ALPHA
Papalubog na ang araw, ngunit hindi ang pag-asa sa puso ng babaeng pilit na tinatakasan ang mga kalalakihang humahabol sa kanya sa masukal na kagubatan. Ilang oras na rin siyang tumatakbo, nagtatago.
She should not be running, dapat ipaglaban niya ang sarili niya. But she could not. Papatayin lamang siya ng tauhan ni Doña Efifania, ang babaeng malaki ang galit dahil sa ginawa niya. Kaya heto siya ngayon, tumatakbo at tumatakas na walang direksyon at walang patutunguhan.
“Halughugin niyo ang buong paligid! Siguradong ‘di pa siya nakakalayo!”
Napakislot si Paisley at lalong napasiksik sa mataas na talahibang pinagtataguan nang marinig ang sigaw na ‘yon mula sa isa sa mga tauhan ng Donya. Sigurado siyang hindi titigil ang mga ito hangga't ‘di siya nakikita at napapatay. She is emotionally tired, but she doesn’t want to give up. Hindi siya papayag na matatapos sa ganito ang buhay niya.
Kailangang mag-isip ni Paisley ng paraan kung paano iligtas ang sarili sa mga humahabol sa kanya pero kahit anong pilit niya ay wala pa rin sa tamang huwisyo ang kanyang utak. Hanggang ngayon, tuliro pa rin siya sa nangyari. Lahat ng tapang at lakas ng loob na ilang taon niyang inipon ay biglang nawala sa isang iglap at iyon ang humihigop sa lakas niya.
Ang matalim na dahon ng talahib na pinagkukublihan ay humihiwa sa balat niya ngunit balewala ang sakit no’n kaysa sa hapdi na kinikimkim niya sa puso. At kahit nagkasugat-sugat na ang balat niya sa pagtatago at pagtakbo ay ‘di niya alintana. Ang importante ay matakasan niya ang armadong mga tauhan ng Donya dahil wala siyang laban sa mga ito. Wala siyang armas.
Napasinghap nang mahina si Paisley at bahagyang natigilan nang makarinig ng yabag na papalapit sa pinagtataguan niya.
Yakap ang sarili ay dahan-dahan siyang huminga upang hindi makalikha ng anumang tunog at pilit na pinakalma ang malakas na kabog ng dibdib.
“Bruno, pinapatawag na kayo ni Doña Efifania. Sa bus station kayo maghanap at mag-abang, baka maisipang lumuwas ng babaeng ‘yon!”
Inikot niya ang mga mata upang sulyapan ang pinagmulan ng boses. Nanlaki ang mata niya nang makita ang kanang kamay ng Donya na may hawak na baril habang minamanduhan ang mga tauhan nito. F*ck! If they see me, I am dead! Nakatalikod ito sa kinaroroonan niya habang kausap ang lalaking sa tantiya niya ay kakarating lamang doon.
“Oh, siya sige!” sagot ng lalaking tinawag na Bruno. Naglakad ito palayo sa pinagtataguan niya habang patuloy ang paglinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling makita siya.
Nakahinga nang maluwag si Paisley nang makitang tuluyang naglakad papalayo ang mga ito.
Pinalipas muna niya ang ilang sandali bago tuluyang lumabas sa pinagtataguan upang siguraduhing hindi na babalik ang mga ito.
Hinamig niya ang sarili saka dahan-dahang tumayo at yuko ang ulong naglakad-takbo palayo sa lugar na 'yon. ‘Di na niya alintana ang duguang damit at ang sira-sirang sapatos, ang mahalaga ngayon ay makalayo siya. Mabuti na lang at bago pa siya tuluyang makalabas ng bahay ng Donya, ay nahablot niya ang leather jacket niyang nakasampay sa likod ng maids quarter kung saan siya dumaan kaninang madaling-araw.
Kahit papaano ay maitago niya ang duguang damit.
Hindi na niya mabilang kung ilang oras na rin siyang nagtatago at patuloy na tumatakas. Her body clock stopped and she couldn't tell the time dahil sa abala ang isip niya sa nangyari sa kasintahan. Her mind went into the whirlpool of chaotic scene while she was running away. Ang basehan lang niya ay ang papalubog na sikat ng araw.
Wala siyang ideya kung saan siya tutungo, walang direksyon ang bawat hakbang ng kanyang paa.
Napahinto siya at padausdos na sumandal sa nadaanang malaking puno ng napagtantong medyo nakalayo na siya.
Hindi niya napigilan ang mapaiyak nang muling naalala ang nangyari sa kasintahan.
