PROLOGUE

583
"Blue" "P-po ma?" I ask mama at alinlangan akong lumakad papunta sa kinauupuan ni mama at nakatalikod si mama sakin at natatakot akong lumapit kay mama. "Halika. Masarap ang niluto ko nak" sabi ni mama saka ako nilingon at napaatras ako ng may bahid pa ng dugo sa kanyang pisngi at nakangiti si mama sakin. Inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko at tinignan ko lamang iyon. Natuyo na ang dugo sa kamay ni mama at ang labi ni mama ay napakaputla na. "Walang hiya kayo! Mga demonyo kayo! Pakawalan nyo ako! Pag nakalaya ako-ako mismo ang papatay sa inyo!" Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang lalaki na nasa ibabaw ng lamesa at nakatali ang kamay at paa nya. Puno ng sugat ang muka nya at halos di na makilala dahil sa inuuod na ang mga sugat sa muka nya. Di ko na napigilan ang lumabas sa likido sa bibig ko. Sumuka ako at masama ang pinukol na tingin saakin ni mama saka ako hinawakan sa braso at inupo sa kaninang inuupuan ni mama at mas nakita ko ang katawan ng lalaki. Nakabukas ang tyan nya at kita roon ang laman loob nya na may gumagalaw galaw na bulate at may alupihan na gumagapang doon. Napaatras muli ako at nahulog ako sa upuan samantalang si mama ay nakain ng lutong adobo. Para syang karne ng baboy pero hindi.. Isa itong karne ng tao na binibiktima ng aking ina. "M-mama hindi po ako nagugutom. Lalabas na po ako" utal ko saka dali daling lumabas sa kwarto pero pagkalabas na pagkalabas ko ay isang malakas na hiyaw ng lalaki ang aking nadinig bago ako malayo. "Mga baboy kayo! Halimaw! Demonyo sa lupa! Mga nakakadiring nilalang! Mga walang awa!" Sigaw ng lalaki at napapikit lamang ako ng mata at nagtakip ng tenga saka ako lumakad papalayo sa kwarto. "Halika dito bata ka!" Sigaw ni mama saka ako marahas na hinarap sa kanya at bumungad sakin ang nanlilisik nyang mata at ang hapdi sa pagkakakapit saaking maliit at payat na braso. "Bakit ayaw mong kainin ang niluto ko?! Hindi ba masarap!" Sigaw ni mama saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at inalog ang maliit at mura kong katawan. "Mama. Nasasaktan po ako" bulong ko at sunod sunod na ang pagtulo ng luha ko at nahihirapan nadin akong huminga. "Wala akong pakielam kung nasasaktan kaman o ano! Susundin mo ang lahat ng gusto ko dahil ako ang iyong ina at wala kang magagawa kung ano man ang gusto ko! Naiintindihan mo ba ako blue!" Sigaw ni mama saka hinawakan ang dulo ng buhok ko at hiniklat ako papunta sa sala ng bahay at hinagis sofa "Wala kang ama! Patay na ang ama mo kaya wala kang ibang mapupuntahan at matutuluyan kundi dito. Saakin. Saakin lang!" May gigil na giit ni mama at napakahigpit ng pagkakapisil nya sa aking baba at walang pakielam si mama kung naiyak ako o nasasaktan naba ako Basta ang alam nya nagawa nya ang gusto nyang gawin. "A-ayoko pong kumain ng tao" buong lakas kong saad at isang malakas na sampal ang natanggap ko galing sa kamay ni mama at tumalsik naman ako sa ginawa ni mama "Nananalaytay na sa dugo natin ang cannibal!" Mag diin at maotoridad na utos ni mama at umiling lamang ako. Nangako ako kay papa na di ko gagayahin kung ano man ang gawain ni mama. Nangako ako bago mamatay si papa. "Ayoko po. Kahit ano pong ipagawa nyo wag lang ang pagkain ng tao" matapang na pagkakasabi ko at tinignan sa mata si mama at una namang umiwas ng tingin sakin si mama at iniwan akong mag isa sa sala. ***
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작