Chapter 3

1408
Velbet's POV, Napasandal ako sa pader dito sa ospital, nandito ako ngayon sa Japan. Tinatapos ang tinanggap kung mission. Kanina pa nga ako dito nakatayo, habang nakasuot ng pang nurse na uniform pero hindi parin nagpapakita ang doctor na iyon. Kamusta na kaya si Ice, ng umalis ako noong isang araw hindi ko na siya nakita, ang ilap talaga ng lalaking iyon. Tingin niya sa akin sakit na hindi pwedeng lapitan. Bakit ba kasi sa kanya pa ako natamaan ng pagmamahal. Ilang taon na ba, simula ng mag ka sosyo ang TDR at Mafia's nagkagusto na ako sa kanya at lumalim pa. Kaya heto ako, nagpapakabaliw sa kanya. "Nurse Jean, Doc. Sanchez is calling you." Bumalikwas ako at tumingin sa tumawag sa akin, tumango ako sa kanya at lumakad na. Nga naman, siya na mismo ang nagtawag ng kamatayan niya, wala manlang silang alam na nakapasok ako, malamang gumamit ako ng ibang identity dito, nag suot pa ako ng wig. Nag apply ako dito, at mabilis naman akung natanggap. Mataas kaya ang natapos kung pag-aaral. Tinulak ko ang pinto at pumasok sa office ni Doc. Sanchez ang doctor na papatayin ko, gumagawa kasi ng drugs ang isang ito. At mas gusto ko talaga siyang patayin dahil alagad to ng hinayupak kung ama. "Good morning Doc." Bati ko sa kanya, mabilis itong tumingin sa akin at ngumiti. Mabilis nitong pinindot ang remote control niya sa pinto at ngumiti sa akin. What a f*****g pervert Doctor. Tinaasan ko ito ng kilay at umupo sa upuan. "Nurse Jean gumanda kapa lalo. Napaka swerte ng hospital nato dahil may ganitong kagandang nurse." Wika nito, gago! Ngumiti ako sa kanya. "Thanks Doc. May kailangan po ba kayo sa akin." Tanong ko, iba ng pakiramdam ko sa kanya. "I will give you ten million, you want that?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, habang siya naman nakatingin lang sa mukha ko. "What? Para saan!" Wika ko at napatayo na ako, aba gago pala to. Sige mamamatay ka rin mamaya. "Be my s*x partner." Deretsong saad nito kaya napatawa ako ng pagak, gago! Nagkamali siya ng binastos niya, kahit tambakan ko pa siya ng pera ko makikita niya. Milyon niya lang ang pinagmamalaki niya. "I'm not a prostitute." Seryosong wika ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagngisi nito. "Name your price, I'm willing to pay you." Wika nito, napakuyom ako ng kamao ko. "Asshole!" Sigaw ko sa kanya at sinuntok ito sa mukha. Pareho talaga sila ng ama ko na babae ang buhay, kahit sinong babae papatulan. Kahit siguro aso na nakapalda papatulan niya. Mga gago! "What the f**k!" Sigaw nito, umupo ako sa mesa niya at tinanggal ang wig ko at inayos ang buhok ko. "Kung ako sayo, ayusin mo ang pagpili ng ikakama mo. Ayan tuloy nakapili ka ng maling babae." Wika ko sa kanya na ngayon at sapo na ang panga nito habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin. "Who the hell are you!" Sigaw nito at mabilis na binuksan ang cabinet niya at kinuha ang barel niya. "Anak ako ng boss mo, hindi mo ako kilala?" Wika ko at tumingin sa kanya, nanlaki ang mata nito at namutla. "Heal?" Saad nito kaya ngumiti ako sa kanya at bumaba sa mesa. "Nasaan ang hayop kung ama at mga babae niya?" Tanong ko sa kanya, nakita ko na napalunok ito at umurong. "Answer me!" Sigaw ko sa kanya, nanginginig ang kamay nito habang hawak ang barel. "Ano! Kanina ang lakas ng loob mo na bastusin ako pero ngayon mukhang napako ang bunganga mo! Sumagot ka kung ayaw mung hawakan ang ulo mo!" Sigaw ko sa kanya,mas namutla ito sa sinabi ko. "H-hindi ko alam." Nauutal na sagot nito sa akin, pinukol ko ito ng masamang tingin kaya mas nanginig ito sa takot. "Sasabihin mo o papatayin kita!" Sigaw ko sa kanya, umiling ito na hindi niya alam kaya napabuntong hininga nalang ako. Lumapit ako sa cabinet niya at kinuha ang glue gun na kanina ko pa nakita. Nilagay ko ito sa mesa niya, siya naman nakatutok lang ang barel sa akin,hanggang sa pagtutok lang ba siya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Blaze. "Yes?" Pambungad nito. "Hack the system in this hospital, mga ten minutes lang. Inform me if someone is