“Hindler. . . Patawad! Patawarin mo sana ako. Alam kong alam mo kung ano ang totoo,” pigil niya ang pagtangis habang sapo-sapo ang dibdib dahil sa sakit at pait na nararamdaman. Pero kahit anong bagsak ng luha niya ay naroon pa rin ang sakit at hindi maalis, ni hindi nabawasan. She felt a pang of pain as it jostled her heart.
Why this goddamn tear can't take my pain away? Why? You have been flowing in my eyes for hours! Bakit hindi mo man lang kayang bawasan ang sakit na nararamdaman ko? Bakit hindi mo kayang pagaanin ang bigat na nasa dibdib ko? Impit na iyak ng isip niya habang patuloy pa rin sa pagluha.
Kaya nga bang bawasan ng luha ang sakit na dinaramdam? Kaya nga ba nitong tanggalin?
Damn you, tears! Ikaw ang naging karamay ko sa sakit, pero wala kang kuwenta! Lalo mo lang dinadagdagan ang sakit sa puso ko! Sana sa pag-agos mo sa mukha ko at pagpahid ko sa daloy mo, isabay mo na ang sakit na nararamdaman ko! ‘Di ba ikaw ang kakambal ng sakit? Sana pag pinahid kita sa pisngi ko, pahirin mo rin ang sakit sa puso ko! Iyon ang silbi mo ‘di ba? Ang magpagaan ng pakiramdam ng nasasaktan?
Sana nga, Paisley. Sana nga sa pagpahid ng luha ay mawawala na rin ang sakit. Sana gano'n lang kadali 'yon.
Nanatili siyang nakasandal sa puno kapagkuwan ay bahagyang ipinikit ang mga mata.
Pero makalipas ang ilang sandali ay may narinig siyang kaluskos hindi kalayuan sa kinaroroonan niya.
Naging alerto ang kilos niya at nagmulat ng mata saka mabilis na tumayo. Inilibot ni Paisley ang tingin sa paligid. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang makitang walang ibang naroon kundi isang monitor lizard na kumikiwal ang dila habang ang mata ay nakatingin sa kanya kung iyon man ang pagkahinuha niya.
“What? You are stucking out your tongue on me? Iniinsulto mo ba ako dahil luhaan ngayon ang tulad kong bato ang puso?” Wala sa sariling kausap niya sa bayawak habang nakatingin ito sa kanya na kumikiwal ang dila. Napailing siya.
“Ahh!!! I am going insane! Pati bayawak kinakausap ko na!”
Ipinagpatuloy niya ang paglakad-takbo habang binabaybay ang masukal na kagubatan. Alam niyang malayo-layo na rin ang natakbo niya mula sa Casa Merah dahil ramdam na niya ang pagod ng katawan lalo na ang nagdurusa niyang puso.
Napagpasyahan niyang magpahinga pero ayaw sumunod ng isip gustuhin man ng pagal niyang katawan.
“No! I still need to go farther away from them! Hindi ako magpapahuli sa kanila at pagbayaran ang kasalanang hindi ko ginawa kahit pa ako ang nagsimula. Mamumuti muna ang uwak bago ninyo ako mahuli!”
Ipinagpatuloy niya ang mabilis na paglalakad. Tiniis niya ang uhaw at gutom. Hindi niya kailangan ng pagkain. Iisa lang ang kailangan niya at alam niya sa sarili niya kung ano 'yon. Hindi pala ano, kundi sino. Si Hindler.
Patindi ng patindi ang pagod at uhaw niya habang lakad-takbong binaybay ang masukal na gubat. Pagal na ang katawan niya at talagang nangangailangan na ito ng pahinga.
“Lord. . . wala po akong kasalanan! Why the heck are they after me?”
Naging mabagal ang hakbang niya nang makarinig sa ‘di kalayuan ng lagaslas ng tubig. Tuluyan siyang napahinto sa paglalakad. Lalo siyang nagmadali sa pagkilos at sinundan ang pinagmulan ng tunog.
“Wow, at last! Makakainom na rin!” bulalas niya nang makita ang isang napakalinaw na batis. Napalis ang uhaw at pagod na naramdaman niya nang bumulaga sa kanya ang nakakabighaning ganda ng malamyos na pag-agos ng tubig sa falls. Ngayon lang niya nasilayan ang tanawing ito kaya alam niyang malayo na siya sa Casa Merah.
