng sweat pants and shirt. Pagkatapos ay nagsuklay lang ako at kinuha ang facemask ko and anti-rad kong eye glass. Wala lang feeling ko kasi idol ako kapag nakafacemask pa ako and salamin na gan'to. Nakatanggap ako ng messages from Steven. Pinapababa na ako at pinapadala pa 'yung naiwan niyang wallet. Nang makababa na ako. "Malinis ba 'tong car mo baka naman maraming bacteria. Magkasakit pa ako!" naka crossarm kong turan. "Oh jesus, napaka arte talaga! Ofcourse malinis 'to. Nag pa carwash palang ako. Kung gusto mo bilhan mo 'ko bago kotse," iritable na saad niya kaya padabog nalang akong inopen 'yung car niya. " Why don't you fix your attiude, Nana? Tapos magtataka ka kung bakit ka nililipat ng school eh ang sama ng ugali mo." "Look who's talking brat! 'Di hamak mas demonyo ka saakin." "Blah blah," saad nito saka niya nilakasan ang music niya. Napairap nalang ako at nanood nalang ng t****k sa phone ko hanggang sa 'di ko na mamalayan na nakarating na pala kami sa condo. "Bilis baba!" saad niya kaya napairap nalang ako. "Tsk." bumaba ako at mabuti nalang ay napigilan ko pa ang sarili ko na sipain ang kotse niya kung hindi mag a-away na naman kami. Last time na sinipa ko kotse niya nag kagasgas at hindi niya ako tinigilan hanggat hindi ko binabayaran. I have no choice but to pay nalang since he's threatening me na gagawa siya ng paraan para pumasok sa room ko to break my merch. Mayabang siyang lumabas ng kotse niya at nag dire-diretso siya papasok sa building. "Hoy teka 'yung mga gamit ko!" I shouted out the top of my lungs. "Papahakot natin 'yan. Tara na! Kupad ng nana na 'to!" I sighed. Sumunod ako sakaniya at binati siya ng guard kaya napataas ang kilay ko. May kinausap din siya mga lalaki na mukhang nag t-trabaho sa condominium na ito. Inabot niya ang susi ng kotse at naglakad na patungo ng elavator. Binilisan ko lalo ang lakad para maabutan ko siya. "Kilala ka ng guard? Don't tell me dito ka rin nakatira?" "Oo, angas nga, e. May sponsor na ng pagkain ko. Saya naman no'n." mapangasar niya akong tinignan. Napahawak ako saakin bibig at nanlalaki ang mga mata ko. "Hey please say no.." Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Ang alin?" tanong niya nang makasakay na kami sa elavator. "Magkasama ba tayo sa c-condo?" nauutal kong wika habang papasok kami ng elevator. "No way. Kahit ako ayokong kasama ang annoying na katulad mo," busangot na mukhang wika nito. Unti-unti sumilay ang ngiti saaking labi. Nakahinga naman ako ng maluwag kahit pa-paano kaya tinanguan ko siya. Kinabahan ako ng slight do' ha. I thought Lolo will make me suffer ng bongga. Tss, sure na maglalayas ako kapag magkasama kami sa isang bubong ng panget na 'to. "Mas lalong ako. Mabuti naman at 'di ako pinarusahan ng super! Pero hindi naman magkatabi ang unit natin right?" umiling siya at pinindot na ang button ng 5th floor. "Hindi, 10th floor ako. Ikaw sa 5th floor. Kasama nga sa condo ayoko tapos kapitbahay pa kaya? What's the difference? Tss. Di ako makakapayag na makatabi ang unit mo. Mahal ko sarili ko, ayokong marinig ang boses maligno." Kinurot ko siya pero tumawa lang siya. "Jerk!" Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa 5th floor at iginiya niya ako patungo sa unit ko. Nang makapasok ako, napatango-tango nalang ako dahil maganda naman and pasok sa taste ko. So minimalist and aesthetic ang interior which I really like. I love the atmosphere rin. Hindi masyado mabigat. Hindi nakaka suffocate. Somehow, this idea of them is good. I mean agree ako kasi kung sabagay, gusto ko rin naman bumukod para makakagalaw ako ng ayos. "Yo, not bad no? Same lang din ba interior ng unit nito sa'yo?" tanong ko kay Steven na mukhang nalibot na ang buong unit ko. "No, alam ko every floor hindi, e. Saka mas malaki 'to kaysa sa unit ko. That's unfair!" Binatukan ko siya at gumanti rin ito kaya napakagat nalang ako sa labi para pigilan na gumanti pa ulit dahil tiyak na imbes na matapos kami sa pag a-ayos ng gamit ngayon ay mag a-away lang kami at magbabatuhan ng gamit and ending walang magagawa. "Napaka ano mo! Tumulong ka na maghakot. Huwag mong iasa sakanila. Brat!" iniwan ko na siya at lumabas na ng unit para maghakot. Siguro inabot kami 20 minutes sa paghahakot. Medyo marami akong dinala lalo na half ng merch ko dinala ko. If I will stay here na talaga for good baka I will empty my room na in our house and bring all the things here. Hingal na hingal akong pumasok ng unit. At halos mabitawan ko ang box na hawak ko nang makita ko ang hinahawakan ni Steven. "Hey, don't touch that! Motherf-cker!" agad akong napatakbo palapit sakaniya kasi inalis niya sa acrylic photo frame ang pc ni Jaemin. He's 6 feet kaya nang itaas niya pa lalo ang kamay niya na hawak ang Jaemin pc ko ay 'di ko maabot. I jumped pa ha but I can't reach it talaga kasi I'm 5'5. "Tingen lang!" hinaharang niya ang big hands niya sa mukha ko. "Ano ba akin na!" sinubukan kong agawin pero hindi ko maabot kaya naman kinagat ko ang braso niya. "Ah sh-t! Nanaaaaa! Layo kung ayaw mong punitin ko 'to." Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napalayo. "Steven kasi hindi ako nakikipagbiruan." nagp-puppy eyes pa ako at pakiramdam ko nangingilid na luha ko kasi I know he's g-go and kayang-kaya niyang punitin 'to. Like ang tagal kong prio 'to. Mahigit one year ako naghanap ng pc niya 'to tapos mapupunit lang ng ganon-ganon. "Why are you obsessed with these dude ba? Hindi ka naman nila kilala like they don't even know na nag e-exist ka." Mula sa puppy eyes ay nagtungo na sa masamang tingin. "Eh, ikaw why are you obsessed with those f-cking anime? Ni hindi naman sila nag e-exist? Pinakilaman ba kita?" Sarkastiko itong tumawa. Nginisian niya ako at pinaktitogan ang photocard. "Di naman ako obsessed to point na sakanila lang iikot ang mundo ko. Nana, attracted parin ako sa totoong tao. Hindi katulad mo na papangarapin na papakasalan ka nila? That's cringe!" I clenched my fist. "Hindi ko naman pinagarap na pakasalan nila ako ha!" He laughed like an idiot. "Anong hindi? Nana I saw your diary. Na baka pwedeng 'yang mga idol mo nalang ang iarrange married sa'yo, yuck." Napaupo nalang ako sa sahig at kunwaring umiyak. " Ahhh! Pakilemero ka! I hate you!" Umupo siya na kalevel ko. "Alam mo, kahit ilang bilyon pa ang ioffer nila Lolo sa mga 'yun, hinding hindi ka papatulan no'n. You should know your limitation, kung fan ka lang dapat 'yun kalang. Love them as your idol not as your man. Why don't you just get a real boyfriend? Marami naman akong pweden----." Agad kong inagawa sakaniya ang pc at tinapakan ang paa niya. "Shut up! H'wag mo 'kong pakilaman!" Lakas ng t***k ng puso ko at tumingin sa pc ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang walang any marks and still clean pa rin. "You spoiled witch! May sugat ako sa paa!" inambaan niya ako pero biglang dumating na mga naghahakot kaya binelatan ko siya. "Tsk, tsk. Baliw. Hindi ko na masisi sina Lolo. Malala ka na, make sure to see your doctor regularly!" akmang papaluin niya pa ako pero binelatan niya rin ako saka lumabas na ng unit. "Aw my precious, Jaemin-na." I wiped the pc pa before I put on the outer and inner sleeve tapos ayun nilagay ko na ulit sa acrylic photo frame. Hinila ko ang box ng mga merch ko and some books papasok ng kwarto. Mabuti nalang talaga there's a shelves here. Madali kong maayos. Gumamit ako ng feather duster to clean my shelves then after that sinetup ko na ang gamit ko. I set up my cd player first and I played a song para naman ganahan ako mag linis. Tinodo ko ang lakas para feel at talagang maalis ang stress ko. Nagwalis-walis ako saglit and nagmop na rin. Bago ko narinig si Steven na kumatok. "Why?" tanong ko nang bumukas ang pintuan. "All your things are here na ikaw na bahala. Sabihin mo kay Lolo na tumulong ako ha. Kung hindi sapik ka saakin." "Asa!" umirap ako kaya naman padabog niyang sinara ang pintuan ng kwarto ko. "Steven p-nyeta ka talaga!" galit na sigaw ko at agad akong sumunod sa paglabas ng kwarto niya pero tumakbo na siya palabas ng unit ko. I gritted my teeth. Tumingin ako sa mga boxes na narito lahat sa living area ko. I scratch my forehead kasi talagang napakarami kong lilinisin. Sana pala nagsama na ako ng isang kasambahay. I sighed and went to kitchen to drink water. Tumaas ang kilay ko dahil may grocery na rin pala ako. I started to clean na until naramdaman ko ang sobrang pagod kaya nagtungo na ako saaking kwarto para umidlip na muna. Naalipungatan nalang ako dahil ang akala ko ay nag attend ako ng concert sa sobrang lakas ng music. Napakamot ako sa ulo dahil nakalimutan kong patayin bago ako natulog. Humikab ako at nag stretch ng katawan bago nagawi ang tingin ko sa bintana. Nakahawi ang konting parte ng kurtina at napakunot ang noo ko dahil parang gabi na? Sobrang dilim. Sa pagkaalala ko natulog ako bandang 4pm. I looked at my phone beside of my bed. Napabalikwas ako at natarantang pinatay ang ang cd player ko. "What the f-ck?" tumingin muli ako sa orasan at 3:35 am na nang umaga. Gano'n ako kahaba natulog? Kung sabagay grabe rin kasi ang pagod ko dahil ako lang magisa nag ayos ng gamit. Siguro naman soundproof ang unit ko 'di ba? Kasi kung hindi naman tiyak na kumatok na ang mga kapitbahay ko if ever nga. Medyo worried ako kasi madaling araw na pero nag p-play pa rin ang music ko. Nakakahiya baka hindi sila nakatulog. Napagdesisyunan ko nalang na linisin ang mga natitira pang gamit ko at mga damit ko. Inorganize ko na hanggang sa inumaga na ako dahil hindi na rin naman ako makatulog.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작