Chapter 05

3117
Chapter 05 “Alam mo pasalamat ka hindi ako marunong manakit ng tao pero kung marunong lang ako baka dinagdagan ko ‘yang pasa sa mukha mo, manyak!” “Ms. Del Rio kumalma ka nga.” Sita ng Mrs. Lagdameo na Principal ng School nila na nagtitipimping ikinalayo ni Jamie sa lalaking nambastos kay Heaven sa eroplano. Tahimik lang si Heaven sa kinauupuan niya habang iniimbestigahan ang nangyari kanina na kung mahina lang ang loob niya baka trauma ang inabot niya. Nasa security office sila ng airport sa Vigan at nag-aantay ng pulis na dadampot sa lalaking nambastos kay Heaven. Nagpapasalamat nalang siya at natulungan siya ni Mr. No GMRC kahit hindi naging maganda ang pangalawang beses nilang pagkikita. Nagpapasalamat siya dahil kung hindi dahil dito ay baka kung ano ng ginawa ng manyak na lalaki sa kaniya dahil for sure walang sinumang pasahero ang makakapansin o makakarinig sa kanila. Masasabi ni Heaven na kahit walang manners si Mr. No GMRC ay matulungin naman ito kahit hindi niya alam kung sadya ang pagtulong nito o nagkataon lang. “Sure ka bang ok ka lang Heaven? Wala bang ginawa sayo ang manyak na ‘yan?!” inis na bulyaw na turo ni Jamie sa lalaking napapayuko sa kinauupuan nito dahil narin sa natamo nito kay Devil. “Okay lang ako Jamie wala namang nagawa ang manyak na ‘yan sa akin, pasalamat nga ‘yan gulat parin ako sa ginawa niya dahil kung hindi ako magbibigay ng karagdagang pasa sa mukha niya.” Pahayag ni Heaven na mababakas na ang galit sa ginawa ng lalaking manyak na akmang babatuhin niya ng sandals niya ng tumikhim si Mrs. Lagdameo kaya hindi niya natuloy ang gagawin niya. “Mabuti nalang may tumulong sayo kaya lang bakit hindi muna ‘yun tumigil dito para may testigo sa muntik ng gawin sayo ng manyak na ‘yan. Akala mo gwapo, mukha namang sugpo!” “Ms. Del Rio.” Muling sita ni Mrs. Lagdameo na ikinairap nalang ni Jamie at muling binalingan si Heaven “Okay lang naman kahit wala ang lalaking ‘yun, tsaka baka nagkataon lang na natulungan niya ako. Isa pa, parang hindi ko nakikinita sa itsura niya na good citizen ang isang ‘yun.” Pahayag ni Heaven na ikinasalubong ng kilay ni Jamie “Kilala mo ba ang lalaking ‘yun?” takang tanong ni Jamie na ngiting ikinailing ni Heaven “Ako kilala ang lalaking ‘yun? Hindi ah, sino ba ‘yun eh mukhang napadaan lang ‘yun at nakita ang sapilitang pagpasok sa akin sa cr ng manyak na ‘yan baka nga napilitan pa ‘yun na tulungan ako.” Inis na sambit ni Heaven na naguguluhan si Jamie sa mga sinasabi ng kaibigan. “We will file a case against this man, attempted rape. We still need your statement Ms. so you need to stay here and wait for the police.” Pagbibigay alam ng supervisor sa airport na kinalalagyan nila. “T-teka po Sir, pwede bang ikulong nyo nalang ‘yang manyak na ‘yan kahit wala ‘yung statement ko kasi po may seminar po kaming pupuntahan.” Pahayag ni Heaven na ikinatayo niya sa pagkakaupo niya na ikinahawak ni Jamie sa braso niya na ikinalingon niya dito. “Ano ka ba langit? Eh kung biglang pakawalan ‘yan at makabiktima pa ng iba? Naku sir willing po kam---“ “Jamie!” pigil na sita ni Heaven kay Jamie na ikinataas lang ng kilay nito sa kaniya. “I’ll call Mr. Sven to report this.” Sambit ni Mrs. Lagdameo na akmang tatawagan si Sven ng lapitan siya ni Heaven na ikinalingon nito sa kaniya “Huwag na po Mrs. Lagdameo, baka maabala pa po natin si Sir. Sven.” Pigil ni Heaven na ayaw niya lang ipaalam kay Sven ang nangyari