Chapter 04

3039
Atarah Klyte YUMUKO ako ng bahagya at inaayos ang suot kong facemask. God, please sana po hindi niya ako mamukhaan. Hindi maaring makilala niya ako, masisira buhay ko. Lumunok muna ako bago ako nagsalita. "Alis na po ako." kinuha ko ang mga gamit na ginamit ko then bahagya akong yumuko. "Wait..." naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Rare sa balikat ko kaya napako ako bigla sa kinatatayuan ko. "P-po?" pinilit kong wag mautal pero nabigo ako. Hayz self, bakit 'di ka marunong umarte.Mahuhuli ka n'yan sa ginagawa mo, e. "New?" sobrang lamig ng boses niya na sobrang lalim. Bakit angpogi pakinggan ng mga lalaking gano'n? Oh d-mn. "N-no." "Ah, I see." inalis niya na ang pagkapatong ng kamay niya sa balikat ko. Kaagad akong umalis sa pwestong 'yun. D-mn. Ang bilis ng t***k ng puso ko! Muntik na 'yun! Habang naglalakad ako palayo sa Kwartong 'yon ay namataan ko si nurse Jaycee, ang nurse na papalit saakin kaya nabuhayan ang loob ko. Thank you Lord at makakauwi na rin ako. Tinignan ko ang wristwatch ko and 6:15 palang pala. Buti maaga si Jaycee ngayon. Thankful talaga ako! "Hey Jaycee! Ang aga mo ah? Hahaha." masayang bati ko sakanya. "Oo eh, bumabawi lang, last time kasi lagi ako late ih. Oh sa laboratory mo ba dadalhin 'yan?" tanong niya sabay turo sa dala ko. "Ah, oo eh." tumatangong sambit ko. "Oh sige na, Ako na magdadala. Mag out ka na. Halatang pagod ka na eh." nginitian niya ako habang naiiling iling pa. Mas lalong sumaya ang kabuuan ko dahil sa sinabi niya."Hala thank you!" masayang pasasalamat ko dahil mukhang dininghin na ng Diyos ang kahilingan ko. "No prob!" kinuha niya na saakin ang tray na hawak ko and naglakad na siya saakin palayo. Napabuntong hininga naman ako dahil makakauwi na ako, makakapahinga na ako kung saang walang Rare na iniisip. Kaagad akong pumunta ng staff room. para kunin ang mga gamit ko at pagkatapos ay pumunta ako ng nurse station para mag log out na. Habang papunta ako doon ay nakasalubong ko naman si Kristan na kakalabas lang ng elavator. "Oh baby Ath, uwi ka na?" mapungay pungay na tanong nito. Halatang pagod na pagod ito pero ang gwapo niya pa rin tignan. Well, that's my bestfriend. "Oo, eh ikaw ano oras out mo?" tanong ko. "Mamaya pang 7:30, kakatapos lang nga ng surgery ko eh." pinatunog niya kamay niya na halatang nangalay. "Oo nga daw balita ko successful ulit congrats doc, mang treat ka niyan." biro ko pa rito saka hinampas ng pagkalakalas ang kaniyang braso. "Thanks Baby, oh sige ba. Kailan ka ba pwede?" natatawang sambit nito. Dati palang tinatawag na ako nitong Baby. Walang malisya dahil boy bestfriend ko siya. "Bukas. Oh sige na alis na ako. Magpapasukat pa ako ng damit. Kitakits nalang bukas." kiniss ko siya sa cheeks at kaagad na iniwanan na siya roon. Nagmadali akong dumiretso sa Nurse Station at kaagad nag logout saka dumiretso ako patungo ng parking lot para kunin ang kotse ko. Sumakay na ako at mabilis ang oras, ilang minuto na ako ngayon na nag d-drive papunta sa botique upang magpasukat na ng damit para sa party ni Ate Akisha. Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay biglang nag ring ang phone ko. Kring! Kring! Kee is Calling... Sinuot ko ang earphone na nakakonek sa phone ko bago sinagot ang tawag na mula sa kaibigan ko. "Hello?" [ Ath? Kamusta naman sa p agbabalik trabaho mo? Nakita mo ba siya? ] Si Rare ang tinutukoy niya. Sinabi ko na sakanya kaaagad nung araw na nalaman kong si Rare ang doctor na galing ibang bansa at simula nun bukambibig niya na ang tadhana na raw ang naglalapit saamin. Posible raw na si Rare ang Forever ko. Lol. F-ck forever lang wala ako pake doon! Hindi totoo 'yun. "Buong araw ko sana siyang 'di makikita dahil succesful 'yung pagiiwas ko sakanya pero before akong mag out. Nakita ko siya and sobrang lapit naman and kinausap niya pa ako. Naka facemask ako nun. Sobrang kaba ko Kee. Grabe." [ Ano sinabi sayo? ] "Tinanong niya kung bago ba raw ako dun sa hospital sabi ko hindi." napabuntong hininga pa ako at inalala ang mga senaryo kanina. [ Hala? Panigurado namukhaan ka nun, I mean nabosesan. ] "Argh! Hindi pwede 'yun." frustrated kong sambit. Nakakainis naman kasi si Tadhana eh! Kala n'ya maganda pa 'yang ginagawang pang aasar saakin. [ Pwede 'yun Ath! Kahit ako naman siguro ih, hinding hindi ko makakalimutan ang babaeng desperada na magpabuntis saakin. Duh! ] Natahimik naman ako sa sinabi niya kasi narealize ko na tama naman siya. Eh 'yung mga tao ngangdesperadong awayin ako dati natatandaan ko pa. [ Ewan ko ba kasi sayo Ath, kung gusto mo magkaanak dapat alam mong 'yung anak mo kailangan magkaroon ng kumpletong Pamilya. He or she needs father, A Father who will protect them! ] Napangiwi nalang ako at napasuklay sa buhok ko gamit ang kamay ko. "No! I can protect my child naman ih. I can hire a guards !" giit ko pa dahil ayoko talaga magkaroon ng kahit anong relasyon sa kahit kaninong lalaki lalong lalo na sa makakabuntis saakin. [ Iba kasi 'yung Tatay Ath, ibang Iba. Princess or Prince deserve to have a king in their life. ] "Kee kasi, hindi ko siya gusto or mahal. Mahirap pakitunguhan kapag gano'n ikaw na rin naman nagsasabi hindi ba?And isa pa ang kapal ng mukha kong magpabuntis tapos pa papa ako ko lang sakanya, paano kung may girlfriend o asawa na pala 'yun diba? Ayoko na siyang mastress dahil ako lang may gusto nito." ''diba tama naman? Maganda ang magiging desisyon ko para sa kapakanan niya rin naman ang ginagawa ko. Ayoko na siyang magisip ng kung ano ano at problemahin 'tong magiging anak namin dahil ako lang may gusto nito. [ Ath! Ngayon mo lang ba naisip na possibleng may girlfriend or baka asawa na 'yang si Rare pagkatapos mong magpapabuntis sakanya? Malaking gulo kapag gano'n! STUPIDO ATARAH! ] Pinaikot ko ang mata ko kahit hindi niya naman makikita. "Oh kaya nga hindi niya na ako kailangan makita or malaman nito na buntis ako para walang gulo. Gets mo na?" [ Wow Ath, grabe 'yang mindset mo ha, grabe. Napaka impossible 'yung hindi ka niya makikita pero eto pa, paano naman kung wala siyang girlfriend or wife? Paano kung gusto ka niya panagutan? Paano kung willing ka niyang mahalin? Paano 'yun? Gusto mo ba 'yun? Matutunan mo naman siyang mahalin. ] Sarkastiko niyang saad siguro kung magkausap kaming dalawa sabay na kaming napapairap o 'di naman kaya nagsisitaasan ang nga kilay. "Hays. Ewan ko sa'yo. Mamaya nalang. Nandito na ako sa Botique. Babush! Lab u!" Inalis ko ang ear phone na suot ko saka ko pinark ng kotse. ••• BUMABA ako ng kotse ko para pumasok dito sa loob ng hotel Venue. Ngayon na ang araw ng kaarawan ni Ate Akisha labag man sa loob kong dumalo rito pero wala na akong choice. Tinignan ko ang orasan, Its already 8:20 pm. Kanina pang 7:30 nag start ang party and eto ako kadadating lang. Late ako pero I don't care pasalamat pa nga sila dumating ako sa party nila. Oo nga pala nakasuot ako ng black matte dress, backless. Bahagya rin naka reveal ang Clevage ko. Witwiw I'm so chix. Pagpasok