CHAPTER 01- PROCLAIMED RIVAL

2492
ISANG MALAWAK na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ni Maya dahil nabili na niya ang for sale na restaurant na gustong-gusto niyang makuha kung saan makakapagsimula na siyang buuin ang pangarap niya na makilala ang galing niya sa pagluluto. Marami ng nagdaan na restaurant owner sa nakuha niyang building pero nababalitaan niya na umaalis din ang mga ito at lumilipad ng ibang lugar, kaya ng mabalitaan niya na for sale na ulit ito ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon at siya na ang bumuli sa building kung saan magsisimula na siyang gawin ang pangarap niya. Kakatapos lang ng pirmahan nila ng huling gumamit ng building na kinalalagyan niya ngayon, nabigay na sa kaniya ang kontrata ang naibigay na niya ang kabuuanng bayad niya para makuha na niya ng buo ang rights ng building. Hindi naman ganun kayaman si Maya, ang pera na naiwan ng kaniyang mga magulang na namayapa na ang ginagamit niya sa pang-araw araw niya. Ang pera na nagamit niya para mabili ang gusaling pangarap niya ay hiniram niya lamang sa kaniyang kaibigan na kusang nag-alok ng tulong sa kaniya, mayaman ito at naging matalik niyang kaibigan ng maging mag-isa na siya sa buhay. Hindi mawala ang saya na nararamdaman ni Maya sa mga oras na ‘yun habang nililibot ng kaniyang mga mata ang kabuuan ng magiging restaurant niya na kung saan Russian Cuisine ang ihahanda niya sa mga magiging costumer niya, nag-iisip na din siya ng magagandang designs para maging agaw atensyon sa mata ng mga tao ang restaurant niya. “Salamat sa pagbili ng gusali na ‘to, sa dami ng mga kakilala kong chef na gustong magtayo ng sarili nilang restaurant sa lugar na ‘to wala kahit isa ang nagka interest. Masaya akong mapupunta ang building na ‘to sa ‘yo na nakikita kong mahal talaga ang propesyon ng pagluluto.”ngiting pahayag ng babaeng kausap ni Maya na ikinalingon nito dito at malawak na ngumiti. “Naku, matagal ko na nga pong gustong makuha ang spot na ‘to, may pagkakataon ang na wala akong sapat na pera para makuha ito pero, mukhang nilaan po talaga sa akin na dito ko matayo ang pangarap ko.”excited na pahayag ni Maya na hindi maitatanggi sa kausap niya ang saya na nararamdaman niya sa mga oras na ‘yun. “I’m glad you are happy, maganda ang spot na ‘to dahil talagang nadadaanan siya ng mga tao.”ngiting ani ng babae. “Nakikita ko naman po ‘yun, pero alam niyo po ba kung bakit ang ilang mga nagdaang chef na nakuha ang spot na ‘to ay nagde-decide na lumipat sa ibang lugar? Maganda ang spot ng building para makahatak ng mga costumers pero bakit umaalis sila? Kayo po, bakit naisipan niyo pong ibenta ang magandang building na ‘to?”takang tanong ni Maya na ikinabuntong hininga ng babae. “Pare-parehas ang rason ng mga naunang chef na nakuha ang spot na ‘to at ang rason ko bakit hindi ko na din maipagpapatuloy ang restaurant ko sa lugar na ‘to. Come with me.”ani ng babae na nagsimulang maglakad sa may pintuan na agad ikinasunod ni Maya dito. Nang makita niyang tumayo ang babae sa may pintuan ay agad siyang tumabi dito at may itinuro sa unahan nila na agad sinundan ng tingin ni Maya, kung saan isang building kapatapat ng sa kaniya ang nakikita niya kung saan madaming tao ang pumapasok, kahit parking lot nito ay puno ng mga sasakyan. “La Cuisine Russiano…” basa ni Maya sa pangalan ng katapat nilang restaurant na ikinabalik niya ng tingin sa babaeng katabi niya. “The reason why most of the chef’s try to bring their cuisine here but failed, is because of that restaurant. Dinudumog