HUWEBES, ito na nga ang araw ng ikaapat na laro ng CISA kontra sa ACLC. Nakakapanibago nga kung titingnan ang bilang ng mga manonood sa maliit na covered court ng kanilang paaralan. Punong-puno kasi ito. Hindi ito kagaya ng ibang school na may mauupuan ang mga manonood sa palibot. Kumbaga, kailangang matangkad ka at handa kang tumayo ng matagal para makita ang mga nasa loob ng court. Maswerte nga ang mga manonood na nauna sa stage at ang mga nauna sa mismong gilid ng lugar dahil hindi na sila mahihirapan. May iba rin namang mautak na nagdala na ng mga upuan ng matatayuan, ang kaso nga lang, ang daming nagreklamo na nasa likuran ng mga ito. May ilan ring mga taga-ibang schools nga ang walang mapwestuhan dahil puno na ang palibot ng paglalaruan. Wala tuloy silang choice kundi pagmasdan ang
QR 코드를 스캔하여 APP을 다운 받아 셀 수 없이 많은 스토리들을 무료로 즐기시고 매일 업데이트 되는 서적들을 감상해 보세요