ko sa Hotel ay inasist din ako kaagad ng isang babaeng staff. "This way po Ma'am." taas noo akong naglakad papunta sa garap ng isang malaking pinto. Nung nakadating na ako ay agad nila itong binuksan at ako naman'di na nagpatumpik tumpik pa pumasok na ako sa loob na taas noo kaya agad pansin ang presensya ko. Maraming nagsitinginan saakin, Including Mom, Dad, Ate Akisha and Si Charl. Nginitian ko sila nang matamis, wew plastic. I know right. Hindi ko sila pinuntahan dahil dumiretso ako sa table nina Mikee. Mababadtrip lang ako at baka mahaggard ako kaagad kung doon ako didiretso. "Oh buti dumating ka pa babaita!" nakangusong sambit ni Mikee. She's with her Boyfriend, Si Prince. Alam ko rin na nandito family nina Prince and Mikee ih. Family friend namin sila eh. "No choice syempre." kibit balikat na sambit ko. Kanina pa talaga ako ginugulo nyan. Text ng text, call ng call na kesyo nasaan na ba daw ako? Dadating pa ba ako. Kairita. "So ano na ganap? Inanounce na ba nila na buntis Si Ate?" sambit ko sabay upo at chineck ang face ko sa phone ko. "Ha what? Buntis siya?" gulat na tanong ni Mikee. "Oh yes, 'yun yung announcement nila." tamad na sambit ko. Spoiler ako bakit ba, tss. "Hindi pa pero mukhang ikaw na nag announce ih, look lakas lakas ng boses mo nakatingin 'yung iba dito." Napatingin naman ako sa mga kalapit table namin dito, At nakatingin nga sila. Napairap nalang saka binaling muli ang tingin kina Mikee. "Hey Ath, Si Ate mo papalapit dito oh." nginusuan ni Prince ang direskyon ni Ate Akisha and He's right papalapit nga siya rito. "I'm glad you came, Kala ko 'di ka na pupunta ih." nakangiting sambit ni Ate Akisha. She look so gorgeous today, gusto ko umirap pero h'wag nalang birthday niya naman, gift ko na 'yon. "Yeah right. Happy birthday." walang ganang sambit ko. "Thank you Ath." Akmang y-yakapin niya ako pero pinigilan ko na siya. "Hey tawag ka na ni Charl. Mag a-announce na ata kayo." malamig kong sambit. Ngumiti nalang siya ng mapait saka tumango then bumalik nalang siya sa table nila. Nag roll eyes ako sa binalik ko ang tingin kina Mikee and Prince. "You're so mean Ath. Dapat niyakap mo nalang siya tutal birthday niya." kunot noong sambit ni Mikee. "Nah, Ayoko. She's plastic and I'm hot baka masunog pa siya ngayon birthday niya." umiiling at nakangisi kong sambit. "Still Ath? 'di mo pa rin napapatawad Ate mo?" tanong naman ni Prince kaya natawa ako ng sarkastiko. "Nah, I already forgive her. Matagal na but 'di ko na kaya ibalik 'yung dati naming samahan." mapait kong sambit at nagkibit balikat nalang. Masakit na idulot niya pati na rin ni Charl sakin eh. "Ladies and Gentleman. It's time for us to know the announcement of Mrs. And Mr. Aquian! Once again let's welcome the birthday lady and her husband, give them around of applause." Hindi ko pinansin ang mga sasabihin dahil nakakabored lang. "Kee, kumain na ba kayo?" I asked. "Yes kanina pa." sagot ni Kee na nakatingin ngayon sa stage kung nasaan sina Ate. "I'm hungry." nakanguso kong sambit. "Pakuha nalang tayo. Hey Waiter!" tawag pansin ni Prince sa staff. "Yes, Sir and Ma'am?" "I want tempura, pasta and red wine pakibilis, I'm hungry na kasi ih." mariin kong sambit habang humihikab na nakakaantok naman 'tong party na 'to. "Ok po ma'am, wait a minute." "My wife, Akisha is 7 weeks Pregnant!" rinig kong masayang announce ni Charl dahilan kaya nagpalakpakan naman ang mga tao. "Bilis kumayod nitong si Charl ah, Nakadalawa na nga. Ikaw Ath? Nga