“I finally figured out how to get out of this jungle. I just need to follow the trail of this river!” excited na bulong niya. Lumuhod siya sa gilid ng ilog saka isinandok ang dalawang palad upang makainom ng tubig. Naghilamos na rin siya ng mukha upang maging presko ang pakiramdam.
“This is refreshing!”
Saglit niyang nakalimutan ang problema habang nakatingin sa payapang agos ng tubig. Waring tinatangay nito ang problema niya. Muli siyang sumandok gamit ang dalawang palad upang uminom ng tubig mula sa ilog at patirin ang uhaw na nararamdaman para magkaroon siya ng panibagong lakas.
Pero traidor ang kapayapaan dahil muling dumaloy sa isipan niya ang alaala ni Hindler.
“Hindler. . . bakit kailangan humantong sa ganito? Bakit kailangan mo pang ma—” Natigilan siya nang biglang may maulinigang halakhakan papalapit sa kinaroroonan niya.
Alerto siyang tumayo. Mabilis pa sa kidlat na nagtago siya sa malaking puno na napapalibutan ng mayabong na palumpong ng halaman, habang sinusuri kung sino ang nagmamay-ari ng boses. Ilang metro ang agwat niya sa mga ito.
“Itay, puwedeng bukas isama ninyo po ako ulit sa bayan? Ang saya po kasi 'ron eh!”
Nangunot ang noo ni Paisley bago sinilip muli ang nagsalita. Isang batang babae kasama ang sa hinuha niya ay ama nito. Tumigil ang mga ito sa batis upang makiinom.
May malapit na bayan dito? Maybe I can hitch a ride? Her subconscious asked.
Napangiti siya nang marinig ang sagot ng ama sa anak nito.
“Oo naman, anak. Isasama kita! Magaling ka yata makipag-sales talk. Kita mo ambilis maubos ng tinda nating gulay!” wika nito at itinaas ang hawak na basket. “Aba, ikaw yata ang swerte ko!” Nakangiting wika nito at bahagyang ginulo ang buhok ng anak.
Napangiti ang dalaga sa nasaksihan. Ganitong-ganito rin ang ginagawa sa kanya ng papa niya noong bata pa siya. Pinupuri siya sa tuwing may bago siyang achievements sa school.
Lalo siyang nakaramdam ng hungkag nang biglang maalala ang ama. Matagal na rin simula nang sumakabilang-buhay ito.
Napasandal siya sa puno at niyakap ang sarili. Kailangan niyang magpahinga at bukas ay panibagong araw na naman ng pagtakas.
“Basta ba, magising ka lang ng maaga eh.” Dagdag pang wika ng ama sa anak nito.
Nakaramdam ng saya si Paisley nang marinig iyon. Napagpasyahan niyang sundan ang mga ito bukas papunta sa bayan na sinasabi ng mga ito.
Kaya ang ginawa niya ay tahimik niyang sinundan ang mag-ama hanggang makarating sa tinitirhan ng mga ito.
Tumambay siya ‘di kalayuan sa bahay ng mga ito pero kitang-kita pa rin niya kung sakaling aalis na ang mga ito upang pumunta sa bayan.
Buong gabi ay naging alerto siya habang pinagmamasdan ang paligid. Kahit pagod ay naging mailap ang antok sa kanya, kaya nang sumapit ang madaling araw ay mulat na siya at handa nang sumunod sa mag-ama na maagang lumuwas papunta sa bayan na sinasabi ng mga ito.
Maingat ang bawat paghakbang na ginawa niya upang ‘di siya mapansin ng dalawa. Sanay na rin naman kasi siya. Sa klase ng trabahong pinasukan niya ay madali na niya itong nagagawa. Ang maglakad na parang pusa na ‘di nakakalikha ng anumang ingay.
Mabilis din siyang nagtatago sa tuwing lumilinga ang taong sinusundan niya. Pinanatili niya ang distansiya sa mga ito upang hindi siya makita. Gustuhin man niyang lumapit at tulungan ang mga ito sa pagbuhat ng dala-dalang sako, na sa tantiya niya ay ang sinasabi nitong paninda, ay ‘di niya magawa. Baka kung ano pa ang isipin ng mga ito sa kanya. Lalo na sa ganoong oras at lugar. And worst, baka makilanlan lang din siya ng mga ito.
Habang unti-unting lumiwanag ang paligid ay unti-unti na rin niyang namamataan na palabas na sila ng kagubatan.
Halos magdadalawang oras na rin ang tahimik na pagsunod niya sa mga ito ng mamataan niya ang maliwanag na kalye, ilang metro sa kinatatayuan niya. Lumiwanag ang mukha niya sa nakita.