sa kaniya dahil for sure baka puntahan agad siya nito at maging OA sa harapan niya. “Excuse me.” Lahat sila sa security office napalingon sa kakarating lang na isang gwapong lalaki na may kasama pang isang gwapong lalaki sa tabi nito na ikinatunganga ng ilang babae meron sa security office kasama na roon si Jamie maliban kay Heaven na kunot noong nakatingin sa dalawang gwapong lalaki na biglang sumulpot. “Hi! I’m Lieutenant Lunova Santos, in this is my apprentice Srgt. Tork Valenzuela. Nakarating sa amin ang report about attempted rape at narito kami para sunduin ang suspect.” Sambit nito na agad ikinaturo ni Jamie sa manyak na lalaki na pansin naman ni Heaven na ikinangisi ng kasama nito. “Ito Sir, eto ‘yung manyak na makapal ang mukha na ang lakas ng loob na gawan ng masama ang bestfriend ko!” agad na pahayag ni Jamie na ikinahawak ni Heaven sa kaniya at sinenyasan na tumigil na agad naman nitong sinunod. “So, can we have him already?” sambit ni Lu na sinenyasan si ToV na nilapitan ang lalaking manyak at hinawakan ito sa braso nito. “Sir how about the vict—“ “It’s okay, this man is enough to put in jail even without the statement of the victim. He had many case like this.” Seryosong putol ni Lu sa supervisor bago na naunang umalis at sinundan na ni ToV na bitbit ang lalaking manyak. “Ang gwapo ng mga pulis dito sa Vigan, pwede kaya akong maging residente dito.” Kinikilig na sambit ni Jamie na ikinalingon ni Heaven sa kaniya na ngiting ikina peace sign niya “Joke lang langit.” “Kung okay na ang lahat at hindi na kailangan ang statement ng isa kong guro pwede na ba kaming umalis?” pahayag ni Mrs. Lagdameo na ikinasang-ayon ng mga nasa security Office. Nang makalabas na sila sa airport ay agad naghanap ng masasakyan nila si Mrs. Lagdameo. Itong nangyari kay Heaven ay hindi niya basta makakalimutan, first time itong mangyari sa kaniya at hindi alam ni Heaven kung bakit siya biglang napasimangot ng maalala niya si Mr. No GMRC na kahit ito ang nakaligtas sa kaniya ay andun parin ang inis nito para sa binata dahil tinawag parin siya nitong iresponsable. “He help me pero hindi ako magsasabi ng thank you sa kaniya noh! Over my gorgeous brain!” mahinang sambit ni Heaven ng hilahin na siya ni Jamie ng pasakay sa taxi na sasakyan nila. Samantala, sa isang malawak na ground malapit sa airport kung saan walang nadaan na kahit anong sasakyan ay naroon lahat ng Phantoms maliban kina ToV at Lu na hinihintay nilang makabalik matapos may ipasuyo si Devil sa kanila. Naguguluhan na nagkukumpulan sina Sergio at ang iba habang nakatingin kay Devil na kita nilang iba na naman ang mood na parang gusto nitong mambugbog. Ganito ang awra ni Devil noong nakuha ng mga kalaban si Demon, madilim at nagbabadya ng pagka badtrip. “Ano bang meron Ynarez?” usisang tanong ni Sergio na ikinailing ni Blue “Malay ko, nakita ko lang naman na nakatayo sa tapat ng cr si Devil tapos sinabihan akong tandaan ‘yung mukha nung lalaking walang malay kanina sa eroplano.” Sagot ni Blue “Base sa narinig natin kanina habang nilalabas ang walang malay na lalaki sa eroplano pagkababa nito, I heard that he almost raped a woman.” Pahayag ni Balance na naguguluhang nakatingin lang sila kay Devil na tahimik sa kinatatayuan nito. “Teka? Naguguluhan ako, anong kinalaman ni Devil sa manyak na ‘yun?” clueless na tanong ni Travis “May laman ba mga utak niyo? Malamang tinulungan ni Devil ‘yung babae na minamanyak