Chapter 4

1082
Habang nakaupo ako sa upuan kung saan hinihintay ko si Asami na numili ng milktea naming dalawa naririnig ko ang tawanan at usapan ng mga tao sa aking paligid at hindi ko naman sila nakikita kaya nanatiling tahimik lang ako dito at walang imik, hindi siguro nila ako kilala kasi sinigurado ni Asami na balot ako hindi makikilala bago niya ako iniwan dito, mahirap nab aka kuyugin ako ng mga tao dito at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag ganon. Mahirap kapag talagang bulag ka kasi hindi mo magagawa ang mga bagay na nais mong gawin o ang mga bagay na naig mong makita. Ni hindi ko nga alam ang mga kulay o ano sila kasi hindi naman ako makakakita at hindi ko alam kung ano ang bundok kasi hindi ko nakikita, minsan napapatulo nalang ang aking luha kapag naiisip kuna ang tanging violin ko nalang ang magagawa ko ng tama kasi wala naman akung alam sa mundo kung wala sa tabi ko si Asami na kahit ganito ako hindi niya parin ako iniwan at nanatili lang siya sa aking tabi at hindi umaalis kahit ano man ang mangyari. Kahit sinasabi kuna tanggap kuna ang lahat pero ang totoo umaasa parin naman ako na masisilayan ko ang mundo kapag nabigyan ako ng pagkakataon pero kahit isa na akung sikat na violinist wala paring nakikitang pwedeng mag-donate sa akin ng mata at parang nawawalan na ako ng pag-asa pero hindi parin naman ako susuko. Kagagaling lang kasi namin ni Asami sa hotel dahil doon kami natulog matapos ng live performance ko sa theater at ngayon palang kami babalik sa bahay kung saan kaming dalawa ang nakatira lang, wala naman akung ibang kasama kundi siya at wala na akung ibang tiwala sa iba kundi sa kanya lang. Naramdaman kung sinagi ako ng isang tao pero hindi naman ako nagreklamo o nagsalita bagkus ay umurong lang naman ako kaunti kasi baka ano pa ang masagi ko. “Miss pwede ban a umurong ka kahit kaunti lang?” narinig kung saad ng isang lalake kaya dahan-dahan naman akung umurong kahit kaunti lang ang space ko kasi ramdam kuna na wala na akung upuan. “Hindi kasi maakupo ang anak ko,” biglang saad nito kaya inakala kuna baka bata ang anak niya kaya dahan-dahan nalang akung tumayo at sumenyas na umupo na siya kahit hindi ko naman nakikita pero kahit bulag ako marunong naman akung makiramdam sa mga bagay-bagay kaya alam kung hindi na bata ang kanyang anak. “May upuan pa po ba? Pwede po ba ako umupo?” hindi ko sinubukang ilabas ang aking stick na hawak o pahabain ito kasi baka may matamaan akung tao at masaktan kaya kinapa ko nalang ang inupuan ko kanina pero may biglang tumabig sa aking kamay. “Ano ba! Bakit kaba nanghahawak!” malakas na sigaw sa akin ng babae na alam kung ito kanina ang aking upuan. Hindi naman pala bata ang anak niya para sabihin sa akin na uupo siya. “Pwede bang makiupo Miss?” kaagad kung saad sa babae at sa una palang alam kuna ang sama ng ugali nito kasi sa boses palang parang alagad na ni Sabrina. Nakiupo lang naman sila sa akin kanina tapos ngayon ako naman ang walang upuan. “Tumayo kana kaya bakit kapa uupo ako na ang nakaupo at tumayo ka nalang o di kaya maghanap ka ng upuan mo,” hindi na ako nagulat sa kanyang sinabi at inayos nalang ang sun glasses ko sabay tayo ng tuwid hindi ako umalis sa aking kinatatayuan kasi baka matagalan sa paghahanap sa akin si Asami kung aalis pa ako dito. “Tatayo tapos uupo ulit akala niya sa kanya ang upuan,” narinig ko pang saad ulit nito pero hindi na ako sumagot kasi hindi naman ako palengkirang tao lalo pa at maliit lang ang tingin sa akin ng ibang tao. “Hoy hampaslupang babae na malaki ang bunganga umalis ka diyan sa upuan ng kaibigan ko!” boses palang alam kung si Asami na ito kaya mabilis akung napalinga at ang may humawak sa akin alam kung siya na ito. “Ikaw ang umalis diyan kung ayaw muna ilampaso ko ang mukha mo sa semento!” alam kung nakukuha na namin ang atensiyon ng ibang tao kaya mabilis ko siyang hinawakan sa kamay kung saan nakahawak ito sa akin. “Bastos ka pala na hayop ka!” alam kung matapang at palaban na babae si Asami at wala siyang pakialam sa kanyang mga sinasabi sayo kung nasaktan mo ako o ang kanyang damdamin. “Asami ano ba tama na marami ang tao dito,” mabilis kung bulong sa kanya pero alam kung may nakarinig sa sinabi ko kasi hindi naman kasi ito gaanong mahina. “Umalis nalang tayo at humanap ng mas tahimik na lugar,” muli kung kumbinsi sa kanya kasi nakakahiya naman kung nandito pa kami at kung ano pa ang sabihin ng mga tao, nahihiya pa naman ako kapag pinapahiya ako ng ibang tao dahil sa bulag. “Bakit tayo aalis Frtichie kung tayo ang nauna dito at pinatayo kapa nila!” binanggit na niya ang aking panglan kaya alam kung nakikilala na ako ng mga tao lalo pa at naririnig kuna ang kanilang bulungan. “Kung hindi ako dumating baka ipapahiya kapa ng hayop na ito kaya dapat na sila nag umalis hindi tayo! At isa pa bakit tayo aalis kung patas lang naman tayong tao dito at may karapatan!” hindi nalang ako sumagot kasi baka ano pa ang masabi ng babaeng ito at pilit na siyang hinila kasi ayaw kung pagkakaguluhan ako ng mga tao dito at mabuti naman na sumagot siya sa akin at tinulungan din naman ako nito. “Mukha namang palaka akala mo kung sinong maganda!” sabat pa nito kahit ako hindi kuna narinig ang sagot sa amin ng babae pero siya naririnig pa niya at sinasagot pa niya. Kaya hindi mo kaagad magagawang awayin si Asami kasi baka ikaw ang kanyang ipapahiya sa oras na lumaban siya. “Hayaan mo nalang sila umalis nalang tayo at baka makilala nila ako doon at dumugin tayo ng mga tao kaya mas mabuti na umalis nalang tayo at asikasuhin ang sunod kung pupuntahan kasi sinabi mo sa akin na bigatin ang mga bisita doon kaya doon nalang natin ituon ang ating atensiyon,” kumbinsi ko sa kanya at wala na akung ibang narinig sa kanya kundi buntong hininga nalang kaya alam kung titigil na ito.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작