ang La Cussine Russiano mapa local or International, kahit mga tv news and magazines international sinasadya sila to interview. I once tried to see ano bang kakaiba sa mga pagkain na niluluto nila and I must say, napakasarap ng mga pagkain na hinahanda nila sa mga costumers nila, the service is good too and I think isa sa dahilan kung bakit dinadayo ito ay may ibang dish sila na mismong ang may ari ang nagluluto.”pahayag na paliwanag ng babae na ikinabalik ng tingin ni Maya sa restaurant na makakatapat niya pag nasimulan niya ng buksan ang restaurant niya. “Anyway, pwede ko bang malaman anong klaseng cuisine ang ilalaban mo sa La Cuisine Russiano? I’d love to see na may tatalo sa sikat at kilalang restaurant dito sa pinas, and I will be very proud kung ikaw ‘yun.”ngiting tanong ng babae na taas noong binalik ang tingin ni Maya dito. “Russian Cuisine.” Pahayag niya na dahan-dahan na ikinawalan ng ngiti ng babae sa mga labi nito. “A-are you sure? Hindi sa minamaliit ko ang kakayanan mo, but are you going to clash with La Cuisine Russiano with same cuisine?”nag-aalangang tanong ng babae na determinadong ikinatango ni Maya. “Opo, Russian Cuisine vs Russian Cuisine. Alam ko po ang kakayahan ko sa pagluluto at alam kong kaya kong tapatan ang restaurant na ‘yan, kaya kong makipagsabayan sa kanila.” Pahayag ni Maya na itinuro pa ang La Cuisine Russiano na ngiwing ikinangiti ng babaeng kasama niya. “W-wow, grabe ang fighting spirit mo. Wala akong ibang masasabi kundi good luck sayo, anyway here’s the key.”ani ng babae na iniabot na kay Maya ang susi ng magiging restaurant niya na ikinaningning ng mga mata ni Maya. “Salamat po.”sambit ni Maya na ikinapagpaalam na ng babae sa kaniya kaya siya nalang ang naiwan sa may pintuan ng matatawag niyang building na niya na hinintay niya ng ilang taon upang makuha ito. Excited na tumakbo papasok si Maya sa loob at agad kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bag at agad na kinontak ang unang taong gusto niyang sabihan ng nalalapit niyang pagtupad sa kaniyang pangarap at ang taong gusto niyang pasalamatan, na ilang ring lang ay sinagot na ang tawag niya. “Leroi!” masiglang tawag ni Maya dito sa kabilang linya. (I can sense joy in your voice Maya, you already have the key?) “Hawak ko na, Leroi, grabe hindi parin ako makapaniwala na maitatayo ko na ang restaurant na pangarap ko, salamat talaga sayo. Promise pag nag boom ang restaurant ko babayaran kita kaagad.”pahayag ni Maya habang malawak ang ngiti niyang nakatitig sa susi ng building na hawak niya. Unexpected ang pagka-kaibigan nilang dalawa ni Leroi, may pagkatahimik ito ng makilala niya ito, Isa sa dahilan kung bakit tinuring niyang kaibigan ito ay ng ibigay nito ang slot ng training camp for aspiring chef sa kaniya, at isa sa dahilan kung bakit nakapag aral siya ng free sa Russia ay dahil din dito. Laking pasasalamat niya kay Leroi sa mga naitulong nito sa kaniya, at kahit hindi pa niya matanong kung bakit tinulungan siya nito ay sinabi nalang ni Maya sa kaniyang sarili na dinala si Leroi ng Diyos sa kaniya upang magawa niya at matupad ang pangarap niya na pinangako niya din sa puntod ng mga magulang niya. (You don’t have to worry about the money, just focus on your goal. If I have time, I’ll help you organizing your restaurant.) “Salamat talaga, Leroi, isa ka sa dahilan kung bakit nagagawa ko na ang pangarap ko. Masaya akong naging magkaibigan tayo, sa ngayon libreng service ng pagkain ang maibibigay ko sayo.”saad ni Maya. (I’m looking forward to that.) “Kaya lang mukhang hindi ganun kabilis ang pagdadaanan ko para makilala ang mga luto ko, may sikat na restaurant pala akong makakalaban na kaparehas ng cuisine na pinaghirapan kong matutunan. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa ngayon palang, malalagpasan ko din ang La Cuisine Russiano na ‘yan.”deklarang pahayag ni Maya na sinilip mula sa bintana ang restaurant na hindi pa man siya nagsisimula ay ituturing niya ng karibal. (Don’t compete with other restaurants, Maya, just do your own. La Cuisine Russiano is not your rival----) Hindi natuloy ni Leroi ang iba pa nitong sasabihin sa kaniya ng marinig niyang may tumawag kay Leroi na rinig niyang ikinabuntong hininga nito. (I have to go, I’ll help you in my free time.) “Okay, isama mo si Devin ah, namimiss ko na kakulitan nun eh.”saad ni Maya bago nawala si Leroi sa kabilang linya. Muling inikot ni Maya ang tingin niya sa kabuuan ng building at sinimulan niya ng i-imagine ang magiging itsura ng restaurant niya, hindi na tuloy makapaghintay si Maya na ibalita sa mga employee niya na nakahanap na sila ng mas malaking pwesto na lilipatan nila. Kinuha na ni Maya ang bag niya at naglakad na palabas sa pintuan upang bumalik na sa maliit niyang restaurant na inuupahan lang niya sa ibang lugar. Agad na nilapitan ni Maya ang second hand niyang kotse na ilang beses niya ng nadadala sa talyer dahil lagi nalang nasisira pero pinagtitiyagaan niya dahil nagagamit pa naman niya at wala pa siyang budget para kumuha ng bagong sasakyan. Akmang bubuksan ni Maya ang pintuan ng kotse niya ng mapadako ang tingin niya sa La Cuisine Russiano na mas dinadagsa na ng mga taon a ikinasalubong ng kilay ni Maya. “Ganun ba kasarap ang mga putahe na niluluto nila kaya ang daming nagpupuntahang costumers?”curious na tanong ni Maya sa kaniyang sarili na ikinasara niyang muli sa pintuan ng kotse niya at agad na tinungo ang daan papunta sa La Cuisine Russiano upang bahagyang silipin kung anong meron sa mga pagkain nito at dinadayo ng mga tao. “Hindi naman ako mage-espiya, titingnan ko lang bakit gustong-gusto itong puntahan ng mga tao. Russian food din ang ise-serve ko pag nabuksan ko na ang restaurant ko, and I’m sure parehas na mga dishes ko ang dishes na meron sila.”pahayag ni Maya sa kaniyang sarili hanggang makalapit na siya sa tapat ng entrance ng La Cuisine Russiano na nakikita ni Maya sa transparent door nito na puno talaga ang loob nito at hindi lang mga pinoy ang nakikita niyang kumakain kundi may iba’t-ibang banyaga din. Walang balak pumasok si Maya sa loob, gusto niya lang makita mula sa labas kung bakit dinadayo ang magiging karibal niyang restaurant, dahil sa dami ng tao pati guard na nagbabantay ay tumutulong na sa pag-aasikaso ng mga costumers upang makahanap ng mauupuan sa loob. Nagdalawang hakbang si Maya sa may pintuan at kunot noong inaaninag ang loob ng La Cuisine Russiano at hindi niya maiwasang humanga dahil nakikita niya na naa-accommodate ng ayos ng mga staff and crew ang mga costumers nila kahit punong-puno ang loob. “Wow, hindi ba sila natataranta sa dami ng costumer’s nila?”bulaslas na tanong ni Maya habang pinapanuod ang mga staff at crew sa maayos na trabaho ng mga ito. “You’re blocking the entrance.” Bahagyang natuod si Maya sa kinatatayuan niya ng makarinig siya ng boses ng isang lalaki na masasabi niyang may kalamigan ang pagkakasabi ng mga salita nito, na parang may dumaan na malamig na hangin kay Maya. Hindi alam ni Maya kung anong gagawin niya kaya imbis na lingunin ang taong alam niyang nasa likuran niya