nung lalaki. Napaka simpleng dahilan lang nagpapakahirap kayo.” Naiiling na sita ni Paxton kina Blue na bahagyang ikinatawa lang nina Balance “Oh sige Ignacio, andun na tayo sa simpleng dahilan na sinasabi mo pero bakit ipapakuha ni Devil ‘yung lalaking ‘yun kina Lu?” naguguluhan parin na tanong ni Blue na ikina-akbay ni Tad sa kaniya “To give punishment Ynarez, baka mag c-cr si Devil eh nagkataon na ganun ang naabutan niya sa cr na pinuntahan niya. Kilala mo si Devil, ayan ang anak ni Lucifer na ayaw na ayaw na maantala ang gagawin niya. Ok na bang sagot ‘yun? Oh kulang pa sa explanation?” pahayag ni Tad na ikina-ungos ni Blue na tinabig ang pagka-kaakbay ni Tad sa kaniya. “Nabawasan ang oras ng pwede nating paghahanap kay Montalvez dahil dito.” Sambit ni Travis na ikinalingon nilang lahat ng dumating sina ToV at Lu dala ang kotseng gamit nila na ikinalabas na ng mga ito sa kotse bitbit ang lalaking manyak na sinuntok ni Devil. “Ayan na ang request mo Mondragon I, ano bang balak mon sa manyak na ‘yan?” pahayag na tanong ni ToV na binalibag ang lalaking hawak niya na ikinasalmapak nito sa lupa na kita nilang ikinatakot ng mukha ng lalaki. “S-sino kayo? Akala ko ba pulis kayo bakit dito niyo ako dinala?” takot na pahayag ng manyak na lalaki na natigilan ng mapadako ang tingin niya kay Devil na walang emosyon na nakatingin sa kaniya. “Ano bang gagawin mo sa lalaking ‘yan?” tanong naman ni Paxton kay Devil na ikinalingon nito sa kanila “You go first to start the search to that Montalvez, I’ll follow after this just leave the the sh*tty car that Santos and Valenzuela use.” Pahayag lang nito na akmang tatanungin ni Blue na akbayan siya ni Paxton. “Fine, kita-kits nalang.” Sambit na pagpayag ni Paxton na hindi na ikinatanong ng iba maliban kay Blue na nahihiwagan sa nangyayari kay Devil. “Buti nalang hindi maliit na kotse ang gagamitin natin, tangna sawa na akong maging sardinas.” Pahayag ni Tad na sumakay na sa Van na ikinasakay na nilang lahat. “Don’t kill him Vil.” Kalmadong paalala ni LAY kay Devil na hindi nito sinagot bago ito sumakay na sa Van. Nang umandar na ang Van paalis sa kinalalagyan ni Devil at ng manyak na lalaki ay akmang tatakbo ito ng mabilis itong hawakan ni Devil sa braso nito at malakas na ibinalibag sa lupa na ngiwing ikinapahiyaw nito dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama ng likuran niya sa lupa na agad dinag-anan ni Devil at wala usap-usap na sunod-sunod na binigyan ng suntok ang lalaking manyak. Naduugo na ang bibig ng lalaki at nagkakapasa na ito sa mukha pero hindi parin ito tinitigilang suntukin ni Devil kahit na naririnig niya itong nagmamakaawa. Tumigil lang si Devil sa pambubugbog na ginagawa niya ng mawalan na ng malay ang manyak na lalaki na malapit ng sumabog ang mukha sa ginawa niya na hingal niyang ikinalayo dito. “Damn it!” madiin na mura ni Devil na ikinalingon niya sa kamao niyang may bahid ng dugo ng manyak na lalaki. Hindi malaman ni Devil kung bakit gusto niyang sirain ang mukha ng lalaking manyak na muntik ng may gawin sa nakakairitang babae na may lakas ng loob na sikuhin siya at sermunan. Nang nagtatalo sila sa pwesto nila sa eroplano ay pansin niya na ang lalaking ito na tumitingin sa pwesto nila na hindi nalang niya napagtuunan ng pansin dahil sa pakikipagtalo niya sa nakakairitang babae. Nang makita niyang tumayo ang babae ay napansin ni Devil ang pagtayo din ng lalaking ito na babalewalain ni