nga hahahaha."pangaasar ni Mikee kaya nginisian ko lang siya. Magkaanak din ako, malapit na. "Wala naman ngang Boyfriend si Ath, love eh, So what do you expect 'diba talagang nga nga pa rin si Ath. Siguro kapag mag a-asawa na rin siya baka dun mabilis din sila kumayod, lol. Ikaw ba Love gusto mo bang magsimula na akong kumayod?" napangiwi ako sa sinambit ni Prince habang umiinom ng wine. Yak. "Hahaha enebe pwede nemen." umakto ako sa parang nasusuka dahil naman sa naging reaksyon niya. "Yak lalandi n'yo naman." Cringe! "Ma'am eto na po." inilapag ng waiter ang pagkain ko sa table namin pero biglang, umikot ang sikmura ko nang makaamoy ako ng 'di kaaya-aya. "Eck~." napahawak ako sa bibig ko. naramdaman ko ang pagbaling ng tingina nina Mikee saakin. "Where's your restroom? Please assist me." sambit ko. Nakahawak ako sa bibig ko upang pigilan pa ang paglabas ng suka ko. May mga napatingin saakin pero hindi ko na ito pinansin at nagmadaling maglakad. "Ma'am dito po." tinuro ng waiter ang daan papuntang restroom kaya halos tinakbo ko na ito dahil puputok na talaga pero biglang may bumanga saakin kaya napaupo ako at napayuko. 'Di ko na napigilan ang aking sarili at nasuka na ako sa harapan nito. "What the hell, Are you ok Miss?" Parang biglang gustong bumalik ng sinuka ko ng sikmura ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun. F-ck no! Si Rare. Boses ni Rare 'to. Yumuko pa ako at humanap ako nang tyempo na makatakbo palayo dun. At nung makahanap na ako ay tinulak ko siya at kumaripas ng takbo. Imagine, Nakatakbo ako habang nakahills. Amazing! "Hey Miss!" nagmadali akong tumakbo at nung mamataan ko na ang restroom ng babae ay kaagad akong pumasok dun. Hingal na hingal ako habang nil-lock ko ang pintuan ng restroom. Bakit siya nandito? He's invited? What the ef? Bakit gano'n! So Ininvite ni Ate ang first love niya or EX niya for what reason? Just f-ck? Bakit? Bakit han'to? Bakit lagi nalang nagtatagpo landas namin nun. Anong gagawin ko!? Baka sumunod pala siya, vaka nasa labas siya. D-mn. Hindi ko pa dala 'yung phone ko! Naghilamos ako ng mukha, simple lang Naman make up ko, and it's waterproof kaya 'di pa rin siya nabubura. Tadhana! Ano ba talaga plano mo saakin! Pinapahamak mo naman ako ih, the more na ayaw ko siyang makita, the more naman na lagi mong pinag tatagpo landas namin. Tumulala pa ako sa salamin ng mahigit 20 minutos bago biglang may kumatok sa Pinto. "Hey Ath?" rinig kong tawag mula sa labas ng restroom. "Mikee!" "Open this door, Ath." "Wala bang ibang tao d'yan?" kinakabahan kong tanong. "Wala, why?" binuksan ko kaagad ang pinto at hinila siya papasok sa Loob. "Ok kalang ba? Ha?" nagaalalang Tanong ni Mikee. "No Hindi! Nandito si Rare. Nakabangaan ko siya sa harap niya pa mismo ako nasuka." "What?! Seryoso ba 'yun? Eh? Ansabi niya?" "Buti nalang nakayuko ako nun, tapos tinakbuhan ko siya tinawag niya ako pero dire-diretso ako dito. Ayoko lumabas baka nasa labas pala siya, tapos nakita niya ako edi sayang effort ko sa pagtakbo 'diba?" "Buti nalang pala talaga pinuntahan kita dito kasi ang tagal mong wala dun, Hinahanap ka na din ni Mommy mo." "Ayoko na bumalik dun, baka nandun si Rare!" "Eh paanong nandito kasi 'yung lalaking 'yun? Ininvite siya ni Ate mo? 