“Ito na kaya ang bayan na sinasabi ni Manong?” Nakangiting bulong niya. “Salamat manong, one day, I will pay you for helping me in a different way. Thank you.”
Ipinuyod niya ang lampas balikat na buhok at isinuot ang hood ng suot na jacket. ‘Di pa gaanong maliwanag ang paligid pero gusto pa rin niyang makasiguro na walang makakita sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa lugar kung pamilyar sa kanya ang kinaroroonan.
“Huh? Nasa kabilang probinsiya na pala ako?” napamaang siya nang malamang nasa Bukit Merah na siya. Malayo na ito sa pinagmulan niya.
Palinga-linga siya habang naglalakad at naghahanap ng pwedeng mapagtanungan. Kahit sabihin pang nakalayo na siya ay kailangan pa rin niyang makasiguro. Tulad nga nang narinig niya kahapon, nag-aabang sa bus station ang tauhan ng Doña.
Maimpluwensiyang tao si Doña Efifania. Malakas ang connection nito lalo na sa gobyerno at marami itong tauhan. Isa ito sa makapangyarihang tao sa buong probinsya ng Casa Merah.
Ang kailangan ngayon ni Paisley ay makahanap ng pinakamalapit na bus station. She needs to find her luck upang makalisan at isa lang ang lugar na pwede niyang pagtaguan, ang magulong siyudad ng Maynila. Kailangan niyang bumalik doon para makasigurong hindi siya mahanap ng Doña. Sa lawak ng Maynila ay makapagpalit na siya ng alyas bago pa man siya makita ng mga ito.
Sa pagkakataong ito ay nasa side yata ni Paisley si God dahil agad na dininig ang hinaing niya. ‘Di na niya kailangan pang magtanong dahil papalapit na siya sa bus station. Kaswal siyang naglakad at tinungo ang bus na may signboard papuntang Maynila.
“Ito na. Finally matatakasan ko na rin ang mga bintang sa akin na wala namang katuturan. Paalam na rin sa'yo, Hindler, mahal ko,” piping bulong niya. Mabilis siyang naglakad palapit sa bus station at tinungo ang bus na papuntang Maynila. Ngunit bago pa man siya makalapit ay may mga kalalakihang isa-isang nag-inspeksiyon sa bawat bus na naroon.
“s**t!” Napamura siya at agad na naglakad pabalik. Lalo pa niyang ibinaba ang hood ng jacket na suot upang itago ang mukha habang nakayukong lumayo sa paradahan ng bus. Sa muli niyang paglingon ay nakita niya ang bus na papuntang Maynila na papaandar na.
“Oh s**t!” inis na wika niya. Pasimple siyang tumakbo upang abangan ito sa unahan. Ilang metro rin ang natakbo niya bago siya daanan ng bus. Mabilis niya itong pinara at kaagad na sumakay nang huminto ang sasakyan. Sinipat pa niya sa side mirror kung namataan siya ng mga kalalakihang ngayon-ngayon lamang ay naghahalughog sa kada bus.
Saka lamang siya nakahinga nang maluwag ng makasigurong wala ng humahabol sa kanya. Bago tinungo ang hulihang bahagi ng upuan ay nag-abot muna siya ng pamasahe sa konduktor at hindi na hinintay ang sukli. Mabuti na lang at laging nakatago sa bulsa ng pantalon niya ang wallet niya na walang ibang laman kundi ang pekeng ID saka dalawang libong piso. Nang makarating sa dulong upuan saka lamang siya nabunutan ng tinik sa lalamunan, lalo na ng umandar ang bus. She let go a deep sigh of relief and silently prayed.
“Thanks, God. Atlast. . .” mahinang usual niya. Ipinikit niya ang mata at printeng napasandal sa upuan. She usually doesn’t pray, lalo na kung misyon niya ang pag-uusapan. She only learned to pray again when she met Hindler.
Wala pang limang minuto na bumabiyahe ang bus at ‘di pa man siya dinalaw ng antok ay muli itong huminto at mula sa pintuan ay umakyat ang isang lalaking naka-black leather jacket na pinaresan ng itim na sumbrero. Kumabog nang malakas ang dibdib ni Paisley at lalong napasiksik sa kinauupuan habang hindi inaalis ang mga titig dito. Habang naglalakad ito papunta sa likurang bahagi ng bus ay lalong naging malinaw sa kanya ang pagmumukha nito.
“Huh? Ikaw?” nanlaki ang mga matang bulong niya. At halos masindak siya nang magtagpo ang mga mata nila.