Devil ng pakiramdam niya hindi siya mapakali kay nabubwisit siyg tumayo para magpunta sa cr hanggang sa makita niya ang sapilitang pagpasok ng manyak na lalaki sa nakakairita na babae na kahit bwisit siya dito ay hindi niya naman pwedeng pabayaan ito kaya tinulungan niya ito. Hindi lang mapigilan ni Devil ang galit niya sa maniyak na lalaki kaya pinakuha niya ito kina Lu para ibuhos dito ang galit na nararamdaman niya dahil sa kagaguhan na ginawa nito. Kinalma muna ni Devil ang sarili bago bago naglakad papunta sa kotse na iniwan nina Lu at iniwan ang walang malay na lalaki. Agad siyang sumakay sa kotse at pinaharurot ito paalis sa lugar na ‘yun. Pagkarating naman nina Heaven sa lugar na gaganapin ang seminar ay agad silang sinalubong ni Sven at ipinaalam na na-adjust ang seminar at bukas na ito matutuloy. Hindi narin nila ikinuwento dito ang nangyari na pinaki-usapan pa ni Heaven si Jamie at si Mrs. Lagdameo na ikinasang-ayon nalang ng dalawa. “Pwede muna tayong mamasyal dito, sayang ang araw na ‘to. Maraming magagandang tourist spot dito sa Vigan.” Nakangiting alok ni Sven na ikina excited ni Jamie at ni Mrs. Lagdameo “Pwede bang pass ako? Mag stay nalang ako sa hotel, napagod kasi ako sa byahe. Kayo nalang ang mamasyal.” Pahayag ni Heaven na ikinayakap ni Jamie sa braso niya “Bakit naman Heaven? Ang boring pag nagstay ka lang sa hotel kaya sumama ka na!” pangungulit ni Jamie kay Heaven “Okay lang akong maiwan Jamie, kayo nalang ni Mrs. Lagdameo ang mamasyal kasama si Sir Sven, dalhan mo nalang ako ng pasalubong.” Ngiting sambit ni Heaven na ikinanguso ni Jamie sa kaniya “Are you sure Ms. Elise? As Ms. Jamie said bori---“ “I’m fine Sir Sven really, sila Mrs. Lagdameo nalang po ang ipasyal niyo.” Pigil na sambit ni Heaven na ikinabuntong hininga ni Sven “Fine, take a good rest Ms. Elise, stay in your room baka maligaw ka pag lumabas ka ng wala kami.” Ngiting bilin ni Sven na ngiting ikina ok sign ni Heaven. Nang mailagay na nila ang mga gamit nila sa room nila kung saan magkakasama sina Jamie, siya at si Mrs Lagdameo ay nagpaalam na ang mga it okay Heaven. Sinigurado pa ni Jamie kung ayos lang talaga na maiwan si Heaven ng mag-isa na ikinatango lang nito. Tinanong din siya ni Sven na sinigurado niya dito na ok lang talaga siya. Nang makaalis na ang mga ito ay pabagsak na umupo si Heaven sa mahabang sofa at isinandal ang kanyang likuran sa sandalan nito at hindi napigilang isipin ang muntik ng mangyari sa kaniya na agad niyang ikinailing. “Ahh Heaven, kalimutan mo na ‘yun hindi natuloy ng manyak na ‘yun ang gagawin niya sayo dahil niligtas ni Mr. No GMRC. Forget that already!” sitang sermon ni Heaven sa sarili na inabala nalang niya ang ka niyang sarili sa loob ng kwarto nila. Nanuod siya ng T.V, nakinig ng music sa cellphone niya, nagpa-order ng makakain niya, lahat ginawa niya dahil nagsisimula na siyang dalawin ng boredom. Maghahapon na at hindi parin bumabalik sina Jamie kaya nagpasya siyang hintayin ang mga ito sa labas ng hotel. Nagsuot ng jacket si Heaven at lumabas nan g kwarto nila. Pagkalabas niya ng Hotel ay naupo lang siya sa may lobby nito at hinihintay ang pagbalik nina Jamie nang hindi niya maiwasang marinig ang usapan ng isang babae at isang lalaki na sa tingin niya ay ang jowa. “Punta tayo sa Plaza Salcedo love, panuorin natin ‘yung makukulay na fountain dun. Malapit lang naman ‘yun dito e.” sambit ng babae na ikinayakap ng lalaki sa