Chapter 1

1190
Mahina kung kinapa ang tungkon ko habang naririnig ang lait ng mga kasamahan ko sa school habang ramdam ko ang basang damit at ulo ko dahil sa binuhusan nila ako ng tubig at isang malansang bagay na hindi ko alam kung ano. Mahirap nga naman talaga kung wala kang alam sa mundo at hindi moa lam kung ano ang nangyayari sa paligid mo. Kagaya ko na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid ko palagi akung nakaka-sakit o nakakabangga ng tao dahil sa kapansanan kko. Bulag ako, oo hindi ako makakakita simula noong bata palang ako ng iwan ako ng pamilya ko sa ampunan bulag na talaga ako kaya siguro nga iniwan nila ako dahil wala na akung silbi dito sa mundo at hindi ko alam pero nasasaktan ako sa ginawa sa akin ng mga magulang ko peri kahit pa ano ang gawin ko hindi kuna maibabalik ang nangyari. Tanggap kuna kung ano talaga ako at tanggap kuna na habang buhay na akung bulag, kahit damit ko nga hindi na ako makabili ang magpa-opera pa kaya? Pabigat na nga ako sa ampunan kaya sino pa ang aasahan ko sa buhay? Ang matalik ko ngang kaibigan na si Asami nalang ang nandito sa tabi ko at hindi ako iniiwan. Kahit umiyak pa ako ng dugo hindi na magbabago ang buhay kuna bulag na talaga ako at wala na akung mararating sa buhay ni hindi nga ako nakapagtapos sa pag-aaral ko at tanging pag violin lang ang alam ko. Hindi ko alam pero kahit bulag ako natuto akung gumamit ng violin kaya nga ako nakapasok sa paaralang ito dahil nakitaan daw nila ako ng potential at kahit may kapansanan ako tinanggap nila ako at buong puso akung nagpapasamat doon. Buong akala ko magiging maayos na ang lahat pero ng pumasok ako dito mas matinding imperno ang naranasan ko dahil sa panlalait nila sa akin dahil lang sa bulag ako at sobrang baba ng tingin nila sa akin. Pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko habang tinitiis ang masasakit na salitang tinatapon nila sa akin. Ako nga pala si Fritche Agustin at ito lang talaga ako wala namang especial sa buhay ko dahil isa lang akung simpleng tao at bulag pa ako pero kahit ganito ako lumaki akung may takot sa diyos at rumesto sa mga tao na nasa paligid ko. Tinatanggap ko ang lahat-lahat ng lait at masasakit na salita ang binibigay nila sa akin dahil alam ko namang totoo ang lahat ng iyon at hindi naman ako napa-apak sa college. Hanggang senior high lang ako at nakailang-beses pa akung nagmaka-awa sa mga umampon sa akin sa ampunan na kahit senior high nalang ang tatapusin ko at kahit bulag ako sa kabutihang palad natuto naman ako kahit paano. “Bakit ba kasi nandito ang kagaya niya!” narinig ko ang malakas na sigaw ni Sabrina ang pinakamagaling sa lahat ng mga violinist dito at kilala na ito simula noon dahil sa husay nitong gumamit ng violin kahit nga ako nahuhumaling sa bawat notang nagagawa nito sa tuwing nagpapatugtog ito. “A trash like you are not welcome here!” malakas na naman nitong sigaw at naramdaman ko nalang na may tumulak sa akin kaya mas lalo akung natumba. Naririnig kuna maganda daw si Sabrina at kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa kanya dahil sa taglay nitong ganda pero kahit anong ganda mo kung pangit naman ang ugali wala ka parin. Alam ko naman kung saan ako bagagaya kundi sa putik pero gumagawa naman ako ng paraan para bumangon at makaalis sa putik na ito para kahit paano makamit ko naman ang mga pangarap ko. Libre naman siguro ang mangarap at gusto kung matupad at makamit ang pangrap ko sa huli kahit na ganito lang ako wala naman sigurong masama kung iyon ang iisipin ko hanggat wala akung taong inaapakan. Hindi na ako lumaban o sumagot manlang sa kanila at ng mahawakan ko ang tungkod ko dahan-dahan nalang akung umalis sa lugar na iyon. Sa edad na twenty-one wala akung masayang alaala tungkol sa pagkabata ko dahil puro lait at masasakit na salita ang naririnig ko. Ayos lang naman sa akin dahil sanay na akung nasasaktan at kaya ko naman ang sarili ko kahit gagapang pa ako kakayanin ko. “Saan ka pupunta?” natatawang saad ni Sabrina dahil halata naman sa kanyang boses kahit hindi ko sila nakikita alam kung nakangisi sila sa akin kasama ang ibang kasamahan niya mga kasamahan ko din naman sila dito sa paaralan pero kagaya ni Sabrina hindi nila ako tanggap dito paano ba naman scholar lang ako dito at nakitaan lang ako ng potential kaya ako kinuha ng paaralan at para naring tulong ito sa akin dahil sa bulag nga ako. “Hindi pa tayo Fritche bumalik ka!” kahit wala akung makita mabilis kaung naglalakad at hindi na sila pinansin pero kaagad naman akung napahiyaw ng bigla nalang ako madapa at ang tawanan ng mga lalaki ang narinig ko. Matinding kahihiyan na ang naranasan ko ngayon araw at hindi parin dumadating si Asami para tulungan ako siya nalang ang pag-asa ko ngayon lalo pa at hindi kuna alam kung saan na ako pupunta dahil alam kung pinalilibutan na ako ng mga taong gustong laitin at saktan ako. Wala naman silang pakialam kung ano ako o may kapansanan man ako basta ang mahalaga sa kanila ay may tatawanan lang sila. “Bakit ang dilim naman wala akung makita tapos ang baho pa!” narinig kung sigaw ng isang lalaki at hindi ko naman kilala kung sino dahil ngayon ko palang narinig ang kanyang boses. Makikilala ko naman kaagad ang isang tao kapag alam ko ang kanyang boses katulad nalang kina Sabrina na hindi ko sila nakikita pero makikilala ko ang kanilang mga boses. “Fritche!” lihim akung nagpapasalamat ng marinig ko ang boses ni Asami sa kung saan man at kaagad na narinig ko ang sunod-sunod na mura nila kasabay na ang pagmura ni Sabrina at inaya ang kanyang mga alipores na umalis at naiwan naman akung nakadapa habang iniinda ang hapdi ng tuhod komat ng kamay ko. Matalik kung kaibigan si Asami at sa ampunan din ito lumaki pero ng umapak ito sa labing-wala kaagad na nakapasok ito sa isang paaralan at kaagad na nag-aral ng karate kaya kapag inaapi ako siya ang nagiging sandalan ko dahil talagang pipilipitin ka niya kung hindi mo lang alam na lumaban. “Nagpapa-api kana naman Fritche!” singhal nito sa akin at kaagad na naramdaman ko ang kanyang kamay na nasa kamay ko at mabilis akung itinayo. “Ayos ka lang ba?” tanong na naman nito at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Kung minsan ako na ang nahihiya sa kanya dahil sobrang rami na nitong ginawa para sa akin at hindi ko manlang nasusuklian ang kabutihan niya dahil sa bulag nga ako. “Sanay na naman ako sa kanila kaya ayos lang ako,” mahina kung sagot sa kanya at kinapa ang tungkod ko sa ibaba at narinig ko nalang ang kanyang buntong hininga. Alam kung nahihirapan nadin naman si Asami lalo pa at mahirap naman talaga ang umintindi ng bulag na tao.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작