approaching." Wika ko, tatapusin ko na ito kasi uuwi pa ako sa mahal ko. May tatapusin pa ako sa sitwasyon naming dalawa. "Copy that, Heal." Sagot nito at pinatay na ang tawag. Binaba ko ang cellphone ko at sinaksak sa outlet ang glue gun. "Magsasalita ka o ipapakain ko sayo ang glue gun na to." Banta ko sa kanya. "Kanang kamay ako ng ama mo!Hindi mo pwedeng gawin to!" Sagot nito sa akin. "Hindi ko na ama ang boss mo, kaya gagawin ko ang gusto ko." Sagot ko sa kanya, bumaling ako sa glue gun at tumutulo na ang glue stick na nilagay ko. "Huwag kang lalapit na demonyo ka! Paano ka nakapasok sa hospital na to! Mamatay tao ka!" Sigaw nito sa akin ng dahan-dahan akung lumapit sa akin. "Pinapasok mo ako diba?" Sagot ko sa kanya at ngumisi ng nakakaloko. "s**t! Jan ka lang!" Sigaw nito pero tuloy parin ako sa paglapit sa kanya. "Ang sabi ko--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sinipa ko ang barel niya at sinikmura ito. Napaupo ito ng dugo. Hinaklit ko ang collar nito at hinawakan sa panga sabay hampas sa semento na naging sanhi para mawalan ito ng malay. Hinila ko siya palapit sa misa niya at pinaupo. "Bakit ko ba tinanggap ang mission na to. Ang liit ng katawan ko para buhatin ang lalaki na to." Reklamo ko at sinipa ito sa hita. Hindi manlang nagising, ng maayos ko na ang pwesto nito, inayos ko muna ang sarili ko. Itinali ko ang kamay niya gamit ang nicktie nito at suit. Sinampal ko ito ng sobrang lakas kaya nagising sa pagkahimatay. "Sampal lang pala ang makakagising sayo asshole." Saad ko sa kanya na ngayon ay halos patayin na niya ako sa mga tingin niya. "Hayop ka Velbet!" Sigaw nito, alam ko naman na kilala niya ako. Sabi niya nga kanang kamay siya ng ama ko. Kaya alam niya kung ano ako. "Salamat nalang. Pero mas masahol pa ako sa hayop, kagaya ng ginawa ko sa babae mo at ng ama ko." Wika ko sa kanya,nakita ko ang pagkuyom nito. "Walang hiya ka!" Sigaw nito. Malakas na napatawa ako sa inasal niya. "Alam ba ng boss mo na ang babae niya ay babae mo rin?" Tanong ko sa kanya. Traidor na alalay ang isang ito. Sulitero. "Paano ko ngaba pinatay ang haliparot na iyon? Ah, pinakain ko pala sa kanya ang dibdib niya. Pero bago iyon pina rape ko pa siya sa mga preso. Ilang nga ba ang mga lalaki na iyon, nasa singkwenta ata." Wika ko habang nakaharap sa kanya, Yeah ginawa ko talaga ang bagay na iyon sa mga babae ng tatay ko. Binaboy niya ang Mommy ko kaya kulang pa, wala pa ang araw na magkakaharap kami. At malalaman niya ang kaparusahan niya, ako mismo ang papatay sa kanya. "Hayop ka Heal! Napakasama mo!Anak ka ng demonyo!" Sigaw nito. "Anak naman talaga ako ng demonyo, boss mo pa nga. Ngayon nasaan siya!" Sigaw ko sa kanya, aware naman ako na sobrang sama ko, hindi na pang tao ang ginagawa ko. Mas masahol pa kami sa hayop. "Manigas ka! Hindi ko sasabihin sayo!" Singhal nito sa akin. "Ipapadala ko nalang ang ulo mo kanya." With that kinuha ko ang glue gun at nilagyan ang mukha nito. Umuusok ito sa sobrang init, halos mabingi ako sa sigaw niya. Kaya pinakain ko ng stick glue para tumahimik, lahat ng bahagi ng mukha niya nilagyan ko. Hanggang sa mata at butas ng tenga niya. "Hindi mahaba ang pasensya ko, kay Ice lang mahaba ang pasensya ko asshole!" Wika ko at tinapon ang glue gun. Pinulot ko at barel na hawak niya kanina at ginamit ito para maputol ang ulo niya. Sinilid ko ito sa kahon at binalot, bumaling ako sa bangkay niya at ngumisi. Mabuti nalang pala tinanggap ko ang mission na to, napatay ko ang isang alagad ng salot kung ama. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Blaze. "Ilabas mo na ako dito." Wika ko, hawak na ni Blaze ang system ng hospital na to. "Sundin mo ang ituturo kung daan." Sagot nito sa akin at pinatay ang tawag. Kaagad kung nilagay ang earpiece ko at narinig ang boses ni Blaze. Kung magaling si Blaze sa computer mas magaling si Thres. Thres is a computer genius. Binitbit ko ang kahon na naglalaman ng ulo niya at sinunod ang daan na itinuturo ni Blaze. Mission accomplish.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작