'Diba sabi mo saakin Ex siya ng Ate mo?" "Oo baka siguro, ano ng gagawin natin?" "Gan'to, diretso ka na sa labas then punta ulit ako dun sa party para kunin 'yung phone and bag mo, Ok?" "Oh sige, doon ako pupunta sa parking lot sasakay na ako ng kotse." "Oh sige Tara." si Mikee ang nagbukas ng pintuan ng restroom then luminga linga siya para makumpirma kung may tao ba. "Tara, walang tao." naunang lumabas si Mikee kasunod ako. Binilisan namin ang paglakad at sa kasamaang palad ay may nakasalubong kaming alagad ng magulang ko. "Ma'am Atarah. Hinahanap ka po ng Mommy and Daddy n'yo." sambit ni Manang Olivia na mayordoma namin sa Bahay. "Ahm, pakisabi po. Hindi nyo ko nakita, At umuwi na ako." "Ma'am, mainit ulo ng Daddy n'yo po. Papagalitan po ako kapag hiindi ko kayo nadala sakanya." mapayuko ito dahil halatang ayaw natatakot siyang mapagalitan. "Ako bahala sayo Manang." nagtitiim bagang na usal ko. "Ma'am please po? Ayoko pong matangal sa trabaho eh." napabuntong hininga naman ako at napa kagat sa labi. "Oh sige na po, una ka na po. Sunod po ako. Promise po." sumusuko kong usal. "Talaga po? Thank you po Ma'am. Sige po hinihintay ka na po nila doon." Tinanguan ko siya. Naglakad na siya palayo, tapos nagkatinginan naman kami ni Mikee. "Oh ano? Babalik ka do'n?" tanong nito. "Oo saglit lang. Tara na." nagmadali kaming maglakad pabalik dun sa Party. Nilibot ko ang paningin ko at sa kabutihang palad ay wala namang Rare akong nakita kaya nakahinga ako ng maluwag, nawala ang kabang nararamdaman ko. Dumiretso kaagad kami sa table namin, kung saan nakalagay ang phone and bag ko para diretso na ang pag alis ko mamaya. "Ath, napano ka? Ayos ka lang ba? By the way kanina ka pa hinanap dito ng Ate mo." salubong ni Prince saamin. "Ok lang ako. Sige, sige." "Ye----."naputol naman ang sasabihin ni Prince nang biglang may tumawag saakin. "Atarah!" napalingon naman ako sa tumawag. Si Ate Akisha, napairap nalang ako at napailing. Tutal birthday niya pagbibigyan ko siya ngayob. "Wait lang. Puntahan ko lang si Ate." nakamake face ako nung lumapit ako dun sa pwesto ni Ate. "What?" "Kala ko umuwi ka na, eh." mapait na sambit niya kaya binigyan ko siya malamig na tingin. "Pauwi palang actually." cold na sambit ko. "Ambilis naman. Kumain ka na ba?" "So, She's Atarah?" nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na 'yun na likuran ko. Oh no. Baka hindi naman, baka mali lang ako. Hindi siya, 'to. Hindi pwede. "Ahm, Yes. She's my sister." nakangiting usal ni Ate kaya napalunok ako at di ko magawa siyang harapin. "Hey Atarah, nice meeting you..." hindi pa rin ako gumalaw at pakiramdam ko kinakapos na ako sa paghinga. "Ath, hey? Are you ok?" nagaalalang sambit ni Ate nang mapansin niya ang reaskyon ko. Napatango nalang ako atahan dahan akong lumingon sa likod ko."S-shit." nauutal na mura ko nang makita ko ang kabuuang mukha ng lalaki. Si Rare nga. Nakangisi ito, At nakatingin nang diretso saakin mga mata na para bang sinasabi na. 'Hey, remember me?' "Hey Ath." napaiwas ako ng tingin kay Rare at nagbaling ng tingin kay Ate. "Ahm, Yes. Ah nice meeting you too Rare." inilahad ko ang kamay ko at nakipag kamay sakanya apra hindi halata. Kailangan ko nalang umarteng 'di ko siya kilala. Nangilabot ako nang dumampi na ang kamay niya sa Kamay ko. Wth! "Kilala mo siya Ath?" nagtatakang tanong ni Ate. Sh-t, nahuli ako do'n ha! Bakit ko sinabi ang pangalan niya? Nasaan na 'yung sinasabi kong a-arte ako? Eh, bigla kong nabanggit ang pangalan niya. "Ofcourse, She know me. Very--very much.."nakangisi na sambit ni Rare at biglang gumalaw ang panga niya. Gusto ko nalang magpakain sa lupa, wala na akong kawala ngayon. Paano na 'to?
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작