ay pahakbang mula sa kanan ang ginawa niya upang umalis sa tapat ng entrance at makadaan kung costumer ang dumating. “Aren't you going inside?”rinig ni Maya na malamig na tanong ng kung sinong lalaking pumansin sa kaniya at hindi nalang dumaretso papasok sa loob. “Hi-hindi, n-natingin lang naman ako.” “Are you a beggar waiting for leftover foods?”malamig na sambit na tanong pa ng lalaki na ikinakunot ng noo ni Maya dahil ang dating sa kaniya ng mga sinabi nito ay panghahamak na bahagyang ikinabuga niya ng hangin at nagdesisyon na lingunin ito. “Mukha ba akong pulubi n----n-na n-naghihingi ng p-pagkain….” Ang balak na panininghal ni Maya sa lalaking inakalang pulubi siya ay biglang nagbago ng makita niya kung gaano kagwapo ang lalaking nasa harapan niya na may katangkaran sa kaniya. Hanggang dibdib lang siya nito at masasabi niyang maganda ang built ng katawan nito, pero sa pagdako ng mga mata niya sa mata nito ay wala siyang makita kahit anong emosyon, kahit titig nito sa kaniya ay parang kasing lamig ng yelo. Tumikhim si Maya upang makabawi sa pagkaka star struck niya sa gwapong lalaking nakatayo sa harapan at ikinaayos niya ng pagkakatayo niya. “FYI hindi ako pulubi na maghihingi ng tirang pagkain, tinitingnan ko lang naman kung bakit puno ng costumers ang restaurant nito.”paliwanag na pagtatama ni Maya na bahagya niyang ikinangiti dito. “Actually, magtatayo ako ng restaurant katapat nito. Nakikita mo ba ang building na ‘yun? Magbubukas ako diyan ng bagong restaurant, Russian cuisine din. Regular costumer ka ba dito? Once na nag open na ako baka gusto mong i-try ang mga dishes ko.”masayang pagpo-promote ni Maya sa bubuksan niyang restaurant na malamig ang tinging ikinalingon ng gwapong lalaki sa building niya bago ibinalik sa kaniya. “You’re going to compete this restaurant?” malamig na tanong nito sa kaniya na sinabihan man siya ni Leroi na huwag makipag kumpetensya ay hindi niya maiwasan dahil narin sa naikwento sa kaniya ng babaeng huling ginamit ang building na binili niya dahil na over power sila ng La Cuisine Russiano na babaguhin niya na ang resulta. “Oo, dinadayo man ngayon ang restaurant na ‘to, pag nagbukas na ako I’m sure lilipat sa akin ang ibang costumers na napunta dito.”malawak na pagmamalaking ngiting ani ni Maya sa kausap niya ng bahagya siyang magitla ng biglang bumaba ang mukha ng gwapong lalaki upang tumapat sa mukha niya na hindi magawang ialis ni Maya ang tingin dito. “Then good luck.”walang emosyon na saad sa kaniya ng gwapong lalaki bago ito umayos ng pagkakatayo nito at pumasok na sa loob na hindi alam ni Maya kung bakit pakiramdam niya ay labas sa ilong ang goodluck na sinabi nito. “Pangmamaliit baa ng goodluck na sinabi niya?”ani ni Maya na bahagyang naasar sa gwapong lalaking nakausap niya na ikinasimula na niyang ikalakad pabalik sa kotse niya. “Makikita ng taong yelo na ‘yun, masasabayan ko ang La Cuisine Russiano, at pag kumain siya sa restaurant ko at natikman ang mga dishes na lulutuin namin luluhod siya sa harapan ko dahil sa panliliit niya sa sinabi ko. Makikita niya!”ani na deklarasyon ni Maya na nilingon ang La Cuisine Russiano bago ismiran at irapan at nagderetso na siya sa tapat ng building niya at may determinasyong tinitigan ito. “Makikilala ang restaurant na itatayo ko, at ito ang Russian restaurant na dadayuhin ng mga tao.”pahayag na deklara ni Maya bago malawak na ngiting binalikan na ang sasakyan niya upang ibalita sa mga tauhan niya ang bago nilang pupwestuhan.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작