babae na hindi maiwasang ikangiwi ni Heaven na inalis niya ang tingin sa dalawa. “Sige love, gusto mo punta na tayo ngayon eh.” Sambit ng lalaki ng makita ni Heaven na naglakad na palabas ang dalawa sa lobby ng hotel “Plaza Salcedo? Makukulay na fountain? Tingnan ko din kaya? Sabi nung babae malapit lang ‘yun dito.” Sambit ni Heaven na hindi na nagdalwang isip na lumabas ng lobby ng hotel at nagtanong-tanong na kung nasaan ang Plaza Salcedo na aad naman na itinuturo ng mga pinagtatanungan niya. Magdidilim nan g makarating siya sa Plaza Salcedo hindi napigilang ikahanga ni Heaven dahil sa dami ng tao dito at turista, napahanga din si heaven sa isang malaking fountain kung saan naglalabas ng iba’t-ibang kulay na hindi naiwasang ikapalak-pak ni Heaven. Nalibang si Heaven sa pinapanuod niya kaya hindi niya na napansin na ginabi na siya sa Plaza Salcedo na agad niyang ikinalingon sa relo niya at ikinalaki ng mata niya ng makitang mag e-eight nan g gabi. “Hala! Alas otso na pala hindi ko man lang napansin. Baka hinahanap na ako nina Jamie.” Natatarantang sambit ni Heaven na akmang lalakad na paalis ng Plaza Salcedo ng matigilan siya ng mapakunot ang noo niya na ikinalingon niya sa paligid ng Plaza kung saan nagkakasayahan ang mga tao. “San nga ba ako nanggaling? Saan nga ba ang daan pabalik sa hotel?” tanong ni Heaven na pilit niyang iniisip ang dinaanan niya na hindi niya maalala na ikinabahala niya. Agad na kinuha ni Heaven ang cp niya para tawagan si Jamie ng bumagsak ang balikat niya ng makitang lowbat na ito. “Ang shunga mo Heaven! Bakit nakalimutan mo ang daan pabalik sa hotel?” sermon ni Heaven sa sarili na nagpasya nalang na magtanong ulit sa mga tao ang daan pabalik sa hotel pero hindi siya sinasagot ng mga ito dahil nag-eenjoy ang mga ito lalo nan g nagpatugtog ng malakas na music ang Plaza Salcedo na kung hindi nagkakamali si Heaven ay Line without a hook ang tittle nun na paborito niyang pakinggan kasabay ng muling pagtaas ng makukulay na fountain. Gusto man i-enjoy na pakinggan ni Heaven ang paborito niyang kanta ay kailangan niya ng makabalik sa hotel dahil alam niyang mag-aalala si Jamie sa kaniya. I don't really give a damn about the way you touch me When we're alone You can hold my hand Pilit na naghahanap ng matatanungan si Heaven ng makita niya ang isang lalaking naka leather jacket na itim na nakatalikod sa kaniya na sa tingin niya ay abala sa cp nito na agad nilapitan ni Heaven dahil malayo-layo ito sa ingay sa Plaza. “Mr. Pwedeng magtanong?” agad niyang sambit dito ng humarap ito sa kaniya at parehas pa silang natigilan ng makilala ang isa’t-isa. “You again?!/Ikaw na naman?!” sabay na pahayag ni Heaven at Devil na nakatingin sa isa’t-isa habang rinig na rinig parin nila ang malakas na tugtog ng paboritong kanta ni Heaven na kasabay parin ng pagtaas ng mga makukulay na fountain sa maliwanag na gabi sa Vigan. Hindi maalis nina Devil at Heaven ang gulat nila sa mga mukha nila sa pagtatagpong muli ng landas nila ng sabay silang mapalingon sa langit at sabay nilang napanuod ang mga magagandang fireworks. “Ang ganda! Sabi nila dito sa Plaza Salcedo kung sino daw ang couple na sabay mapapanuod ang magagandang fireworks na ‘yan dito ay magkakasama habang buhay.” Rinig nina Heaven at Devil na pahayag ng isang babae na nakatayo di kalayuan sa kanila na muli nilang ikinabalik ng tingin sa isa’t-isa.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작